[Twitter]
🥭🔒 @mangofloat
Naiinis pa rin ako kasi I looked forward to this day somehow :( lalo na nung binati niya ako ng good morning 😔
🥭🔒 @mangofloat
Kasalanan ko naman na siguro yun kasi ako naman yung nag expect 🥲
🥭🔒 @mangofloat
Saka ilang beses ko rin naman tinurn down yung past invites niya sakin sa lunch, diba?
🥭🔒 @mangofloat
So bakit ako mag eexpect na may next time pa yun?
🥭🔒 @mangofloat
pero.... 😔
🥭🔒 @mangofloat
gusto ko talaga siya kasabay kanina :(
🥭🔒 @mangofloat
haaay mas lalong sumasakit ulo ko 😔
[iMessage]
kahn iv
November 22, 8:17 p.m.
Kahn
Vanya :(
8:19 p.m.
Kahn
Okay ka na ba?
O masakit pa rin ulo mo?
Inom ka na gamot
Vanya
Okay na ako
Kahn
Pwede na tayo mag-usap?
Vanya
👍
Kahn
Galit ka ba sakin?
Vanya
No
Kahn
E bakit di mo ko kinakausap kanina
Inarapan mo pa ako sa lib tapos di mo kinuha yung choc nut :( kinain ko tuloy
Vanya
Sorry. Kasalanan ko na kasi ata yun
Kahn
Ha?
Naguluhan ako
Kahn
Bakit kasalanan mo?
Vanya
Kasi akala ko aayain mo ko ng lunch
Kaso hindi. But that's my fault.
Ako yung nag expect
Kahn
Hala
Kahn
Okay teka
Kahn
Gusto mong ayain kita kanina?
Vanya
😡
Kahn
O bakit ka galit
Nagtatanong lang ako
Vanya
Sinabi ko na nga
Wag mo na ipaulit 😡
Kahn
Hahahahaha sige hindi na
Pero aayain naman dapat kita
Kaso kinausap kasi ako ni chelsea kagabi sabi niya may sasabihin daw siya sakin ng lunch time
Vanya
Kaya ba kayo nasa may chapel din?
Kahn
Oo 😅
Vanya
😡
Kahn
O bakit galit ka na naman
Vanya
Kasi alam mo naman na secret place ko yung sa may chapel
Kahn
Hala
Nag request kasi siya na dun daw sana sa wala gaanong tao at hindi maingay.
Vanya
Bat di kayo sa may library
Kahn
May pagkain kami, maaamoy yung ulam
Saka dun lang din sa gilid ng chapel yung alam ko na wala gaanong tao saka tahimik. Sorry na
Vanya
Fine
Kahn
Kinausap lang din naman ako ni chelsea kanina kasi may clinarify lang siya
Vanya
I'm not asking naman kung tungkol saan pinag usapan ninyo. It's fine
Kahn
Kalat kasi sa grade level natin na crush niya raw ako. E may iba siyang gusto tapos parang dahil dun sa kalat na news , di naniniwala yung crush niya sa kanya kaya kinausap ako. Nakiusap din kasi siya sakin na kung sakali din daw kung pwede ko kausapin yung iba para tumigil. Ayun lang yun
Vanya
Hindi ko naman tinatanong yan
Kahn
Gusto ko lang din sabihin
Para malinaw tayo dito teacher vanya
Vanya
Okay
Kahn
Pero balik tayo sayo
Gusto mo talagang ayain kita kanina?
Vanya
If ipapaulit mo na naman sakin yan, ayoko na makipag usap
Kahn
Hindi, kailangan ko ng sagot
Inirapan mo ko eh
Di mo pa tinanggap yung choc nut
Vanya
Fine
Oo na
Kahn
Pero aya lang ba?
Papayag ka ba kung sakaling nag aya ako kanina?
Vanya
Papayag ako
Kahn
Totoo yan?
Vanya
😡
Kahn
So gusto mo akong kasabay kumain kanina?
Vanya
Ayaw na kitang kausap
Paulit ulit ka
Bye
Kahn
Hahahahaha
Ang cute mo naman
[Twitter]
Lex @lexvillaruel
Bat ang laki laki ng ngiti nito nakakatakot
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro