76 [2]

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ZIDANE'S POINT OF VIEW

Nagkita kita kami sa coffee shop na malapit sa campus. Atat na atat na akong pumunta at makita ang mukha ng Sebastian na iyon.

Mata lang talaga niya ang walang ganti! Kakantiin niya pa si Lemon. Walang Zerano-ng umiiyak para sa mga lalaking walang kwenta.

Napabalik ako sa wisyo ko ng kalabitin ako ni Jasper.

"Easy, Zidane. Namumula na niyang kamao mo sa sobrang gigil." Pagpapakalma niya sa akin.

Nginisihan ko lang siya.

"Sino pa ba hinihintay natin?" Bagot na tanong ni Luigi na kanina pa naiinis.

"Si Blue,"

Napalingon silang lahat sa akin. Akala mo may mali sa sinabi ko.

"Iyong pinsan ni Lemon sa side ng daddy niya?" Takang tanong ni Jasper. Tumango ako rito.

"Diba influencer niyon?" Tumango ako.

"Kapatid niya iyong sumisikat ngayon na young actress, na si Gabb." Tumango ulit ako.

"Kay Blue ba 'yong twitter page na Bughaw Na Puso?" Kumibit-balikat ako sa kanya. Malay ko ba roon sa mayabang na pinsan ni Lemon. Ang laki ng ulo niyon.

"Dami niyong tanong. Siya tanungin niyo mamaya. Fans niya ba kayo? Dami niyong alam sa kanya, ha?" Bwisit na ako.

Tumahimik naman na sila.

Ilang minuto lang dumating na ang hambog na pinsan ni Lemon. 'Di ko talaga 'to isasama kung hindi lang talaga nagpumilit. Bwisit.

"Sorry, we're late." Ani ni Blue na kararating lang at may kasama pang dalawa.

"Sina Xtian and Coby, my friends. I need back up." Sabay ngisi niya. Kinabahan ako sa ngisi nitong hambog na 'to.

"Tara na. Almost 7PM na." Diing sabi ko sa mga 'to.

Filipino time talaga kami.

Nagpahuli ako sa paglalakad at tinitignan ang mga kasama ko. Lahat sila gustong makita si Sebastian. Gustong makasapak.

Sabay na naglalakad sina Raegan at Rico. Sa amin magkakaibigan, itong dalawang 'tong ang tahimik at pala-aral sa amin, 'di mo makikitang may inaaway o nakikipag-away, sila ang mga kumakausap sa mga nakakalaban naming apat nila Jasper kapag nabugbog namin masyado ang mga 'to, at sila iyong mga laging nagpapaalala sa amin lalo na sa mga girls. Kaya first time 'tong kasama namin sila sa gulong gagawin namin.

Nang makarating sa venue, illegal 'to pero walang nagsusumbong sa mga pulisya. Malakas yata kapit nito.

Naabutan namin si Eugene na hinihintay kami.

"Tagal niyo naman! Tara, sunod kayo sa akin,"

Nakita kong inangilan ni Night si Eugene. Umiling na lang ako.

Lumingon siya sa amin, "nga pala, tawagin niyo kong Coin dito. Hindi nila alam first name ko. Nakilala akong Coin sa lugar na 'to." Wala kaming pake. Tumango na lang kami.

"Sino pala ang mga ito?" Sabay turo nito sa tatlo.

"I'm Blue, cousin of Lemon. And, this is my friends, Coby and Xtian." Pakilala nito.

"Dami niyong back-up." Tumatawang saad niya.

Gago.

Pinaupo niya kami malapit sa ring. Kitang-kita rito pati ang fake best friend ni Lemon na ngayo'y tumatawa at masayang nakikipag-usap doon sa dalawa niyang kaibigan: Ginger and Ari.

"Tsk. Ngiti lang kayo, mamaya manggugulo kami." Pakantang sabi ng dalawa kong katabi. Sina Jasper at Kian.

Nilibot ko ang tingin sa venue-ng ito, ang daming tao. Sino ba 'tong si Timothy at mukhang sikat din ito.

Kinalabit ko si Coin at tumingin naman ang huli, "Sino ba iyong Timothy? Ang daming nanonood ngayon."

Lumapit siya sa akin, "nagbabalik sa underground fight. Matagal na siyang lumalaban pero umalis 'tas ngayon bumalik. Walang may alam kung bakit bumalik siya. First laban niya ulit after 4 years."

"Malakas ba siya?" Usisang tanong ni Kian, "daming tao, e." Dugtong niya.

Tumango si Coin, "Malakas sabi-sabi ng mga naabutan siya. 'Di namin naabutan ni Sebastian niyan, eksaktong biglang na lang nawala at 'di nagparamdam sa mga management. Kaya siguro maraming tao ngayon." Tumango kami sa sinabi niya.

Biglang namatay ang mga ilaw sa buong venue, at ilaw na puti lamang na nasa ring ang naiwan.

"Umpisa na,"

Naghumiyaw at sumigaw ang mga tao. Sabik na sabik sila sa mapapanood. Mukhang magandang laban 'to. Sana mabugbog na husto ang gagong Sebastian na iyon.

Sa magkabilang gilid, lumabas ang dalawang tao. Ang dalawang maglalaban ngayong gabi.

Sobrang lakas ng mga tilian, palakpakan at hiyawan ng mga tao rito. 

Exciting ang magiging laban.

Lalong dumagundong ang sigawan ng makatuntong ang dalawang manlalaro sa ring. Parehas ang kanilang pangangatawan pero mas matangkad lang iyong isa.

Tumutok ang mga ilaw sa kanila. Ngisi lang Sebastian. Yari ka sa amin.

"Let's welcome, the Almighty!Sebastian!" Naghiyawan ang mga tao.

Nang mapunta ang spot light sa Timothy na iyon, lalong umingay ang paligid.

"Ang bumabalik para iparating siya ang King ng Underground fighter, Let's give a round of applause, Timothy!"

"Shit!" Napatingin kami sa malakas na  nagmura at galing ito kay Blue.

Nakatingin kami sa kanya habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa p'westo nu'ng Timothy.

"Kilala mo?" Tanong ko rito.

Dahan-dahan siyang tumango sa akin.

Nagtataka ako sa kanya. Kilala pala niya, kanina pa namin sinasabi nu'ng pangalan niyan.

"Kaano-ano mo?" Baka kamag-anak niya Mariano surname nito. 'Di naman p'wedeng pinsan ko niyan.

"K-kaibigan ko... Kaibigan namin." Tinignan ko rin ang dalawa at nakanganga rin pala ang mga ito.

"'Di niyo alam na underground fighter siya?" Naguguluhang tanong ko sa kanila. Kaibigan nila tas 'di nila alam?

"Alam namin pero ang alam namin nasa ibang bansa na siya." Surprise yata sa kanila 'to. Hahaha.

Nagtilian ang mga tao, nagulat kaming nag-umpisa na pala ang laban. May mga nakatayo pa habang tumatalon-talon pa ang iba.

Lumipas ang isang oras o lumagpas pa yata, narinig na lang namin na nagsalita ang referee, "the winner is Timothy!" Sabay taas ng kamay ng huli.

"Talo, walang kwenta!" Sabay tayo ni Cedrick.

Kitang-kita sa malaking tv na narito ang bugbog saradong mukha ni Sebastian, may konting galos naman ang mukha nu'ng Timothy.

Tumayo na kaming lahat at sinundan si Coin na bumaba at pumunta sa may ring.

Sumalubong sa amin ang tingin ng babaeng matagal na naming inalis sa grupo namin. Para siyang nakakita ng multo nang makita kaming sama-sama, maski ang dalawa niyang kaibigan.

"Uy, nandito pala kayo? Pumupunta pala kayo rito para humanap ng lalandiin?" Nang-aasar na sabi Jasper sa kanila.

Namutla silang dalawa dahil sa sinabi ni Jasper. Kilala si Jasper biglang sweet sa mga babae lalo na kapag barkada namin. Bantay sarado nga niya si Belle.

Tumayo ang dalawang kaibigan ni Arisse; Ginger and Ariendelle at lalapit sana roon sa Timothy. Bagong suspect ng dalawa. Una sina Coin at Ken. Tsk.

Pero, lumihis ng lakad iyong Timothy at nagtungo kila Blue.

"B-brod? Bumalik ka?" Nagtatakang tanong nu'ng Coby. Artista nga, magaling umarte.

"Hindi na ba p'wedeng bumalik?" Naguguluhang tanong nito sa kanila.

Kami rito nag-aabang sa susunod na sasabihin nila.

"Hindi naman. Nagulat lang kami kung hindi pa kami niyaya nila, 'di namin malalaman." Saad ni Blue ng nakabawi sa pagkakatulala.

Tumingin siya sa amin at nilibot ang tingin.

"Wala siya. 'Di siya p'wede sumama." Tumango siya sinabi ni Blue.

"Boy's night?" Tanong nito.

Sumingit na ako sa usapan nilang dalawa, "nope. May kailangan kaming bugbugin at bigyan ng leksyon." Sabay ngisi ko.

"Woooh!" Sabay taas niya ng kanyang kamay, "sino naman ang malas na bubugbugin niyo? Sa dami niyong niyan? Kawawa."

"Actually, napuruhan mo na nga, e." Kumunot ang kanyang noo.

"Iyong kalaban ko kanina? Bugbog na niyon, 'di na makakalaban sa inyo iyon."

Magsasalita na sana ako ng may tumili sa gawi namin, "bakit kailangan niyong bugbugin si Sebs! Wala naman siyang ginagawa, ah!"

Tumawa kami sa sinabi niya. Siraulo.

"Wala? Nagpapatawa ka ba, Arisse? Dahil nga sa'yo umiiyak ang pinsan ko. Tapos, sasabihin mo wala? Gago ka ba?" Nanggagalaiti kong sabi sa kanya. Inaawat na ako nina Rigo at Raegan. Alam nila na puno na at sasabog na ako dahil sa ginawa nila kay Lemon.

"Kasalanan ba ni Sebs na uto-uto niyang si Lemon, ha?! Boba iyang pinsan mo!" Susugurin ko na sana siya ng may nakauna sa akin.

"Sinong Lemon ang tinutukoy mo?" Madilim na mukha ang bumabakas sa kanya.

"Tims, easy, babae niyan." Pinapakalmang sabi nu'ng Xtian. Mukhang sa kanilang tatlo, ito ang matino.

Binalingan lang siya nung huli, "Uulitin ko ang sasabihin ko habang nakakapagtimpi pa ako," nanginginig na sa takot si Arisse, "Sinong Lemon ang tinutukoy mo?" Diing sabi nito.

Tumingin si Arisse sa mga katabi niya at takot din ang mga ito.

"S-si Lemon Alcaraz," nauutal niyang sabi

"A-aray! Iyong braso ko! Hey!" Pumipiglas na sabi ni Arisse. Kita namin sa kanyang braso na lumalabas  ang kanyang mga ugat. Umiiyak na ang huli.

"Tims! Babae niyan!" Umaawat na ang tatlo sa kanya.

"G-galit siya. Bakit?" Bulong na sabi sa akin Cedrick.

"Kilala niya yata si Lemon, Zidane." Mahinang sabi ni Kian.

Tumingin siya sa amin at umayos ng tayo ang dalawa na kaninang bumubulong sa akin.

"Anong ginawa nu'ng Sebastian na iyon kay Lemon?" Madiing sabi niya sa akin.

"Pinaglaruan. Ginawang bet." Agad-agad kong sabi. Nakakatakot iyong mata niya. Pota.

Nagulat na lang kami na biglang tumakbo si Timothy at sabay-sabay kaming tumakbo para habulin siya.

"Tims, teka lang!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro