CHAPTER 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 16

Tangina, ayoko na! Ayoko na talaga!

Hindi pa nagtatagal ang pagpasok ng bagon taon, nagagalit na ulit ako! For fuck's sake, isamg buwan pa lang ang nakakalipas pero hindi ko na nagawa ang new year's resolution ko. Unang araw pa lang ng Pebrero pero mainit na ang ulo ko.

"Bwisit ka talaga, Xenus Clester Villaluz!" I shouted at the top of my lungs.

"T-Teka, Yhetty! Kumalma ka! 'Wag mo akong habulin!" Natatakot na aniya habang tumatakbo palayo sakin.

"Hindi kita hahabulin kung hindi ka tatakbo, punyeta ka!" Sigaw ko.
"Naku, takbo, Xenus!"

"Gago, ba't kasi ginalit mo 'yung dragon?"

"Agoi, patay ka na, pre."

"Rest in peace, bro."

"Imbes na gagawa pa tayobng new memories, ikaw na tuloy ang magiging memories."

Napatiimbagang ako and glared at our friends who's grinning from ear to ear habang pinapanood kaming maghabulan mg hunghang. Kaagad naman silang napaatras sa takot.

Huminto ako sa pagtakbo at tinanggal ang sapatos ko. Bumwelo ako saka malakas na ibinato sa pwesto ni Xenus kaso minalas nga lang at hindi nasapul. Sunod ko namang tinanggal ang isa saka muli binato sa kanya kaso wala pa rin.

Napasigaw ako sa inis.

"Bwisit ka!"

Kaagad akong napatakbo sa pwesto ng mga kaibigan namin dahil sa init at ipinatong ang dalawang paa ko sa paa nila Cole at Ark. Mabuti na lang hindi nagreklamo yung dalawa.

"Aray, aray. Init, init." I chanted.

Sino ba namang hindi mapapaso kung nasa quadrangle kaming magkakaibigan at tirik na tirik pa ang araw.

Kakagaling lang namin sa Jollibee mag-lunch when something happened kaya ganito ako kagalit ngayon sa gagong hunghang.

Sinamaan ko ng tingin ang gago nang unti-unti siyang lumapit sakin habang hawak ang dalawa kong sapatos. Padabog ko itong kinuha sa kanya at isuot.

"Bwisit talaga!" I muttered.

After fixing myself for a bit, I glared at him for the last time then walked out.

Goddammit! This is the worse day ever! I will never forget this fucking day because of that asshole, bastard Xenus!

Since may oras pa naman bago magsimula ang klase, napagdesisyunan ko munang pumunta sa clinic para gamutin ang kalmot na natamo ko kanina dahil sa nangyari.

Hindi ko maiwasang mag-init ang ulo ko nang maalala ko ang nangyari kanina.

*Flashback*

Alas onse trenta na nang matapos ang klase namin. Nag-extend kasi ang teacher namin dahil may isang activity siyang pinatapos.

"Yhetty, bilisan mo!" It was Cole who called me.

"Yeah, wait a sec." I replied, while fixing my stuffs.

Isinukbit ko ang bag ko sa likuran ko at akmang bubuhatin na ang bag ng laptop at isa pang handbag na laman ng mga folders and books nang bigla itonv agawin ni Xenus.

"Ako na. Napakadami mo naman kasing dala. Kulang na lang dalhin mo na buong bahay niyo, eh. Napakabigat pa, oh!" Reklamo niya.

Sinimangutan ko siya. "Ikaw lang 'yung taong nag-volunteer na tumulong tapos magrereklamo din." Komento ko. "Akin na nga, ako na magbubuhat. Nakakahiya naman sayo, kamahalan." Sarkastikong sabi ko.

Akmang kukunin ko ang mga bag sa kanya nang ilayo niya 'yon sakin. "Joke lang, gaga." Aniya saka tumawa at naunang naglakad.

"Abnormal nga talaga." Naiiling kong sabi saka sumunod sa kanya.

Nang makalabas kami ng gate, humiwalay sa amin saglit ang mga lalaki para kunin ang mga motor nila.

"Sino makikisabay kay Ark?" Tanong ni Charlotte. "Kay Lexus ako sasabay, eh. Si Beatrix naman ay kay Leinard. Si Arvy, kasabay 'ata bebe niya mag-lunch ngayon."

Saglit silang nagplano kung kanino makikisabay. Sakto namang pagdating ng mga lalaki, tapos na silang mag-usap-usap.

Sumabay si Dannie at Rica kay Ash, si Cole naman ay kasabay sila Hensley at Yzza. Bali tatlo sila sa motor. Gaya nilang tatlo, inangkas din ni Ark sila Angie at Thean. Si Hermmy naman ay isinabay ni Xenus. Hindi kasi pwede ang tatluhan sa motor ni Xenus. Nauna na kasing umalis ang dalawang couple.

"Wait, paano si Yhetty?" Tanong ni Dannie.

"Oh shocks, oo nga pala." Ngiwing saad ni Hermmy.

"Teka, maiiwan na ako para may kasabay si Yhetty." Akmang bababa sa motor si Yzza pero kaagad ko din siyang pinigilan.

"A-Ah, hindi na! M-Mag-aano na lang ako. Uh..." Ano nga ba ang gagawin ko?

"Sa akin na sasabay si Yhetty."

Nagulat ako nang may sumulpot na motor sa tabi ko. Bumungad sa akin ang nakasuot na helmet na si Arvy.

Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba may date kayo ng jowa mo?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat naman siya. "Kasama niya mga barkada niya, eh. Saka pinayagan niya akong sumabay muna sa inyo." Sagot niya.

Tumango naman ako at akmang sasakay na nang magsalita si Hermmy.

"Yhetty! Palit tayo! Ang taas ng motor ni Xenus. Nahihirapan ako." Nakangusong aniya.

Natawa naman si Xenus sabay sabing, "Maliit ka lang talaga."

Nakatanggap naman siya ng hampas mula kay Hermmy. Pumayag naman ako dahil nakaramdam din ako ng awa sa kanya. Mas mataas kasi ang motor ni Xenus kumpara kay Arvy. Halatang hirap na hirap siya maski sa pagbaba kaya inalalayan ko pa siya. Mabuti na nga lang at naka P.E uniform siya ngayon. Sa aming mga babae, ako lang ang naka-skirt kasi hindi ko namalayan na Friday pala ngayon, which is P.E. day na rin.

Nang makasakay si Hermmy, pinauna na namin sila at sinabing susunod na lang kami. Lumapit ako sa pwetso ni Xenus at humawak sa balikat niya at akmang sasakay na nang bigla niya akong pinahinto.

"Teka lang." Hinubad niya ang suot niyang jacket saka ibinigay sakin. "Itali mo sa beywang mo 'to. Ipalikod mo 'yung tali para matakpan 'yang hita mo. Tanga-tanga ka kasi. Palda-palda ka pa, eh friday naman ngayon. Pagsumakay ka sa motor talagang masisilipan ka. Bonak talaga." Panglalait pa niya.

Padabog ko namang kinuha ang jacket at sinunod ang instruction niya.

"Sumakay ka na. Pa-side ka umupo tas humawak ka na lang sakin para 'di ka malaglag." Sinunod ko na lang ang sinabi niya nang walang reklamo dahil baka hinihintay na kami ng iba.

Sumakay ako sa motor at kumapit. "Okay na." Pag-imporma ko.

Tumango naman siya. "Sige. Babagalan ko na lang ang takbo. Kumapit ka ng mabuti,tanga ka pa naman." Tumatawang saad niya bago nagsimulang magmaneho.

Pabiro ko naman siyang sinakal pero kaagad ko ding binitawan dahil baka maaksidente kami.

Hindi naman nagtagal ang byahe namin. Inabot lang kami ng limang minuto bago makarating sa kakainan namin.

Napili na lang naming kumain sa isang cafe dahil biglang nag-crave 'yung iba ng coffee. Mabuti na nga lang at hindi mapili ang mga kasama naming lalaki.

Nang matanaw ko na sila Charlotte na nakatayo sa entrance, nagulat ako nang biglang binilisan ni Xenus ang takbo ng motor kaya nasubsob ang mukha ko sa likuran niya.

"Hayop ka talaga!" Pagmumura ko dito at pinaghahampas siya.

Tawa lang ng tawa ang gago hanggang sa makarating kami sa harapan nila Charlotte. Bumaba ako, at hinayaan si Xenus na i-park ang motor niya.

Pagkapasok sa loob ng cafe, sumalubong sa amin ang kalmadong ambiance ng paligid. Napangiti naman ako dahil mukhang magandang tumambay dito.

Sabay-sabay kaming nagtungo sa counter at nag-order. While waiting for our foods, syempre, hindi mawawala ang picture taking.

Maganda din kasi ang view dito. Literal na pang nature lover ang lugar na 'to. Tahimik at payapa. Kami-kami nga lang din na magkakaibigan ang customer ngayon dito.

Pinapanood ko na lamang silang nag-pipicture. Nangunguna ang dalawang makukulit, sila Dannie at Hermmy.

"Ba't 'di ka din mag-picture? Para naman may may-i-post ka sa facebook at instagram mo." Komento ni Xenus.

Hindi ko namalayang tumabi pala siya sa akin. I looked at him boredly.

"Paki mo ba?" Walang ganang sagot ko.

"Paki mo rin?" Ganti niya.

Gago talaga ang hinayupak.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinaghahampas siya. Todo iwas naman ang gago habang tumatawa. Tumayo ako bago inabot ang leeg niya saka hineadlock at nakangising ginulo ang buhok niya.

"Tangina, aray!" Todo reklamo siya but I just laughed.

Makabawi man lang, gago ka!

Nagulat ako nang biglang may mag-flash sa harapan namin kaya takha ko 'yun tinignan. I caught Ark taking a photo of us using his DLSR camera.

"Burahin mo nga 'yan!" Reklamo ko.

Nakatuon ang atensyon sa camera na umiling. "Ayoko nga. Ganda ng kuha niyo, oh." Aniya.

Binitawan ko naman si Xenus at lumapit sa pwesto ni Ark para makisilip.

Totoo nga ang sinabi niya. Maganda ang kuha namin ni Xenus. Our smiles looks genuine. Wala sa sarili naman akong napangiti kasabay ng pagtibok ng puso ko ng malakas at mabilis.

"May solo pictures ka din dito kaso puro stolen." Inilipat ni Ark ang picture at tama nga ang sinabi niya. Halos lahat ay puro stolen. Madalas ay nakangiti ako o kaya nama'y nakakunot ang noo.

"Ise-send ko ba sayo?" Tanong niya.

Nagkibit balikat naman ako. "Ikaw bahala." Pagkasabi ko no'n ay nagtungo na ako sa upuan dahil nakita kong ise-serve na ang pagkain namin.

While eating, syempre hindi mawawala ang tamang asaran at usapan. And I'm just listening to them. Kapag minsan naman ay tinatanong nila ako, saka lang ako sasagot.

I was busy and paying my full attention to my food when suddenly, someone from behind grabbed my hair and pulled it harshly. Malakas akong napadainh sa sakit at napahawak sa kamay ng nananabunot sa akin.

Naalarma naman ang mga kaibigan ko at akmang papagitna samin ng umatake sa akin ngunit huli na dahil hinila ako nito palabas at malakas na sinampal sa pisngi.

Napadaing ako at nawalan ng balanse dahilan kaya napaupo ako habang sapo-sapo ang pisngi ko.

Galit ko namang tinignan ang sumampal aa akin. It's a girl. Same school as us.

"Mang-aagaw kang babae ka! Malandi ka!" Sigaw nito sa akin.

How dare this bitch...fuck her!

I gritted my teeth in anger saka tumayo at pinagpagan ang palda ko.

"Hoy, bruhilda! Who the heck are you?! Hindi kita kilala kaya 'wag na 'wag mo akong sasabihan na malandi dahil baka mailibing kiga ng buhay!" Dinuro ko siya ngunit hinawi niya lamang ang kamay ko.
"Bakit?! Totoo naman, ah! Nilalandi mo si Xenus!" Pag-aakusa niya.

What the heck? Kailan ko pa nilandi ang gagong 'yun? Yes, I like him but I never tried flirting with him! Heck, so cringe!

Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya sinugod ko siya. Sinabunutan ko siya at gumanti din ang walanghiya.

Medyo mahapdi rin ang balat ko kasi mahaba ang kuko ng gaga. Nakakalmot pa ako.

Sa sobrang inis ko, bumwelo ako ng isang malakas na sampal dahilan kaya napabitaw siya aa buhok ko at bahagyang napaatras.

Napansin ko rin na nagdudugo ang gilid ng labi niya pero wala akong pakialam! She's the one who attacked me first!

"You wench!" She shrieked.

Akmang aatakihin na naman niya ako nang may pumagitna aa aming dalawa. It was Xenus.

"Samantha! Tama na, ano ba!" Xenus groaned.

"What?! Ano? Kakampihan mo 'yang malanding 'yan? Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo, Xenus na ako ang nililigawan mo!"

Say what?!

Bahagya akong nilingon ni Xenus na may pakikiusap sa mga mata niya pero sinamaan ko lamang siya ng tingin.

"Sinong nagbigay karapatan sayo na sabihing malandi ang kaibigan ko?!" Galit na saad ni Charlotte. Nakapulupot ang mga braso ni Lexus sa kanya dahil sa itsura niya anumang oras ay handa nang umatake.

"Bakit? Totoo naman, ah! Ako ang nililigawan ni Xenus pero madalas nakadikit ang babaeng 'yan na parang linta sa kanya!" Dinuro ako ng tinutukoy ni Xenus na Samantha.

"Samantha, tama na! Mag-usap nga muna tayo!" Hinila ni Xenus si Samantha papalayo sa amin.

Lumapit sa akin sila Angie at inayos ang itsura ko. Pakiramdam ko bigla akong napagod. Paramg anytime ay bibigay ang mga tuhod ko.

Hindi ako nabo-bother sa nangyari sakin ngayon. What bothers me the most is the shocking revelation that Xenus is courting another girl! Goddamnit!

"Tanginang babae 'yun!" Nagngingitngit ang ngipin na saas ni Beatrix.

"Tinawag pa si Yhetty na malandi. Jusko, ni wala ngang jowa 'yung tao." Naiiling na saad naman ni Yzza.

"Hala, Yhetty, 'wag ka na umiyak." Nagpapanic na ani Hermmy saka ako niyakap.

"Saan ba masakit?" Tanong ni Dannie at sunod na yumakap.

Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Paramg namamanhid ang buo kong katawan. Ni hindi ko man lang maramdaman ang hapdi ng mga kalmot na natamo ko. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang sakit ng puso ko.

Tangina, may bagong babae na naman.

Sabagay, what do I expect? Na hindi magkakagusto si Xenus sa iba? Xenus is not mine in the first place.

Pero tangina, nagseselos ako. Nasasaktan ako. Nakakainis.

Dumapo ang tingin ko sa mga lalaking kasama namin. Halata ang pag-aalala sa mga mata nila.

Ayokong umiyak. Ayokong maging mahina. Pero hindi ko maiwasan. Kusa na lamang akong napahagulgol.

Nanatiling nakayakap lang naman sakin ang mga kaibigan ko at pilit akong pinapatahan.

Hindi nagtagal ay nakabalik na rin si Xenus at Samantha. Kung kanina, isa itong matapang na babae, ngayon naman ay akala mo isanf dalaga na hindi makabasag pinggan. The girl can't even look at me right now.

"S-Sorry. I-I'm sorry. H-Hindi ko sinasadya. I-I goy carried away." Tila mangiyak-ngiyak na saad ni Samantha. "A-Ang dami kasing kumakalat na chismis na m-may ibang babae si Xenus a-at hindi ko alam na ikaw pala 'yun na b-bestfriend niya."

"Letcheng babae 'to." rinig kong bulong ni Charlotte.

"Pasensya na sa inyo." Pagpapaumanhin din ni Xenus. Nag-iwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko. I saw Xenus slowly approaching me but I signalled him to stop.

Naglakad ako papalapit sa babae at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Napayuko naman ito.

Well, she's pretty. But still...I don't like her.

"S-Sorry, H-Harrieth." Bulong niya.

I just gave her a cold stare. "What's your name again?" I asked with a serious tone.

Lumunok siya. "S-Samantha Saavedra." Nanginginig ang mga labing sagot niya.

"Gaano na katagal na nanliligaw sa'yo si Xenus?" Tanong ko pa.

"S-Simula noong November." Mabilis niyang sagot.

I heard my friends gasped. Maaki ako ay nagulat sa sinabi niya. Mabilis kong nilingon si Xenus.

"November, huh...at wala ka man lang balak na ipakilala siya aa amin na mga kaibigan mo?" Hindi makapaniwalang saad ko.

Natahimik naman si Xenus kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Bestfriends, huh. But you're keeping a secret from your own bestfriend." Sarkastikong saad ko. "But anyway, it's not my business naman so I don't want to stick my nose into this mess anymore."

Ibinalik ko ang tingin sa babaeng nasa harapan ko. "And to you, Miss Samantha, I accept your apology. But next time, be careful. Nang dahil sa maling akala mo, nakakasakit ka ng tao. If this happens again, I swear to whoever fuck's sake, I won't be this kind anymore." I gave her a cold smile.

"Fuck you for pulling my hair. Damn you for scratching my skin. Punyeta ka dahil sinabihan mo ako ng malandi. Putangina ka dahil sinigawan mo ang kaibigan ko. And lastly, letche ka for making a huge mess."

Matapos kong bitawan ang mga salitang 'yon, nauna na akong bumalik sa loob ng cafe. Nakaramdam ako ng hiya dahil pinagtitinginan ako ng mga staffs pero wala akong pakialam. Dinampot ko ang mga gamit ko at mabilis na lumabas.

Nararamdaman ko ding nakasunod sa akin ang mga kaibigan ko. Saktong paglabas ko ng cafe ay may tricycle na dumaan kaya mabilis ko itong pinara at nagpahatid sa school.

Mamaya ka sakim, Xenus. Lintik ka! Nang dahil sa'yo napahamak pa ako, gago! Bwisit ka talaga! Bwisit!

*End of Flashback*

Nang matapos gamutin ang mga kalmot ko, aalis na sana ako aa clinic nang biglang sumulpot sj Xenus.

"Oh, anong ginagawa ng bestfriend ko dito?" Sarkastikong tanong ko. Talagang pinagdiinan ko pa ang bawat salitang binanggit ko para malaman niya kung gaano ako kainis sa kanya.

"S-Sorry na, Yhetty." Nakangusong aniya. "Usap tayo saglit. Kukwento ko sayo lahat habang pabalik tayo sa classroom."

Humalukipkip ako at umirap. "Naku, 'wag na. Nakakahiya naman sayo. Ayos lang, ano ka ba." Hindi ko pa rin tinanggal ang sarkastikong tono sa boses ko.

Bumuntong hininga naman siya. "B-Balak ko naman siyang ipakilala sayo, eh. K-Kaso parang hindi pa ako sigurado."

Naguluhan ako nang dahil sa sinabi niya. Hinablot ko ang braso niya at hinila siya palabas ng clinic. Mahirap nang gumawa ng iskandalo.

Binitawan ko ang braso niya at nagsimulang maglakad ng mabagal. Kaagad naman siyang sumunod sa akin.

"Anong ibig mong sabihin na hindi ka sigurado?" Tanong ko.

"Ewan ko ba." Parang walang kwentang sagot niya. "Lately, parang nagkakaroon na ng kakaiba sa akin, eh." Aniya.

"What the fuck, Xenus?! Niligawan mo pero hindi ka sigurado?!" Naiinis na saad ko.

Marahas at sunod-sunod naman siyang napailing. "Hindi...hindi sa ganun. Dati...gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya pero isang araw parang bigla akong nalito. Narealize ko lang 'yun noong January. Gusto ko pa rin naman siya hanggang ngayon pero parang may kakaiba. Ang hirap i-explain." Aniya.

Hindi muna ako nagsalita at hinayaan siyang magkwento lang.

"Sinabihan ko din si Samantha tungkol sa sitwasyon ko ngayon dahil ayokong umasa siya kung sakali man na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Pero ayun nga, may nagkakalat daw na chismis na t-tayo daw kaya nagalit siya at inakalang ginagawa ko lang ang rason na nalilito ako sa nararamdaman kl ngayon para l-landiin ka." Mahabang saad niya.

"Tangina, magkasama lang madalas mag-jowa na agad?" hindi ko mapigilang magkomento. "What if iwasan na lang kaya kita?" It was a joke, of course.

Sumeryoso naman ang mukha ni Xenus. "'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin, Yhetty." Aniya.

Napailing na lamang ako. "Bahala ka na aa buhay mo, Xenus. Pag-isipan mong mabuti kung ano 'yang pinapasok mo." Pangangaral ko sa kanya.

"Oo na, sorry ulit." Nakangusong aniya.

I chuckled and messed up his hair. "Oo na, lintik ka."

"Yown, oh!" Energetic niyang saad.

"Pero ilan pang babae ang balak mong ligawan ngayong grade 12 tayo, Xenus?" Pagbibiro ko pero sa loob-loob ko ay nagseselos ako at naiinis.

"Yhetty naman!" Pagmamaktol niya kaya mas lalo akong natawa.

Sana wala na. Sana wala ka nang ligawan. Kasi masakit. Ang hirap masaktan ng palihim. Ang hirap magkagusto sa kaibigan. Nakakatakot. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro