6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Survey



"'Tapos 'ayon. O, my God! Pa'no kumalma?!"

Para na akong uuod habang naglalakad kasama si Cea. Panay ang padyak ko at yakap sa kanya, kinikilig habang ini-imagine 'yong kahapon. Tinutulak na nga niya ang mukha ko, e.

Papunta kami ngayon sa coffee shop. Ewan ko ba rito kung bakit gustong-gusto tumambay roon? Wala si Jayda dahil nasa Tagaytay sila ng parents niya kaya kaming dalawa lang.

Tumawa si Cea at inabot ang dulo ng aking buhok na nasa balikat ko. "Malanding 'to!"

I bit the inside of my cheek to halt from shouting again because people might think that I'm crazy. Well, yeah... crazy for him.

Pagpasok namin ng shop ay dumiretso kami sa cashier para sa aming order. Saka pumunta sa bakanteng upuan sa dulo, kahilera ng pinto, pagkatapos.

Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at nilagay 'yon sa ibabaw ng mesa. Nilabas ni Cea ang kanyang phone sa bag at tumabi sa akin para mag-picture kaming dalawa.

"'Pasa mo sa akin lahat, ah," sabi ko nang bumalik na ulit siya sa kaharap kong upuan.

Umangat ang tingin niya sa akin. "Ikaw, a'. Nababasa ko laman ng utak mo," aniya saka mahinang tumawa at muling bumaba ang tingin sa cellphone.

Ipinasa niya through Messenger 'yong picture ko. Nagtaka ako bakit 'yon lang at wala 'yong iba.

"Ba't ito lang? 'asan 'yong iba?" bahagyang nakakunot ang nuo kong sabi habang sini-save ang litrato ko.

"'Te, alangan namang ibigay mo sa kanya 'yong picture ko't picture natin?" aniya. Natigil ako sa pagpipindot at napaangat ng tingin sa kanya.

Kumunot lalo ang nuo ko. "Ano? Pinagsasabi mong bruha ka?!"

Umirap siya. "Baka dapat, sis, 'salamat at may pang-update na ako sa kanya'. Like... Duh! Kilala kita, 'no! Galawan mo palang, alam ko na, kunwari ka pa," aniya at nagngising-aso sa akin.

Ang totoo ay para sa Instagram ko talaga iyon, pero dahil binigyan niya ako ng ideya, pinuntahan ko ang account ni Vance at minessage siya. 'Sakto, online siya.

Nakailang bura ako dahil feeling ko, mali at babarahin niya lang ako. Nang makaisip naman nang matino, nag-alangan naman akong i-send dahil baka i-seen niya lang. Hanggang sa dumating na ang mga order namin ay hindi ko pa rin nasi-send 'yong message ko.

Narinig kong tumawa si Cea kaya mula sa pagkakatitig sa 'king cellphone, umangat ang tingin ko sa kanya.

"Delikado ka na. Iba na 'yan," aniya. Ngumuso ako pero napangisi rin dahil sa pagtawa niya.

"Ulol!"

Inabot ko ang inumin ko. It was a mocha bubble tea with whip cream and chocolate sprinkles on top.

Nang matapos kaming kumain ay umuwi na rin kami. Hindi kami nagtagal gumala dahil pare-parehas na may tambak na gawain sa bahay.

"'Ma!" tawag ko kay Mama nang makapasok sa loob ng bahay.

"'Andito ako, 'nak!" Pumanhik ako sa 'taas nang marinig mula roon si Mama. Pumasok muna ako sa kwarto ko at iniitsa sa kama ang bag ko, bago lumabas sa may terrace.

"'Ma." Inabot ko ang kanyang kamay at nagmano sa kanya.

"Napaaga yata kayo ngayon?" tanong niya habang nagsasampay. Tumuwad ako para kumuha ng damit sa batya at umayos para sa hanger, sakai sinampay iyon.

"May gagawin pa kasi kami, 'Ma. Tambak na," sagot ko at tumawa nang kaunti.

Nang matapos tulungan si Mama'y pumasok ako sa kwarto para magpalit. Umupo ako sa 'king study chair at binuksan ang laptop ko nang makapagbihis para simulan na ang gawain.

Essay naman ngayon! 'Yong una ay maganda pa at relatable kaya marami akong nailagay. Pero pagdating sa WRBS, halos mura-murahin ko na 'yong activity. 3 pages ba naman ang kailangan! E, 'yong topic na 'yon, self-study lang namin. Ka-bobo, sis!

Sumasakit na ang kamay ko kaka-type. Magta-type 'tapos ay buburahin ko dahil mali o kaya nama'y hindi tugma sa sentence ko sa nauna. Panay ang buntong-hininga ko. I want to sleep already, but I need to finish it because tomorrow is the deadline! Argh, cramming is life!

I closed it for a while and went to Messenger to ask Cea if she's done with the assignment.

Cea: Ako pa tinanong mo, sis e di pa ako nagawa. Tamang cram na lang bukas ng umaga AHSHHAHAH.

I laughed scantily at her message.

Aiya: Gagu! Panu ka magpapa-print tom? Ipi-print pa toh.

Matagal bago siya nag-reply.

Cea: Slr. Bahala na si kung sino man na superhero. Baka sa school na lang, ewan. HAHAHA. Tinatamad na ako. Bukas na 'yan, 'wag mo na gawin.

I gave her message a "haha" emoji before I sent her my reply.

Aiya: HAHSHAH! Sira ulo ka talaga.

Umalis ako sa tab na iyon at bumalik sa ginagawa ko. Pinatong ko ang siko ko sa ibabaw ng mesa at inihilig ang ulo ko sa aking palad. Tinitigan ko ang essay ko na hindi pa nakakalahati!

Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang gawin ang pinagbabawal na teknik. Pinipigilan ko lang kasi baka ma-minus ako... sayang naman.

Pero nang umabot ako ng quarter to 2, ginawa ko na ang bawal. Bahala na. Bakit kasi ang dami? 3 pages, seriously?! Ano na lang ang mailalagay namin doon? Paulit-ulit na nga yata ang mga pinagsasabi ko, e.

Ginawa kong 14 'yong font at nag-search sa google ng mga puwede pang idagdag na idea, saka ko iyon in-own words. Mga alas-tres, natapos na ako't nai-print ko na rin. Nilagay ko na iyon sa yellow binder ko at natulog na.

"Natapos mo? Katamad gawin! Kung puwede nga lang kaso... Nakakainis! No choice," pagra-rant ni Cea.

Tumango ako, hindi alintana ang pagra-rant niya, habang naglalakad at nag s-scroll sa 'king phone.

Napangiti ako nang in-accept ni Vance 'yong request ko sa Instagram at Twitter. Kagabi kasi bago ako natulog, nag-request ako ng follow sa kanya. Pinagisipan ko 'yon, a'! Mga 5 seconds, gano'n.

Sinent ko rin sa kanya 'yong picture ko sa coffee shop with "update" message na pahabol. Online siya, pero hindi niya tiningnan. In-unsent ko rin 'yon kasi nakakahiya. Baka busy siya o kaya may ginagawang assignments.

Pasimple kong pinicture-an 'yong mga paa ko at miny-day 'yon with "good morning" as a caption at smile emoji sa dulo.

Humagikhik ako. Kiniliti ako ni Cea sa tagiliran kaya napaatras ako pagilid at sinimangutan siya.

Inirapan ko siya. "Panira naman 'to ng moment!" singhal ko sa kanya.

"Ulol! Nag-my day ka pa, e, nando'n na sa gym 'yong crush mo," aniya. Nginuso niya ang gawi ng gymnasium na kitang-kita ang loob mula rito sa covered walkway.

Naibaba ko 'yong phone ko sa 'king gilid at napasilip sa gawi ng gym habang naglalakad. Pinaliit ko ang aking mga mata para isa-isahin ang mga tao roon. Tinuktukan ako ni Cea nang halos tumuwad na ako kakahanap.

"Tanga, 'ayon, o!" Tinuro niya 'yong lalaking nakatayo at nakahalukipkip.

Parang gusto kong tumili nang makita siya. Napisil ko ang ilong ko sa kilig.

Nakasuot siya ng formal attire, may presentation siguro sila. White button down shirt with black necktie. Naka-button ang dulo noon kaya natatakpan ang kanyang wrist. Naka-tuck in ang kanyang dress shirt sa black slacks niya na may black designer belt. Ang black blazer namin na may maliit na logo sa gilid, malapit sa dibdib, ay nakasabit sa kanyang braso.

Napangisi ako. Parang gusto kong tumakbo roon sa gym! Naka-suot siya ng salamin at naka-fix ang kanyang buhok pagilid, may tatlo o apat na strand na nahuhulog sa kanyang nuo. Bagong gupit siya at shiny ang buhok dahil sa wax.

Habang papaikot na kami sa main entrance ay hindi ko na maalis-alis ang tingin ko sa kanya.

"Giraffe 'yan? Mababali na leeg mo niyan, sis!" komento ni Cea sa aking leeg na halos umikot na nang 90 degrees.

Imbes na sagutin siya ay iba ang sinabi ko.

"Ang gwapo niya!" sabi ko at hinampas-hampas ang braso ni Cea.

"Mga p're!" Natigil ako sa paghampas kay Cea nang may nagsalita mula sa aming likuran. Inalis ko ang tingin sa may gym at napabaling sa kung sinong tumawag.

Nag-jog si Jayda papunta sa 'min habang kumakaway. Tinitigan namin siya habang nakahawak sa kanyang dibdib at mabilis ang pagtaas-baba ng balikat. Nang makabawi, sabay niyang hinila ang palapulsuhan namin ni Cea papasok, papunta sa CR.

"Madaling-madali naman 'to. Sino ba humahabol sa 'yo? Maligno?" si Cea na nakahalukipkip na at nakataas ang kilay, nakasandal sa pader.

Sumandal ako sa sink at tinukod ang kamay ko roon. Bumuntong-hininga si Jayda.

"Okay. Ga'nto kasi 'yon," she started while her hands are moving like she's in a presentation, explaining something in front of everyone.

"Nakita ko crush ko sa labas, 'tapos..." She covered her mouth with her two hands, preventing herself not to shouting.

We waited for her to continue, but she just shouted indistinctly.

"'Tapos, ano? 'Yon na 'yon? Puro ka tili!" diretsong sabi ni Cea at inirapan si Jayda.

Tinanggal ni Jayda ang mga kamay niya sa kanyang bibig saka nagsalita.

"Ano kasi... Nagsabay kaming pumasok. 'Tapos nang makapasok kami, nagba-bye siya sa akin. 'Tapos..." Muling tumili nang mahina si Jayda. Natawa ako, si Cea ay nagtakip ng tainga.

"Ginulo niya 'yong buhok ko. 'Tapos noong sabi ko 'wag, inayos niya 'yon!" Halos tumili ulit si Jayda habang sinasabi ang mga 'yon.

Tumawa ako hindi dahil sa mga kuwento niya, kundi dahil pareho kaming dalawa. If only I could call him a while, I would. But then may epal! Tsaka, joke lang 'yon, 'no! Mapapagalitan ako ng taga-office.

"Hay nako! Pinapaasa ka lang noon. Naniniwala ka naman sa mga moves no'n, e, babaero 'yon! Mukha pa nga lang," ani Cea. Judger talaga 'to.

Inirapan siya ni Jayda at nginusuan. Natawa ako. Palibhasa kasi walang crush 'tong isang 'to. Lungkot tuloy ng buhay. Ewan ko ba rito, noong ako 'yong walang crush, nirereto niya ako. Ngayon naman, sarili niya 'di niya mahanapan ng crush.

Like... Duh! Crush lang naman, e. Para namang magbo-boyfriend. By the way, speaking of boyfriend... Kailan kaya ako sasagutin ni Vance? Chariz!

Dinaan muna namin si Jayda sa room niya pagka-bell, saka kami naghiwalay ni Cea.

At dahil nga puyat ako kagabi, habang nagle-lecture ay nakapangalumbaba lang ako at papikit-pikit. Paminsan-minsan, nahuhulog na ang ulo dahil inaantok.

'Buti na lang sa likod ako nakapuwesto, 'di gaanong kita. Isa pa, maliit naman ako. Advantage na 'yon.

"You already knew our respondents, right? I already emailed you the Gform we'll use, just kindly check it later. You can also reach your friends from other schools just around our city."

Nandito kami sa may gym, nakaupo sa bleachers. Kalat-kalat kami. May nasa itaas, nasa 'baba, at may nakatayo.

Hapon na at hindi pa ako nagla-lunch. Pa'no, ang daming gawain! Sunod-sunod. At 'eto, ine-explain sa kanila kung ano ang gagawin namin para sa survey at kung sino ang respondents namin.

Everyone will start analysis and interpretation while the survey is ongoing, while Jessie and I will be the ones editing it. That's how I divide the members so it wouldn't be a hassle and everyone could help.

"We need to finish it by this week or before the submission. Ita-type pa kasi namin ang mga 'yan," I elucidated.

Alam ko naman na medyo naiinis na rin sila. Hindi lang sa research, kundi pati ay sa akin. Well, hindi naman na bago sa akin ang mga 'yon. Yes, I am perfectionist when it comes to academics, 'yon ang pagkakapareho namin ni Cea. But unlike her, sa 'kin slight lang at kung kailangan.

Tamad akong tao, oo. Pero kung sa mga PT, kagaya na lamang nitong research, ibibigay ko lahat ng effort ko.

"Ako'ng magpi-print, ha?" ani Rosell. Tumingin ako sa kanya at tumango pero natawa rin nang simangutan siya ni Albert.

"Ako talaga dapat ja'n, e! Uuna-una kasi," sabi ni Albert sa harap niya, sa tabi ko, nakataas ang gilid ng labi.

"Research mo nga si Aiya gumagawa, print pa kaya? Baka wala tayong maipasa niyan, sister," Rosell grainsaid. Natawa kami.

Dumaan ako ng canteen pagkatapos ng klase para kumain. Sa gitna ng pagkain ko ay inabot ko ang phone ko para i-text sila Jayda at Cea na nandito ako sa canteen. Hindi pa kasi sila bumababa at baka hanapin ako.

Maya-maya, si Cea ang nag-reply.

Cea: Sorry indi me makakasabay umuwi. May pupuntahan pa ako eh.

Aiya: Okay. Ingat ka, sismars.

Nitong mga nakaraang araw napapansin ko, parang laging may pinupuntahan si Cea? Ayoko namang mangialam dahil baka private iyon at ayaw niyang sabihin sa iba. Isa pa, hindi naman kailangan alam namin lahat. Ang mahalaga ay safe siyang nakakauwi.

Nag-beep ang phone ko, saktong tapos na akong kumain, kaya inabot ko iyon.

Jayda: Okie. Otw.

"Hi!" Napaangat ang tingin ko sa aking gilid nang may nagsalita roon.

Napangiti ako. "Hi!" I greeted. I even waved my hand to him.

He pulled the chair beside me. He put his crossed hands over the table then his eyes passed through my side. I traced his vision of the line, only for me to see my lunch bag that was still not yet closed.

"You didn't eat your food during lunch break," he accused me while I'm zipping up my lunch bag. Lumingon ako sa kanya at magsasalita na nang sumigaw si Jayda.

Wrong timing, girl.

Napatingin kaming dalawa sa kanya.

"Aiya!" Lumapit siya sa akin pero nang nakita si Vance, nanunukso na ang tingin niya.

"Oh, hi, Vance!" bati nito sa kaharap ko at bumeso sa pisngi. Patago akong umirap sa hangin.

Epal!

"Akala ko hindi ka na darating?" ani ko nang humila siya ng upuan mula sa kabila kong side at tumabi sa 'kin.

Ngumisi siya. "Ang sabi mo ay lonely ka, kaya pumunta ako. Hindi mo sinabing may nagpapasaya na pala sa 'yo," pahina nang pahina niyang sabi sabay palihim na sumulyap kay Vance na nakatingin lang din sa amin.

Sinipa ko sa paa si Jayda sa ilalim. Ang gaga, napa-"aray" pa. Ang lakas pa 'ka mo. Bobong 'to!

Mukhang na-awkward-an 'ata si Vance dahil ang "epal" nga ni Jayda. Walang tigil pa sa pagtawa, wala namang nakakatawa! Nagpaalam na tuloy si Vance na uuwi na. Letseng babaitang 'to!

"Ang boba mo, alam mo ba 'yon, ha?" sabi ko nang umalis na si Vance. Bumunghalit siya ng tawa.

"'Inis 'yan?" Ang kaninang tawa niya ay napalitan ng nanunuksong ngisi. "Inaabangan ko rin kasi crush ko, baka sakaling mapadaan dito."

Tinulak ko ang gilid ng kanyang ulo. "E 'di sana roon ka sa may gym or sa malayo ka pumunta pagkatapos mong makita si Vance! O kaya pag'tapos mo 'kong tawagin at kawayan, sinenyasan mo 'ko na mag-aabang ka ng boylet mo! Epal ka rin, e, 'no? Tumabi ka pa talaga sa akin, sinisipa na nga kita," halos maubusan ako ng hininga kong sabi sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang dibdib, kunwari nasasaktan, saka humalakhak. Tiningnan tuloy kami ng mga naglalakad. Ang lakas kasi ng tawa. Megaphone lang?

"Omg! 'Andiyan na siya! 'Andiyan na siya!" Hinampas-hampas niya ang braso ko nang makita niya ang crush niya na kakatapos lang bumili ng foot long.

Tumingin siya sa akin. "Girl..."

Ngumiwi ako at tumango. "Sige na, gumora ka na. Sana kanina pa dumating crush mo," ani ko.

Abot langit na naman ang ngiti niya. Tumayo siya't nagpaalam na. Binitbit ko na rin ang mga gamit ko't lumabas na ng school.

Habang naglalakad, iniisip ko kung saan kaya nagtungo 'yon? Sayang 'yong kanina, yayayain ko pa naman sana siyang kumain ng street food doon sa canteen.

Napangiwi ako sa kaisipang hindi ko na siya mahahanap pa. Ni hindi ko nga narinig 'yong huli niyang sinabi, e. Pa'no, ang ingay ni Jayda! 'Tapos sa huli, aalis din pala matapos kaming guluhin.

"Hello!" I patted the dogs' heads as I entered the house, and went upstairs to change my clothes.

Ang sabi ni Rosell sa akin ngayon-ngayon lang ay may lima na raw silang na-interview, kaya nama'y kakapalan ko na ang mukha ko. Umayos ako ng upo sa kama't binuksan ang Gform namin sa laptop ko.

Nakagat ko ang loob ng aking labi nang pagbukas ko ng Messenger para sana humingi ng favor sa kanya'y nakita ko siyang active.

Aiya: Hi, crush! :)

Padabog akong humiga sa kama at binagsak-bagsak ang likod ko doon, saka hinampas-hamapas ang mga unan nang i-seen niya iyon. Lakas ng amats ko rito. Seen lang pero kinikilig na ako!

Vance . . .

Ang tagal i-send, a'. Baka essay na 'yan, crush. Nako, 100 ka kaagad sa 'kin... pati sa puso ko. Joke! Hindi ko inalis ang tingin ko sa screen ng laptop. Walang kurapan na 'to!

Vance: ???

Potek! Sa tagal niyang nag-type, tatlong question mark lang? Ilang beses niya bang pinagisipan 'yon? 5 minutes? Gandang reply, a'. Question mark pa nga.

I twisted my lips while typing a message to him.

Aiya: Pwedeng humingi ng favor?

O, baka question mark na naman, a'. Nako, kailangan na ng sagot niyan. Kung teacher mo lang ako, sermon ka sa 'kin. Charing!

Vance: 4 what?

Gaano ba kamahal ang salita nito? Thousand? Million? Bibilhin ko kahit gaano kamahal. Hindi ko naman siguro ikamamatay ang sermon ni Mama kung sasabihin ko sa kanyang ibebenta ko ang kidney ko, 'di ba?

I pursed my lips.

Aiya: Survey sa Res sana. For grades. Hehe. Thank u! <3 <3 <3

Usually "Ty" lang talaga ginagamit ko for thank you. Pero dahil crush ko siya, sige pahabain na natin para may effort.

Nag-thumbs up lang siya sa message ko. I messaged him again "thank you" with three red hearts. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi habang sine-send ko iyon sa kanya. Sunod kong pinasa sa kanya 'yong Gform namin at nag-create ng meeting para sa interview.

'Yong boses niya habang tinatanong ko siya, ang sarap pakinggan. Ang sarap paulit-ulitin sa tainga! Parang ayaw ko na itong ipasa at sarilihin na lang. Kung hindi lang 'to dagdag sa grades, akin na lang 'to, charot!

Kung nadi-display nga lang ang boses, baka ipa-disk ko pa 'tong sa kanya 'tapos i-display ko dito sa may side table ko at laging i-play.

"Meron akong na-interview from grade 12 kagabi. Nasa drive na 'yong recorded meet namin. Ilan na lang kulang?" tanong ko habang busy sa pagta-type ng theme at evidence sa aking laptop.

"Bale... apat. Apat na lang," si Rosell ang sumagot.

Dito kami gumagawa sa bahay ng research at bagong group activity sa ELSC. Dumiretso kami rito sa bahay after uwian para makapag-focus. E, ang kaso, nauna pa ang lamon kaysa sa gawa. 'Ayan tuloy, alas-sinko na't wala pa kami sa kalahati. Ipi-print pa 'to!

Nakaupo ako rito sa tapat ng coffee table at naka-Indian seat. Si Rosell, nasa sofa at 'yong dalawa, nasa dining area gumagawa. Wala 'yong iba dahil hindi raw sila pinayagan. Hindi ko alam kung totoo o palusot lang nila. Well, problema na nila 'yon.

"Nag-text na si Mama, susunduin na raw ako," sabi ni Albert. Tiningnan ko ang oras sa aking laptop. 6:15 pm pa lang. Ang usapan namin kanina ay 'gang 7.

"Totoo ba 'yan?" Ako ang nagtanong habang nagta-type, saka ngumisi.

"Leads naman, e. Duda ka ba sa 'kin?"

"Pa'nong 'di magdududa sa 'yo si Aiya, e, scam kang potek ka! May pasabi-sabi ka pa ja'n na 'uwi na ako.' O kaya 'rito na si Mama' pero ang totoo, gagala ka lang kumag ka!" Rosell attacked him.

"'Oy, hindi, a'. Gawa-gawa 'to!"

Sa huli, nauna na si Albert na umuwi. Totoo ang sinabi niya, sinusundo na nga siya ng Nanay niya. Sumunod na umuwi naman ay si Jason. Panghuling umuwi ay si Rosell dahil sinamahan niya ako hanggang sa page-edit. Doon na rin siya nag-print kaya sa gabing iyon, natapos na namin ang data analysis at PT.

Maaga akong pumasok kinaumagahan para magpasa ng gawain. Nang unang break ay hindi ako sumama kila Cea dahil sa dami ng binigay sa amin na gawain! Kaya naman no'ng lunch break lang ako nakasama sa kanila.

"Talaga ba? E, bakit mo siya pinagseselosan?" Rinig kong usapan nila habang naglalakad ako papunta sa bleachers kung nasaan sila nakaupo.

"Sinong pinagseselosan ni Cea?" tanong ko nang makalapit sa kanila at mailapag ang lunch bag ko sa ibabaw ng mesa.

"Wala," maikli, diretsong sabi ni Cea. "Imbento lang 'yan si Jayda. Papansin!"

Natigil ako sa pagbukas ng baonan ko. "Weh? Sino nga? Spill the tea!"

Imbes na sagutin ako ay tinawanan lang ako ni Jayda. Umiling lang din naman si Cea.

"Kilala mo. Taga-ABM," maya-maya'y sabi ni Jayda.

"O? Sino? Tingnan ko mukha sa FB. Baka mas maganda ka pa ro'n—"

"Hay nako, Aiya, nagpapaniwala ka ja'n, e, fake news 'yan," Cea cut me off and rolled her eyes to Jayd.

So may crush na pala si Cea? 'Yon ba 'yong dahilan kung bakit minsan umaalis siya nang maaga?

But then according kay Jayda, may iba raw kasing gusto 'yong guy kaya gano'n si Cea. Todo tanggi naman ang isa.

"Sige, itanggi mo pa," si Jayda ulit. Tinaasan niya ng labi si Cea.

"Tanga! Bumalik ka na nga lang sa classroom niyo!" ani Cea nang matapos kaming kumain at makaakyat na sa 'taas, .

Ayaw ni Cea'ng pag-usapan 'yong mga sinabi ni Jayda. Aniya'y, 'wag daw akong maniwala kay Jayda at gumagawa-gawa lang daw 'yon.

Tinanong ko siya kung may crush siya, hindi naman niya tinanggi. Pero noong tinanong ko kung anong pangalan at 'yong babeng pinagseselosan niya, ay wala naman daw siyang pinagseselosan. Hindi naman na raw importante iyon dahil "crush" lang naman daw. Fun-fun lang.

Hindi ko nakita si Vance nang mag-uwian. Kaya hindi na ako nag-atubiling hanapin pa siya. May gagawin pa akong gawain, 'no. Halu-halo.

Noong Saturday, nagkaroon kami ng biglaang errands nila Jayda at Cea. Nabo-bored daw kasi si Jayda sa bahay nila, wala siyang magawa. Kaya nama'y dinala niya kami sa Ocean Park at Mega Mall.

Noong Sunday naman, kami naman ni Mama ang lumabas. Dinalaw muna namin si Papa bago pumuntang Moa.

We watched an American movie and ate dinner on the bayside. We even rode a Ferris wheel there.

From above, I took my phone out of my red Gucci sling bag and captured the view beneath. After that, I posted it on my IG with a ferris wheel sticker as a caption, saka ko binaba ang phone ko para pagmasdan ang view.

It was my first time to ride a ferris wheel here in Moa, kaya lulubuslubusin ko na.

It was beautiful and tranquil. The orange and white lights dispersed around from the street lights; vehicles; and buildings below make the place brighter than usual. I can see the top of the enormous globe looking tiny from where I am.

I still remember the first time I went here with my family complete, and the first thing I admired was that enormous globe. The second is the bayside.

Since I was very young, I always tell Mama or Papa to take me a picture with a globe behind me. Nothing, it's just my favorite.

The trees are tiny from here as well as the people. Just like in the video if you edit it, the things are moving slowly. Overall, the view was like a painting made by an artist. One look, your eyes will be pinned on it.

Monday came, gano'n ulit ang naging routine namin hanggang mag-Thursday. Lectures, activities, PEH, and such. Umuwi pa nga akong injured, e, dahil sa katangahan.

We have 15 minutes remained kaya naglaro muna kami ng volleyball kasama ng iilan kong kaklase. E, ang tanga ko. 'Ayon, pagkatalon ko, nadulas ako. Sprain.

Noong Thursday rin ay nagkaroon kami ng presentation sa RES.

Hindi naman sa naghahangad, pero gusto kong maging best in research ang group namin kagaya ng iba... kung papalarin. Kaya kahit mahirap, pinupursigi ko. Kahit madalas puyat, binabawi ko na lang ng tulog 'pag weekend.

Kasi lahat naman ng paghihirap ko, malaki man o maliit, nagbubunga.'Yon nga lang 'pag tinamaan ng katamaran, kahit ano na! But I don't know, at the end of the day, nagsisisi rin ako. Parang baliw, gano'n.

Ilang araw na rin na hindi ko nakikita si Vance. Nasaan na kaya si siya? 'Pag pumupunta ako sa kanila para magbigay ng pinag-uutos, wala siya. Tinitingnan ko sa gym, wala rin. Wala akong nakita.

Umupo ako sa isa sa mga table na bakante sa canteen. Wala na naman 'yong dalawa. Si Jayda ay busy'ng nagpapapansin sa crush niya. Si Cea, madalas nagpapaiwan para tapusin ang mga gawain.

"Lonely again?"

Napaangat ang tingin ko sa aking harapan nang marinig ko ang hinihintay kong boses. Aww, ka-miss naman ng voice. Kilig na 'yan?

I smiled at him. "Hi! Hindi ka pa uuwi?" I asked.

Hinila niya 'yong kaharap kong upuan at umupo roon. Tinukod niya ang kanyang siko sa mesa at pinatong ang mukha niya sa kanyang palad, nakapangalumbaba.

Ngumisi siya. "Sana. But I saw you."

Kinikilig akong ngumiti nang malawak. Ano ba naman 'to? Paasa. Sige ka aasa talaga ako niyan sa 'yo.

"Absent ka noong nakaraan? I started.

Kumunot ang nuo niya, saka umiling. Tumango-tango ako.

Minsan, naiinis na rin ako sa sarili ko. 'Pag wala siya, ang dami kong naiisip na mapag-uusapan namin. Mga banat lines from FB at Tiktok. 'Tapos ngayon nasa harap ko na siya, umuurong isip ko. Walang pakisama!

"You went to Moa with your Mom? I saw your IG story." He started opening a new conversation.

Omg! Dati ako ang nag-iisip, ngayon siya na nagsisimula. Thank you, Lord! Level up with crush. Sana laging gan'to.

"Ah... Oo. Gala lang," I answered and laughed shyly. Parang tanga. Pabebe pa! Bwiset ka, Aiya!

Tumango-tango siya. Pagkatapos noon, bakante ulit kami. Tumingin siya sa kabilang side, ako naman ay sa kanya.

Ano kayang skin care nito? Mas makinis pa ang mukha niya kaysa sa akin, mars!

"Anong skin care mo?" walang ano-ano'y tanong ko. Napabaling siya sa akin.

Binaba niya ang kamay niyang nakasuporta sa kanyang pisngi at pinagkrus na lamang ang mga ito saka pinatong sa mesa.

His forehead furrowed. "Why? Bibilhan mo 'ko?"

Wow! 'Di ko alam na makapal din pala ang mukha nito. Tinatanong ko lang naman, e. 'Di ko sinabing bibilhan kita! Wala akong arep, 'oy!

"Assuming?" sarkastiko kong tanong.

Tumawa lang siya nang mahina. I found his soft laugh attractive. Parang nai-save na 'yon sa utak ko. Kung puwede nga lang gawing ringtone, e.

"Kain tayo?" Pang-aaya ko.

Tumingin siya sa relong pambisig niya bago muling binalik ang paningin sa akin, saka tumango.

Sinukbit ko ang backpack ko sa aking mga balikat at sabay kaming lumabas ng gym.

I tried so hard to equal my pace with him. Kaso, ang liit ng mga binti ko kumpara sa kanya.

Napansin niya yata 'yon kaya binagalan niya ang paglalakad niya. Ngayon, pantay na ang bilis naming dalawa.

"Saan mo gusto?" tanong ko saka tumingala sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa akin. Sa posisyon namin, para akong bata niyang kapatid. Ang liit ko kasi, hanggang dibdib niya lang ako!

"Kahit saan," tipid niyang sagot bago muling tumingin sa harapan.

Tumawid kami sa kabila papuntang Jollibee. Wala rin akong maisip na puntahan. Mcdo? Mcdo na naman!

Umupo kami sa pinakadulong upuan malapit sa may exit, nang makapagbayad sa cashier.

I started a small conversation. 'Pag siya ang kasama ko, mas gusto kong nagsasalita kaysa nagse-cellphone.

Dapat ay ako ang tatayo para kunin ang order namin, kaso naunahan niya ako at siya na ang kumuha ng order namin sa counter.

He placed my foods first before his. Saka niya nilagay ang tray sa bakanteng table katabi namin at naupo na.

I ordered pancit palabok and a royal float. While Vance, spaghetti and coke float.

Paminsan-minsan, nag-uusap kami. Madalas, tahimik.

"Ahm... Thank you nga pala sa survey answer, a'."

He wiped the side of his lips first using the tissue beside him before talking.

"Welcome. How was it?"

I smiled and rolled a little on my food. "Okay lang. Panibagong part na naman. Nakaka-drain, 'no?" sagot ko.

"Yeah. It is needed so... no choice."

We walked somewhere after we ate. Sa park, sa likod ng mall sa Downtown. Naglatag kami ng panyo at iyon ang inupuan namin. Sakto, papalubog na ang araw, kitang-kita dahil open area.

May mga batang nagtatakbuhan, karamihan elementary at JHS. I watched them running through the grass. Taya-tayaan at 'yong iba, tagu-taguan. Nagsi-swing naman ang iba at ang iba ay roon sa ikot-ikot. Nakakahilo 'yon!

Lumingon ako sa katabi ko. Pinagmamasdan niya rin ang mga batang naglalaro, habang ang mga kamay niya'y nakatukod patalikod.

"You love kids? Kaya ka siguro magpe-pedia," agaw ko sa kanyang pansin.

Hindi niya ako nilingon, pero ngumiti siya't tumango.

"Yeah, I love kids. But then sadly, I'm only child. Mga pinsan lang ang inaalagaan ko," aniya.

I felt him. Only child din ako at 'yong mga pinsan ko lang ang kalaro't inaalagaan ko.

"Same." I smiled, looking at the sunset now.

Nabalot uli kami ng katahimikan.

"Sana all!" mahinang sabi ko sa kawalan, tinutukoy ay 'yong batang mukhang elementary na naabot 'yong monkey bar.

Mula sa peripheral vision ko, nakita ko siyang lumingon sa akin at mahinang natawa.

"Bakit, hindi mo abot 'yon?" Napalingon ako sa kanya nang sabihin niya iyon.

Napanguso ako. "Abot naman, mahirap lang."

Sa totoo lang, kung ano-ano na lang ang pinag-uusapan namin. May madaldal lang, gano'n.

Nanatili kami roon hanggang sa magdilim na. Nakatiklop ang mga paa ko at nakayakap ang braso roon. Siya, nakataas ang isang paa at ang isa ay nakahiga sa damuhan, nakapatong ang isang braso sa nakatuping tuhod.

"Anong gusto mo sa isang babae?" I asked randomly.

"Wala," maikli niyang sagot.

Wala? As in wala? Pa'no ako? Nage-exist ako, o.

"Wala talaga? Kahit si Chaerin?" pambibiro ko.

Matunog siyang ngumisi bago ako nilingon.

"You really like me, huh?"

Napailag ako nang kaunti. "Jusko! Ngayon mo lang nahalata?" Tagal ko nang nagpapapansin sa 'yo. Gusto kong idagdag 'yan, kaso 'wag na.

"I know. You're so obvious."

"Ah, lowkey nga pala gusto mo. E 'di sige, lowkey na."

He chuckled a bit. Hmmp! Sarap mong iuwi!

"Sa future 'pag nagka-baby ka, anong ipapangalan mo? Kunwari lang, a'," tanong ko ulit.

Sige tanong lang nang tanong, Aiya. Q and A lang ang peg!

"I don't know. Something with meaning. Especial, gano'n." Nagkibit-balikat siya.

"Ako sa future pagbabae, love ang ipapangalan ko," nakangisi kong sabi.

"Why?" he asked curiously.

"Para 'pag may crush siya, e 'di love agad tawag," sabi ko at tumawa.

"Baliw!"

"Sa 'yo," dagdag ko sa kanyang salita.

Nang mag-six thirty na ay umuwi na kami. Hindi naman naging hussle sa amin ang pagpunta sa transport hub dahil katabi lang iyon ng mall.

Sa bus, nakaupo ako habang siya ay nasa harap ko, nakatayo at nakahawak ang isang kamay sa handle. Nakatingin siya sa daan sa harap. He even pays for our transport. Libre raw niya.

"Thank you, Vance!" sabi ko nang nasa tapat na kami ng gate namin.

He smiled. This time it isn't a small smile, but a beam smile.

"Always. Pasok ka na. Good night!" aniya.

"Good night!" I waved my hand on him at pumasok na sa loob, pero nagsalita ulit siya.

"Aiya."

Napalingon uli ako sa kanya at napabalik sa labas nang tawagin niya ako. Hindi ako sumagot at tinaas lang ang dalawa kong kilay.

Lumapit siya sa akin hanggang sa halos maidikit ko na ang mukha ko sa kanyang dibdib. Nanuot sa ilong ko ang pabango niya. Ang bango! Ano kayang brand ng pabango niya? Sa susunod, 'yon na ang tatanungin ko sa kanya. Add to list na!

May hinugot siya na kung ano sa buhok ko malapit sa tainga. Nakiliti ako kaya naitabingi ko bigla ang ulo ko at naiangat ang aking balikat para ipagdikit ang mga 'yon. Aksidenteng naipit ang kamay niya sa pagitan ng pisngi at balikat ko.

Nagulat siya nang kaunti, pero tumawa rin kalaunan.

"Sorry, may dahon kasi," he apologized while laughing a little. Nakitawa rin ako sa kanya.

"Ah..." Nag-isip ako ng idadagdag, pero wala akong maisip! 'Yong utak ko, ayaw mag-function! Buffering. Na-stuck!

Tumalikod na ulit ako pero muli niya akong tinawag. Humarap ako sa kanya ng may ngiti sa labi.

"Hmm?" ungot ko.

"Puwede ba kitang... yayain lumabas bukas?" nag-aalangang tanong niya.

Tumango ako. "Sige."

My smile became wider. I even bit the inside of my cheek to cease from romantic excitement.

Naks naman, crush, may paganoon-ganoon na. Akalain mong sapatos lang tawag ko sa 'yo noon 'tapos ngayon, mahal na. Joke! Wow, prize, gano'n? 'Na all prize, pero expensive. Only for Vance Alvarez. Emz!

Salamat, Lord! Gandang ayuda 'to! Pero, Lord, puwede ko bang idagdag sa wish ko na i-crush back niya rin ako? Kahit gift mo na sa 'kin sa pasko. Please...

Ngumiti siya. Ang ganda ng ngiti niya. 'yong linya ng labi niya, pantay na pantay sa pagkakangiti niya. Para siyang pabango na kakaadikan mo.

Nang makapasok ako sa bahay ay nagtatalon ako. I even punched the throw pillows when I sat down on the sofa, kinikilig.

Ngayon, hindi ko alam kung makakatulog pa ako. Ang tagal ng bukas! Sana bukas na.

Nang makaakyat ako sa kwarto at makahiga na, kinulit ko siya sa Messenger.

Aiya: You still awake, pyuture???

Online siya at sineen niya lang ang message ko. Kainis! Paasa 'to! Kung kailan kilig na kilig na ako kanina, saka magsi-seen.

Aiya: Buhay ka pa ba? Gusto mo i-share ko sa u buhay ko? Hhshsahs.Charot.

I laughed at my joke. Crush. Jusko! Yanigin mo buhay ko, Vance!

Vance . . .

Habang typing siya, ang dami ko nang iniisip na puwede niyang isagot. Panigurado, magtataray na naman 'to. Attitude 'yan, e. Pero crush ko pa rin.

Parang gusto kong ibato ang phone ko nang hindi niya ituloy ang dapat na message niya. Ugali niya 'yan. Ang tagal niyang mag-type 'tapos, thumbs up or maikli lang sagot niya. Minsan ganito, seen lang. Sarap pektusan!

Halos mahulog ako sa kama nang biglang nag-beep ang phone ko. Binuksan ko kaagad iyon at binasa.

Pinadalhan niya ako ng cartoon picture ng holy water na may kasamang bible, mukhang galing sa google ang photo. Natawa ako nang malakas. Nag-google pa siya para lang do'n, a'.

Vance replied to his message:

You need sleep, ABM o kaya idasal mo na lang yan. Crazy.

To be continued... <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro