30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Assault

!!!

Lumipas pa ang maraming mga araw.

Rizalde has gone mute about the whereabouts of his father ever since that night. Sinamahan ko siya habang umiiyak at wari'y ibinuhos niya na noong gabing iyon ang lahat ng pangungulilang nararamdaman niya sa kaniyang ama.

It felt sad but I'm happy that he's moving on.

Nagpatuloy ako sa pagtuturo at pag nenegosyo. Ang maliit kong sari-sari store ay hindi ko namalayang naging grocery store na pala. At kung dati ay ako lang ang
nag tyatyagang mag tinda, ngayon naman ay may tatlo na akong tauhan na katuwang ko sa tindahan.

Kung dati rin ay puro gulay lang at kung ano pang makakain ang aking paninda, now I manage to put up a small printing shop na magagamit ng karamihan, maging ako, sa mga paperworks nila. Hindi na nila kailangang pumunta sa bayan para magpaprint dahil malapit lang ang bahay namin sa eskwelahan.

Everything is doing fine. And I'm happy because of everything that I achieved. May ipon na ako, naayos ko na rin ang kinabukasan ni Rizalde, may negosyo ako at sariling bahay. But there's still a part of me that has been missing. Kaya hindi ko magawang tuluyang maging masaya lalo na't alam kong may pamilya akong tinalikuran.

Trisha and Tristan...how are they? Kumakain ba sila ng maayos? May maayos ba silang tinitirhan? Nakapag tapos na ba sila ng pag-aaral?

How about mama and papa? Nahanap na ba ni papa si mama? Nakauwi na ba silang dalawa? Magkakasama na ba sila ngayon sa Cabacungan?

There are plenty of moments where I thought of going back. Kahit masilip ko man lang kung maayos ba ang kalagayan ng mga kapatid ko.

But a part of me still can't go back to that place. Dahil hindi ko alam kung katanggap-tanggap pa ba ako.

After all that I have done?

Siguro'y hindi na.

Masakit sa akin na kahit gusto kong bumalik ay hindi na pwede. Hindi pwede dahil marami na ang nagbago. May anak ako at kung bumalik ako ay baka makagulo ulit ako ng pamilya.

Reje and Sofia Marie, just like me, probably have become successful and happy in their own lives. At kung sasapaw na naman ako katulad ng dati, baka ay matalo ulit ako.

2 years have passed again like a whirlwind. Ang grocery store ko ay nagkaro'n pa ng dalawang pwesto sa bayan. Hindi na lang tatlo ang hinahawakan kong tauhan ngayon kung di ay bente.

Ang dati naipundar kong native house ay nadagdagan pa ng two-story house at gawa ito sa purong bato. Ngunit hindi kagaya sa native house na malapit lang sa paaralan ay medyo tago at napapalibutan ng kakahuyan ang kinatatayuan ng bago kong bahay. I was also able to purchase two cars. Ang isa ay truck para sa mga delivery at ang isa naman ay pang-personal kong gamit.

Ang bilis ng panahon.

Kung dati ay nagtyatyaga ako sa isang maliit na printer ngayon naman ay may tatlo na akong industrial printer. I was also able to register all of my business and all of them operate legally.

Napakabilis ng pangyayari. Parang kailan lang ay lugmok ako sa kahirapan. Ngayon naman ay biniyayaan ako ng sobra-sobra.

I don't know what I did to be blessed like this. Ang totoo ay nagtataka pa nga ako dahil ilang beses kong sinumbatan ang panginoon noon, ilang beses ko siyang kwinestyon. But after all I did, he still showered me with goodness.

Twenty-five na ako ngayon at si Rizalde naman ay mag na-nine years old na. He is a grade four student and excels in his school. Walang palya ang pagiging top one niya simula pa no'ng day care siya. At such a young age, Rizalde would join mental and physical competitions that resulted in lots of medals, certificates, and awards that I would display on the walls of our house.

I couldn't be more proud of my son. Sa batang edad niya rin ay makikitaan mo siya ng pagiging independent. I remember when it was his first time at daycare, he didn't cry like all the other kids did. He just kissed me goodbye and told me to take care of myself.

Noong tumuntong siya sa unang baitang ng pagiging elementarya, I was assigned as his homeroom adviser. Ang lahat ng mga kaklase niya ay naiinggit sa kaniya dahil malakas raw ang kaniyang kapit dahil mama niya ang teacher niya. But my son proved them wrong. Hindi niya hinayaang makita siya ng mga tao na may kapit kaya matataas ang grades, he showed them what he is really capable of. And the strength that he showed while proving himself to everyone brought me to tears as I remember being like him in the past. Matapang at pursigido. I just hope he will never lose his spirit and I hope that he'll soon realize that he never has to prove himself to anyone.

Masaya akong napangiti habang pinapanood ang anak ko na lumalangoy sa dagat. He was able to inherit my skin. Kahit anong bilad niya sa araw ay hindi siya nangingitim, namumula lang.

"Rizalde!" I called his name. "Umuwi na tayo," sabi ko dahil ilang oras na siyang nakababad sa tubig.

My son obliged.

Kinuha niya ang towel sa kamay ko at ipinulupot iyon sa kaniyang katawan. Sumilay naman ang malalaking ngiti sa aking labi nang hawakan niya ang aking kamay habang naglalakad kami pauwi.

My big boy is still so sweet despite his independence. Lagi niya akong hinahalikan sa pisngi at hindi takot na magsabi ng kaniyang nararamdaman sa akin. He is so mature for his age that I sometimes get afraid, wondering what's on his head. Regardless, Rizalde is the gift I will be forever thankful for.

"Ma'am Grace, may meeting raw po tayo ngayon para sa gaganapin na EDDIS at athletic competition."

"Anong oras daw?" tanong ko habang inaayos ang magulo kong lamesa dito sa faculty room.

"Mamaya pong alas tres. Balita ko ay marami-rami ang eskwelahang maglalaban-laban ngayon. Pati ang mga pinagmamalaking mga estudyante ng ibang municipality ay dadayo."

Tumango ako sa kaniya at hindi na nag abalang tugunan ang kaniyang sinabi. I just focused on cleaning my desk and my co-teacher left after a few minutes.

Naalala ko ang aking anak na ilalaban ngayon sa provincial chess and math competition. Ako ang kaniyang adviser kaya natututukan ko siya dito sa paaralan pati na rin sa bahay. And I can say that I'm pretty confident that my son will win this competition. Gusto pa nga sana siyang ipasali ng head sa damath kaso ako na ang tumanggi. Ayokong mapagod ang anak ko kakaaral. Besides, meron namang maipambabato ang paaralan pag dating sa damath bukod sa aking anak.

Nang matapos ako sa pag aayos ay sumulyap ako sa orasan at nakitang mag a-ala-una na. Inayos ko ang sarili at binitbit ang ilang mga gamit na gagamitin ko sa aking klase ngayong hapon.

"Magandang hapon mga bata!" masayang salubong ko sa kanila. Sinuklian naman nila iyon ng isang maligayang pagbati.

I smiled and started my usual routine of teaching. Nang matapos sa unang klase ay lumipat naman ako ng classroom para maturuan pa ang ibang section. Pagkarating ng saktong alas-tres ay sakto rin na natapos ko ang aking klase.

"Ma'am, tara na raw po," aya sa'kin ng kapwa ko guro.

"Oo, papaunta na. Mag-aayos lang ako saglit," I told her as I saw the strands of my hair falling on my face.

"Kahit hindi ka na mag-ayos ma'am, maganda ka pa rin!"

Natatawa akong umiling, "Nambola ka pa, tara na nga!"

Bitbit ang isang journal at isang itim na ballpen ay sabay kami ng aking katrabaho na pumasok sa conference room. Pagdating namin doon ay nakaupo na ang lahat at kami na lang ang inaantay. Dali-dali kaming umupo at nang masigurong kumpleto na ay nagsimula na rin ang meeting.

"Since this is a provincial competition, selected participants from Northern and Eastern Samar will come to compete with our talents, showcasing their talents and abilities in different areas of sports and academics," the head teacher said.

"Nakausap ko rin ang head ng Catbalogan Samar State University, ang mga kalahok ay pansamantalang maninirahan sa dorm na ilalaan ng mga government official's para sa paligsahan na ito."

Tumango kaming lahat.

Catbalogan is just an hour and a half away from Pagsanghan. Hindi na ako mahihirapan kung sakaling doon kami pansamantalang tutuloy dahil doon nakatirik ang isa kong retail store business. Isa pa ay mukhang hindi naman kami magtatagal doon dahil chess ang sasalihan ni Rizalde. The sport doesn't require him to exert physical forces that's why he doesn't need to stay at the place for long. 

Nagpatuloy ang meeting at tahimik lang akong nagsusulat ng mga pointers. Matiwasay naman itong natapos at bandang alas-singko ay pinauwi na rin kami.

Nagsiuwian na ang iba kong mga kasamahan habang ako naman ay dumiretso muna sa faculty para doon antayin si Rizalde upang sabay kaming umuwi at magsimula na sa kaniyang pageensayo.

"Hi, ma'am Grace!" bati sa'kin ni Sir Dominic, kapwa adviser ko sa math competition na gaganapin.

"Hello, Sir," tipid akong ngumiti pagkatapos ay dumiretso ng upo sa aking lamesa.

"Gusto mo bang sa bahay na lang namin kayo ni Rizalde mag training? Para na rin matutukan natin sila ni Reinhart."

Si Reinhart ay ang isa pang estudyante na lalaban sa math competition na sinalihan ni Rizalde.

"Hindi na siguro, kaya ko namang turuan ang anak ko sa bahay."

"Come on! Don't be such a killjoy! Mas mabuti kung magkasamang magtraining ang mga bata para mapaglaban natin sila at makita natin kung sino ang mas magaling," he said to which angere me for a bit.

"Hindi na kailangan ang gano'n dahil alam ko ang kakayahan ni Rizalde. And besides they're teammates, why would they fight each other?"

"Para lang naman mapagkumpara natin ang strategy nila at mapagmasdan ng maayos kung ano pang kulang sa kanila. Sa tingin ko ay mahalaga na nagkasama silang mag training dahil dalawa tayong makakapag-komento."

Napaisip ako sa kaniyang tinuran at kahit hindi ko gustong aminin ay alam kong may punto siya.

"And besides, I assure you that you'll be comfortable in our house. Malaki iyon, may aircon, at maghahanda rin ako ng maraming pagkain," sabi niya na tila pinapahiwatig na pangit ang bahay namin.

Tsk. He only knows the house that I own near the school. Hindi niya alam na may pagmamay-ari akong malaking bahay dahil tago iyon at wala naman akong pinag-kukwentohan.

Tumahimik ako at hinayaan siyang kunbinsihin ako sa kaniyang gusto. Mga ilang minuto pa ay nasulyapan ko na si Rizalde sa pinto at naabutan pa ang pangungumbinsi ni Sir Dominic sa akin.

"O, and'yan na pala ang bata mo!" turan ng guro at nilapitan ang aking anak.

"Payag ka bang maglaban kayo ni Reinhart? Hindi naman namin kayo pag-aawayin, titingnan lang namin kung ano ang kulang at kung ang pwede naming maidagdag na galing sa inyong dalawa."

My son inherited his father's holy eyes. Pero may kung anong panganib akong nakita nang tingalain niya si Sir Dominic na tila ba'y nagbabanta.

"Payag po akong kalabanin si Reinhart, pero hindi ko po gustong sa bahay niyo kami maglaban. Sa bahay na lang po tutal ay presko ro'n at mas nakakapag-isip ako sa sariwang hangin," he said so serious, I almost didn't recognize him.

"Pero mas magandang sa bahay tayo mag training! Maraming pagkain at marami rin toy—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ng guro nang pinutol iyon ng aking anak,

"Madi-distract lang po ako sa mga laruan. Kung gusto niyo po talaga kaming maglaban ay sa bahay lang po pwede," he sharply said that made the teacher scratch his nape.

Bago pa magsalita ulit ang guro ay humarang na ako upang abutin ang bag ni Rizalde. Kinuha ko iyon at isinukbit ko sa aking balikat bago ko hinarap si Sir Dominic.

"You heard him, Sir. Sa bahay na lang po sila magtraining. Tutal alam niyo naman kung nasaan ang bahay namin ay sumunod na lang po kayo ro'on," I said and grabbed my bag before holding Rizalde's hand and started walking.

Habang naglalakad kami pauwi ay tumigil sa paglalakad si Rizalde. Kumunot ang aking noo sa kaniyang pagsimangot.

"What's wrong?"

"I don't like him, mama. Stay away from him. He looks like danger,"

Tumango ako sa kaniya. Hindi na ako nagulat na napansin niyang may ibang motibo si Sir Dominic sa'kin. Unang araw ko pa lang sa pagiging guro ay binalaan na ako ng ibang guro na huwag maglalalapit kay Dominic dahil bastos raw ito. May record na ng pangha-harrass sa kapwa guro at minsan pa ay mga batang estudyante. Hindi lang mapaalis dahil mayaman, malakas ang kapit sa department chair. Kaya nagtitiis na lang kami at doble ingat.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong nagbihis ng komportableng damit. Gano'n rin ang ginawa ng anak ko at nang matapos ay dumiretso na kami sa sala upang mag-aral.

"Ma'am? Nand'yan ba kayo?" rinig ko ang boses ni Sir Dominic habang kumakatok.

Mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto. Agad ko silang pinatuloy ni Reinhart.

Ngiting-ngiti si sir Dominic nang papasukin ko ngunit agad iyong nawala nang sinabihan ko siyang maupo muna sa sofa namin na gawa sa kawayan. Hindi man lang niya tinago ang pandidiri sa mukha at nanatili lamang na nakatayo.

"May problema ba, sir?"

"Wala naman, ayoko lang umupo dahil kanina pa 'ko upo nang upo," he said while scanning me with his eyes. Kumamot siya sa ulo, kunwari'y nahihiya, "Gan'yan pala ang itsura mo ma'am pag hindi nakauniporme, mas may igaganda ka pa pala,"

Blangko ang aking mukha sa kaniyang sinabi. He's so good at faking people. Alam kong hindi ako maganda ngayon dahil ang sinuot ko ay basahan na kung maituturing. Sinadya ko iyon dahil ayokong mabastos niya at gusto ko nang matapos ang pangungulit niya sa'kin.

"Mag simula na tayo sa training," I said and guided Reinhart to the opposite chair of where Rizalde is.

Nang makita ko ang aking anak ay salubong na salubong ang kaniyang kilay habang nakatingin nang masama kay Sir Dominic. I went to his side and softly caressed the skin between his brows and like a magic, the frown on his face was gone.

Humalik ako sa kaniyang pisngi,

"Sa kusina lang ako, ikukuha kayo ng meryenda," I said to my son.

Dumiretso ako sa kusina at hindi na nagabalang alamin kung ano na ang ginagawa ni Sir Dominic. I just proceeded into making snacks for the kids.

Simpleng sandwich lang ang ginawa ko at nagtimpla na rin ako ng juice. Medyo natagalan lang ako sa pag-gawa dahil nagprito pa ako ng itlog at ham na siyang ipinalaman ko sa tinapay. Binilisan ko na lang ang kilos at nang matapos ako sa paghahanda ay bumalik ako sa sala para ihain na ang mga pagkain. But I was caught off guard when I saw Rizalde pointing his sharp pencil on the throat of Sir Dominic.

"Rizalde!" nanghihinakot kong sigaw at dali-dali kong inagaw sa kaniya ang lapis. Ang pagkain kong dala ay basta na lang nahulog sa sahig.

"That's bad! Why would you do such a thing?!" natataranta akong napasigaw sa kaniya. This is probably the first time in almost seven years that I shouted at him.

"H-hey, ayos lang ako. Huwag mo siyang pagalitan. H-he just probably got angry because I-I tried to get c-close to him," he said stammering.

"Kahit na!" pasigaw kong tugon sa guro.

I looked at Rizalde again and continued scolding him,

"Hindi kita pinalaking gan'yan. I never taught you how to threaten someone's life. Hindi iyon tama," mataman kong pakikipag-usap sa kaniya. Trying to make him understand that life is important so he shouldn't play with it regardless of what the person did or no matter how bad he or she is. Hindi siya o kahit ako ang diyos na pwedeng magtakda kung kailan matatapos ang buhay.

"A-ayos lang talaga. A-ano, m-ma'am, aalis na lang muna kami nitong alaga ko," Sir Dominic said and carried Reinhart to the door.

Inalis ko ang matalim na tingin sa aking anak at tumayo upang ihatid ang guro palabas.

"Pasensya na, sir. Kakausapin ko at sesermonan kong mabuti si Rizalde. Sisiguraduhin ko na hindi na mangyayari ang ganitong sitwasyon,"

"A-ayos nga lang ako. Palagpasin na lang natin 'to," he said, coudln't even look at me. Kaya mas lalo akong nakonsensya sa ginawa ng aking anak.

Tahimik akong tumango at inihatid na lamang sila ng tingin. Nang mawala sila sa paningin ko ay nilingon ko patalikod ang aking anak.

Madilim ang mkuha na nagtungo ako sa kaniya. I was about to scold him again when I saw tears forming in his eyes.

He is back on holding his pencil like he is very ready to stab anyone with it. Lumapit ako sa kaniya para kunin ulit iyon ngunit natigilan ako nang makitang nakababa ang kaniyang short. Hindi ko iyon agad napansin dahil natatakpan ng mesa ang kaniyang pang-ibabang katawan.

"R-rizalde? W-why is your pants d-down?"

Nakita ko kung paano unti-unting bumagsak ang luha mula sa mata ng aking anak. Agad akong napasinghap at agad ko siyang ikinulong sa nakakatakot na yakap.

"Oh my...I-i'm sorry, oh my, n-no!" I apologized to him while silently denying that what I'm thinking is wrong. Ngunit agad na natigil ang pangungumbinsi ko sa aking sarili nang biglang nagsumbong si Rizalde habang umiiyak at mahigpit ang kapit sa aking damit.

"M-mommy..."

"Shhhh, don't cry. Don't cry...please...n-no!" I trembly said while hugging him tight.

"T-that guy pulled my pants d-down. H-he tried to touch me but I-I was quick to get my p-pencil. But then, y-you s-scolded me like I'm at fault—"

"N-no, no! I'm sorry! H-hindi ko alam—"

"M-mommy... is it my f-fault?"

Napapikit ako nang mariin at umiling. Rizalde couldn't even compose a proper message because of how hard he's crying.

Kung kanina ay galit ako sa kaniya at pinapagalitan pa siya, ngayon naman ay nagagalit ako sa aking sarili dahil naging pabaya ako. I didn't asked him first on what happened, didn't asked him what's the reason for him to act like that.

I've known my son for almost seven years and I should have known that he wouldn't do anything reckless if it's not necessary.

Oh my, w-what have I done?

;

XXX

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro