29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Lemon Point of View:

Kinakabahan ako. Nagdasal na ako ng sampung ave maria at nakatapos na ako ng isang rosaryo para mawala ang nerbyos ko pero lalo lang lumalala. Huhuhu.

Help me.

Alas-kuwatro 'y medya na. 'Di pa rin ako umaalis sa bahay. Hindi rin pabor ang aking mga paa na lumakad at pumunta sa coffee shop na iyon.

Pero, wala akong magawa dahil kanina pa ako tinetext nina Nicca at kuya Zidane, kung nasa'n na ba ako? O, nasa place na ba ako.

Geezzz.

Huminga ako ng malalim at tuluyang lumabas ng bahay. Naka-maong ako na hanggang tuhod na kulay pink at naka-shirt na may statement na 'YOLO - You Only Live Once' pero mukhang 'di ko mararanasan.

Para akong iaalay sa isang tao at 'di p'wedeng bawiin. Final na ba 'to? Sana magbago ang pananaw niya sa akin. Hindi ako nag-ayos ng sarili ko. Bahala siya kung ma-turn off siya sa akin.

Huminga ako ng malalim at piping nagdadasal na sana wala pa siya, kahit ngayon lang lord, sa akin ka muna pumanig.

Dahan-dahan kong tinulak ang babasaging pinto at luminga-linga kung may mga tao na ba sa loob ng coffee shop.

Sa akin pumanig si lord. Salamat.

Sa pinakasulok ako ng pumesto at nireserve ang ibang upuan para sa mga kaibigan ko. Habang tumatagal, lalo akong kinakabahan.

Ano na ba mangyayari sa akin after nito? Magiging tahimik at mapag-isa ako? O, kabaliktaran ang mangyayari.

Isa-isa na nagdaratingan ang aking mga kaibigan. Lahat sila mga nakaseryoso ang mga mukha. Solid naman kasi kami, kahit iba sa amin ay nasa ibang school. St. Angelica school.

"Wala pa siya? Alas-singko na, ha." Bungad ni Raegan sa akin.

Kaming apat palang ang nandito. Ako, Raegan, Arisse and Luigi.

"Filipino time, hindi na kayo nabago sa mga kaibigan natin."

Always. Alas-singko? 5:30pm sila pupunta.

Nakita naming dumarating na sina Rico, Mia, Rhia, Farrah and City.

"Where Angie? 'Di niyo kasama?" Pagtatanong ni Arisse ng makitang walang Angie.

"Kasama yata nila Nicca? Tinawagan ko siya kanina, umalis na raw siya."

Eh? Kanina pa ako rito, wala namang Angie.

"Baka nga."

"Kumusta, Raegan? Long time no see, ha. Tapos na ba magmukmok?"  Tumawa lang ang huli.

Bago mag-5:30 ng hapon, kumpleto na kaming lahat. Si Sebastian na lang ang wala.

"Pupunta pa ba iyon, guys? Haller? 5:30pm na?"

"P'wede ba, Angie, manahimik ka, late ka rin naman."

"Excuse me, 'di ako late kung 'di ako pinapunta ni Nicca sa kanila. Maaga sana ako sa inyong lahat. Hmmp."

"Maghintay nga kayo. Tinext na ni Rico, si Kian."

Sabay-sabay kaming nanahimik dahil sa sinabi ni Nicca. Iba magalit niyan. Hehehe.

"Nasa underground daw si Sebastian. Nagkaroon ng biglaang laban."

Napatayo si Nicca sa sinabi ni Rico, "What?! Seryoso? Uunahin niya 'yan bago sa kaibigan natin? Bwisit siya!"

Napapangiti na ako sa nagaganap. 'Di siya sumipot, at ayon ang ayaw ni Nicca. Ang mga nang-iindyan.

"Uwi na tayo, guys? 'Di na iyon pupunta." Sabat ko sa usapan nila.

Lumapit sa akin si Kuys Zidane, "Burahin mo lahat ng message ng hayop na 'yon. 'Wag mo itetext na kahit anong word or letter man 'yan! Wala rin kakausap kay Kian!"

"Teka lang, kaibigan ko si Kian, i mean, kaibigan natin. Bakit pati siya?" Angal ni Rico.

"Alam niyang magkikita tayo kasama iyong pinsan niyang black sheep, dapat pinatigil man lang niya!"

"Enough na guys! Nag-aaway-away na kayong lahat. Kung hindi siya pumunta, okay, hindi naman siya nawalan. Bigay na natin itong time na 'to for us, para makapag-bonding." Pag-aawat ni Raegan.

Buti na lang nandito si Raegan, ang pinakamatino sa amin. Hindi na nga lang siya nakakausap minsan dahil kay Hillary, dahil sa kanya nagbago si Raegan. Pag-ibig nga naman.

Tumango kaming lahat sa sinabi niya. Minsan na nga lang kami makumpleto, e. Susulitin na namin.

Puro k'wentuhan, asaran, at lamunan ang ginawa namin sa Coffee shop, 'di namin pinapansin kung may mga taong nakatingin sa amin. Basta masaya kami ngayong araw.

Pasado alas-siyete na ng gabi ng magkayayahan na kaming umuwi.

Naging pabor talaga sa akin ang tadhana. Humihip ang hangin sa akin.

Nakahiga ako sa aking malambot na kama nang biglang nag-vibrate ang aking phone.

Shete. B-bakit? Bakit kasalanan pa namin?

Magtitipa na sana ako ng maalala ko ang sabi ni kuya Zidane.

Ikaw ang wala. Hindi kami. Ikaw ang nang-indyan at hindi kami.

Ikaw.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro