CHAPTER 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 2

Halos ilang linggo na ang lumipas matapos ang recognition namin. Halos ilang linggo ko na rin hindi nakakasama ang mga kaibigan ko.

What would I expect? Syempre bakasyon na.

Madalang na rin kami magkachat sa group chat dahil busy rin kami sa sarili naming mga gawain.

After the recognition, I decided to help my parents to run our small shop, which is a botique. Ako ang madalas na nakabantay sa shop dahil busy si mama na magtahi ng mga damit while si papa naman ay busy rin mag-deliver ng mga orders. Si Kuya Josh naman ay kasalukuyang nasa Manila dahil doon niya balak kumuha ng trabaho.

My brother wanted to pursue his dream and that is to become an Engineer. Kahit madalas kami nitong magbangayan, hindi ko maitatago ang paghanga ko sa kanya. I'm really proud of my brother kasi nagsusumikap siyang abutin ang mga pangarap niya. And I would do the same too after ko makagraduate ng college.

I was busy scrolling through my phone when suddenly a group of people barged in. I stood up and was ready to assist them but to my dissappointment, it was only my friends.

Napabuntong hininga ako saka bumalik sa pagkakaupo. Hindi rin naman sila bibili kaya might as well, umupo na lang dahil paniguradong manggugulo lang 'yang mga yan.

"Yhetty, arat Mang Inasal!" Aya ni Charlotte.

Humalukipkip ako't napataas ang kilay. "Sige, sasama ako. Pero sinong magbabantay nitong shop namin aber?"

"E'di magsara ka na lang." suhestyon ni Ark.

"Eh, kung bunganga mo isara mo? Sayang kita, abnormal." Napairap ako. "Magsilayas na nga lang kayo baka mabato ko pa kayo ng sapatos d'yan, eh." Masungit kong saad.

"Take out na lang." Saad naman ni Arvy.

"Himala gusto mo mag-take out ngayon. Madalas dine in ang gisto mo, ah." Pinanliitan ko siya ng mata.

Tumawa naman si Leinard sabay sabing, "May tinataguan 'yan." Nakatanggap siya ng batok kay Arvy dahilan kaya mas lalo itong natawa.

"Ha?" Hindi ko gets.

"Nakita niya kasi ex niya." Ngising saad ni Beatrix.

"H-Hoy, hindi ko ex 'yon! Fling ko lang 'yon noon 'no!" Depensa naman ni Arvy.

"Kaya nga, ex-fling mo nga." Pang-aasar pa ni Leinard.

"Defensive ka masyado, pre." Tumatawang turan ni Ark.

Napailing na lamang ako. "Whatever. Sige na, um-order na kayo. Gusto ko lahat kayo magsilayas-I mean, lahat kayo pumunta mag-order. " Pagtataboy ko sa kanila.

"Wow, ah! Makapagtaboy akala mo siya may-ari nito." Nakaismid na saad ni Charlotte.

"'Te, bobo lang? She's the daughter of the owner and the one managing this shop for the meantime." Beatrix said, stating the fact.

"So, technically, this shop is mine since ako rin naman ang magmamana nito." I said with a smug.

"'kay."

Napailing na lamang ako nang bigla itong mag-walkout. Kaagad namang sumunod ang iba pang ulupong naming mga kaibigan.

Sumandal ako sa upuan at akmang bubuksan ang phone ko nang pumasok ulit si Charlotte.

I looked at her and raised an eyebrow. "What?" I asked.

Tumikhim siya saka nag-iwas ng tingin. "Nakalimutan pala naming tanungin kung anong gusto mo." Nakahalukipkip at nakangusong aniya.

I chuckled and uttered the foods that I want. Akmang kukunin ko na ang wallet ko nang muli siyang magsalita.

"Libre ko na. Nagbigay si mommy sakin ng extra pera ngayon."

Napangisi naman ako. "Sige, salamat! Hulog ng langit si Tita, ikaw lang hindi."

"Aba, hoy! Ang bastos, ah!" Reklamo niya.

Malakas naman akong napatawa the showed her a peace sign. "Eme lang, 'te. Sige na, alis na."

Pagkaalis niya, kaagad na may pumasok na buyer kaya kaagad ko siyang inasikaso. Medyo napatagal ang pag-aasikaso ko sa buyer dahil madami-dami din itong kinuha.

"Maraming salamat po, ma'am! Balik po kayo!" Nakangiting saad ko.

"Sige, hija, salamat din." Sagot naman ng ginang.

Pagkaalis ng buyer, kaagad kong inayos ang mga stocks. Habang nag-aayos ako, dumating din sila Charlotte.

"Ay, may buyer ka kanina, 'te?" Tanong ni Beatrix.

"Hindi ba obvious?" Sarkastikong sagot naman ni Charlotte.

"May epal," komento ni Arvy.

"May ulikba," ganti naman ni Charlotte saka inirapan si Arvy.

"Nagkaroon ako ng buyer kanina."Maikling saad ko habang hina-hanger ang mga damit. "Kumain na kayo, sunod na lang ako."

Lumapit sakin si Ark at kinuha ang dress na nakakalat saka isinampay. "Tulungan na kita." Tumango na lang ako.

Mabuti na lang medyo mabait pa si Ark at nakaramdam na tumulong. Hindi gaya ng iba naming gunggong na kaibigan. Nakaramdam na din ako ng gutom dahil pasado alas dose na rin ng tanghali.

Nang matapos kaming mag-ayos, pumwesto na kami ni Ark sa tabi ng mga kaibigan namin saka kumain.

"By the way, nakita ko na 'yung magiging new section natin." Sabi ni Leinard.

Napanguso si Charlotte. "Sayang nga, eh. Hindi ko kasama sila Beatrix at Yhet."

"Buti ka pa nga kaklase mo sila Ark at Leinard." Komento ni Arvy.

"Eh, ikaw nga kaklase mo halos lahat ng HUMSS 2 noon." Nakaismid na saad naman ni Beatrix.

"Makapag-reklamo kayong lahat, ah. Bakit? Ako nagreklamo ba ako na tanging nahiwalay sa inyo mga pukinangina ninyo? Ako nag-iisa lang sa HUMSS 4 tapos si Arvy nasa HUMSS 2, si Beatrix kasama si Lexus na manliligaw ni Charlotte. Tapos si Leinard, Ark, at Charlotte nasa HUMSS 8! Punyeta, hiyang-hiya naman ako sa inyo!" Iritadong saad ko.

Fuck, yes! Nahiwalay ako sa kanila. Worse, wala akong kasama kahit isa! I mean, may isa akomg kakilala sa new section namin pero hindi ko tanggap na mag-isa ako.

Malakas naman silang napatawa kaya napairap ako.

"Mga bwisit! Mabulunan sana kayo mga hayop!" Nanlilisik ang mga matang saad ko.

Matapos kumain, umalis din sila agad dahil may mga gagawin pa daw sila. Dumaan lang sila dito sa pwesto para makipag-bonding.

Sumapit ang alas-kwatro ng hapon, sinara ko na ang shop. Habang naglalakad ako palabas ng Public Market kung saan naka-locate ang shop namin, tinanggal ko saglit ang bracelet ko na binigay ni Beatrix. Gawa lang naman ito sa nylon kaga madali ko lang itong natanggal.

Pinaghalong kulay yellow and white ang mga beads nito, may letters din ng pangalan ko.

Binuhusan ko ng alcohol ang palapulsuhan ko dahil medyo nanlalagkit ang pakiramdam ko. Habang pinapahid ko ang alcohol, hindi ko namalayan na may nakabanggan na pala ako.

Napangiwi ako. "Sorry po." Bahagya pa akong napangiwi.

"Okay lang," gamit ang sang baritonong boses na tugon nito.

Hindi ko na nagawang tignan ang mukha nito dahil naglakad na ako kaagad palayo.

Nakasakay na ako sa tricycle nang mapagtanto ko na mayroon akong nakalimutan.

"Paksyet 'yung bracelet ko!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro