yeolnet (14)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


................MUSIC IS LOVE #14....................

Kelly's POV

"Tetsu...wahh! Tetsu I LOVE YOU TETSU......." sigaw ko ng mashoot ni Tetsu yung bola. Wahh! ang galing talaga ng mga vanishing pass nya

"I LOVE YOU TOO KELLY!!!" sigaw nya pabalik sakin shit! kinikilig ako Tetsu letche ka, wahh!
....
.
.
.
.
.
.
.
.

"OUCH THE FUCK!!" Napabangon ako ng may kumagat sa likod ko, letcheng umang yan, likod ko pa ang napag tripan, pero wrong move dahil nauntog ako sa isang matigas na bagay kaya napahawak ako sa noo ko, intek na yan ang sakit, minulat ko ang mata ko at

0o0
0o0
000
000
0o0

"OUCH, BAKIT KA NANAMPAL?!" galit nyang sigaw sakin, bwisit na lalaki to bakit ang lapit ng muka nya sakin? sinampal ko sya kaya napalayo sya

"EH BAKIT KA KASI NANG GUGULAT? BAKIT KASI ANG LAPIT NG MUKA MO? MANYAK KANG LECHE KA!!" Sigaw ko rin pabalik sakanya, hindi pala ako sa bagay nauntog, sa noo pala ng letcheng gwapong si Ken. Yeah kaya ko ng i identify si Kid at Ken, si Ken may taling na pa triangle sa right cheek. Nasaan ba ako?  tiningnan ko ang paligid ko DAGAT? The heck! nakatulog pala ako? eh anong ginagawa ng isang to dito?

"Naglalakad ako kanina, tapos nakita kita lumapit ako kasi akala ko si Cisum ka, nagtatakbo ako kaso nadapa ako,kaso lang nagulat ako ng bigla kang sumigaw kaya yun nauntog ako. Bato ba yang noo mo? ang sakit shit! tsaka bakit ba nananampal ka dyan bigla bigla? ang sakit kaya!" paliwanag nya, habang hinihimas ang noo at pisngi nya, aba kasalanan ko ba? eh sa nagulat ako at ang lapit ng gwapo nyang muka sakin eh.

"Tss whatever," sabi ko nalang letcheng Umang yon panira ng panaginip, gandang ganda ng panaginip ko eh, mabubuo na ang love story namin ni Tetsuya Kuroko ng Kurokos Basketball eh, damn you Umang! damn you!, sa dami ng kakagatin mo likod ko pa talaga ang napili mo, pagtingin ko sa gilid ko wala na si Ken san nagpunta yon?liningon ko sya sa likod ko tama nga ako umalis na sya dahil hindi naman ako si Cisum. The heck bakit kaba kasi galit na galit sakin? ano bang ginawa ko sayo?

Dapat ba akong maging masaya? dahil alam kong mahal nya si Cisum na ako rin naman o malungkot, dahil galit na galit sya sakin at the same time as Kelly. Aish life sucklaugh.
Tulala lang ako sa dagat habang nag iisip isip (wow parang may isip) shut your fucking mouth author (tss whatever) biglang nag vibrate ang phone ko, tumatawag pala si Zoey at nakakailang missed calls na sya, si Tito at si Shane. Oh anong problema ng mga taong to? saglit lang akong nawala miss na nila agad ako? wow ha nakaka touch , biro ko sa sarili ko.
So kanina pa pala ako tulog? agad kong sinagot ang tawag nya

"Hello?"

"The heck Kelly, kanina kapa namin tinatawagan ni Shane, bat ngayon mo lang sinagot? nag aalala na kami nina Tito Jam san kaba kasi nagpunta? ha!?" sunod sunod na sermon nya sakin, gano ba ako katagal na tulog at mukang alalang alala sila?

"Ilang oras lang naman akong wala so wag kayong O.A dyan" bwelta ko

"Oras? anong oras kahapon kapa namin hinahanap Kelly, hindi kami O.A kahapon kapa nawawala!" nagulat ako sa sinabi nya, kahapon? , tumingala ako sa langit, orange pa naman mukang hapon palang, mukang papalubog palang ang araw, pinag titripan ba ako nitong si Zoey?

"Wag mo nga akong pagtripan Zoey, aware ako na hapon ngayon at hindi umaga tsk" inis kong sabi sakanya

"Hindi kita pinagtitripan tingnan mo ang date sa phone mo!" inis rin nyang sabi, tiningnan ko naman oo nga, the fuck dito ako natulog? at orange ang langit dahil bago palang lumalabas ang araw. Bago palang nag uumaga

"Sorry , sorry papunta na ako dyan, nakatulog lang ako sa tabing dagat dahil sa pagod kahapon." paghingi ko ng tawad.

"Sige bilisan mo, nag alala kami ng sobra sayo." sabi nya at ibinaba na ang tawag, siguro hindi nila ako nakita kahapon dahil sa malayo layong parte ng Beach ako napadpad kahapon at nakatulog. Hindi rin ako sure kung parte paba ito ng Beach resort ni Tito. Dali dali akong nagpunta sa room namin at naabutan ko don ang halatang walang tulog na si Tito Jam., Shane at Zoey. Pagka kita sakin ni Tito agad nya akong niyakap.

"Saan kaba nagpupu punta Kelly, pinag alala mo ako, alam mo namang may phobia na ako kapag may nawawala kapag nasa Beach tayo diba? akala ko nagaya kana sa bestfriend ko na Daddy mo ..ak...a..la ko may nangyari nading masama sayo dito sa dagat Kelly" naluluhang sabi ni Tito, bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin
natahimik naman ako bigla, yes! lunod, tama ng baril sa tyan at hampas ng kung ano sa ulo ang ikinamatay ni Daddy. mahilig kasi silang mag dive nina Tito at ng iba pa nilang kaibigan, inshort mga divers sila, ang kaso isang beses na nag dive sila sa malayo layong diving spot ng dagat nawala si Daddy , matagal syang hinanap ng mga divers at ni Tito dahil nag alala sila ng lahat sila ay nakabalik na sa bangka pero si Daddy hindi parin nalutang. Nung una akala nila nagtipid lang sa oxygen si Daddy dahil palagi nya daw yong ginagawa kapag may magagandang spot silang pinupuntahan, kaya lang tumagal na ng ilang oras wala parin. Isang araw ang lumipas bago sya makita sa ilalim ng dagat malayo sa pinag dive-an nila, nakaipit ang isang paa nya sa malaking bato kaya daw baka sya hindi naka ahon. Nakakita rin ng sugat sa noo ni Daddy at tama ng bala sa may tyan nya, kaya sabi baka daw murder kaso hindi naman makakita ng ebidensya ang mga Pulis. Marami kasing tao sa pinag dive-an nila may mga fans nya dahil isang sikat si Daddy sa music industry, Business at Showbiz. Sabi ng mga pulis baka daw isang kakumpitensya sa negosyo ang may gawa. Isa naring dahilan kung bakit wala akong tiwala sa mga tao, at dahil medyo hindi na maganda ang lagay ng katawan ni Daddy noon minabuti nalang naming i crimate sya.
Sobrang sakit nung nangyari samin, si Mommy halos hindi makausap at iyak lang ng iyak, palagi syang nagkukulong sa kwarto nila ni Daddy habang yapos yapos ang abo ni Daddy. Halos mawala na sya sa katinuan noon. Ganon din si Tito, dahil sya ang matalik na kaibigan ni Daddy. Kaya kahit gustong gusto kong umiyak noon at magwala, hindi ko magawa because I need to be strong for my Mom. Nagluksa ako ng palihim, umiyak ng palihim at ipinakita na hindi ako nasasaktan , I act as if I'm not hurt and affected. I act like I'm strong enough to endure the pain of my Dads death, pero sa loob ko wasak na wasak ako sino bang hindi?In just one snap nawalan ako ng ka Jamming, Best Friend, Teacher, and most of all nawalan ako ng Daddy.. Yung Daddy na palaging umiintindi sakin, yung Daddy na palaging nandyan sa tabi ko at umaalalay sakin, yung Daddy na super close ko, yung nagturo sakin ng kahalagahan at kagandahan ng music, si Daddy na ibinibigay lahat ng gusto ko. Si Daddy na sa isang iglap ay biglang nawala dahil sa punyetang pumatay sakanya, hindi ko mapapatawad ang sino mang pumatay sakanya. Ang hirap magpanggap na okay ka lang at malakas sa twing makikita mo ang Mommy mo na sobrang nahihirapan at nasasaktan. Parang gusto mo nalang ding umiyak kasama ng Mommy mo pero hindi, hindi ko yun ginawa dahil mas mahihirapan lang si Mommy, kaya sa twing umiiyak sya binibigyan ko nalang sya ng isang yakap at sinasabing things will be alright soon. Pero kahit na ganon ang ginawa ko hindi parin naging sapat. Isang linggo lang ang lumipas ng ma admit naman si Mommy sa isang mental hospital dahil hindi nya talaga nakayanan. After ma admit ni Mommy sa mental, 1 week have passed at  naki pagbreak naman sakin ang boyfriend ko na mahal na mahal ko, sinabi sakin ni Rafael na Ginamit nya lang ako para sumikat rin sya, nagtagumpay sya nagkaron sya ng career sa showbiz at naging sila na ng tunay nyang mahal na co-teen star ko,  kung kami ng banda ko ang namamayagpag sa music industry si Marie naman na girlfriend ni Rafael ang sa showbiz industry. Yung isang taong akala ko dadamay sakin sa mga oras na sobrang kaylangan ko ay sya pa ang unang nang iwan at mas lalong nagparamdam sakin ng sakit . Iniwan na ako ng lahat wala na akong makapitan. Parang sa isang iglap wala na, wala na lahat . Ang dilim dilim ng mundo ko ng mga panahong yon. Sobrang gumuho ang mundo ko but I act as if nothing happened, Kunwari hindi ako nasasaktan, yung ibang tao sinasabi napaka walang kwenta ko daw, hindi manlang daw ata ako nalulungkot sa mga nangyayari sa buhay ko. Napakasama ko daw kaya ako iniiwan ng mga tao sa paligid ko. Damn them all!

The fuck with that. Try kaya nilang lumagay sa sitwasyon ko, hindi porket nakangiti at hindi umiiyak ibig sabihin hindi affected. Hindi lang nila alam kung gano ko na gustong magpakamatay nalang dahil sa mga nangyayari, magpaka matay nalang para tapos na ang mga sakit na nararamdaman ko,ang bigat bigat na sa pakiramdam pero hindi ko ginawa dahil alam ko may isa pa akong makakapitan, ang Diyos dahil wala syang ginawa na hindi natin kayang lagpasan. Everything happens for a reason, kaya nagpakatatag ako at itinago ko nalang ang lungkot sa puso ko. Hindi ako dapat pang hinaan ng loob sa mga panahong 'to, dahil ako nalang ang aasahan ni Mom, bukod kasi kay Tito Jam, wala na akong iba pang kilalang kamag anak namin. Kaya ginawa ko nalang  ang lahat ng makakaya ko para isalba ang mga business ni Daddy sa music industry, at kung ano ano pang business. I act jolly infront of my Mom. At hindi rin naman nagtagal at gumaling na si Mom, after 5months lumabas na sya sa mental. Isang taon na ang nakakalipas pero wala paring lead kung sino ang may gawa noon kay Daddy.

"Shhhh Tito, walang mangyayaring masama sakin ok? nakatulog lang po ako sa tabing dagat" malumanay kong sabi kay Tito

"Sa dagat ka natulog? nilibot namin ang buong pampang pero wala kaming bakas ng Kelly na nakita, hindi naman kami nakapag patulong sa mga Coast Guard dahil wala ka pang 24hours nawawala " sabi naman ni Shane, nilibot nila lahat?

" Kasi napalayo ang paglalakad ko kahapon, I think hindi nayon sakop ng Beach resort mo Tito, kaya hindi mo ako nakita" sabi ko naman

"Nagpatulong pa kami sa mga campers pero hindi ka din nila nakita" sabi pa nya, hmnn baka naman nakikipag plastikan lang sakanila ang mga campers kaya kunwari tumutulong pero hindi.

"Kanina bago ka sumagot sa tawag ipinaalam na samin ni Kenneth Delgado na ayos kalang, nakita ka daw nyang tulog sa may pampang kaya medyo nawala ang pag aalala namin, sa susunod Kelly wag ka namang matulog sa pampang delikado yon hija." nag aalala paring sabi pa ni Tito.

"Tito alam mo namang narerelax ako sa tunog ng dagat"

"I know hija, I know nababawasan ng tunog ng alon ng dagat ang pag kamiss mo kay Ian sa Daddy mo , kaya lang wag mo naman kaming pag alalahanin, mamamatay ako sa pag aalala sayo hija. hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala kadin." tahimik lang nanonood samin ang dalwa kong kaibigan. bakas ang pagod sa mga muka nila. Haist nakaka konsensya naman.

"Ok po Tito, susubukan ko pong wag ng makatulog kapag nasa tabing dagat. Pero hindi ko po ipinapangako because  I feel like I'm with my fathers arms when I'm in the sea shore." paliwanag ko, para kasi akong yinayakap ni Dad sa twing nakakarinig ako ng alon ng dagat. It comforts me big time.

"I understand, sige na magpahinga na kayong tatlo wala munang practice ngayon dahil pagod ang lahat, yung iba walang tulog kaya bukas nalang ipagpapatuloy ang practice para sa show off. Masyado rin akong pagod. " sabi ni Tito at umalis na

"Sige po Tito" yun nalang ang naging tugon namin sakanya, pagka alis na pagka alis ni Tito agad akong nilapitan at niyakap ng dalwang bruha.

"Wahh! Kelly subukan mo lang na mawala ulit gigilitan kita ng buhay" banta ni Shane habang yakap parin ako , natawa nalang ako dahil alam kong mahal nila ako at sobra silang nag alala sakin.

"Oo nga Kelly , leche ka imbis na nakadami ako ng na download na mga vids. ng Twice ay hindi dahil missing ka.!" sermon din ni Zoey

"Guys bitaw na, I can't breath" sabi ko kaya napa bitaw sya.

"Tara na nga matulog na tayo at wala pa tayong tulog" sabi ni Shane

"Kayo nalang dalwa, natulog na ako eh hahaah" kamot sa ulong sabi ko

" Ay oo nga pala, pero Kelly dyan kalang wag kang aalis baka mamaya mawala ka ulit" sabi ni Shane

" Oo dito lang ako" I assure them, ngumiti sila at pumasok na sa kwarto, hayy Daddy I miss you so much.  Ang sarap talaga sa pakiramdam na may nag aalala at nagmamahal sayo. I'm so lucky to have Zoey and Shane in my life, buti nalang hindi sila nagsawa sakin dati nung inaatake ako ng trust issue ko. Dahil kahit since high school ko na sila kaibigan , nag karon parin ako ng trust issue sa lahat kahit sakanila ng mamatay si Daddy. But they didn't leave me, inintindi nila ako. Sa panahon ngayon malabo at mahirap ng makakita ng tunay na kaibigan . Kaya I'm so thankful to God for bringing Zoey and Shane in my life.
Thanks God for everything.

.........................................................

love lots people😇.😉

V_V

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro