[Messenger]
💩💩💩
7:39 p.m.
David
May tinatanong si Rija @Kahn
Kahn
Ano yun?
David
Musta na raw yung singsing ni Vanya 🤣
Kahn
Ahh hahaha natapos ko na yung sketch ng design nung isang araw tapos sinend ko na dun sa gagawa
Irvin
Tingin!
Kahn
Sandali alam ko may sinend sila sa email ko kanina, ginawan nila ng digital mock up para mas ma-visualize ko raw nang maigi
David
Patingin din ako!
- Rija
Kahn
Ito
David
Sinunod mo pala yung vintage na theme
Kahn
Oo medyo
Irvin
Pinakita ko kay Janika
Ang ganda raw
Kahn
Salamat
Ilang araw akong napuyat dito 🥲
David
Hahahahaha bakit
Kahn
Dami kong cinonsider sa design ng singsing niya
Irvin
Tulad ng?
Kahn
Proportion nung bato sa ring band saka functionality. Dapat kasi may maliliit na diamonds na naka palibot dun sa emerald para may accent sa design kaso naisip ko baka kung saan saan sumabit kaya tinago ko sa ilalim yung diamonds tapos konti lang sa gilid nung band.
David
Parang ang hirap nung design sa band
Kahn
Kaya naman daw nila yan saka syempre gagastos na lang din ako ng malaki edi susulitin ko na
David
Kung sabagay tama ka naman dyan
Irvin
Nagugulat ako sa effort mo dyan sa singsing
Kahn
Gusto ko lang kasi na personalized para kay Vanya yung singsing niya. May naalala lang ako dati
Irvin
Ano yan?
Kahn
Hahahahaha
David
Ikwento mo raw sabi ni rija. Deserve niya raw malaman yan pagkatapos ka niya samahan noon
Kahn
Nung grade 9 kasi tayo alam ko ikaw ata nagtanong sakin nun @David
David
Ng? Ano tinanong ko?
Kahn
Kung ano kami ni Vanya
Kasi sobrang close namin nun
David
Ahhh
Okay okay
Medyo naaalala ko na
Kahn
Tapos ayun tinanong ko sa kanya sabi ko pa edi friends kami na naghoholding hands tapos sabay parati kumain hahahaha tapos ayun nagalit sabi niya ayaw niya raw ng may kapareho
Irvin
Ha?
Kahn
Kasi marami raw akong friends dami niya raw kapareho kung sakaling "friends" din kami kahit ganon. Siya mismo nag decide na gawin akong jowa 😌
Irvin
Grabe
Di ka pala nanligaw?
Kahn
Hahahahaha oo nagulat din ako
Akala ko sasabihin niya rin dati na manligaw muna ako eh. Payag naman ako dun pero bat pa ako magrereklamo kung siya na mismo nagsabi na girlfriend ko na raw siya diba 😌
David
Iba ka rin eh
Kahn
Pero ayun, natandaan ko lang na sinabi niya sakin na gusto niya raw ng title na exclusive lang para sa kanya. Kaya naisip ko rin sa singsing niya yun na personalized para sa kanya saka walang kapareho
Irvin
Grabe ok
Mag ttake note na pala ako dito
David
Dapat pala nagpapa coaching din ako sayo eh no
Kahn
Sus 😎
David
Tinatanong pala ni rija na ngayon daw bang naging kayo ulit e nanligaw ka?
Kahn
HAHAHAHAHAHAHAHA
Irvin
Wala ulit ligaw ligaw?
Kahn
Oo, wala
Deretso lang ulit
David
Hala?
Pano nangyari?
Kahn
Sinabi ko lang na ayoko mag selos
Tapos ayun sabi ko gusto ko siya ulit
Irvin
Yun lang??
Kahn
Oo tapos ako pinag decide niya ngayon
kung ano raw ba kami
David
Tapos pumayag siya?
Kahn
Oo
Mabilis din siyang kausap eh
Irvin
HAHAHAHAHAHA
lodi grabe 🫡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro