[Messenger]
💩💩💩
3:19 p.m.
David
Huy masakit na raw paa ni Rija @Kahn
Kanina pa raw kayo ikot nang ikot
Di ka raw makapili dyan
Irvin
Uy ano yan 👀
David
Nagpasama si Kahn kay Rija
Irvin
Bakit ano meron?
Ano yung pinagpipilian ni kahn?
David
Singsing
Irvin
HOY?
READY KA NA? @Kahn
Kahn
Oo kaya nga naghahanap ng singsing eh
Irvin
Sungit ah
David
Nahahawa na yan kay vanya 🤣
Irvin
Patingin kami
Kahn
Ano ipapakita ko sayo wala nga akong napili
David
Bakit?
Kanina pa kayo nag iikot ah?
Kahn
Oo kaso di ko gusto
Parang halos lahat pareho ng design
Irvin
E pano yan?
Kahn
Naghahanap ako online
Irvin
Tapos?
Kahn
Baka magpa custom ako
David
Mas mahal yun ah
Kahn
E wala akong gusto sa mga nakita ko eh
Irvin
Bakit ano bang gusto mo?
Kahn
Yung unique saka proportion man lang sana yung design
David
Panong proportion?
Kahn
Puro nakikita ko kasi dito ang lalaki ng bato tapos sobrang nipis nung band. Ewan mukha kasing mababali eh
Irvin
HAHAHAHAHAHAHAHA
Kahn
Mga ganito man lang sana
O kaya ganito kung parang classic yung design
Irvin
Ay hindi diamond?
Mas maganda kung diamond
Kahn
Kalma
Di naman ako sayo magpopropose
Irvin
HAHAHAHAHAHAHA
David
Emerald ba yan?
Kahn
Oo
Ayoko ng diamond kasi ang common kaya naisip ko emerald kasi green din favorite color ni Vanya tapos may nabanggit din siya sakin dati kung sakali sa color motif.
David
May green din?
Kahn
Oo
Combination
Sage green yung isang kulay
Irvin
Wow
Pinag isipan talaga
Kahn
Malamang pag iisipan ko talaga
Aayain ko ng kasal eh
3:23 p.m.
David
Maganda yung una saka pangalawa simple lang. Yung pangatlo unique yung design kaso mas okay sana kung gold yung band? Pero pinaka gusto ko yung pang apat.
Kahn
Bakit yung pang apat?
David
Isipin mo kapag naging family heirloom yun
Ang ganda saka classic na yung design
Kahn
Ahh oo nga
Irvin
Maalam ka rin pala dyan
David
Namili rin ako ng singsing last year no
Irvin
HAHAHAHAHAHA
Ako parang kinakabahan ako sa mga sinend eh. Ang lalaki nung bato baka naman mamaya maholdap magsusuot nun
Kahn
Ewan ko sayo
Irvin
De joke hahahaha
Pero kung magiging family heirloom, maganda rin yung pang lima
Kahn
Ok
So yung pang apat o pang lima?
David
Oo
Irvin
Bilhin mo na lang lahat
Sampu naman daliri ni vanya eh
David
HAHAHAHAHAHAHA
Kahn
Laking tulong mo talaga Irvin
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro