21

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TW: Violence

End


"Aiya! Please, open the door!"

"Aiya, nagmamakaawa kami. Buksan mo na ang pinto. Please."

Mula sa madilim kong kuwarto ay dinig ko ang boses ng mga kaibigan ko sa labas ngunit hindi ko pinaunlakan ang gusto nila. Hinayaan ko lang sila sa labas habang ako ay nakatulala sa kawalan at tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata.

Simula nang babuyin ako ng teacher namin at kumalat iyon sa buong school ay hindi na ako lumalabas. Kahit ako ang inabuso, nahihiya ako. Dala-dala ko lagi ang sakit at pait ng nakakasuklam na kahapong iyon.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at muling humikbi. Nakakadiri! Nakakapanliit sa sarili! Ni kahit pagtingin sa salamin ay hindi ko magawa dahil lalo ko lamang naalala ang pagtatangkang pag gahasa sa 'kin.

"Ayoko na! Ayoko na ng problemang 'to! Pagod na ako!" sigaw ko, nagmamakaawa sa itaas na tapusin na ang lahat ng mabibigat na suliraning ito.

Walang araw o gabi na hindi ako nagmakaawa sa langit na tapusin na ang lahat ng ito. Kung kinakailangan na mawala na ako sa mundong ibabaw para lang hindi ko na maranasan at maramdaman ang lahat ng ito, tatanggapin ko.

Each day was getting worse. I also forgot the last time I slept peacefully because I was seldom sleepless. Sometimes, I woke up in the middle of the night because of nightmares and just found myself crying 'till I fell asleep again.

I was left alone. It feels like if I tell anyone about my struggles, I would only be a burden to them. They have different hurdles, and telling them about my hornets' nest would only add to their problems.

Every day, the same situation. Still drained and have no appetite. I tried to reach my only strength again, Vance, but he's not answering my calls and even my messages just like before.

"Tama na! Tama na po!"

I woke up in my bed with beads of cold sweat. I was shivering because of nightmares, again, in the middle of the night. I hugged myself, swaddled with a blanket, and started crying while trying to catch my breath.

"Tahan na, Aiya."

I was with my friends the next day. Maaga raw ang uwian dahil may event ang school kaya dumiretso na sila rito.

"Lilipas din 'yan, ha? Kapit ka lang. 'Wag kang bibitaw," Cea comforted me and hugged me sideways.

I wiped my tears and hugged them both.

Kahit papaano, ang pagbisita nila rito ay nakatulong upang pansamantala kong makalimutan ang problema ko. 'Ayon nga lang pagsapit ng gabi ay bumalik uli lahat sa akin.

"Nag-cheat ka raw? Totoo ba, Aiya?" pambungad na tanong ni Mama, blanko ang mukha.

Hindi ako sumagot at umiling lang.

"Aiya, sumagot ka! Totoo ba?!" Hinarangan ni Mama ang pinapanood ko at marahas akong niyugyog.

I hissed. Gusto kong lumaban. Gusto kong ipaglaban ang sarili ko ngunit wala akong lakas para magsalita. Kaya naman napayuko na lang ako't napaluha sa mga akusa niya sa akin.

Hindi ko maintindihan. Nalaman ni Mama ang issue ng pagchi-cheat ko kuno, pero hindi ang pambababoy sa akin.

Ang galing! Ang galing talaga ng mga nakakataas. Only for them to stay clean and well-known, they have to ignore my case and act like nothing happened.

Gagawin lahat talaga ng tao para lang manatili siyang malinis sa harapan ng lahat. Kaya niyang kalimutan ang madilim na nangyari at umaktong walang naganap na insidente para lang hindi mabahiran ng mansta ang kanyang pangalan.

Kinabukasan, sinubukan kong pumasok sa school dahil iyon ang gusto ni Mama'ng mangyari.

Bawat pagtapak ng paa ko sa aking dinadaanan ay para akong binubuhasan ng purong yelo sa buong katawan. Nanginginig at kinakabahan.

Pagpasok ko sa silid ay nakayuko lang ako at walang imik.

Ramdam ko na nasa akin lahat ang kanilang mga mata ngunit pinabayaan ko lang iyon at hindi pinansin.

Sa hapon, pagkatapos ng klase, ay nagkaroon kami ng graduation pictorial. Pagkatapos, umalis na ako kaagad dahil wala rin naman akong ganang makihalubilo. Nagtungo na lang ako sa library para roon hintayin sila Cea at Jayda dahil may kanya-kanya pa silang ginagawa.

I checked my Messenger to see if Vance had already replied to my messages, but he didn't.

It's been two weeks since the last time he answered my messages and calls and after that, I didn't know what he was up to. Ni kahit "hi" or "hello" ay wala akong natanggap sa kanya. Para niya akong iniwan sa ereng walang alam tungkol sa nangyayari na sa kanya.

Ganoon ba talaga ang college? Sobrang hirap ba ng pinag-aaralan nila na tipong kahit isang reply lang sa isa sa mga message ko ay hindi niya magawa? Kung ganoon naman pala ay natatakot na ako para sa college ko.

"Aiya!"

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang pangalan ko.

Isang babaeng mestiza ang umupo sa aking tabi. Seryoso ang mukha nitong nilapag ang kanyang cellphone sa table.

"I think you have to know about this," aniya at binuksan ang cellphone, saka plinay ang video.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Klara. May nilalagay ito na papel sa likod ng calculator ko habang patingin-tingin sa palagid. Pagkatapos, lumabas ito ng silid at may kinausap doon na kung sino.

"All done," aniya sa kausap.

Kumuyom ang palad ko at walang pagdadalawang isip na kinuha ang cellphone at umalis ng library.

Umakyat ako ng third floor at natagpuan si Klara sa classroom. Agad kong hinila ang buhok niya dahilan ng kanyang pagtili.

"How dare you pulled my hair, bitch!" matapang niyang sabi.

Malakas ko siyang sinampal. Napahawak siya sa kanyang pisngi na ngayon ay namumula na habang bahagyang nakaawang ang labi.

"You, bit—"

I caught her wrist attempting to slap me, and held it tight.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan sa akin pagkatapos mong sirain ang buhay ko rito sa eskwelahan!" nangangalaiti kong sabi.

Hinila ko siya papalapit pa sa akin at tinitigan siya nang matalim. "Wala kang utang na loob! Ang kapal pa ng mukha mong landiin ang boyfriend ko! Itaga mo sa bato, kahit saan mong tingnang anggulo, hindi ka magugustuhan ni Vance!"

Marahas kong binitawan ang palapulsuhan niya at tinulak siya. Pagkatapos, nagmartsa ako paalis ng silid.

"Kayang-kaya kang bitawan ni Vance, Aiya. Tandaan mo 'yan! Kapalit-palit ka, bitch!" pahabol niyang sabi saka humalakhak.

Lumingon ako at binigyan siya ng nakamamatay na tingin bago pabalibag na sinara ang pinto at umalis na.

"Tangina talaga ng babaeng 'yon! Sabi ko na nga ba, eh! Bruha siya!" nanggigil na sabi ni Cea habang nasa byahe kami pauwi. Halos dumugo na ang palad niya sa pagkakakuyom nito matapos malaman ang ginawa ni Klara sa akin.

"Ce, calm down. She is a living animal, and it wouldn't be reasonable to give her time to be furious," si Jayda habang hinahagod ang likod ko.

Nakisabay kami ni Cea kina Jayda. Pupunta kasi silang dalawa sa malapit na café sa amin at hindi ako sasama roon.

"Ma-karma sana siya. Pangit na nga, higad pa! 'Apaka demonyo niya talaga!" muling ani Cea. Sa reaksyon niya ay parang pinapatay na niya si Klara sa isip niya kaya natawa ako nang kaunti.

"Mauna na ako. Ingat kayo!" paalam ko nang makarating na ang sinasakyan namin sa tapat ng gate ng village.

Kumaway silang dalawa pagkababa ko at isa-isang nagpaalam. Hinintay ko muna na makaalis ang sasakyan nila Jayda bago ako naglakad paalis.

While walking, I remembered our memories together. Before, Vance used to accompany me going home to make sure of my safety even though he had plenty of things to study. I missed that. I missed him so much.

"Miss na kita, mahal... sobra," I whispered while looking at the golden sky.

Pagpasok ko ng bahay ay si Andrei lang at ang taga-alaga nito ang nadatnan ko. Tutok si Andrei sa pinapanood na Disney cartoon sa TV habang nakaupo sa play mat niya at napapalibutan ng mga laruan.

Binaba ko ang bag ko sa sofa at binuhat ang pinsan ko.

"How's your day, baby?" I said in a small, like baby tone and kissed him on both cheeks. He giggled the reason why I laughed scantily.

Pumanic ako sa kuwarto pagkatapos kong maghapunan at inabala ang sarili sa paghihintay ng reply ni Vance kahit walang kasiguraduhan na magre-reply pa nga siya.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa litrato namin na kuha noong pumunta kaming Bicol. Hinaplos ko ang mukha niya sa screen.

"Vance, miss na miss na kita." Isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata. Pinalis ko iyon gamit ang likod ng aking kamay ngunit nasundan iyon ng isa pa at nagtuloy-tuloy na.

Humiga ako sa panghihina at niyakap ang cellphone ko. It hurts me to think it was easy for him to ignore me. It was easy for Vance not to talk to me for so long.

Minsan napapaisip ako, gan'to ba taalaga ang pag-ibig? Gan'to ba talaga kapag nagmahal ka? You need to suffer just to get the love you deserve. I need to endure the pain... alone. Is this the love that people call peace? How can people call this peace when one needs to cry every night alone without knowing the other half?

It was so painful to think that I didn't know what's his up to. Is he okay? Did he eat already? Or he still loves me?

Vance didn't give me any answer to those questions. Every day, I keep on asking him those questions. As much as I wanted to argue with him, I couldn't. I can't hurt him using illogical words. I couldn't hurt him. I loved him so much.

Tuwing papasok ako sa eskwelahan hanggang sa pag-uwi ko ay sinusubukan ko siyang tawagan. Pero cannot be reach lagi ang phone niya.

Sinubukan kong i-message si Tito pero wala rin itong bagong balita tungkol kay Vance simula nang na destino uli siya sa ibang bansa.

Gusto ko mang tawagan or i-message rin si Lola Fely ay wala naman siyang phone number or account.

"Hanggang kailan kita uunawin, Vance? Hanggang kailan mo ako kayang tiisin?" halos pabulong kong sambit habang nakatingin sa kanyang litrato.

Marahas akong bumuntong-hininga at tumingala sa kulay asul na langit nang maramdamang may nagbabadya na namang luhang nais kumawala sa aking mga mata.

I heaved out another heavy sigh through my mouth before standing from the concrete bench and exiting the school.

I went to Jabez's café hoping to acquire some information about Vance, but he failed to provide me any.

"Sorry, but can I ask if there's a problem?" Jabez asked while placing the iced coffee on my table, then sat in front me.

Matagal kong tinitigan si Jabez bago ko binuka ang bibig ko para magsalita.

"Alam mo ba kung nasaan si Vance ngayon?"

"Hindi, e. Hindi ko na rin kasi siya nakakasabay pumasok."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Nakibit-balikat ito at umiling. "I don't know, Aiya, I'm sorry."

I smiled scantily and nodded. I sipped on my drink and looked away. Akala ko makakakuha na ako ng impormasyon tungkol kay Vance, ngunit nabigo ako.

"It's February thirteen," I uttered with a bitter smile while staring at our Polaroid picture in Bicol. "Bukas, anniversary na natin, pero hindi ko alam kung tayo pa ba."

Ang hirap ng gan'to. Ang hirap ng naghihintay sa walang kasiguraduhan kung babalik pa ba o kung mahal ka pa. Masakit umasa araw-araw sa "ah, baka bukas may message na siya" pero bandang huli ay mabibigo ka lang uli.

Masakit isipin na sa aming dalawa, ako na lang itong parang lumalaban. Kasi siya, hindi ko alam kung kumakapit pa ba o bumitaw na ng walang pasabi.

I slept with a heavy heart, and woke up early next day. Nagdesisyon akong mag-jogging muna dahil maaga pa at hindi pa naman ako nagugutom.

Medyo makulimlim kaya pinatungan ko ang sport top ko ng manipis na blue hoodie at jogging pants.

After taking a jog, I went to the nearest café to have some coffee.

"Thank you," I told the cashier girl after getting my order before heading to the vacant table I saw.

I was busy sipping on my coffee and looking out the window when suddenly my phone beeped. When I checked it, I saw Vance message. Agad-agad ko iyong binuksan at binasa. Kamuntikan ko pa nga'ng matapon 'yong iniinom ko dahil sa panginginig ng aking kamay sa excitement.

Vance: Can we see each other at the within-reach coffee shop in Advincula?

Napangiwi ako at may kung anong tumusok sa aking puso nang iyon ang mabasa ko sa kanyang message. He probably forgot our special day.

Aiya: Okay, love! Happy Anniversary and Valentine's day!!! <3

Pagkatapos kong reply-an ang message niya ay dali-dali akong umuwi ng bahay at nag-ayos ng sarili. Ang tagal kong hinintay ang magkita kami uli kaya lulubos-lubusin ko na 'to. Baka mamaya, ito na pala ang last at matagal na naman uli kaming magkita.

Nabuhayan ako kahit papaano na nag-message na siya sa akin. Kahit na nakalimutan niya ang araw namin ay okay lang, masaya na ako. Lalo na nang makita ko siya na nakaupo sa 'di kalayuang upuan sa café na sinabi niya sa akin.

Naglakad ako nang dahan-dahan palapit sa kanya at niyakap siya sa leeg sabay halik sa kanyang pisngi.

Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Na-miss kong masilayan ito. Na-miss ko siya.

Humarap siya sa gawi ko at bahagyang umangat para halikan ako sa labi.

It wasn't an ordinary kiss, but a long kiss. A kiss with flowing emotions: Sadness, longingness, and love. A kiss that that I am waiting for.

Niyakap niya ako nang mahigpit at inalalayang maupo sa harap ng kanyang inuupuan.

"How are you?" Vance held my hand and gave me a smile that didn't reach his eyes.

"Happy Anniversary and Valentine's day!" Instead of answering his question, I greeted him.

Bahagya siyang natigilan sa bati ko at naitikom na lang ang kanyang mga labi.

"Bumili ako ng cake para sa atin." Binuksan ko ang box ng cake na dala ko at nilabas ang laman noon, 'di alintana ang pagkakalimot niya sa anniversary namin. It was a mini black forest, by the way.

"Pasensya ka na, hindi ito mamahalin kagaya ng mga binibili mo sa akin noon. Ito lang kasi ang kaya ng bulsa ko sa ngayon. Masarap naman siya." Ngumiti ako habang nagsasalita at sinulyapan siya. "'Wag kang mag-alala, sa susunod mag-iip—"

"Hindi na kailangan, Aiya," putol niya sa dapat kong sasabihin.

"Ha? Anong hindi na kailangan? Siyempre, this time ako naman ang gagastos sa atin." Binigyan ko siya ng malawak na ngiti.

"Tama na, Aiya... Magpahinga na tayo."

"Nagpapahinga naman tayo, ah? Magkasama tayo ngayon kaya nagpapahinga tayo sa isa't isa. Bakit, anong pahinga ba ang gusto mo, ha?" I tried to make a joke.

"Let's end this, Aiya. Let's break up."

Para akong nabingi sa sinabi niya. May kung anong bumara sa dibdib ko at hindi ko maiproseso ang mga sinabi niya.

Pinilit ko pa ring ngumiti sa kabila ng tama ng mga sinabi niya sa akin. "Ano ka ba? 'Wag ka nga'ng mam-prank ng ganyan! Ang pangit ng prank mo!" I rolled my eyes and faked a laugh.

Hindi na siya umimik. Binalot na kaming dalawa ng katahimikan.

Tiningnan ko siya na naka iwas na ng tingin sa akin, saka ako muling tumungo. Nanginig ang labi ko. Kasabay no'n ay ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha sa mga mata ko.

Hindi ko ma-process-process sa utak ko na inaalok niya na ako ng break up.

Nakailang buka ako ng bibig ko pero ni isang salita ay walang lumalabas doon at tanging hikbi lang.

Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero nilayo ko 'yon sa kanya.

"Bakit? Ano bang nagawa ko sa 'yo? Ano bang kulang ko, love?" Humihikbing saad ko.

"Wala..."

"Eh, wala naman pala, e! Anong problema kung ganoon?"

"Hindi ikaw ang problema, Aiya. Ako..."

"E 'di sabihin mo sa akin! Tangina, hindi 'yong ganito, Vance."

"Pagod na ako. Pagod na ako sa atin."

Bumagsak ang balikat ko sa mga binitawan niyang salita.

"Paano naman ako, Vance? Naisip mo rin ba ako? Anniversary natin ngayon at Valentine's, Vance, pero ito ang iaalok mo sa akin? Gusto mong bitawan kita? Mahal naman, 'wag gan'to, please. 'Wag bitaw..."

Hindi siya umimik. Nakayuko lamang siya at panay ang buntong-hininga. Inabot ko ang kanyang mga kamay habang nanlalabo ang paningin ko sa mga luha.

"'Pag-usapan muna natin ito, Vance. 'Wag ka munang bumitaw, please. 'Wag ngayon, mahal..."

Inangat niya ang tingin niya sa akin at mapait na ngumiti. "Alam kong pagod ka na Ai—"

"Hindi ako pagod!" Hindi ko na naiwasang maitaas ang tono ng boses ko. Wala akong pake kung pagtinginan nila kami basta maayos namin ni Vance ito.

"Itigil na natin 'to, Aiya. We are both drained because of this relationship already. It's not healthy anymore. Don't waste your time to a man like me. You deserved better."

I broke down because of what he said. Hindi ko kaya. Makirot sa dibdib. Para akong hinuhugutan ng hangin ng mga hinihingi niya sa akin dahilan kung bakit nahihirapan akong huminga.

"Bakit ba gusto mo na akong bumitaw? Hindi mo na ba ako mahal, ha? Sawa ka na sa akin? Sawa ka na sa ugali ko? Sa kaingayan ko? Babaguhin ko 'yon, promise! 'Wag mo lang akong iwan, please," pagmamakaawa ko.

Umiling-iling siya. "Stop it, Aiya. Look at yourself; that's not you, anymore! You looked desperate for love and attention. Hindi na kita kilala." His eyes were bloodshot and outrage is in his tone.

Napaawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.

Galit at sakit ay isa-isang umakyat sa aking sistema. "Eh, anong gusto mong gawin ko?! Tumawa at paunlakan ang gusto mo?"

Tinikom niya ang kanyang mga labi habang nakatitig sa akin. Humikbi akong muli sa naging reaction niya sa aking tanong.

"Ano bang kulang ko? Nagkulang ba ako ng atensyon sa 'yo? Ng pagmamahal? Ano, Vance?!"

"Wala kang kulang," diretso niyang sabi at nag-iwas ng tingin sa akin.

Ang unfair! Bakit ang dali sa kanyang hingin ito sa akin samantalang kinaya ko lahat para sa kanya? Alam kong mali ang manumbat ngunit ang sakit isipin na sa kabila ng pagtitiis ko, dito lang pala ang kakahantungan naming dalawa.

"Kung wala, bakit mo ginagawa sa akin ito?! Bakit mo gustong ipagawa sa akin ang isang bagay na alam mong hindi ko gusto? Ha?!" I almost shout my sentence out of anger and pain.

"I didn't ask for your permission, Aiya! I'm telling you to inform you whether you agree or not."

"Paano kung sinabi ko sa iyong hindi ako pumapayag sa gusto mo?"

"Then, it's your choice. I respect that. But, I contradict your decision. I'm sorry..." he said those words as cold as ice.

Napaawang ang labi ko at sarkastikong tumawa habang lumuluha. Nag-iwas ako ng tingin at pinalis ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking pisngi.

Hindi ko na kaya... Hindi ko inaasahang mangyayari ang araw na ito. Ni isang paghihirap hindi ko naisip na bumitaw ngunit heto... Siya na mismo ang lumalayo.

"May iba na ba?"

Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at panandaliang iniwas ang tingin sa akin. "Walang iba, Aiya... pero hindi na ikaw."

Napayuko ako at mahinang umiyak. Para akong namamanhid sa lahat ng sakit na binato sa akin ng mundo. Wala naman akong ginawang iba kung 'di maging mabuti pero kabaliktaran pa rin ang binalik sa akin.

This is not part of the plan. The plan is to be with him forever, but I think that forever means suffering and pain. Even though I wanted to keep my hold on his hand, his happiness matters to me, so if it means being free from it; I will grant it regardless of how heartbreaking it is.

Akma siyang pupunta sa kung saan ngunit hinawakan ko ang kanyang palapulsuhan. Umangat ang tingin ko sa kanya. "Can w-we at least c-celebrate it for a moment?"

His eyes went down slowly before he nods and went back to his seat. Tinawag ko ang waiter para sa picture. I fixed myself and acted like we're still happy. I used my smile as a facade and even reached for Vance's hands to hold it.

"T-thank you," sambit ko at binawi ang cellphone ko sa waiter.

"Aalis na ako," sambit ko pagkatapos tumahan.

"Hatid na kita."

Tumayo siya at inalalayan akong tumayo. He waited for me at the bus stop in Advincula until the bus came. It was raining cats and dogs like heaven knows how miserable I am today.

"Dito tayo nagsimula, dito rin pala tayo magtatapos." Mapait akong ngumiti bago tuluyang nagpaalam sa kanya.

I was weeping the whole ride.

February 14, the start and end of us. I covered my mouth to stop myself from crying, but I couldn't. I couldn't stop it while thinking how we ended up this way.

I fell asleep because of exhaustion. Nagising ako nang yugyugin ng kondoktor ang braso ko at pinapababa na ako dahil magpaparada na sila.

Hindi ko alam kung saan ako patungo. Gabi na at heto ako't naglakad sa kalye habang wala sa sarili. Hindi ko na rin alintana ang pagbunggo ng ibang tao sa aking braso kung sila'y nagmamadali; at ang ibang sasakyan na malakas na bumubusina sa akin kung ako'y tatawid.

Bumalik ako sa ulirat nang may humablot sa aking bag na isang lalaking nakabalot ang mukha.

Pilit kong hinihila pabalik ang strap ng bag ko nang buong puwersa habang humihingi ng saklolo. Subalit nakuha pa rin iyon ng magnanakaw. Hindi pa ito nakuntento at may sinenyas pa sa kasama sa aking likod.

Napabaluktot ako at napahawak sa aking tagiliran nang saksakin ako ng kung sino sa isa sa mga lalaki. Tears started to fall again on my eyes until I couldn't take the pain anymore and closed my eyes slowly.

I think this is what I am waiting for. The end of my life.

To be continued... <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro