22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Lemon Point of View:

Balisa na ako sa nangyayari sa akin. Sa lahat ng babae sa Xavier University sa akin pa 'to nangyari. 'Di naman ako kagandahan para may mahumaling sa akin.

Tinatawag nga ako nina Rico at Zidane na tomboy at maliit. Akala mo naman 'di sila maliit kung makapanglait.

Inaasar nila ako bakit naging kaibigan ko sila Arisse, eh, mga pang-beauty queen daw ang mga iyon. Baka raw ampon lang ako nila mom dahil ang ganda ng kapatid ko. Bwisit talaga.

Masaya na naman ako sa buhay ko, na may mga kaibigan ako, nakakapagsayaw ako at higit sa lahat malaya ko sa lahat ng bagay.

Pero, nang dumating niyang stalker na iyon, umikot ng 360 degrees ang buhay ko! Okay sana kung kinikilig ako, kabaliktaran naman, takot nararamdaman ko! Napaka-creepy niya! Bakit ayaw niya na lang maghanap ng ibang aasarin niya!

Nasa rooftop ako, gusto kong mapag-isa, ayoko muna makita ang mga kaibigan ko, sobra na silang nag-aalala sa akin. Saka oa na raw ako!

Alam naman nilang perstaym ko 'to tapos saltik pa nagkagusto sa akin. Unfair!

Malay ko ba sa love-love na iyan! Busy ako sa dance troupe. Sa pagsasayaw ko na lang dinadaan ang lahat.

Biglang nag-vibrate ang phone kong nasa bulsa ng aking uniform.

Oh gash! Siya na naman! Bakit ba ayaw niya akong tantanan! Ilang beses ko na ba siyang binoblock? Pero, si gago, magaling yata sa computer, at nakakapagtext pa uli sa akin!

Kakainis!

Humingi na ako ng tulong kay Raegan, pinuntahan ko pa siya sa school nila, tapos tinawanan lang ako? Bwisit kasing Cedrick na 'to, nag-iilusyon lang daw ako! Pampam!

Kay Rico rin lumapit na ako, SSG President namin siya sa school, siya rin ayaw maniwala. Bakit daw ako magugustuhan ng dalawang Sebastian  ay heartthrob daw ang mga iyon dito.

Pakialam ko ba sa kanilang dalawa. Ang iniisip ko, sino sa kanila ang baliw na stalker na iyon!

'Wag lang talaga iyong underground fighter na iyon! Jusko, balita sa school namin, wala raw sinasanto niyon pati ang mga teacher kinakalaban niya. Hindi lang mapaalis dahil malakas ang kapit sa school at matalino raw ito. Paanong nangyari iyon kung twice a month lang pumapasok?

Binasa ko ang text ng baliw na 'to, bahain din siya magtext, ano?

"Just knock 3 times and say I'm property of Sebastian."

WTH! Property? Siraulo nga siya. Ipasok ko na kaya siya sa mental? Need na talaga niya, e.

Just knock? Sa'n ako kakatok? Magsasabi na lang, di pa pinaliwanag, saan ako kakatok? Sa ulo niya?

"Dapat 'di knock, kotong dapat!" Sent!

Ganyan! Nanggigigil na talaga ako! Gusto ko ng lubayan na niya ako! Wala naman kaakit-akit sa akin

Nagtext agad, mayaman. Naka-prepaid.

"That obviously hurt, sweetheart. You're so mean. Hmm..."

Yuck!! Ayon nga gusto ko masaktan ka! Bwisit na lalaking 'to!

May isa pa.

"And, take note, nakikita kita."

WTF! Nilibot ko ng tingin ang paligid ng rooftop, langya wala namang tao!

"Ginagago mo ba ako? Wala akong kasama rito!"

Natatakot na ako. Baka may white lady dito?

Niligpit ko na ang mga gamit ko at agad na umalis sa rooftop. Kailangan kong makalayo sa kanya.

Bwisit na phone 'to, nag-vibrate na naman.

"Don't run! Baka madulas ka, sweetheart! Fuck!"

Bwisit! Tumakbo ako nang tumakbo hanggang makalayo ako sa rooftop. 'Di talaga ako tatantanan nitong baliw na 'to!

Lumingon ako sa likod ko baka may sumusunod sa akin ng mapaupo ako. Shit! Ang sakit!

"S-sorry, miss!" A nerd.

Tinulungan niya ako tumayo at yumuko siya, "Sorry, Miss Lemon! H-hindi ko sinasadya! Sorry talaga!" Nanginginig ang kanyang mga kamay.

"Uy, okay lang ako, 'di naman ako masyadong nasaktan. Ayos lang talaga." Hinawakan ko ang dalawang kamay niya pero pumiglas siya.

Nakita ko ang paglaki ng mga mata na akala mo'y nakakita ng multo, kaya tumingin ako sa likod ko pero wala naman. May multo yata talaga rito gaya ng sabi ni Rico.

"Ano tinitignan mo sa likod?" Kinakabahang tanong ko sa kanya pero iling na sunod-sunod ang nakuha ko sa kanya.

"Pasensya na talaga, Miss Lemon!" At sabay takbo niya. Pagkatakbo niya, tumakbo na rin ako, baka makita ko pa iyong multo!

Lagi na lang akong bumabagsak tapos wala namang sumasalo, may sasalo semento naman.

"Hindi kasi tumitingin sa daan!" Tumingala ako at nakita ko ang magkasalubong niyang mga kilay habang masamang nakatingin sa akin.

Gulp.

"S-sorry," kasalanan ko naman, e. Hindi ako tumitingin, iyong multo kasi, e.

Nakita kong may cut sa kanang kilay niya at mukhang bago lang iyon. May pasa rin siya sa ibabang labi niya.

Bago siya umalis, masama siyang tumingin sa akin.

Nakakatakot siya.

Pero, bago pa siya makalayo may isang taong humarang sa kanya.

Salubong ang kanyang kilay, madilim ang kanyang awra na akala mo lulusob sa g'yera. Bigla niya kwineluhan ang  lalaking nakabanggaan ko at masama siyang tumitig dito.

"Hindi ka magsosorry?" Biglang nanginig ang lalaki. Ikaw ba namang tanungin ng gano'n parang kakainin ka ng buhay.

"B-bakit ako magsosorry? Siya na nga nakabunggo. Puta!" May halong kaba na sabi niya.

Lahat ng tao tumigil malapit sa amin, lahat mga naka-nganga, at 'di makapaniwala sa nakita.

Biglang sinapak ng huli ang lalaki kanina at tumalsik ito sa paanan ko. Umatras ako at tinignan ang huling lalaki. Nanginginig ang kanyang kamao habang nakatingin pa rin sa lalaking nakahiga.

"Si Sebastian niyan diba?"

"Si Hayes naman iyong sinapak."

"Blacksheep nga siya sa pamilya nila."

"Nakakatakot pala talaga siya. Akala ko sabi-sabi lang dito sa campus."

"Mas gwapo pa rin sina Zidane, Jasper, Rico at Kian."

"Eh, diba barkada niya rin si Kian?"

"Iisa ang mga dugo nila."

Holy shit! Kinakabahang tinignan ko siya at nakatingin din pala siya sa akin.

Kukunin na ba ako ni San Pedro? Need ko na ba maghukay? Sana maging kamote na lang ako.

Humakbang siya papalapit sa akin, siyang pag-atras ko. Hahawakan na sana niya ako, gumana yata ang adrenaline rush ko, tumakbo ako nang matulin hanggang makalayo sa kanya.

Kailangan ko makita si Nicca! Anong sinasabi nila, magkadugo si Kian at siya? Holy shit!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro