11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Two-time


"Kumusta? Kaya pa ba?"

Nagka-cram ako ngayon dito sa library. Paano ba naman kasi, ang akala ko next week pa ang pasahan ng PT namin sa FABM 1 kaya hindi ko muna ginawa. Todo chillax pa naman ako 'tapos malalaman ko sa mga classmate ko, ngayon pala ang pasahan.

"Shit! Mamaya mo na ako guluhin, Cea," sabi ko dahil kanina niya pa ako tinatawanan.

Nasa tabing upuan ko siya nakaupo at pinagtatawanan ako. Palibhasa kasi tapos na niya ang lahat ng gawain niya. I only have one hour to solve these ten questions. Ten questions lang pero ang mga tanong ay nakakadugo ng utak!

"Hindi ko makuha!"

Gusto ko ng umiyak. Hindi ko makuha-kuha ang sagot! Naisabunot ko ang aking mga palad sa aking buhok dahil sa inis. Sabog na ang buhok ko. Ang bun no'n na kanina ay maayos ay bumaba na at ang mga maliliit kong buhok ay tumatabing na sa aking mukha.

"'Amin na nga." Kinuha ni Cea ang papel ko sa akin at tiningnan iyon.

Gamit ang kanyang calculator, kinompute niya iyon para i-check ang sagot ko.

"O, tama ka naman, ah." Pinakita ni Cea sa akin 'yong calculator niya.

Sumilip ako sa papel kong nasa kanya pa rin saka muling tiningnan 'yong calculator niya. "Paano mo nakuha?"

"Current year amount 'ta's minus mo sa base year amount over base year amount ulit, tsaka mo i-multiply sa one hundred. Tama 'yang mga sagot mo," aniya at tinuro ang sagot ko.

Tinulungan ako ni Cea sa pag-check ng mga sagot ko kung tama kaya naman nakapagpasa ako sa tamang oras.

Nang sumapit ang hapon, tinakbo ko pababa 'yong hagdan para lang maabutan 'yong pagpi-print-an sa 'baba. Kailangan kasi naming maipasa 'yong section four sa research ngayon. Nakalimutan kasi i-print ni Rosell 'yong papers dahil may pinuntahan daw siya.

Pero kahit anong pagmamadali ko, pagbaba ko, nakasara na 'yong store. Lumabas ako ng school para magpa-print sa iba, pero wala na raw roon 'yong pag-print-an. Bagsak ang balikat akong bumalik sa loob at umakyat sa faculty para makiusap na magpasa na lang kami bukas.

"I'm so sorry, Sir. Can we still pass the papers tomorrow? It's okay po if there's a minus in it," I pleaded. I told him the truth behind the reason why we can't pass it today. Luckily he is not that terror, so he gave us a second chance but with minus five.

"I will accept your excuse now, but if you do this next time, I will not accept it anymore, Miss Valenciez. Understood?"

Ngumiti ako. "Yes po, Sir, I understand. I am sorry again, Sir."

Pagka-uwi ko ng bahay, pagod kong sinalampak ang katawan ko sa sofa. I hung the back of my head on the backrest of the sofa and stared at the ceiling.

Ilang minuto akong nakatitig doon bago ako nagdesisyong pumanhik sa 'taas para doon na lang mamahinga.

Sa pagiging abala ko kanina sa mga gawain ay ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa aking katawan. Ang pamumula at kirot ng aking kamay kakasulat, at ang buong katawan ko dahil na rin sa PEH kanina ay ang sakit.

Tanging prutas at gatas lang ang kinain ko kinagabihan at trinabaho na 'yong papers namin.

Mabuti na lang pala at hindi ko naipasa kanina 'yong research paper namin. Dahil nang i-check ko ang mga iyon bago prinint, ay napakaraming mali at hindi ko alam kung paano nila iyon nakuha!

I went to school very early the next day with inflammatory eyes and headache because of lack of sleep last night just to make sure that we won't be questioned about what they put on our papers.

"Aiya, sorry hindi ko na-print 'yong papers natin. Wala kasi akong internet," paumanhin ni Rosell nang mag-meeting kami sa library para sa panibagong section na gagawin.

Walang internet pero nakapag-post ng "just got home."

"Okay lang," ani ko at pilit na ngiti ang binigay sa kanya. She just smiled and went back to typing on her laptop.

Hindi na lang ako umimik ulit at nag-focus na lang sa pagta-type kahit na naiinis ako.

Hindi ako nakakain ng lunch dahil kinailangan kong um-attend ng meeting ng club namin. It was a significant urgent meeting, so I had no choice but to attend even though I didn't want to.

It was already near dismissal when the meeting was over. I went back to our classroom only to rest a bit; while our adviser discussed the Christmas events in front.

Nang pinalabas na kami, nilabanan ko ang aking hilo habang bumababa ng hagdan. Mahigpit ang hawak ko sa handrail nito at papikit-pikit.

Dumiretso ako sa canteen para roon muna magpahinga dahil kung itutuloy kong umuwi ay baka madisgrasya ako.

Pinagpatong ko ang mga braso ko sa lamesa at inihiga roon ang isang side ng mukha ko. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata. Nang imulat ko ito ay isang pamilyar na likod ang naaninag ko 'di kalayuan sa akin.

Naka white polo shirt ito na nakapaloob sa kanyang cream pants na may black belt. May kasama itong babae at nagtatawanan sila. Ang saya nila.

Sinubukan kong kilalanin mula sa likuran ng lalaki kung sino siya, ngunit mas nangingibabaw ang hilo ko kaya muli kong ipinikit ang aking mga mata.

"Aiya, anak, gising na."

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Mama. Luminga-linga ako sa paligid at napagtantong nasa aking kuwarto na ako.

"Paano ako nakarating dito, 'Ma?"

Hinaplos ni Mama ang aking buhok. "Hinatid ka ni Jabez dito kagabi. Nakita ka raw niya na natutulog na sa canteen. Ikaw na lang daw ang tao roon at namumutla ka. May problema ka ba, anak?" mahinahong sabi ni Mama.

Umiling ako. "Pagod lang, 'Ma."

"Aiya—"

"Okay lang ako, 'Ma. Pagod lang 'to," ani ko at ngumiti.

I didn't go to school that day and decided to have rest. When afternoon came, Jayda and Cea visited me after knowing what happened to me yesterday's dismissal, probably from Jabez.

They showered me a lot of questions and lectured me like they were my parents. But they also helped me to do my remaining school works even if Jayda doesn't have an idea how to do our activities.

Pinagluto pa nila ako ng sopas kinagabihan at sinaluhang kumain dahil umalis si Mama para sa trabaho.

"'Wag mo nang uulitin 'yon, Aiya, ha? 'Buti na lang nakita ka ni Jabez. Paano kung hindi? Nakabukas pa naman daw 'yong bag mo kagabi, 'buti hindi nila kinuha 'yong wallet mo," ani Jayda.

Tumingin ako sa kanya matapos humigop ng sabaw. "Hindi ko na namalayan. Umiikot na kasi talaga 'yong paningin ko kahapon."

Naramdaman kong tumayo si Cea sa upuan niya at umikot sa likod ko. She gathered my hair in her hand and tied it with a ponytail. "Anong oras ka na ba kasi natutulog at madalas kang nahihilo?"

"Two hours? Minsan isang oras lang," pag-aamin ko.

Hinila niya ang aking tainga nang makabalik siya sa kanyang upuan. "Eh, sira-ulo ka pala, e! Papatayin mo 'yang sarili mo, para ano? Para makuha 'yong 'best in research' ng grupo mo? Eh, ikaw lang may deserve no'n, e. Mag-print nga lang, hindi pa magawa pero may time mag-post. Ano kaya 'yon?" pangse-sermon ni Cea.

"Cea has a point. Do not always be kind to your group mates, to the point that they would do it repeatedly to you. Once was enough, but with valid reason. But if the reason is they just forgot it..." Nagkibit ng balikat si Jayda. "That's a different case, and it's not acceptable," pagpapatuloy niya.

Napatitig ako sa aking pagkain na nalipasan na ng init. They are right. I shouldn't abused myself that much just to get the award that I want.

That's why the next day—when we have a group work again—I let them do there part and just review my script for the presentation in my table, after doing my part.

"Are you really okay, Aiya?" nag-aalalang tanong ni Vance nang sunduin niya ako sa tapat ng aming classroom.

Ngumiti ako. "Oo, okay na ako."

"Are you sure?"

Natawa ako nang mahina. "Oo nga. Nakakapaglakad na nga ako nang maayos, o," ani ko. Umikot ako habang naka inat ang dalawa kong braso. Tinitigan niya lamang ako habang ako'y naka ngiti.

Lumapit siya sa akin kalaunan at nilagay ang kamay sa aking ulo, at bahagya iyong ginulo. "'Wag mo ng gagawin 'yon ulit, ha?"

I giggled. "Opo, Daddy," I uttered in a child's tone which made him smile.

We went straight to McDonald's after school. I offered him cash to add on his while we were at the counter, but he refused to get it. I just go around to find our sit. When I saw a group of people standing up and leaving, I walked towards the table and sat there.

Tumayo rin ako agad nang makita siyang hinahanap ako. Tinaas ko ang isang kamay ko't winagayway at tinawag siya. Nahanap naman niya ako agad.

Una niyang nilapag 'yong pagkain ko at inumin bago ang kanya, saka nilagay 'yong tray sa bakanteng table katabi namin.

I was supposed to get my utensils, but he got them and removed the tissue wrapped around them. He wiped the fork first, followed by the spoon, and placed it on my plate after.

Humugot ako ng isang french fries sa harapan namin at handa na sana iyong isubo nang kunin ni Vance ang aking kamay. Sinubo niya 'yong fries na nasa kamay ko saka malaki ang ngiting nilayo ang kamay ko sa mga pagkain para spray-an ang palad ko ng alcohol.

Sumimangot ako at inabot ang kanyang buhok. Tinawanan niya lamang ako habang nasa pagitan pa rin ng kanyang labi 'yong french fries na inagaw niya sa akin.

"Nakakainis ka, alam mo ba 'yon?"

Muli niya lamang akong tinawanan habang ngumunguya. Inirapan ko siya at kumain na lang ng spaghetti.

"Kung naiinis ka sa akin, bakit ka sumamang kumain kasama ako?"

I wiped the side of my lips using the tissue beside me before I talked. "Excuse me? Ikaw kaya ang humila sa akin papunta rito, 'no."

Tumaas ang kanyang kilay. Ang panunukso ay nasa kanyang mga mata, at ang kanyang ngisi sa labi ay tinatago niya sa pamamagitan ng pagsipsip sa kanyang Mcfreeze.

"Hindi ka na kinaya ng anghel mong alagaan kaya binaba ka na niya. Sawa na siya sa 'yo," dagdag ko.

"Ah-huh... My angel said that I can take care of myself already; that's why they descended on me to take care of my angel."

Ako naman ngayon ang tumaas ang kilay. "Angel daw. O, eh, sino?"

"Look at the mirror beside you," he commanded. I followed him.

Nasilawan ng araw ang mukha ko kaya bahagya akong pumikit at hinarang ko ang likod ng kamay ko sa aking mukha.

"Now, did you see my angel?"

My brows furrowed in confusion. "Saan?" Tumingin ako sa kanya. "Hoy, Vance! Papalubog pa lang 'yong araw, ah, nanakot ka na."

Vance chuckled and took a bit on his burger, then he talked. "You can't see yourself? That's weird."

"Huh?"

He laughed again huskily. "Okay lang 'yan, Aiya. Normal ang maging sabog, 'wag mo lang araw-arawin," he joked. He stretched his arm to pinch my nose. I slapped his arm and rolled my eyes at him.

"'Ina mo," sambit ko.

Pumunta kaming park pagkatapos naming kumain sa Mcdo para maglakad-lakad. Halos wala na 'yong araw at unti-unti ng lumilitaw 'yong mga bituin sa langit.

Nag-try kaming mag-seesaw. Maliit lang iyon at hindi kagaya ng ibang seesaw sa ibang parke.

Panay ang tawa namin dahil madalas na tumatama sa damo ang puwet namin sa tuwing nasa 'baba kami. Nang magsawa, sinakyan namin 'yong katabing spring rider at parang ewan na gumiling-giling kami roon habang tumatawa.

He took some pictures of me using his phone. I did the same way with my phone. Pinakita niya pa sa akin 'yong ibang shot ko. Karamihan doon ay stolen at against the light kaya nagmumukhang silhouette.

"Vance, puwede ba kitang tanungin?" pagbubukas ko ng paksa. Nakaupo na kami rito sa may swing at pinagmamasdan ang madilim ng kalangitan na punong-puno ng mga bituin.

"Hmm?"

"Bakit ako?" I asked without looking at him.

Mula sa gilid ng aking mata, nakita ko siyang panandaliang tumingin sa akin at binalik din muli ang mga mata sa langit.

"Bakit hindi ikaw?" balik tanong niya sa akin. Doon ako napatingin sa kanya. Tinitigan ko siya.

"Ayaw mo naman ako noong una, hindi ba? Ako lang naman ang may gusto sa 'yo. Kaya bakit ako ang napili mo?"

He moved his head in my direction and met my eyes. Vance stared into them directly like he was reading a book and needed to memorize the words.

"Kailangan pa ba ng rason para magustuhan kita, Aiya?" tanong niyang muli, hindi pa rin sinasagot ang tanong ko.

"Siyempre naman! Lahat naman ng bagay, 'pag gusto, may dahilan kaya may dahilan ka rin bakit ako ang gusto mo," sambit ko.

He smirked and scoffed as if I said something ridiculous. "Gusto kita at wala akong mabibigay na dahilan doon. I like you because that's you. No other reason because if I would give you a thousand. Then that's not love anymore. It was a fake love. If a man likes you, he will not explain why he wants you. He would never be a guy. A man and a guy are different."

My mouth left open, and my eyes didn't leave his. I could still see them even though it was already dark. Sincerity and purity are evident in his eyes which were illuminated by the light from the streets.

It wasn't hard to fall for Vance Alvarez. All the things girls wishing for a man are all in him. He is a full package man. Yes, man and not a guy.

He is not also difficult to answer. If Vance courted one of the girls who secretly liked him, they would respond to him immediately. Their motto? "Why would I retard it if it was already in front?"

Well, I would not act like I am clean. Yes, I became that as my motto before. But for the respect, I would let my mother get to know Vance first, and of course, I wanted to walk in the courtship process to get to know him more. I don't want to gallop with him. I don't want us to end up discrete because we are tired of each other anymore.

Niyaya niya akong kumain ng dinner sa mga stall roon pagkatapos magpahinga. Sobrang lamig na kaya kinuha ko 'yong jacket ko sa bag ko at sinuot iyon.

Kumpara noong mga nakaraang araw, kaunti lang ang tao ngayon at halos kasing edad namin ang naroon na nagde-date.

Pagkatapos kumain, naglakad kami papuntang hub para roon sumakay ng shuttle pauwi.

Sinuksok ko ang airpods ko sa aking tainga at nagpatugtog ng mabagal na musika.

"Aiya."

Lumingon ako kay Vance. Mahina lang naman ang volume ng phone ko kaya narinig ko siya. Tumaas ang dalawa kong kilay, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Tinuro niya ang kanyang tainga, saka sunod na tinuro 'yong airpods ko. "Puwede ba?" tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. Inalis ko ang isang airpod ko at isinuot iyon sa kanyang tainga.

"Are you a fan of Ed Sheeran?" tanong niya nang mapakinggan ang kantang pinapakinggan ko.

Tumango ako sa kanya ng may malawak na ngiti. "Oo. Perfect was my favorite song of his."

Ngumiti siya at tumango-tango, saka inabot ang aking pisngi para pisilin iyon.

Hinatid niya ako hanggang sa tapat ng bahay namin. Nagkatinginan kami nang makitang may ilaw na sa loob. Dumating na si Mama.

"Ahm... Gusto mo bang pumasok muna?"

Hindi siya agad sumagot. Nakita ko sa kanyang mga mata ang kaba nang tanungin ko iyon sa kanya."

"Okay lang kung hindi ka pa han—"

"Magpapaalam ako sa Mama mo."

Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na nasa bulsa ng kanyang pants. Inabot ko iyon at hinaplos gamit ang aking hinlalaki. The breeze was cold, but his hand was glacial and slightly trembling. I smiled.

"'Wag kang mag-alala, mabait si Mama. Hindi ka kakainin noon. Promise," pampalubag loob ko sa kanya. Tumingala ako para makita ang reaction niya pero hindi pa rin nagbago, kabado pa rin. "Kasi ako ang kakain sa 'yo," pambibiro ko.

Kumunot ang noo niya at bahagyang tumawa. He quickly looked away while laughing, then he put his hand over my head and disheveled my hair.

"Aiya, nandyan ka na—"

Natigil kami sa tawanan ni Vance nang mula sa aming likuran, ay nagsalita si Mama. Sabay kaming napalingon doon. Iniwan ako ni Vance saglit at nagmano kay Mama.

"Good evening po, Ma'am," bati ni Vance kay Mama pagkatapos nitong magmano. Sumunod naman ako sa kanya at nagmano rin kay Mama.

"'Vance, si Mama. 'Ma, si Vance..." Hindi ko alam kung paano ko dudugtungan! Kanina pinagtatawanan ko si Vance kasi kinakabahan siya, ngayon hindi ko na alam ang sasabihin ko. Paano ko siya ipapakilala kay Mama?

Hindi inalis ni Mama ang mga mata niya sa akin, hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Boyfriend mo?" dugtong ni Mama sa salita kong hindi ko madugtudugtungan.

Nanlaki ang mata ko at nilagay sa harapan ang dalawa kong kamay para iwagayway. Magsasalita na sana ako ngunit niyaya na kami ni Mama sa loob. Tumingin ako kay Vance na ngumiti lang bago ako sumunod sa loob.

Pinaupo ko sa sofa si Vance, habang pinagtimpla naman siya ni Mama ng tsokolateng dala niya at muffin, saka siya umupo sa katabing upuan kung nasaan si Vance.

Umakyat ako saglit sa 'taas para magpalit. Nang matapos, nagmamadali akong bumaba para samahan si Vance, ngunit napahinto rin sa gitna nang makitang nagtatawanan na silang dalawa ni Mama.

I tilted my neck and smiled as I watched them talking without any tension between them. I don't know if Vance already told my mother his intention for me, but I am glad that they are reconciling.

I walked down the stairs and sat beside Vance. He looked at me and smiled widely. From my peripheral vision, I saw how Mama watched us talking using our eyes.

"'Take care of my daughter' is the only word I could tell you, Vance." The sentence of my mother telling us that Vance is accepted.

"Awit, wala nang pag-asa," ani Jabez.

Nandito kaming lahat sa may gym, kumakain ng lunch. Kanina pa maingay si Jabez sa tabi ni Jayda— sa 'baba kung saan kami nakaupo—dahil sa pinapanood niyang basketball na natatalo na.

"Poor you, couz. Wala ka na ngang pag-asa sa crush mo, wala pang pag-asang manalo 'yang manok mo." Humalakhak si Jayda. Tiningnan siya ni Jabez ng masama at tinaasan ng gilid ng labi.

"I didn't hear you last night in your room crying because of the second rejection of your crush," Jabez sarcastically said. Vance and I laughed at them. Cea, on our side, just quietly eating while seriously reading her notes.

Tumayo ako para lumipat kay Cea. Tumingala sa akin si Vance at kinuha ang kamay ko para alalayan ako papunta kay Cea.

"Aral na aral, ah," sabi ko pagkaupo ko sa tabi niya. Tumingin siya sa akin at nakangiting tumango, saka sumubo sa kanyang pagkain.

"Oo, may long quiz kasi kami mamaya sa BASA, eh."

"Gusto mo tulungan kitang mag-review?" alok ko.

"Hindi na, kaya ko na 'to. Tsaka nandyan si Vance, o..." Palihim siyang sumulyap kay Vance na nakikinood na ng basketball sa cellphone ni Jabez. Pagkatapos, nanunukso niyang binalik ang tingin sa akin. "... Mag-bebe time na lang kayo," dagdag niya at mahina akong siniko.

Inirapan ko siya. Hinila naman niya ang dulo ng buhok ko habang ngiting-ngiti.

"Masaya ako para sa 'yo, Aiya. Kung sasagutin mo na siya, hihilingin ko na sana kayo habang buhay. 'Pag nangyari 'yon, 'wag na kayong maghihiwalay, ha? Bagay na bagay kayo."

Isang matamis na ngiti ang binigay ko kay Cea at sinandal ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Paano kung maging kami pero hindi hanggang dulo?" tanong ko.

"Malabo. Kung hindi kayo, hindi na ako maniniwala sa love."

Mahina akong natawa sa kanyang tugon. "Hindi mo sure."

Matapos ang break time ay pumanhik na kami sa 'taas para sa susunod naming klase. Noong uwian, dumiretso kami nila Jayda sa gym para sa nalalapit na event. Pare-parehas kasi na kasama ang mga club namin sa event. Si Jayda ay isa sa mga emcee, si Cea ay sa photo booth, habang ako ay sa mga guest na darating.

Gabi na nang natapos ang meeting namin. Si Jayda ay sinundo ni Jabez gamit ang kotse nila. Nakisakay na rin doon si Cea dahil madadaanan nila ang grocery na pupuntahan niya. Ako naman, nagpunta ako sa Advincula para roon sumakay. Wala na kasing humihinto sa may tapat ng school kaya para mas mabilis, doon na lang ako sasakay ng bus.

Nagulat ako nang pagkarating ko ng Advincula ay naroon si Vance. Nakaupo siya at ang mga paa niya ay naka number four. Nakayuko siya sa kanyang cellphone at nags-scroll doon.

Nagdahan-dahan akong pumunta sa kanyang likuran saka ko nilagay ang dalawa kong palad sa kanyang mga mata. Napatigil si Vance sa ginawa ko at hinawakan ang aking kamay, pinapakiramdaman kung sino ang nasa kanyang likuran.

"Aiya." It wasn't a guess, it was a declaration.

I giggled and went in front of him while he was guiding me with my hand. I sat beside him. "Why are you here? I thought you went home earlier together with Jabez," I said.

He stretched his arm to remove the hairs blocking my face and hung it on my ear before he spoke. "No, I didn't come with him. I waited for you."

I smiled at him. "Thank you," I genuinely said and pinched his cheek, which made him startled for a second.

Sinara niya ang distansya namin at nilagay ang kanyang palad sa tuktok ng aking ulo para haplusin ang aking buhok. "You don't have to thank me. It was my responsibility to wait for you."

Natawa ako nang mahina. "Paano kung hindi ako dumating?" pang-aasar ko.

"Then I'll still wait for you."

"Kahit matagal?"

Pinisil niya ang tungki ng aking ilong. "Kahit matagal, maghihintay ako," mataos niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na 'yong bus. Pinauna niya akong umakyat bago siya sumunod, at naupo kami sa pinakadulo.

Inilabas ko ang earphone at phone ko sa aking bag at nakinig ng musika habang nasa byahe. Inilagay ko rin 'yong isang earbud sa tainga ni Vance para i-share sa kanya 'yong music.

Pagkarating sa bahay, nadatnan namin si Mama na kararating lang din. Nagmano si Vance sa kanya bago nagpaalam na uuwi na.

"Kumusta kayo ni Vance, anak?" tanong ni Mama sa gitna ng aming pagkain.

Umangat ang tingin ko sa kanya. "Okay lang naman po," tugon ko.

Nagtama ang mata namin ni Mama nang umangat ang mga mata niya sa akin. Isang mapanghiwatig na titig ang binigay niya sa akin. "Hindi mo pa ba siya sinasagot?"

I laughed a little. "Not yet, Ma."

"Hmm... Kung hindi ka pa ready, hayaan mo muna. Do not be impulsive. Let destiny tell you it was the perfect time to answer Vance." She smiled.

Ngumiti muli ako at tumango. "Hmm... Opo."

I dropped my back on my bed after taking a shower, ready to rest. But then, time passed by— no matter what I did— I still couldn't sleep.

Umahon ako mula sa pagkakahiga at inabot ang phone ko na nasa side table. It was already eleven in the evening, yet my eyes are still open.

Binuksan ko ang Messenger ko at nakitang may mga message si Vance.

Vance: Did you eat na?

Vance: R u studying? Study well :)

Vance: Goodnight, Aiya. See u tomorrow :)

Muli akong humiga sa kama. Napangiti ako sa mga message niya at ni-reply-an ang mga iyon.

You replied to Vance:

Slr. Yes I ate na. Hindi na ako nag-aral hahahaha tinamad na ako.

After I sent it, Vance went online and is now typing a reply.

Vance: Why are you still awake? You should sleep now. Mamaya mahilo ka na naman.

I bit my lower lip and cocooned myself with my comforter, and faced the wall. I tried to stop myself from smiling by biting my lips, but I couldn't, especially when he sent a photo of mine from the mini-concert last month with a message below.

Vance: You looked gravitational force here.

Hindi ko gets ang gusto niyang iparating, pero todo ngiti pa rin ako. Iba na yata ang tama ko.

Aiya: Huh?

Vance: Hamburger HAHAHA.

Umirap ako sa hangin at tumihaya, saka nagtipa ng ire-reply sa kanya.

Aiya: Okay :-/

He didn't reply and just gave my message a "haha" reaction. I rolled my eyes again and placed my phone over my stomach, and stared at the ceiling. After a few minutes, my phone vibrated, so I checked it.

Vance replied to his message:

You are attractive.

A smile didn't leave my lips after reading his message until I entered the school the next day. Some of my classmates heeded about something different from me. Even Cea and Jayda with, of course, a lot of teasing.

"Nagbabagang balita, may nahulog na nga po sa bangin. Ang pangalan niya po ay Alaiya Chaerin Valenciez," parang tangang sabi ni Cea, nakatutok pa ang kanyang kamao sa kanyang bibig at ginawang mic iyon.

"Soon to be Alvarez, sis." Tumawa silang pareho matapos iyon sabihin ni Jayda. Nag-apir-an pa nga.

"Kailan mo ba siya sasagutin, Aiya?" tanong ni Cea.

Nagkibit ako ng balikat at ngumiti. "Hindi ko pa alam. Hindi ko pa naplano," tugon ko.

"I suggest sa mismong event natin, right?" Nagkatinginan sila ni Cea, saka muling binalik ang tingin sa akin. "That would be romantic," pagpapatuloy pa nito.

"Pag-iisipan ko pa."

Late na ulit kaming umuwi para sa panibagong meeting para sa event ng school. Araw-araw na iyon. Araw-araw rin akong hinihintay ni Vance sa may ground. Kung hindi naman, ay uuwi muna siya para mag-aral, saka ako babalikan para ihatid.

Minsan rin akong hindi naka-attend ng klase at nasaktuhan naman na long quiz at recitation namin iyon. Kaya naman ay humingi agad ako ng special exam at one-on-one recit pagkatapos ko sa meeting namin. Kabado pa dahil ni isang review ay wala ako!

"Good evening, welcome to the event!" maligaya kong sabi sa mga bisitang dumarating, pagsapit ng Biyernes ng gabi.

I guided them to the ground, where they would sit. Then I would go back to the entrance to do what I did again.

"Hey."

Napatalon ako sa aking kinatatayuan at agad na napalingon sa aking likuran nang may biglang humawak sa aking baywang.

"Gagi ka naman! Aatakihin ako ng puso sa 'yo, Vance!" sabi ko habang nakahawak sa aking dibdib.

Humalakhak siya. "I am looking for you earlier. Cea said that you are here; that was why I went here," aniya. Bumaba ang tingin niya sa aking dalang papel kung saan ko nililista ang mga pangalan ng mga dumarating. "Kanina ka pa ba ja'n? Upo ka muna, ako na muna jaan."

Ngumiti ako at umiling. "Hindi na. Ako na rito."

Tinitigan niya ako. Tinitigan ko rin siya. Bumuntong hininga siya at kinuha ang dala kong listahan at ballpen sa aking kamay.

"Go and rest first. Ako muna rito, sige na."

"Hala, hindi na!" Muli kong kinuha 'yong listahan sa kanya ngunit inilayo niya iyon sa akin. "Vance, okay lang. Tsaka nakakahiya, ako ang naka-assign diyan, hindi ikaw."

"So?" Tumaas ang kilay niya.

Wala na akong nagawa nang giniya na niya ako papunta sa bakanteng sementadong upuan malapit sa kanya. Binilhan niya rin ako ng lemon juice na tinda sa loob ng school, saka pumuntang gate para i-assist ang mga tao.

I stared at his back while I was sipping on my juice. The idea of answering him tonight suddenly entered my mind.

Isa't kalahating buwan. Hindi ko alam kung sapat na ba ang katagal na iyon para sagutin ko na siya. O, baka nagpapadala lang ako sa aking damdamin? Hindi ko alam.

Niyaya ako ni Vance sa pinakaunahan nang magsimula na ang kantahan. Nasa likod ko siya at nakayakap ang kanyang braso sa aking mga balikat.

Humarap ako sa kanya kaya bumaba ang tingin niya sa akin at ngumiti. Bahala na kung saan ako dalhin ng aking desisyon.

"Vance, puwede ka bang pumunta mamaya sa tapat ng library? May sasabihin ako sa 'yo roon."

Naguguluhan man ay tumango siya sa akin kaya malaki ang ngiti at kagat-labi akong tumingin muli sa harapan.

Ilang kanta ang pinatugtog para sa opening. Pagkatapos, binigyan ng oras ang mga bisita na pumunta muna sa iba't ibang booth. As usual, dinagsa ang photo booth.

I also took that as a chance to go to CR and prepare for later. My smile couldn't leave my lips already, and it was like something was moving inside my stomach.

I leaned my back against the tiles of the sink and practiced my lines for him while smiling narrowly. Then, I took my phone out of my pocket when I felt its vibration.

Vance: Waiting for you :)

Lalo akong napangiti sa message niya. Hindi na ako nag-reply roon at umakyat na sa second floor para puntahan siya roon.

Parang may karera na nagaganap sa loob ng aking dibdib dahil sa bilis ng puso ko habang umaakyat ako ng hagdan. Kaya nang nasa tamang palapag na ako, huminga muna ako nang malalim bago naglakad patungong silid-aklatan.

Kumunot ang noo ko nang hindi ko siya nakita roon. Tiningnan ko ang cellphone ko para i-check kung may message siya, pero wala.

Sinandal ko na lang ang likod ko sa pader at hinintay siya na makabalik.

Pinigilan ko ang sarili kong i-text siya dahil gusto ko siyang surpresahin. Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin siya. Nagsimula na ang panibagong kanta ng banda, pero wala pa ring Vance na dumarating.

"O, my God! Hindi pa rin ako makapaniwala. Si Alvarez na gusto ko, nililigawan na ako!"

Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ang tili ng babae sa hallway. Tiningnan ko siya na abalang nagkukuwento sa kanyang kaibigan.

Alvarez?

Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano. Si Vance... Nasaan si Vance? Sinong Alvarez ang tinutukoy ng babae?

Sumikip ang dibdib ko, tila may sumasakal doon, habang patuloy kong pinapakinggan ang sinasabi ng babae.

"Hindi ko siya papahirapan. Sasagutin ko kaagad siya. O, my God, gusto ako ni Va—"

Kumuyom ang kamao ko. Nagmamadali akong umalis roon at bumaba dahil hindi ko kayang pakinggan pa ang kanyang susunod na sasabihin. Hindi ko kayang malamang pinagsabay pala kami ni Vance ng babae. Pinaasa niya lang ako. He two-timed us.

To be continued... <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro