PROLOGUE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

PROLOGUE

"Umiiyak ka na naman."

Saglit akong napahinto sa paghikbi. Tumingala ako't tinignan ang taong nasa harapan ko.

"X-Xenus..." mabilis kong pinunasan ang mga luha na nagkalat sa pisngi ko gamit ang aking kamay.

Napaigtad ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"B-Bakit..." I trailed off.

"Ako na ang magpupunas ng luha mo. Ang dugyot mo nang tignan baka sabihin ng makakita na inaway kita." Saad niya saka dahan-dahang pinunasan ang pisngi ko gamit ang paborito niyang panyo.

Iniwas ko ang mukha ko sabay sabing, "'Wag na, ako na. Nakakahiya naman sa'yong abnormal ka." Mabilis ko namang inayos ang sarili ko para hindi na siya makapalag pa.

"Napaka-arte, akala mo naman kagandahan," pagbibiro niya.

"Hindi naman kasi ako maganda," nakaismid kong ani.

"Ulol." Umiirap niyang saad.

Ngumisi ako sabay sabing, "Pogi kasi ako." I raised my right hand and posed using the famous pogi sign.

"E'di wow." Tanging sagot niya na lamang.

Umupo siya sa tabi ko. Saglit siyang tumahimik, mukhang hinahayaan niya akong mapag-isip-isip.

"May problema ka ba?" Dahan-dahang tanong niya.

I looked at him while raising an eyebrow. "Sa tingin mo iiyak ako kung wala?" I uttered with sarcasm.

Umangat ang kamay niya at walang pasabi-sabi na binatukan ako. Napangiwi ako't makalakas na napadaing.

"Aray naman! Napaka-epal, eh!" Pagrereklamo ko.

Inirapan niya ako saka sumandal at ipinikit ang kanyang mata. "Nagtatanong ako ng maayos." Masungit na aniya.

"Sumagot din naman ako ng maayos. Mukha bang ngongo 'yung sagot ko?" Nakangising pamimilosopo ko.

He threw a sharp glare at me. "Tang'na nito, bahala ka na nga d'yan. Papasok na lang ako, ayo'kong ma-late. " Tumayo siya't pinagpagan ang kanyang pants. Akmang aalis na siya kaya kaagad kong inabot ang dulo ng kanyang polo saka hinila.

"Sa totoo lang...hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Mahinang saad ko saka yumuko at niyakap ang mga binti ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa pagitan ng dalawang binti ko nang maramdaman ko ang pagbabadya muli ng aking mga luha.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. Naramdaman ko ang pagbalik niya sa tabi ko.

"'Wag kang matakot..."

Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Ha? Sa alin?" Tanong ko.

"I mean, huwag kang matakot sabihin sa'kin 'yung mga problemang bumabagabag sa isip mo. Huwag kang matakot sabihin sa'kin yung mga bagay na gumugulo sa'yo." Saad niya.

Iniwas ko ang aking mata at humugot ng isang malalim na hininga. "I...uh..." I stuttered.

I felt him placed his hand on my shoulder, trying to comfort me. "Don't worry, I'll try my best to help you. I'll try my best na bigyan ka ng assurance tungkol sa mga bagay na hindi mo pa nasasabi sa'kin. I'll reassure you. You already know that my shoulder is always right here if you want to lean on, right? We could talk about your thoughts if you want. All i need is your trust." Mahabang saad niya.

You are my rant buddy, my kachismisan, my best friend, and the guy that I love. So, tell me, how can I tell you all the pain and sufferings that I'm experiencing right now kung ikaw lang din naman ang dahilan ng mga ito?

How can I tell you that you're hurting me? How can I tell you that I love you not because you're my best friend...because you are Xenus

Please...tell me, Xenus. How can I tell you how I love you so much knowing that you already love someone else? How...how can I love you without getting rejected?

Saglit akong tumahimik dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin. Pakiramdam ko punong-puno ng emosyon ang puso ko at punong-puno rin ang utak ko ng mga iisipin pero wala akong masabi.

Parang bigla akong hindi makapagsalita, walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko.

Saglit akong napatitig sa kawalan at ilang beses na napabuntong hininga. Pinakiramdaman ko si Xenus na tahimik pa ring nakaupo sa tabi ko. Mukhang hinihintay niya rin akong magsalita.

"'Yung salamin mo..."

Napatingin ako sa kanya nang banggitin niya ang mga salamin ko.

Pagak akong napatawa. "Wala na..."

Mukhang naguluhan naman siya sa sinabi ko. "A-Anong ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong niya.

Tinitigan ko siya ng ilang saglit saka umiling. "Wala...basta...ewan." Hindi siguradong sagot ko.
"Yhet...ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong niya.

Ayos nga lang ba talaga ako?

Sa totoo lang, hindi. Hindi ko alam.

"O-Oo naman...I'm fine. K-Keri pa." Peke akong tumawa saka nag-thumbs up.

Mukhang hindi siya naniwala at akmang magsasalita pa ulit nang may tumawag sa pangalan niya.

"Xenus!"

Sabay kaming napatingin aa direksyon kung saan nanggaling ang boses na 'yon.

Oh, it's her. And she's running towards us.

Kaagad na napatayo si Xenus upang salubungin siya.

"Hey, what are you doing here?" Tanong ni Xenus sa kanya.

"I...wait, gosh napagod ako!" Hinihingal naman nitong sagot.

"Magpahinga ka nga muna kasi." Tila sinesermunan na saad ni Xenus.

Pasimple naman akong napaismid. Talagang dito pa sila naglandian sa harapan ko ah.

Aba, mga bastos. Respeto, oh. Respeto!

Tanginang 'yan. Nagdadrama ako dahil sa'yo, Xenus tapos ang lakas ng loob mong manglandi sa harapan ko.

Aba, puta, respeto oh!

Wait, why am I even acting like a jealous mad woman? Hindi naman kami. And will never be. Because this girl in front of me, siya ang poreber ng animal na Xenus na 'yan.

"Mga pisting yawa," bulong ko saka napahalukipkip.

Mukhang nakalimutan na ni Xenus na ako ang kasama niya kanina kasi nakatuon ang atensyon niya sa babaeng nagugustuhan niya.

Aba, malamang, Yhet! Gusto niya, eh! Nililigawan niya kaya malamang siya ang aasikasuhin. Bestfriend ka lang naman. Best.Friend!

"H-Hindi na tayo pwedeng m-magtagal! I-I need your help!" Saad nung isa.

Napairap ako dahil alam ko na ang susunod nito. Hindi nga ako nagkamali dahil kaagad namang umalis ang dalawa. Kaya ang ending, naiwan ulit ako. Mag-isa.

Wala naman akong magagawa, eh. Hindi ko siya pwedeng kontrahin kasi bestfriend lang naman ako at nililigawan niya yung isa.

"Pisting buhay 'to, oh! Sa ilang bilyong tao sa mundo bakit ba kasi sa kanya pa ako nagkagusto?!" Inis na sigaw ko.

"Hoy, sino 'yan? Kita nang may nagkaklase dito, nag-iingay ka pa!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng isang guro. Kaagad kong dinampot ang bag ko bago tumayo saka kumaripas ng takbo.

Kasalanan mo ito, Xenus! Tangina ka!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro