Chapter3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SHY's POV

Naglalakad kami nina Moira at Darlene papunta sa likod ng café, walang imik yung dalwa, nakain na yata ang mga dila nila. At ako naman wala ring salita, psh asa pa silang ako ang unang magsasalita

Buti nalang pumayag si Claire na ako nalang ang lumaban sa dalwang ito, ewan ko ba pero naiirita talaga ako pag may tumatawag ng mga endearments kay Vie, oo OA na kung OA eh basta gusto ko ako lang eh, bakit ba!

At paagkarating namin dito sa likod, walang katao tao , buti naman para walang makialam.

"Oh ano Shy, ready to lose?"mayabang na sabi sakin ni Darlene

"Tse, asa ka Darlene, ano game na" mayabang ko ring sabi , psh paptalo ba naman ako? Syempre no

At dahil madaya si Moira nasa likod ko na pala sya at sisipain na ako, buti nalang mabilis ang reflexes ko at nasangga ko agad ang sipa nya, it's payback time, nang masalag ko ang sipa ni nya hinawakan ko ang paa nya tsaka ko yon itinulak ng malaks kasabay ng pagsipa ko sa tyan nya, sumugod narin si darlene, pero nasipa ko rin agad sya sa mukha kaya yon parehas silang talsik.

"Ano na nasan na ang yabang nyong dalwa?" Maangas kong tanong sakanila

"Tse, wag kang masyadong mayabang dyan"sabi ni Darlene habang tumatayo at nagpupunas ng dugo sa labi nya, nakatayo narin pala si moira
Sinugod ulit ako ni moira,

"Argh"sinuntok nya ako at hindi ko yon nasangga dahil nag focus ako sa sipa ni Darlene kaya yon sapul ako sa mukha

"Hm! Ano nasan na ang tapang mo? Ha Shy!? Mayabang na namang sabi sakin ni Moira

"Tse, iisa pa nga lang ang naitatama mo sakin ang yabang mo na agad, yun lang ba ang kaya mo? Ha Moira? Pwe masyadong mahina" sagot ko naman

"NAPAKAYABANG MO TALAGA SHY! " inis na sigaw sakin ni Darlene tsaka sila sabay na sumugod ni Moira , pareho silang nag flying kick kaya naman mabilis akong umisplit tsaka hinuli ang mga paa nilaa tsaka ko sila pabalyang hinagis sa sahig.

"Agh, aaw" sabay nilang daing
Tinad yakan ko sila parehas sa tyan ng magtangka pa silang tatayo kaya yon suka sila ng dugo,
( clap, clap clap ) may narinig akong pumalakpak , luminga linga ako sa paligid pero wala akong nakita at pagtingala ko sa isang puno, aigoo wengya talaga to si Claire

" kanina kapaba dyan? Ha Claire?"

" hindi naman sakto lang, galing mo ah, tama na yan tara na , uwi na tayo" sabi nya sabay talon pababa mula sa puno habang may bitbit na mga balat ng chuckee coke at fudgebar, ibang klase ang takaw talaga neto kahit kelan.

Ganyan yan si Claire hindi nagtatapon ng basura kung saan saan, baka daw kasi bumara sa kanal, maging dahilan ng baha, dengue at makapatay, kaya dala dala nyan ang basura nya hanggang sa makakita sya ng basurahan.
Swaeg right?

"Bat nga pala uuwi na tayo? Wala na bang klase?tsaka hindi pa ako tapos sa dalwang panget nato oh" sabay turo ko sa dalwang palaka.

" wala ng klase, may meeting ang mga teacher kasama ang mga faculty member, tsaka iwan mo na yang dalwa dyan baka mapatay mo payan eh,"yes walang pasok , Vie time na ulit mamaya yahoooooo

"Mamaya na tayo umuwi bugbugin muna natin tong dalwa, kasura sila eh ha?" Pacute ko kay Claire, badtrip parin kasi ako sakanila eh

" ay Shy, may nabasa ako kaninang facts about kay Vie, ayaw pala nya ng mga babaeng mapanakit tsaka yung mga maton daw kumilos ano? Sige bugbugin mo pa sila panonoorin na lang kita wala akong gana eh, sige lang upo lang ako dito." Ha tologo? Naku, naku naku, bawas ganda points pala pag nagkataon

CLAIRE'S POV

Umupo nalang ako habang nakatingin kay Shy, ayaw padaw nyang umuwi eh, badtrip parin siguro, ganyan yan matagal kasi maalis ang pagkabadtrip nya, hahaha, pero mabilis mapaniwalaa yan,

" ah hehehe tara na pala Claire nawalaan na ako ng gana" yaya nya sakin , sabi na senyo eh,
Tumayo na ako at umalis na kaming dalwa habang naglalakad kami sa parking lot

"Ah Claire san mo nga pala nabasa na ayaw ni Vie sa mga nanakit at mga maton na babae?" Tanong nya

"Ha? May sinabi ba ako ? Mukang wala naman eh, baka gutom kalang Shy" palusot ko,

"Hoy Claire wag mo kong paglolokohin, san nga kasi? Magbabasa pa ako para malaman ko kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin, dali na kasi Claire san nga" pangungulit nya sakin, hindi ko na maintindihan ang ugali nito ni Shy minsan matured minsan isip bata, aigoo

" hay nako Shy, alam mo hindi mo dapat baguhin ang sarili mo para magustuhan ka ng ibang tao, dahil mas masarap magpakatotoo,just be your self , tsaka joke lang yung kanina okay, wala talaga akong nabasa"sabi ko sakanya tsaka mabilis na sumakay sa kotse ko at mabilis yung pinaandar, aba mahirap ng masapak ng isang Shy na sadista

" YAHHHHHH CLAIREE HHYYUUNNNNNN HUMANDA KA SAKEN!!!!" Rinig ko pang sigaw nya saken habang umuusok ang ilong hahaha, best feeling in the world,,,, joke lang mahal ko yan kahit sadista yan,

SHY'S POV

Hay nako kahit kelan loko din talaga yon si Claire, bwisit din talaga sya minsan, yes nakakatakot akong magalit pero ang maganda don aware ako kapag galit ako nasa tamang pag iisip ako, pero ang masamang galitin ay si Claire dahil kapag galit sya nawawala sya sa wisyo.kaya sige nalang pagbigyan ang trip ng baliw nayon.

Pero akala ko talaga may nabasa syang ganoong facts about sa ideal type ni Vie eh, pabebe pa akong nagtanong sakanya yon pala niloko lang ako, hay makauwi na nga lang din.

...............................

V_V

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro