Speechless Romance

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SPEECHLESS ROMANCE
written by Endee (loveisnotrude)


HINDI ALINTANA kay Lovely ang kanyang pagiging NBSB o No Boyfriend Since Birth hanggang sa siya'y tumuntong sa edad na tatlumpu kung saan halos lahat ng kakilala niya ay kasal na at may kanya-kanya ng pamilya o 'di kaya nasa isang masayang relasyon naman kasama ang kasintahan ng mga ito. Hindi naman siya takot tumanda mag-isa basta ba't maranasan man lang niya kahit isang beses ang pagkakaroon ng matatawag niyang boyfriend. Kaya nang i-set siya ng kanyang best friend na si Sunshine sa isang blind date, pikit-mata na lang siyang pumayag dito.

Hindi naman siguro ako ipapahamak ni Sunshine, 'no?, isip-isip niya habang siya'y naglalakad papunta sa coffee shop na napagkasunduang pagkikitaan nila ni Eros, ang ka-blind date niya. Ayon sa kanyang best friend, mabait naman ito at talaga namang makakasundo niya raw. At sa ilang oras naman nilang pagpapalitan ng mensahe, hindi maitatanggi ni Lovely na magaan ang pakiramdam niya rito.

Eros: Hi! Nandito na ako sa coffee shop. Nasaan ka na?

Lovely: Parating na. Anong kulay ng damit mo?

Eros: I'm waving at the door. Naka-blue polo.

Lovely: Ikaw? Hindi ba pinsan ka ng best friend ko?!

Eros: Yes

Ilang segundo siyang natulala sa text na natanggap niya bago ito muling nasundan ng isa pang mensahe.

Eros: Also... sana okay lang sayo that we just text while we hang out. I'm mute.

Hindi agad nagproseso sa kanyang isipan ang huli nitong sinabi sa text. Hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa puwesto ni Eros, nanatili pa ring nakakunot ang kanyang noo. Hindi niya inaasahan na ganito pala ka-awkward ang pinasok niya. They're just both staring at each other na tila ba naghihintayan sa kung sino ang mauunang magsasalita hanggang sa . . .

Eros: Sorry kung ang awkward nito sayo.

Lovely: Hindi ka talaga nakakapagsalita?

Eros: Sorry...

Lovely: Hala! Don't be sorry. I didn't mean to offend you.

Eros: Turn off ka na ba?

Lovely: Bakit naman ako mate-turn off?

Eros: Because you didn't expect that your date is a mute?

Hindi agad nakapag-reply si Lovely because she couldn't find the right words to say. Little did Eros know ay matagal ng may crush sa kanya ang dalaga. Mula nang makita niya ang larawan nito sa cell phone ng kanyang best friend nang minsang hiramin niya ito, hindi na ito nawala sa isipan niya. At mas lalo pa siyang na-curious sa katauhan nito nang sinabi ni Sunshine sa kanya na, Huwag na 'yang pinsan ko. Sa iba ka na lang magka-crush.

Kaya naman laking gulat at pagtataka niya pagkakita ng hitsura ng kanyang ka-blind date na s-in-et-up ng magaling niyang best friend. Ngayon, unti-unti niya ng naiintindihan kung bakit hindi agad sinabi sa kanya ni Sunshine ang tungkol kay Eros noon.

Lovely: Yes, I wasn't expecting that at all. Pero maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi naman problema sa akin ang kalagayan mo?

Eros: Talaga?

Lovely: Oo naman. You're still human, Eros. Pinagkaitan ka lang ng boses, pero tao ka pa rin naman. So why would I be disappointed?

Eros: My cousin's right. Iba ka nga talaga :)

Lovely: Hoy! Anong chismis ang mga sinasabi sayo ni Sunshine tungkol sa akin ha?!

Eros: Nothing much. She just told me that you're different from other girls out there :)

Lovely: Hala! Paanong different? Hindi ba ako mukhang babae?!

Eros: I think that's not what she meant haha

Lovely: Eh ano?

Eros: Hindi ka mapanghusga and you're very kind. Honestly, hinanda ko na ang sarili ko sa pagwo-walkout mo the moment I've told you that I couldn't speak at all. Pero you surprised me.

Lovely: Speechless naman ako sa sinabi mo! Pareho na tuloy tayong hindi makapagsalita ngayon.

Huli na nang ma-realize ni Lovely ang sinabi niya sa text. Akala niya ay ma-o-offend nito si Eros kaya nagulat siya nang pagtingin niya dito, nakangiti lang ito. At sa pagkakita niya sa ngiting iyon, may kung anong paruparo siyang naramdaman sa sikmura at naging kakaiba na rin ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi man niya ito maipaliwanag sa pamamagitan ng ilang salita, alam niya na sa sarili kung ano ang ibig sabihin nito.

Unexpectedly, their date went well. Kahit na sa phone lang sila magkausap, hindi ito naging hadlang para mapag-usapan nila ang mga interes nila sa buhay. Ni hindi na nga nila binigyan pansin ang mga matang sumusulyap sa kanila sa paligid na puno ng pagtataka kung bakit hindi sila nagsasalita dalawa. At kahit na magkasama ay nasa kanya-kanyang mga cell phone naman ang atensyon.

Hanggang sa ihatid na ni Eros si Lovely sa apartment nito, bakas pa rin ang saya sa kanilang mga mukha.

Lovely: Hindi mo naman na ako kailangang ihatid pero thank you.

Eros: Thank you rin sa oras na nilaan mo sa akin ngayong araw.

Lovely: Hala! Ayan ka na naman, hindi ka na naman titigil sa kapapasalamat!

Eros: Because I'm really thankful. Masaya rin ako at nakita kita sa personal tapos nakilala pa. Feeling ko nga nasa cloud nine pa rin ako until now.

Lovely: Ako rin naman. Masaya rin ako at ikaw 'tong nireto sa akin ni Sunshine.

Pagkatapos i-send iyon ni Lovely, nagkatitigan sila. At dahil hindi naman na sila mga bata, walang pag-aalinlangan na silang nagyakapan dalawa. And once again, she felt the warmth she's been longing for --- the warmth that she only felt with Eros.

Lovely: Baka gabihin ka na sa daan kaya sige na. Okay naman na ko dito. Thank you ulit sa paghatid :)

Eros: Sige

Lovely: Ingat sa pag-drive :)

Eros: Okay

Lovely: And see you on our next date!

Bago pa makita ni Eros ang pamumula ng kanyang buong mukha pagkatapos niyang i-send iyon, dali-dali na siyang tumakbo papasok sa apartment niya, bitbit ang ngiti na mukhang hanggang sa pagtulog ay kanyang madadala.

At bago pa siya tuluyang mag-daydream, muli ng tumunog ang kanyang cell phone hudyat na may panibago siyang mensahe --- mensahe na siyang tuluyang nakapagpatunaw ng puso niya.

Eros: I'm speechless... pero see you! And good night, Lovely. Sweet dreams :)

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro