48

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Lemon Point Of View:

Naghihintay akong matapos ang Marketing 101. May usapan kami ni Arisse na magkikita kami sa swimming pool area, nasa likod parte ito ng campus.

Madalang ang mga estudyanteng pumupunta rito kapag breaktime. Mga swimmer lang ang pumupunta roon upang mag-ensayo pero may mga oras ang mga ito.

Niligpit ko ang aking mga gamit at 'di pinansin si Dana - kaibigan ni Ate Belle. Wala dapat makaalam na mag-uusap kami ni Arisse except kay Angie. Alam kong 'di siya magsasalita, may paninindigan siya.

Nag-vibrate ang aking phone. Kinuha ko ito at binasa.

"Where are you? Breaktime niyo, right? Same schedule, remember?!"

Oo, nga pala! Sa mahigit na isang linggo niyang panliligaw, walang palya na 'di kami sabay na mag-lunch.

"Lemon? Sweetheart?"

"Wala ka rito sa classroom niyo? Nauna ka na raw umalis?

"NASAAN KA, LEMON?"

"SWEETHEART??"

"Hindi ka rin kasama ng pinsan mo?"

"Where are you? Nag-aalala na ako sayo?!"

Sunod-sunod na pumasok ang kanyang text pero isa rito wala akong sinagot.

Nandito na ako sa kitaan namin. Pero, walang Arisse akong nakikita.

Tumingin ako sa aking wristwatch, breaktime na rin nila.

Umupo ako rito sa bencher na malapit sa pinto ng mga dug out nila.

Nakakatakot. Walang katao-tao. Wala bang practice ngayon?

May phobia pa naman ako sa tubig. Hingang malalim, Lemon. Hindi ka naman lalangoy, e. Chillax.

Umabot na ng sampung minuto pero walang Arisse na nagpakita.

'Pupunta ka pa ba? Totoo ba ang sabi nila, 'di pa talaga kita gaanong kilala?'

Tumayo na ako. Malapit na matapos ang lunch break namin. Nagugutom pa naman na ako.

Lalakad na sana ako paalis nang paglingon ko, si Arisse ang bumungad sa akin.

'Mali ang sinasabi nila sayo, Arisse. Alam kong 'di mo gagawin sa akin iyon. Bestfriend tayo, right?'

"Kanina ka pa ba, Lemon?" Luminga-linga siya sa paligid animo'y parang may hinahanap.

Tumango ako rito, "Akala ko 'di ka na pupunta. Wala akong kasama."

"Sinisigurado ko lang. Alam mo namang bantay sarado ka nila."

Hindi ko alam bakit ang higpit nila sa akin. Pero, naghihigpit lang sila para 'di maulit ang nangyari noon.

Noong nagkayayahan kaming mag-outing. Muntik na akong malunod.

Lumapit siya sa akin.

"Ako ang una nakakita kay Sebastian. Ako ang una nagpapapansin sa kanya pero bakit ikaw? Bakit ikaw ang nagustuhan?!"

Nanigas ako sa sinabi niya.

"Hindi ko alam..."

"Hindi mo alam kasi manhid ka!" Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"I'm sorry. Alam mong wala akong balak magka-lovelife. Alam mong nakafocus ako sa pagsasayaw ko." Umiiyak na ako rito. Ngayon lang kami nag-away dahil pa sa lalaki.

"Wala na, Lemon, naagaw mo na siya sa akin..." Magkaharap na kami ni Arisse at parehas na kaming umiiyak.

"Alam mo dapat mawala ka, 'di ko nga alam ba't kinaibigan kita. Oo nga pala, dahil sa pinsan mo, ayun nga lang may minamahal na ring iba." Nagulat ako sa sinabi niya.

Si Arisse ba 'tong kausap ko? Ito ba ang totoong siya?

"Ikaw iyong naglalagay ng nga sulat sa  desk ni ate Belle? Na niloloko lang siya ni kuya Zidane?" Nanalangin akong hindi, na hindi siya iyong may gawa nu'n.

"Ako nga! Akala ko mapaghihiwalay ko. Masyado silang matatag." Matapang niyang sabi.

"Eksaktong nakita ko si Sebastian, at pinsan siya ni Kian kaya 'di ako umalis sa tabi mo. Pero, langya, Lemon! Ikaw na naman! Ano bang mayro'n ka, na wala ako? Bwisit!"

Kitang-kita sa kanyang mga mata ang inggit. Selos at galit ang nakikita ko sa kanya.

"Kaya dapat mawala ka na. Diba takot ka sa tubig?" Lumaki ang mga mata dahil sa sinabi niya

Sasagot pa sana ako ng itulak niya ako pabagsak sa swimming pool na may lalim ng 8ft. Hindi ako marunong lumangoy.

Nagpapagaspas ako sa tubig at pilit inaahon ang aking mukha para 'di makainom ng tubig.

"Diyan ka na, Lemon, rest in peace." tuluyan siyang umalis kung nasa'n ako at nag-aagaw buhay.

Mukhang mahal ako ni Lord, hindi niya ako pinabayaaan.

Nasa bisig na ako ng isang lalaki at nilapag sa sahig habang ginagawa ang cpr.

Naibuga ko lahat ng tubig na nainom ko. Habang habol ang aking hininga.

"Are you okay?" Nagtataas-baba ang kanyang balikat habang basang-basa ang kanyang uniform.

"O-okay lang." Tumayo ako at piniga ang aking buhok. Basang-basa na rin ako.

"Take this," Binigay niya sa akin ang kanilang blazer  sabay turo niya sa akin sa bandang dibdib ko.

Bakat iyong bra ko. Huhuhu.

"T-thank you."

"Buti na lang pala tumambay ako rito. Kung hindi, may mababalitaan bukas. 'Isang babae nalunod'." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Easy. Hindi ka na mabiro. Lemon, right?"

Magtatanong sana ako kung paano niya nalaman, mukhang bago lang siya rito. Never ko pa siya nakikita, e.

"Narinig ko kanina sa usapan niyo. Madalas din kitang marinig sa campus na 'to." Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Kaibigan mo iyong kanina diba? Arisse her name? Mukhang nag-away yata kayo? Or, FO?"

"What's FO?"

"FRIENDSHIP OVER." sabay kibit-balikat niya.

Weird.

"Ayan na pala mga kaibigan mo," napatingin ako sa bunganga ng area-ng ito, tumatakbong Zidane, Nicca, Jasper, Angie, Kian at Sebastian ang nakikita ko.

"Anong nagyari sayo?"

"Bakit basang-basa ka? Ikaw rin?"

Lahat sila nakatingin sa amin ni, sino nga ba ito?

"Sino ka nga?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito, Night?" Napatingin kaming lahat kay Sebastian. Kakilala niya?

"Night Miguel Samonte. Nice to meet you all." Sabay ngisi niya sa aming lahat.

Weird ba ang paningin ko dahil basang-basa ako, O, masama talaga tingin nina Sebastian at Night sa isa't-isa?

"Magkakilala kayo? Sorry, naguguluhan lang." Tanong ni Angie sabay taas ng dalawang kamay niya.

"Mag best friend kami,"

"dati..." Huh?

"Ohhhh? Ang gwapo ng bestfriend mo, ah, Sebastian. Nice."

Lumapit si Angie kay Night at nakipagkamay, "Angie Lopez, btw."

Itong babaeng 'to. Tsk. Nabatukan tuloy ni Nicca.

"Aray naman..."

"Ang landi... Bakit kayo basang-basa?"

Napalunok ako dahil sa tanong ni kuya Zidane, paano ko sasabihin? Na si Arisse nagtulak sa akin? Inggit na inggit siya sa akin?

"A-ano... Ano kasi..."

Bago pa ako sumagot, may umepal na.

"Kaibigan niyo... Iyong Arisse ba iyon? Si Arisse yata niyon, tinulak siya. Buti na lang nandito ako at natutulog." Casual niyang sabi sa mga kaibigan ko.

"Kung hindi nalunod na iyan kanina pa. Hindi man lang lumaban." Dagdag niya.

Tumingin ako sa kanya at parang wala lang sa kanya ang sinabi niya. Parehas nga sila ni Sebastian.

"I told you, guys! Masama talaga kutob ko d'yan sa Arisse na 'yan! Tama nga hinala ko d'yan!" Pagkasabi ni Angie nu'n, nakita naming tumatakbong umalis sina Kuya Zidane at Sebastian.

"Tangina. Ang daldal mo talaga, Angie!"

"What?! Ako pa?"

"Teka lang naman, hintay!" Tumatakbo na kami pasunod sa dalawang lalaki na galit na galit.

Wrong moved.

• | • | • | • |

PS:

Malapit na matapos...

JIN OF BTS as NIGHT MIGUEL SAMONTE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro