28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dead

.

Matagal bago ako natapos umiyak. Matagal bago ko nakumbinsi ang sariling huminahon at magpakatatag.

I am currently staring at our wooden wall while Alon is serving me the food that he cooked.

"Wala akong ganang kumain," I told him, covering my nose as the smell of the sardines he cooked makes me want to puke.

"Kailangan mong kumain. Hindi lang ikaw ang magugutom kung di pati na rin ang baby mo kung di ka kakain," pagpapangaral niya.

Bigla namang napantig ang aking tenga at wala sa sariling naalala ang ama ng aking anak. Agad na lumipad ang aking isip kung nasaan siya at naisip ko rin agad na makipag-usap sa kaniya. But all of my thoughts got interrupted with a sudden loud bang on our front door.

"Dito ka lang. Kumain ka na, ako na ang bahalang magbukas ng pinto."

Tumango ako kay Alon at kahit pilit ay sinubukan kong kumain para magkalaman lang ang sikmura. Nasa akto na ako nang pagsubo ng pagkain nang biglang may humaklit sa aking buhok,

"Ikaw?! Bakit bumalik ka pa rito?! Malas ka sa buhay namin! Bakit ka nila hinayaang makatakas sa kulungan?!" galit na galit na sigaw ni Auntie Joanna habang kinakaladkad ako palabas ng aming bahay.

"A-aray!" dumaing ako sa sakit habang ang isip ay agad na inalala ang batang nasa sinapupunan ko.

"Bitiwan ni'yo siya!" agad na umawat si Alon at sinubukan kaming paghiwalayin ni Auntie Joanna. Ngunit biglang dumating si Uncle Leody para pigilan si Alon sa pag awat kay Auntie Joanna kaya naiwan akong sunod-sunuran sa bawat hatak ni Auntie.

"H-huwag po! Huwag n-ni'yo po akong saktan! Parang-awa ni'yo na..." agaran kong pakiusap.

Hawak-hawak ko ang kamay ni Auntie Joanna na mahigpit pa rin ang pagkakakapit sa aking buhok habang hinahayaan ko ang aking katawan na matangay kung saan niya gusto.

"Nagmamakaawa ka? ha?! Umaasta ka ngayong kawawa pero hindi ka na awa sa ginawa mo sa anak ni Sir Bong?! Pati ang trabaho namin ng Uncle Leody mo ay nadamay dahil diyan sa kasamaan ng ugali mo!" nanlilisik ang mata niyang sumbat sa'kin.

"W-wala po akong k-kasalan," I tried to explain but all my words got muffled when she slapped me in the face.

Panandalian akong nabingi dahil sa lakas ng kaniyang sampal. Ang tanging narinig ko lamang ay isang matinis na tunog na siyang nagpasakit sa aking ulo.

I wasn't fully recovered yet from the slap she gave me when she grabbed my hair again and forcefully threw me out of the house.

"Mga kapit-bahay! Hali kayo at tulungan ni'yo akong parusahan ang babaeng ito! Dapat siyang masaktan dahil sa pananakit na ginawa niya sa anak ni Sir Bong!" my auntie said that sent deadly shivers through my spine.

Umiling ako.

"H-hindi. H-huwag!"

Sa nanginginig na tuhod ay pinilit kong tumayo. Hindi ko pa man naihahakbang ang paa upang tumakas ay nahablot na ulit ni Auntie ang aking buhok.

I opened my eyes and even though I almost got blind because of the tears, I can still properly see the hatred these people are giving me. Unti-unti silang lumapit sa kinaroroonan namin ni Tita at nakapostura sa paraang handang-handa akong saktan.

"H-huwag. Maawa po kayo..." I said, begging, couldn't catch my breath anymore as I thought of the baby inside me.

Tinulak ako ni Tita palapit sa mga tao at wala pang isang minuto nang magsimula silang batuhin ako ng kung ano-ano.

I automatically curled my body and protectively hugged my tummy to shield the baby. Naramdaman kong hinagisan nila ako ng itlog, ng buhangin, ng kung ano-anong basura, at ng bato na tumama sa aking likod. And I couldn't do anything but to receive all their hatreds without being able to clear my name or to shout at them to stop. All I could do was whisper and cry.

Ikinuyom ko ang kamao dahil sa galit na nabuo sa aking dibdib. I never thought that this would happen to me. Ako ang naapi at patuloy pa ring inaapi. And just when I thought that this pain is the most painful, para akong sinaksak ng kutsilyo ng paulit-ulit nang makita ko ang aking kapatid na nakadungaw sa bintana, walang ginagawa, nanonood lamang sa ginagawang pang-aalipusta sa akin ng aming mga kapitbahay.

Masakit pala. Sobra.

Na pati ang inaasahan kong magtatanggol sa'kin, ang kapatid na akala ko'y lagi kong kakampi ay walang pakialam sa nangyayari. At mas dumagdag pa sa sakit na nararamdaman ko ang kawalan niya ng simpatya. He looks at me as if what our neighbors are doing is not enough. Na parang kung kaya niya ay siya mismo ang mananakit sa'kin.

I catch my breath as I struggle to breathe.

What did they do to my brother? Why did his behavior turn from being behaved to being so rough?

"Itigil ni'yo na 'yan kung hindi ay ipapabaranggay ko kayo!" sigaw ni Alon nang makawala sa kamay ni Uncle Leody at agad akong prinotektahan.

"Sige subukan ni'yo pang mambato nang sa gano'n ay kayo naman ang mabulok sa kulungan!" galit na galit niyang sigaw.

Pumikit ako nang mariin at humawak sa kaniyang palapulsuhan. Umalingaw-ngaw ang aking malakas na pag-iyak habang pilit na kumakapit kay Alon na para bang sa kaniya ako kumukuha ng lakas.

Inalalayan niya akong tumayo. Ang kaniyang kanang braso ay nakapulupot sa aking bewang habang ang isa ay nakahawak sa aking batok at pilit akong sinusubsob sa kaniyang dibdib.

Dahan-dahan kaming naglakad pabalik sa bahay at nang makapasok ay sinara niya kaagad 'yon. Pinaupo niya ako sa kahoy na sofa at agad na inabutan ng tubig.

"Ayos ka lang?"

I bitterly smiled.

Silly for him to ask me, that.

Hindi ako sumagot at uminom na lang ng tubig upang itago ang aking mumunting hikbi. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad sa kusina para kumain na parang walang nangyari. I scooped some rice and shoved it in my mouth while my tears were constantly pouring.

Napagtanto ko na hindi pwedeng mahina ako lalo na't kailangan ako ng anak ko. Hindi pwedeng mabugbog ang aking katawan at hindi pwedeng walang laman ang aking sikmura.

I continued eating while having the thought of giving up my right. Na wala akong magagawa upang malinis ang aking pangalan dahil lahat ng taong naririto ay sarado ang pandinig. All I could do at least is to be strong. For myself and for my baby.

Nang matapos akong kumain ay nagtungo naman ako sa banyo upang linisin ang sarili. Hinaplos ko ang aking katawan at dinamdam ang sakit na nararamdaman nito. Bawat sugat, bawat pasa, ay masuyong pinapadaanan ko ng aking palad.

I closed my eyes and promised myself that I will not let this happen to myself anymore. Hinding-hindi ko papadapuin, kahit ang daliri man lang nila sa aking balat.

I opened my eyes and realized that I'm already tired of fighting. Fighting for my right that I know I deserve but I couldn't have. Napagtanto ko rin na nakakapagod na lagi na lang umiiyak. Nakakapagod na lagi na lang akong kawawa.

I stayed in our bathroom for I don't know how long. Hindi ako umiiyak. Hindi ako nagwawala. Hindi ako nagiisip ng malala. I am just...blank.

"Sofia? Matagal ka pa ba?" ang tinig ni Alon ang nagpabalik sa akin sa realidad.

Pinilit ko ang sariling kumilos at nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo. Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mata ni Alon. Sa kaniyang magkabilang kamay ay may nakita akong bulak at alcohol.

"Halika, gamutin natin ang mga sugat mo."

Again, I smiled bitterly.

Tahimik akong lumapit sa kaniya at hinayaan siya sa gusto niyang gawin. Pumipikit ako sa hapdi tuwing nilalagyan niya ng alcohol ang aking sugat. Ilang sandali pa ay natapos rin siya sa kaniyang ginagawa.

"Ok na! Gagaling 'yan agad," he said, smiling.

The corner of my lips curved,

How I wish he could also heal my heart that has been broken a lot of times.

Tumayo ako at naglakad papuntang sala. Tiningnan ko ang pinto ng kwarto kung saan naroroon si Tristan.

Hindi na ako nagtangkang kumatok ulit sa kaniyang kwarto at imbis ay humilata na lamang sa malamig na sahig dito sa sala. I closed my eyes and wished to never wake up again.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nahihila ng dilim ay may kumalabog na naman sa pinto. The same harsh voice from earlier woke me up from my attempt to sleep. It was Auntie Joanna again.

"Hoy, bruha! Buksan mo ang pinto at gugupitin ko 'yang buhok mo! Ibebenta ko para may maipambayad ako sa kuryente dahil mapuputulan na kami!" sigaw niya mula sa labas.

Pinaghahampas niya ang pinto at nagbanta pang gigibain kung hindi ko iyon bubuksan.

Iginala ko ang paningin at nakitang wala si Alon. I looked at the closed door of the only room here again and sighed, knowing my brother is still probably in there. Mas mabuti na rin siguro na hindi siya lumabas dahil baka madamay siya sa gulong dala ko.

I chuckled. Hindi ba't damay naman na ang lahat sa gulong hindi naman ako ang gumawa?

"Hindi mo rin ba bubuksan ang pinto? Huwag mong hintayin na tawagin ko ang Uncle Leody mo para sirain ito!" she yelled.

Hinawakan ko ang buhok na lagpas na sa aking bewang. Walang emosyon ko iyong hinaplos. Gamit ang goma ay tinali ko iyon sa mababang pag-kapusod.

I got on my feet and opened the door. Nakita ko si Auntie Joanna na nanlilisik ang mata. Tinulak niya ang pinto dahilan para mapaatras ako ng kaonti at lumuwag ang awang. Pumasok siya sa bahay at walang pakundangan akong pinatalikod. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang ang aking buhok na ginugupit niya.

I closed my eyes and reminded myself again to be strong. Nang matapos siya sa paggupit ng aking buhok ay walang sabi-sabi siyang umalis ng bahay at iniwan akong tulala habang ang aking buhok ay hanggang tenga ko na lang.

Gusto kong umiyak pero nang maalalang nakakapagod maglabas ng luha ay hindi ko na ito tinuloy. Instead, I closed the door and went back to sleep. Forcing myself to think that I just came from the salon and got a very good haircut.

Nagising ako dahil sa magagaan na kamay na humahaplos sa aking buhok. I opened my eyes and got greeted with Alon's concerned eyes. Umiwas agad ako ng tingin dahil hindi ko kayang tingnan ang kaniyang mga matang napupuno ng awa para sa'kin.

Alam kong gusto niyang magtanong kung ano nangyari aa aking buhok ngunit wala akong sapat na lakas upang sagutin siya. I couldn't even look at myself on the mirror. Hindi ko kayang makipagsukatan ng tingin sa mga mata kong napupuno ng lungkot.

Tumayo ako at agad na nagpunta sa kusina para maghanda na ng makakain. I looked at Alon,

"Si Trisha?" I asked him.

"Si mama muna ang nag aalaga."

"Huh? Di ba may sakit ang mama mo?"

This time, he was the one who looked away.

"Magaling naman na si mama at gustong-gusto niya na alagaan si Trisha kaya inihabilin ko muna sa kaniya. Pero tuwing na'ndito ako ay tinutulungan ko naman siya sa pag-aalaga at minsan ay pati si Tristan pinapatira namin sa bahay," he said.

Tumango ako, "Salamat."

Kumuha ako ng kaldero at nagsimulang magtakal ng bigas. Nang matapos ay hinugasan ko iyon at nilagyan ng tubig na sakto lang para maluto ito. Nagsiga na rin ako ng tuyong bunot para lumiyab ang kahoy na panggatong.

Nilingon ko ulit si Alon,

"Pwede ba akong pumunta sa inyo? Bibisitahin ko si Trisha at magdadala na rin ako ng pagkain para sa mama mo,"

Nag-aalala niya akong tiningnan, "Hindi ba't mas mabuti kung dito ka lang muna sa bahay manatili habang mainit pa ang mata sa'yo nang nakakarami? Ako na lang ang kukuha kay Trisha at ipupunta sa'yo,"

Umiling ako,

"Hindi maganda kung ipupunta mo rito si Trisha. Baka bigla ulit sumugod si Auntie Joanna," saad ko na nakapagpatigil sa kaniya.

"Isa pa ay gusto ko ring personal na pasalamatan ang iyong mama," I added.

Sa huli ay walang nagawa si Alon kung hindi ay sumangayon na lamang. Binilisan ko ang kilos at nang matapos sa mga niluluto ay hinanda ko na iyon para dalhin sa bahay nila Alon. Nagtabi rin ako ng sapat na ulam at kanin para kay Tristan na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas.

Isinantabi ko muna ang lungkot na naramdaman at nagtungo sa banyo upang magpalit ng desenteng damit. Pagkatapos ay kinuha ko na ang mga hinanda at muli'y tiningnan si Alon.

"Tara na?" I asked him. He looked at me like he was trying to read what's on my mind. And I bet he wasn't able to read anything because my mind is empty.

He sighed and then nodded. "Tara."

Hindi ko pinansin ang mga matang mapanghusga nang lumabas kami ng bahay. Diretso lang ang tingin ko at nakataas rin ang aking baba habang tinatahak ang daan papunta sa bahay nila Alon.

Alon is also ignoring everyone's eyes, as well as their whispers. He's just silently following me. Ngunit kahit piliin man naming dalawa na magbingi-bingihan ay may iilan pa ring mga bulungan na hindi nakatakas sa aming pandinig.

"Hindi ba't siya iyong pinagtulungan ni'yong saktan kanina?" rinig kong tanong no'ng isang ale sa isa pang ale.

"Oo, siya 'yon! Nagenjoy nga ako sa pambabato sa kaniya, deserve niya naman dahil sa ginawa niya sa anak ni Sir Bong."

"Bakit? Anong ginawa?"

"Ikaw naman! Bakit hindi ko alam, taga rito ka ba talaga?!"

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagkamot sa ulo no'ng ale. Hindi ko na sana sila muling tatapunan ng pansin nang biglang makarinig ng ikawawasak ng sira-sira ko nang mundo.

"Siya ang dahilan kung bakit depressed ang anak ni Sir Bong! At ang balita ko ay ikukulong na sana si Sofia ngunit hindi natuloy dahil humingi ng tulong si Sir Bong sa tatay ni Reje. At ang kapalit ng kaniyang pagtulong ay ang pagiisang dibdib ng kanilang mga anak!"

Kusang huminto ang aking mga paa. Hind ko sila nilingon pero ang aking tenga ay aktibong nakikinig sa kanila.

"Talaga?! Kailan daw ang kasal? Ang babata pa nila, a?"

"Sus! Parang hindi ka naman sanay dito sa ating probinsiya. Onse anyos pa nga lang ang mga babae rito ngunit may anak na. At isa pa ay malaki ang kapit ni Sir Bong, lalong-lalo na ang tatay ni Reje sa nakakataas kaya paniguradong kahit bata pa ay makakasal agad."

"G-ganon ba? Kung gano'n...kailan nga ang kasal?"

"Aba! Lintek ka taga rito ka ba talaga? Bakit huling-huli ka na sa balita?!"

"Lintek ka rin! Sabihin mo na lang kung kailan at huwag mo na akong laitin! Kailangan kong malaman kung kailan nang sa gayon ay makapaghanda ako ng mga supot dahil paniguradong magpapakain sila Sir Bong,"

"Magaling ka rin talaga! Aba'y ngayon pa lang ay maghanap ka na ng maraming supot dahil bukas na ang kasal!"

Nahigit ko ang paghinga at kusang tumulo ang luha mula sa aking mga mata na akala ko'y wala na. I thought my head was now empty but it suddenly got attacked by a series of different thoughts, making me dizzy, making me crazy.

Akala ko ay tanggap ko na.

Akala ko ay kaya ko na.

Ngunit ang pagiging blanko ng aking utak, na nagdulot ng panandaliang kaginhawaan, ay pansamantala lang pala.

;

XXVIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro