13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Apologize


"Sobrang sama ko ba?"

Katatapos ko lang maligo at sakto namang paglabas ko ng CR ay tumatawag si Jayda sa Messenger.

I am now lying down on my bed with my nighties while telling her what happened at the bridge.

"Well, your feelings are valid. It's okay to be mad at Vance because of what you heard, but he is right. You also need to listen to his side. Do not conclude without hearing him," she responded.

A sigh left my lips while his words came back to my mind. Yesterday night was full of emotions when I saw him. Anger and pain from the unsettled issue led me to throw hurtful words at him, which I don't usually do. Insanity carried me away.

"I am not saying, Aiya, that you're the only one who had a mistake. Both of you. Vance's mistake is not going on the time you said to him. And you, concluding things you just heard." She smiled from the camera. "So, you two apologize to each other if you'll meet again," she added.

I just answered her with a smile and nod. When the call ended—and Mama was already sleeping—I was left alone thinking. Thinking and reflecting on the things I did. Jayda's right; I shouldn't be impulsive about everything. I should have strong proof before wrapping things up.

And that's what I did. I tried to reach Vance and apologize for what I said, but I couldn't. I tried to ask for a piece of advice to Jayda, so she gave me one. But still, I couldn't do it. I would type a message, but I will delete it after because I think that's not a good way of words for apologizing.

I tried to brush it away from my mind and focus on our vacation because my mother noticed me not being myself every time she talked to me.

"May problema ka ba, anak? Kanina ka pa ja'n hindi makausap ng tama. School work na naman ba 'yan?" mahinahong tanong ni Mama habang kumakain kami ng tanghalian sa isa sa fine dine-in restaurant.

Saglit na umangat ang tingin ko kay Mama at bumaba rin ang tingin sa aking plato. "Wala po," pagsisinungaling ko.

"Are you sure? Ano iyon, anak? Sabihin mo sa akin."

Tumingin ulit ako kay Mama at ngumiti para takpan ang gumagambala sa akin. "Wala, 'Ma, promise." Tumawa ako para lang maniwala siya na wala nga kahit meron naman talaga.

Ngumiti siya at kumain na muli. Pumunta kami sa malapit na grocery mall para bumili ng mga handa namin sa Christmas, pagkatapos namin kumain.

Hindi ganoon karami ang pinamili namin dahil dalawa lang naman kami ni Mama'ng magse-celebrate. Isa pa, Christmas Eve lang naman kami magse-celebrate sa hotel dahil kinabukasan no'n ay pupunta raw kami sa relatives namin na nakatira rito.

Dumiretso na rin kami sa Orchard Road para magtingin-tingin ng mga gamit. It was a mall wherein it felt like BGC and MOA because of its spacious area.

"Aiya, halika rito saglit."

Mula sa patitingin ng mga damit, lumingon ako kay Mama at lumapit nang tawagin niya ako.

"Bantayan mo muna itong mga gamit. Magsi-CR lang ako, ha?" aniya, tumango ako.

Umupo ako sa upuan, katapat ng salamin, at kinuha ang cellphone ko para malibang habang naghihintay kay Mama. Ngunit naubos na ang load ko at nawalan na rin ako ng internet kaya tumayo na lang ako at nagtitingin ng mga sapatos kahit hindi naman ako bibili.

Nahinto ako sa pagtitingin nang maagaw ang pansin ko ng magandang sapatos. Dinampot ko iyon at tiningnan. Halos malula ako nang makita ko 'yong presyo kaya binalik ko iyon sa lalagyanan kung saan ko iyon kinuha.

Hindi ko pa nalalagay nang tuluyan sa lalagyanan ay may nagsalita ng babae sa aking gilid. Tumingin ako sa kanya.

"Ay, bibilhin niyo na po?" A teenager girl asked me.

Ngumiti ako at umiling-iling. "Hindi. Sige tingnan mo na," ani ko at binigay sa kanya 'yong sapatos. Ngumiti siya sa akin bago pinagmasdan 'yong sapatos.

I was about to continue eyeing the displayed shoes when a few minutes later, a familiar voice approached our place. I blankly looked at my back when the girl on my side talked with joy on her tone.

My jaw dropped when I saw who was that familiar.

"Let's go," he said without looking in my direction. The girl insisted on the shoes, but Vance shook his head and just stretched his arm for the girl to come with him.

Frowning, the girl put the shoe in its place and went to Vance with a stern face. I was about to follow them to talk to Vance, but Mama arrived, and we moved to the other section.

Tumingin-tingin ako sa aking paligid, umaasang makikita ko pa siya... Pero hindi na. Bagsak ang balikat akong umuwi ng hotel. Maybe that was not the right time to apologize. Besides, he's with his family earlier... I don't want to ruin his day.

We decided not to go outside for dinner when suddenly rained. Mama just called the restaurant downstairs for our orders then we ate dinner inside the unit while watching movies on my laptop.

"Hindi ka talaga sasama sa akin, Aiya?" tanong ni Mama mula sa aking likuran.

Nakatalikod ako sa gawi niya at nakatalukbong, nakabaluktot ang katawan dahil sa lamig.

"Hindi na, 'Ma. Masakit ang ulo ko," ani ko.

"O, siya, sige. Kumain ka na mamaya, ha? Nasa bag mo 'yong Paracetamol. Uminom ka noon pagkatapos mo kumain," pagpapaalala niya. Tumango-tango naman ako.

Narinig ko ang pagbukas at sarado ng pinto, tanda na umalis na si Mama. Umayos ako ng higa at tumihaya, saka tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking mukha.

Halos hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sakit ng aking ulo, siguro dahil sa lamig. Ngunit kahit masakit, pinilit kong tumayo para kumain at uminom ng gamot. Pagkatapos, natulog ulit ako para makapag pahinga muli.

Nang maging okay ang pakiramdam ko, lumabas ako saglit para maglakad-lakad. May nadaanan akong isang café kaya pumasok ako saglit doon at bumili ng ice coffee. Pagkatapos, sumakay ako ng taxi papunta sa riverside na nakita ko sa tarpulin at naglakad-lakad doon.

Hindi pa gaanong maraming tao dahil maaga pa. Mga nagja-jogging at may mga kasamang aso at bata 'yong karamihan na naglalakad.

Umupo ako sa nakita kong bench para magpahinga saglit at pagmasdan ang tanawin sa malayo. Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang aking cellphone para picture-an sana 'yong view, kaso naiwan ko 'ata sa hotel. Hinayaan ko na lang at tumitig na lang sa malayo.

Hindi pa tumatagal ang mga mata ko sa tanawin ay naagaw kaagad iyon ng taong dumaan sa aking harapan.

Sinundan ko iyon ng tingin nang makalagpas na siya sa akin. Tumayo kaagad ako nang makilala ang likod ng taong iyon saka pasekretong hinabol ang lalaki.

Lakad-takbo akong lumapit sa kanya at nang makalapit na nang tuluyan, ay sinabayan ko na ang bilis niya.

Nakasuot siya ng dark blue polo shirt at cream khaki shorts. Nakayuko siya at nagtitipa ng kung ano sa kanyang cellphone.

Kagat-labi akong bumuntong-hininga, pinag-iisipan kung kakalabitin ko ba si Vance o hahayaan na lang siya na maramdaman ang presensya ko sa kanyang likuran.

Bandang huli, 'yong pangalawa ang pinili ko at sinundan na lang siyang maglakad kahit hindi ko naman alam kung saan siya pupunta.

Yumuko ako sa mga damo at pinaglaruan ang mga iyon gamit ang dulo ng aking paa.

"Potek!"

Napahawak ako sa aking ulo nang matisod ako't mabangga sa kung saan.

Natigilan ako nang isang mainit na braso ang pumulupot sa aking baywang. Umangat ang tingin ko sa kung saan ako bumangga at malalaki ang mga matang nasalubong ko ang mga mata ni Vance.

Nakatitig lang siya sa akin at nakataas ang isang kilay. Umayos ako ng tayo. Tinanggal din na niya ang kanyang braso sa akin, saka walang imik na lumuhod siya't inangat ang paa ko.

At dahil naka-D'orsay flats ako ay madali niya iyong natanggal para tingnan ang paa kong natapilok.

"I told you, always be careful. Is your foot hurt?" he said in a soft voice, looking at me.

Bahagya akong ngumiti saka umiling-iling. "Hindi, okay lang."

"Are you sure?"

Tumango-tango ulit ako para makumbinsi siya. Saglit niya akong tinitigan bago tumayo at nagsimula na muling maglakad. Naiwan naman ako sa kinatatayuan ko para hilutin ang paa kong natapilok.

Totoong masakit iyon ngunit pinili kong hindi na lang sabihin kay Vance dahil makakaabala pa ako sa pupuntahan niya. Isa pa, malayo naman sa bituka at kaya ko namang hilutin. 'Yon nga lang, hindi na ako nakapag-sorry sa kanya.

"Hey." Umangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Vance na papalapit sa akin. Napaayos ako ng tayo.

"O, akala ko umalis ka na?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot, imbes..."You accused me of being a liar. Now, you are the one who lied."

Nakagat ko ang ibaba kong labi. "Sorry," mahina kong usal pero tama lang para marinig niya.

Hindi niya ulit ako sinagot bagkus, lumuhod siya sa harapan ko at pinatong ang aking paa sa kanyang hita para hilutin iyon.

"Tell me if it hurt, I will stop it."

"Hmm..." Tumango ako kahit wala naman ang mga mata niya sa akin.

Pinagmasdan ko siya habang hinahayaan siyang hilutin ang aking paa. Nang matapos, sinuot niya sa akin ang sapatos ko't tumayo siya, saka blanko ang mukhang tiningnan ako.

He stretched his arm towards me that made me blinked my eyes twice, thinking what was that for. When I didn't respond, he sighed and held my hand to walk with him.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang hatak-hatak niya ako.

"Where do you want to go?" he answered me with a question. He looked at me with his brows up.

"Huh? Ewan."

"Okay, sa ewan tayo pupunta." Seryoso ang mukha niya nang sabihin iyon kahit biro iyong sinabi niya.

"Sira," ani ko at bahagyang tumawa.

Sumakay kami ng taxi pagkalabas namin ng riverside. "Saan tayo pupunta, Vance?" tanong ko ulit habang nasa byahe.

"Sa ewan," tugon niya. I pursed my lips and looked away, averting to contradict Vance because I still had a mistake.

"Sorry," aniyang muli.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang tipid. "Hmm... Okay lang."

When we arrived at his chosen destination, he held my hand and pulled me towards him. I looked up at him, but he didn't look me back. Even when we were already at the Ferris wheel, he didn't let go of my hand.

The cabin of the Ferris wheel was spacious and wide. I sat on the chair and looked at the view of the city outside. After a few minutes, I felt Vance sitting beside me.

I looked at him and smiled when I met his eyes. He just stared at me.

"Sorry," I started.

"For what?"

I pressed my lips together before I opened it to talk. "For the words I threw to you. I got carried away by the wrong thought." I sincerely said.

"I am sorry for... for everything I told you. A lot of times I tried to apologize to you, but I don't know where to start." I bowed my head and pinched the skin of my finger of my nail as I continued talking. "So, if you are mad at me, I understand. Your feelings are valid."

Naramdaman kong umusog siya palapit sa akin. Sinilip niya ako at pigil ang tawang hinawakan niya ang aking baba para iangat ito at magtama ang aming mga mata.

"I understand where that words came from. You don't have to say sorry. I had a mistake, too. What matters are we reflect on our mistakes, okay?" he said in a soft but deep voice.

"Still, I'm sorry."

He nodded. "Hmm... Halika ka nga rito." He gently pulled me towards him and wrapped his arm around my shoulders while smiling. I rested my head on his chest and wrapped my arm around his waist as we looked outside. "I would never get mad at you, Aiya. I can't."

Tumingala ako sa kanya. "Bati na tayo?"

Bumaba ang tingin niya sa akin at umalik-ik. "Ikaw lang naman ang galit, e."

Ngumuso ako. "Sorry na nga, e."

Humalakhak siya at pinisil ang pisngi ko. "Your so cute, lady."

"Lady, amp. White lady 'yan?" pabiro kong sabi.

Bahagya siyang tumawa sa sinabi ko. Kapagkuwan, huminto ang mga mata niya sa akin. Binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi bago binuka iyon para magsalita. "My lady." Ngumiti siya.

My heart jumped out of the blue, and my cheeks heated because of his words. I rolled my eyes to hide it from him; that made him laugh a little again.

When the Ferris wheel got down, we went to the mall to buy some gifts this coming Christmas. We went first to the ladies' section for my mom. I also bought a red dress for Christmas that Vance partnered it when we went to the men's section.

"Magugustuhan kaya ito ng Daddy mo?" nag-aalangang tanong ko habang pinapakita sa kanya 'yong damit na napili ko para sa ireregalo sa daddy niya.

Ang sabi niya kasi sa akin ay kasama niya raw ang daddy at pinsan niya kaya binilhan ko na rin sila ng regalo tutal nandito naman na kami.

"Yes, of course. Hindi naman mapili si Dad pagdating sa mga damit," tugon niya.

Pinagmasdan ko ulit 'yong damit. Hindi ko na alam ang mga taste ng mga tatay pagdating sa mga damit; matagal na kasi mula nang bilhan namin ni Mama si Papa ng damit. Isa pa, mayaman sila Vance kaya panigurado ay mga mamahalin na damit ang sinusuot ng daddy niya.

Natigil ako sa pagtitig sa damit na hawak-hawak ko nang hawakan ni Vance ang kamay ko. Umangat ang tingin ko sa kanya habang hinahaplos niya ng kanyang hinlalaki ang likod ng aking kamay.

"Don't worry, mabait si Daddy. Kapag nalaman niya na galing 'yan sa 'yo, I am pretty sure na magugustuhan niya 'yan." He smiled.

"Hindi ba nakakahiya, Vance?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "What's embarrassing there? I don't see any embarrassment on giving gift."

"Hindi naman sa ganoon. Ano kasi..." Napakamot ako sa aking batok. "Baka kasi hindi pasok sa taste ng Daddy mo itong damit. Iba na lang kaya? Panyo, ganoon, o kaya pabango."

Tinawanan niya ako kaya napanguso ako at pinalo siya sa braso. Napahawak siya sa kanyang braso at umaktong parang inaapi ko. Inirapan ko siya.

"Seryoso nga kasi," iritadong sabi ko.

"It's beautiful... Like the girl in front of me," he said and smirked.

Tumingkayad ako para abutin ang kanyang buhok at hilain, saka ko siya inirapan ulit na siyang ikinatawa niya. "Pangit mo kausap."

"Talaga? Kung pangit ako kausap, bakit namumula ka?" he teased and followed my eyes.

"Tama na kalokohan, ah. Nasa mall tayo."

"So?"

Sinabit ko sa aking braso 'yong damit saka humarap sa kanya at nameywang. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tama ka na, ah. Iiwan kita rito," pagbabanta ko.

He stopped and pressed his lips together, but I knew he was hiding his laugh by bitting his upper lip.

Sa huli, 'yong damit na napili ko ang binili namin dahil maganda raw iyon, at pumunta sa malapit na restaurant pagkatapos namin magbayad.

"What's yours?" tanong niya nang kami na ang nakasalang para sa order namin.

"Ice coffee lang. Busog pa naman ako."

"Are you sure? What about muffin? I heard their best seller is blueberry; want to try it?"

"Sige lang." Ngumiti ako.

Habang nag-o-order si Vance, pumunta ako sa nakitang bakanteng upuan at doon na lang siya hinintay.

"Aiya, let's go."

Napaangat ang tingin ko kay Vance nang magsalita ito, may hawak-hawak nang paper bag.

"Huh? Akala ko rito tayo kakain?" kunot-noo kong tanong.

Ngumiti siya nang tipid. "May nakita akong mas magandang pag-upuan sa labas. Tara na?" aniya at inabot ang kamay ko para sumunod sa kanya.

While walking—he was silent—looking straight at the road. I had this urge to ask him about his sudden silence, but I refused to do it and waited for him to talk when we sat on the bench.

He opened my ice coffee with the straw before handing it to me, and then he did it again with his.

"I'm sorry for earlier," he started.

I looked at him while sipping. I placed the cup between us and cocked my head to the side. "It's okay. Mind if I ask you what happened?" I hesitantly asked, then smiled without showing my teeth.

"I saw the son of my mother's current husband."

Napayuko ako sa aking inumin at hinayaan siyang magkuwento sa nangyari.

"His girlfriend went to me when I was about to go to you." He stopped there, which made me lift my head to him.

I saw hesitance in his eyes. I lifted my brows to tell him to continue.

"She had a different eye for me since then. I avoided her, but she followed me and clasped her arms around me earlier. I tried to push her, but it's too late because her boyfriend saw her and punched me, and our orders fell on the floor," he narrated. My eyes widened because of what he said.

"Hala! 'Asan 'yong sinuntok?" Dumungaw ako sa kanyang mukha para hanapin kung saan siya nasuntok. Tinuro naman niya ang gilid ng kanyang labi.

Hindi iyon halata kung titingnan mo siya sa malayo dahil maliit lang naman. Pero kung tititigan mo siya ay makikita mong namumula iyon at may kaunting dugo.

Kinuha ko 'yong panyo ko sa aking bulsa at tinapal iyon sa gilid ng kanyang labi para mawala 'yong dugo.

"Grabe naman 'yong taong 'yon. Mamaya, pagkatapos natin dito, bili tayo ng ice para mawala 'yang pamumula ng sugat mo," sambit ko.

Hindi siya sumagot at tumango lang. Mayamaya, naramdaman ko ang kanyang kamay na humahaplos na sa aking buhok. Napaangat ang tingin ko sa kanya at halos maduling ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

The beat of my heart suddenly went fast, like I was running a marathon. My face got heated, and I am pretty sure that it was now as red as a tomato.

I shifted my sit uncomfortably and sighed silently, trying to calm myself.

I reached for my coffee and sipped it there, looking in front to avoid his gaze. From my peripheral vision, I also saw him looking in the other direction while sipping on his coffee.

Dahil sa hindi mawaring pakiramdam, kahit may kapaitan 'yong kape, diniretso ko iyong ininom at tinapon iyon sa malapit na basurahan.

"M-may pupuntahan pa ba tayo?" uutal-utal kong sabi.

Tumingin siya sa akin. "Wala naman na. Gusto mo na bang magpahinga? Ihahatid kita."

Nilagay ko 'yong kamay ko sa harapan at winagayway. "Nako, hindi na! Kaya ko namang umuwi mag-isa."

"I know you can go home on your own, but still, I want to accompany you. I want to make sure you are safe," sambit niya.

"Hindi na. Malayo 'yong tinutuluyan niyo sa amin," pamimilit ko.

"Paano mo na sabi?" Ngumisi siya. Nakuha pa ngang mamilosopo.

"Kasi nasabi ko," taas-noo kong sabi. "Magagastusan ka lang. Kita na lang tayo sa susunod," pagpapatuloy ko.

Tumango siya at tumayo. Pumara siya ng taxi para sa akin at nang may huminto, ibinilin niya ako sa driver bago ako inalalayang sumakay. Kinaway ko ang kamay ko sa kanya mula sa labas at ngumiti, bago umusad 'yong sasakyan paalis.

Kaya nga lang, nang makapag bayad ako sa sinakyan kong taxi, ay nakita ko siya sa likuran ng sinakyan ko na kababa lang din. Kunot-noo ko siyang nilapitan.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko.

Tumaaas ang kilay niya at ngumisi. "Hindi. Dito rin ako umuuwi, e."

"Weh? 'Yong totoo? Stalker ka lang, e!"

"Gusto mo ng proweba? Sundan mo ako," utos niya.

Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa floor ng pinagtutuluyan nilang unit.

Napaawang ang labi ko nang ma-realize na sa 'taas lang ng kuwarto namin sila tumutuloy.

He tapped the card and the door opened. Just like our room, it was huge and spacious. The only difference is that it is loft-style unit, and under the stairs is a queen size bed.

Lumapit ako sa malaking bintana malapit sa maliit na sala at hinawi ang kurtina para pagmasdan ang tanawin ng syudad.

"May gusto ka bang kainin o inumin?" aniya mula sa aking likuran.

Lumingon ako sa gawi ni Vance. Ngumiti ako sa alok niya. "Kakakain lang natin. Mamaya na lang, Vance. Thank you."

Bahagya siyang tumawa at napakamot sa kanyang batok. "Yeah, ahm... just tell me if you want something, okay?"

Tumango ako at ngumiti na umabot sa aking mga mata. "Okay."

Binalik ko ang mga mata ko sa tanawin sa labas. Pinilig ko ang aking ulo sa gilid at humalukipkip nang tumama sa akin ang malamig na hangin ng Aircon.

"Here, so you won't be feel cold."

Tumingala ako kay Vance nang magpatong siya ng jacket sa aking balikat. Hinila ko ang dulo noon para hindi mahulog.

"Ay, thank you!" ani ko.

Ngumiti siya at binasa ang kanyang pang-ibabang labi. "Ahm... Can I have permission from you?"

"Hmm... Ano 'yon?"

"Can I... hug you from behind?" Ngumiti siya nang alanganin pagkatapos tanungin iyon.

Mahina akong natawa sa mukha niya saka tumango. Kagat-labi niyang pinalupot ang kanyang mga braso sa aking baywang pagkaharap ko muli sa salamin, at pinahinga ang kanyang baba sa aking balikat.

I heard him yawn, which made me giggle, and reached for his face to caress it. "Inaantok ka na 'ata. Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?" tanong ko.

Naramdaman kong umiling-iling siya kaya muli akong napangiti sa hatid noong kiliti sa akin.

"Bakit?"

"Because I'm thinking of you," he answered. I laughed at his answer and looked at him, that is now pouting.

"Ako ba talaga?" pambibiro ko.

Humigpit ang yakap niya sa akin at mas lalong tumulis ang pagkakanguso niya. "Oo nga. Sino naman ang iisipin ko kung hindi ikaw. I am thinking about when we will meet each other again after at the bridge, hoping that we will be okay in our next meeting."

"Talaga ba?" Ngumisi ako para asarin siya lalo.

Tumitig siya sa akin. Matagal iyon bago niya binuka ang kanyang mga labi para magsalita. "If not you, who would I be thinking? Aside from my family, you are the only person that I am thinking about every time," he seriously but genuinely said.

Ang kaninang mapang-asar kong ngisi ay napalitan na lamang ng ngiti. "If that, so would you still wait for me 'till I answer you?"

He rubbed his cheek on mine and nodded. "I will never get tired of waiting for you, Alaiya. Until the perfect time comes for you to give me your answer." He smiled.

It feels so surreal that this man behind me liked me back. I still couldn't believe how this serious and quiet man fell for me, and it melted my heart knowing that he was willing to wait for me.

I accompanied him to his bed and waited for him to sleep before I wrote a letter on a sticky note that I had already gone back to our room.

Gladly, Mama was not yet home. That was why I went outside for a bit to buy our food.

Sakto namang nagpi-prepare na ako para sa dinner namin ni Mama nang dumating siya, may dala-dalang paper bags.

"Sorry, natagalan ako, anak. May dal—ay, hala! Bumili ka rin? May binili rin akong pagkain dito. Nag-message ako sa number mo, hindi mo ba nakita?" ani Mama habang binababa ang kanyang mga pinamili.

Napakamot ako sa aking batok at ngumiti nang alanganin dahil nakalimutan ko iyong i-charge pagka-uwi ko. "Hindi po."

"Hay, nako. O, siya, sige. Bukas na natin kainin itong iba, hindi naman siguro ito mapapanis. Kain na tayo, gutom ka na ba?" Ngumiti si Mama at hinaplos ang buhok ko.

Umiling ako. "Hindi pa naman, 'Ma. Ahm... lumabas po kami kanina ni Vance."

Mula sa kanyang plato, agad na lumingon sa akin si Mama. "Oh? Paano kayo nagkita?"

Kinwento ko sa kanya kung paano kami nagkita ni Vance. Sinabi ko rin na sa 'taas lang ng floor namin sila tumutuloy kaya inulanan na naman ako ng mapang-asar na ngiti at tanong ng chismosa kong Ina.

The next day, we got busy for the preparation for later Christmas. Since we have a kitchenette, Mama cooked two different pasta and two different main courses. I also went quickly to the nearby store to buy a bottle of wine for midnight.

Sakto pa na nakasabay ko si Vance sa elevator nang pabalik na ako ng unit kaya sumama na rin siya sa akin.

"'Ma, may bisita tayo," magiliw kong sabi pagkapasok namin ng silid.

Mula sa maliit na kusina, sumilip si Mama sa gawi namin para tingnan kung sino ang tinutukoy ko na bisita. Nang makita niyang si Vance iyon ay agad siyang naghugas ng kamay at sinalubong kami.

Nakita kong inabot ni Vance ang kamay ni Mama para magmano nang dumiretso ako sa hapag para ilapag ang aking mga dala.

"Mabuti at nakadalaw ka, hijo. Maupo ka muna. Pasensya na at mabaho ako," ani Mama habang pinapaupo niya si Vance sa sala.

"It's okay po, Tita. Baka mas mabaho pa nga po 'yong silid namin." Bahagyang tumawa si Vance pagkatapos sabihin iyon.

Hinayaan ko silang mag-usap ni Mama habang abala ako sa pagliligpit ng mga gamit na tapos ng gamitin. Pagkatapos, sunod kong inasikaso 'yong lamesa para sa Pasko.

Mayamaya lang din ay nagpaalam si Mama na bibili sa labas ng kulang na rekado kaya naiwan kami ni Vance sa silid na dalawa.

"Hey..."

Lumingon ako sa aking gilid nang maramdamang lumapit siya sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Nakatalikod siya sa mesa at nakatukod ang kamay niya roon.

"Pahinga ka muna, ako na muna ja'n," aniya.

"Nako, hindi na. Isa pa, bisita ka rito. Ang bisita, hindi pinagtatrabaho," tugon ko naman.

"I don't want to just sit on the sofa and watch you working for later. I want to help you, please," Vance pleaded, then pouted.

Tumawa ako at bahagyang tiningala ang aking ulo sa kakulitan niya. Inabot ko ang kanyang ilong at pinanggigilan ito.

"Ang kulit-kulit mo! Sige, gayahin mo ako, ha?" Mabilis siyang tumango-tango pagkatapos ko siyang pagbigyan. Tinuro ko sa kanya ang ginagawa ko na mabilis naman niyang nakuha.

Nang bumalik si Mama ay tinulungan naman namin siya sa pagluluto at nang matapos, nagpaalam akong ihahatid muna si Vance sa silid nila.

Nadatnan namin doon 'yong batang babaeng kasama niya noon sa mall. Nakahiga ito sa kama at naglalaro ng cellphone.

"Hello!" masayang pagbati ko rito. Umangat ang tingin niya sa akin at nginitian ako.

"Hello po," nahihiyang sabi niya at muling naglaro sa kanyang cellphone.

Umupo ako sa maliit na sofa at nagtingin-tingin na lang ng kung ano-ano roon. Mayamaya, mula sa kusina, sinalubong ko si Vance ng ngiti at inabot ang hawak-hawak niyang baso ng juice.

"Thank you," sambit ko.

"By the way, Jellie, Ate Aiya is here. Come here first," pagtawag nito sa batang babae.

Nilapag muna ng bata ang kanyang cellphone at lumapit kay Vance. Nahihiya itong kumaway sa akin at ngumiti. Ginaya ko rin ang kanyang ginawa bilang pagtugon sa kanya.

"Aiya, si Jellie. Pinsan ko."

Inabot ko ang kamay ng bata at marahan iyong hinaplos sabay ngiti. "Nice to meet you, Jellie!"

Imbes na sagutin ako ay tumingala ito kay Vance at ngumiti, saka binalik ang tingin sa akin. "Ikaw po ba 'yong nililigawan ni Kuya?"

"Ay... Ahm..." That caught me of guard.

"Sagutin mo na po siya para hindi na po niya ako sinusungitan, Ate." Umalik-ik 'yong bata. Nahiya tuloy ako bigla.

Nagtagal muna ako roon para tulungan din sila Vance na mag-prepare para mamaya. Nang matapos ay roon lang ako nagpaalam na bababa na. Ayaw pa nga akong pakawalan ng pinsan niya dahil baka magsungit na naman daw si Vance. Mas maganda raw na nandoon ako para lagi raw siyang tumatawa, natawa ako.

Nang sumapit ang countdown, sinuot ko 'yong binili kong damit kasama si Vance. White plain long-sleeves iyon na pinatungan ko ng maroon na spaghetti dress strap na hanggang 'taas ng aking tuhod ang haba. Pagkatapos, pinaresan ko rin ito ng high-knee boots, at tinali ang buhok ko ng pa-bun.

Nag-picture-picture muna kami ni Mama at uminom ng wine bago nagbilang pabaliktad. Pagkatapos, kumain muna kami bago nag-exchange gift.

Luluha-luha pa si Mama nang inabot ko sa kanya 'yong gift ko at hinalikan siya sa pisngi. Every year 'yon kapag nagbibigay ako sa kanya ng regalo at gini-greet siya. Tinatawanan ko na lang at niyayakap siya.

Kagaya ng nasa plano, pinagpatuloy namin ang celebration kila Tita. Saglit lang ako roon at nagpaalam kay Mama na papasyal muna. Tutal, ang sabi naman ni Tita ay malapit lang sa kanila 'yong Universal Studios, kaya roon ako pumunta.

Eksakto namang nandoon ako ay nag-message si Vance na kung puwede raw ay lumabas kaming dalawa. Binigay ko naman sa kanya ang location ko para mapuntahan niya ako.

"Ay, palaka!" Napatalon ako sa gulat at malaki ang mga matang hinampas ko siya sa braso nang gulatin niya ako.

Noong una ay tumatawa pa siya, pero nang nakita na nang tuluyan ang mukha ko ay nawala na ang tawa sa kanyang labi. "Sorry," aniya at hinawakan ang kamay ko.

"'Wag mo nang uulitin 'yon, ha? Aatakihin ako sa 'yo sa puso."

Tumango-tango siya at pinisil ang aking ilong. "I'm sorry."

He didn't leave my hand. Even when we are riding different rides, he still holds my hand. Even though the rides we chose were elevated and dizzying, we were still going for it. We also tried those foods there and took a lot of pictures.

After the Universal Studious, We went to the Marina Bay Sands for us to take a picture of ourselves in Merlion.

Sinulit namin ang araw na iyon na magkasama kami dahil pagsapit ng panibagong umaga, kinailangan na naming umuwi pabalik ng Pilipinas.

Hinatid niya kami ni Mama hanggang airport. Ang sabi niya pa bago kami pumasok sa loob ay di-diretso siyang Baguio pagkauwi nila para samahan ako roong mag-celebrate ng New Year.

Kahit malabo, umasa ako sa sinabi niya nang ilang araw matapos makabalik kami ng Pinas ay nag-byahe kaming probinsya.

Hindi rin naman ako nabigo dahil tinotoo nga niya ang sinabi niya sa akin. Binigyan niya ako ng sunflower nang salubungin ko siya sa sakayan ng tricycle. Pati sila Mama ay binigyan niya rin. Nahiya tuloy ako bigla dahil baka mahal iyon at napagastos pa siya. Pero ang sabi naman niya ay okay lang dahil para sa pamilya ko naman.

Tinuloy namin ang pamamasyal doon. Pinasyal ko siya sa iba't ibang tourist's spot doon at pinasubok ang sikat na mga pagkaing meron kami.

Noong New Year, sabay kaming nag-countdown sa hardin ng aking Lola. Nakayakap siya sa aking mga braso habang nakatingala kami sa kalangitan, naghihintay ng fireworks.

"In one, two, three. Happy New year!" malakas naming sabi.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay para tumalon kaming dalawa.

Tumawa siya nang hinihingal akong huminto. "'Yan, tama 'yan. Tatangkad ka na," aniya.

Napaawang ang labi ko. "Napaka-bully mo!" Inirapan ko siya.

"Biro lang." Tumawa siya ulit at nilagay ang kanyang kamay sa tuktok ng aking ulo at bahagya iyong ginulo.

"Anong wish mo?" tanong ko.

"Wala," pamimilosopo niya at muling tumawa. Inirapan ko uli siya.

"Seryoso kasi!"

"Ikaw muna."

"Ako unang nagtanong, e." Ngumuso ako. Tumawa lang siya at pinagpilitan na ako raw muna.

"Sige na nga! Ang wish ko, sana matupad ko ang pangarap kong maging Flight Attendant sa future," maligaya kong sabi habang nakatingala sa kanya. "Turn mo na!" excited kong pagpapatuloy.

"My wish is for you to be happy always and achieve your dream in the future..." Bumaba ang kamay niya sa aking pisngi at hinaplos iyon. "Because your dream is also my dream, Aiya."

To be continued... <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro