Simula

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Bilisan mo ang galaw Ayena, aba! Hindi kita binabayaran dito para kukupad kupad ka diyan sa pagtatrabaho!"

Humihingal akong tumango sa amo ko at sumagot. "Opo, papunta na!"

Mabilisan kong tinapos ang paglilinis sa isang mesa at pumunta sa kung saan may nakaupong bagong costumer.

"Ano pong order niyo sir?" magalang kong tanong.

"Let's just order kare-kare?"

"I don't like that, sa adobo tayo."

"Neither of them, let's leave this place. Ayoko sa pagkain."

Malaki ang timping nag-antay ako sa desisyon nila hanggang sa mapansin ako ng isa sa mga lalaki.

"Hello miss, sorry ha? Matagal talaga kami magdedesisyon lalo na sa ganito."

Ngumiti lang ako ng marahan at banayad na nagsalita. "Okay lang po, makapag-antay namn ako."

"Sana all inaantay." bulong ng isa sa kanila.

"Palibhasa'y bitter ka."

"At least hindi uto-uto."

Hanggang sa nagkagulo na naman sila. Kabadong napatingin ako sa amo ko na nakatingin pala sa mga costumer ko. Napa-ikot ako ng mga mata ko sa nakita, akala ko pa naman nanlilisik na ang mga mata niya dahil sa tagal ko kumuha ng order.

"Basta ako adobo, bahala kayo diyan."

"Adobo na lang din akin,"

"Kaldereta ako," sabi ng isa.

"Tao ka hindi kaldereta."

Napa-ikot ko ulit ang mga mata ko sa pamimilosopo ng isa. Parang mga tanga naman to, hindi siguro uso ang seryosong usapan sa magbarkadang to.

"Tatlong serve ng adobo, isang serve ng kaldereta at saka. . ." tumingin siya sa lalaking nakahawak lang sa cellphone at hindi nagsasalita kanina pa. "anong sayo par?"

Tiningnan niya ang lalaki ka kumausap sa kaniya at tumango. "Kahit ano."

"Apat na serve na lang ng adobo, miss."

Tumango ako at inilista ang order nila. "Yun lang? Drinks?"

"Softdrinks na lang, miss, salamat!"

Tumango ako at ibinigay kay Thalia ang order ng limang lalaki.

"Mga gwapings naman yun sis, kilala mo?"

"Aba malay ko sa kanila, wala akong pake." mataray kong ani.

"Kaya ka hindi nagkakajowa eh, taray mo masyado."

Ngumiti ako at nagtaas ng kilay. "Hindi mo sure, sis."

"Sure ako!"

Sabay kaming tumawa sa sinabi. Nagsimula na akong maglinis ulit ng mesa nang matapos ang pagkain ng estudyante sa isang mesa sa gilid. Matapos no'n ay handa na ang order ng limang lalaki kaya sinerve ko na.

"Eto na po ang order niyo, enjoy the food."

"Salamat, gandara!"

Napangiwi ako narinig. Imbes na tignan ng masama ay ngumiti ako ng sarkastiko sa lalaki at umalis.

"Nadulas hehe." rinig kong usal nito bago ako nakaalis ng tuluyan.

"Anyare teh?"

"Tinawag ba naman akong gandara, sa ganda kong to?"

"Wag sis, masisira buhay mo kapag sinabi mo 'yan."

Inambahan ko siya ng batok pero nakalayo siya. "Joke lang eto naman, maganda ka naman talaga."

Tumaas ang gilid ng labi ko sa sinabi niya. "Sige lang, gawin mo akong uto uto."

Umiling akong umalis sa counter at naglinis ulit ng mga mesa.

Sa murang edad, nasanay na ako sa ganitong trabaho. Kung saan sunud-sunuran ako sa amo ko, pero kong magagawa ko eh dahil sa sweldo ko na galing sa kaniya kaya ako buhay ngayon?

Mag-isa lang akong nabubuhay ngayon, kaya wala akong choice kung hindi buhayin ko rin ang sarili ko. Wala na si mommy, si daddy naman ay wala ng pake sa akin. Siguro gano'n talaga ang takbo ng buhay ko, ang pabayaan lang dahil alam nilang kaya ko.

Pagkatapos ng trabaho ko ay dumeretso kaagad ako sa tinutuluyan ko, ang maliit na bahay na to ay bigay sa akin ng mag-asawang may mabuting puso na pumunta sa ibang bansa. Sila ang nagbabayad para sa bahay at lupa pero ako ang nakatira, masyadong nakakahiya dahil wala man lang akong maiambag sa bahay kundi ang panatilihing malinis pero wala akong magawa. Kailangan kong alisin ang hiya ko para mabuhay.

Malaki ang bahay nila, dalawang palapag at kompleto sa gamit. Kulang lang ay tao para tumira, wala kaseng anak ang mag-asawang Flores kaya ako ang pinatira nila rito.

Mula 4pm ng hapon hanggang 10pm ang trabaho ko sa karenderya na pinagtatrabahuhan ko. Nagsisimula naman sa 7am ang klase ko kaya nagtatrabaho muna ako sa isang coffee shop mula 3am hanggang 6am. Masyadong marami ang ginagawa ko sa isang araw pero bakante naman ako tuwing Linggo kaya nababawi ko ang mga oras na kulang ang tulog ko t nagagawa ko ang mga kailangan kong gawin.

"Good morning, ma'am. May kailangan daw kayo sa 'kin?"

Narito ako ngayon sa office ng Gen. Math teacher ko. Hindi ko alam bakit niya ako pinatawag pero sana hindi ito tungkol sa grades ko. Dahil hindi ko kakayaning mawala ang iniingatan kong scholarship, wala pa naman akong pambayad sa mga fees dito sa eskuwelahang ito.

"Kung iniisip mong tungkol ito sa grades ko, nagkakamali ka. Well, we have this student na kailangan ng tutoring. As the most outstanding student in my class, I want you to tutor him until he gets high grades in Gen. Math. Kaya mo ba?"

"Mga anong oras po ba ang pagtuturo ko? Kase kapag gabi, hindi ako available kase may trabaho ako."

"Alam ko 'yon, iha. Kaya nag-suggest ako sa kaniya na sa tuwing free time niyo na lang kayo magtutoring, siguro mga lunch gano'n. Kaya ba?"

Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Kaya po,"

"Huwag kang mag-alala't may suweldo ka naman sa gagawin mo."

"Ho? Talaga?"

"Oo, kaya sana hindi ko na aatras sa desisyon mo dahil sayang din 'yon."

Mabilis akong tumango sa kaniya. "Hinding-hindi po ako aatras, ma'am. Maraming salamat po at inirekomenda ninyo ako."

"Walang anuman, matalino ka at maasahan. Maasahan din ba kita dito?"

Masaya akong tumango sa kaniya. "Opo ma'am, ako pong bahala sa kaniya."

"O siya sige, pagsasabihan ko na siya na magsisimula kayo bukas, maari ba 'yon?"

"Opo!"

Masaya akong umalis sa office ni Ma'am Nikki at tumalon talon. Bukod kase sa madagdagan ang kita ko, mukhang hindi naman 'yon magiging sagabal sa mga gagawin ko.

Mapapagod lang ako ng sobra pero at least may dagdag kita para sa gastos ko. Okay ka din 'yon at makabili na rin ako ng mga kailangan ko para sa school.

"What's with that face? Napansin ka ba ng crush mo?"

Napasimangot akong lumiko para maiwasan si Bianca. Makita ko pa lang ang mukha niya nawawala na agad ako sa mood. Sino bang hindi? Sa tuwing nagkikita kami lagi na lang kawalanghiyaan mga pinaggagawa sa'kin.

"Teka lang naman! Para naman akong may malubhang sakit niyan sa kakaiwas mo."

"Sinong hindi? Huwag mo akong inisin ngayon Bia, good mood ako ngayon."

Hinuli niya ang braso ko at sumandal sa'kin habang naglalakad kami. "Hindi na, mabait ako ngayon kase nakita ko crush ko hehehe."

Umikot ang mga mata ko. "Anong kailangan mo?"

Siya naman ngayon ang napasimangot. "Alam na alam mo talaga no?"

Umiling-iling ako sa kaniya. "Ano nga?"

"Well, I have this party this Saturday. . ."

"No, Bianca."

Tumigil siya sa paglalakad at hinaharap ako. "No agad? Puwede bang yes naman this time? Please?"

Umiling ulit ako. "May trabaho ako sa araw na 'yon, Bia. Alam mo naman 'yon."

"Isang araw na leave? Puwede ba 'yon? Babayaran kita, promise!"

Umiling ako ng mabilis. Hindi naman puwede na pumunta ako sa party niya para lang sa pera, kaya ko naman mag leave pero sayang din kase.

"Ano bang meron sa party na 'yan? Hindi ako pupunta kapag hindi importante, Bianca."

"Darating sina mommy sa Friday, Saturday ang welcoming party." sabi niya na nakanguso.

"Bakit hindi mo sinabi agad? Pupunta naman ako eh,"

"Sure 'yan ha?"

Tumango ako kaya napangiti siya.

"Sige, salamat sa pagpayag! See you, may klase pa ako!"

"Bye."

"Bye!"

Tumatakbo siyang umalis sa harap ko at umakyat sa susunod na palapag. Habang ako naman ay dumeretso sa klase ko.

"Nakakatamad na talaga to, sis."

"Bakit naman?" tanong ko kay Thalia.

Nasa karenderya na ako ngayon at nagtatrabaho, hindi naman ganoon karami ang tao kaya may panahon kami para mag-usap ni Thalia.

"Gusto kong mangibang bansa,"

"Ha? Masyadong malayo at biglaan ang desisyon mo, bakit ka napaisip bigla?"

"Kase diba, kailangan na namin mag doble kayod kase malapit na grumaduate yung kuya ko. Hindi sapat yung kinikita namin ngayon."

"Gano'n ba? Sigurado ka na diyan sa desisyon mo?" tanong ko.

Hindi ko na lang pinapahalata ang disappointment sa boses ko kase baka tawanan niya ako. Isa siya sa mga malapit kong kaibigan. Isa din siya sa dahilan kung bakit nasa maayos na kalagayan parin ako.

"Oo, payag naman si mama, si papa ang hindi."

"Mahirap kase sa ibang bansa, Thalia. Siguradong mahihirapan ka do'n."

"Tingnan lang natin, Aye."

Napagalaw kami bigla nang dumating ang amo namin. Kung ano man ang desisyon niya, rerespetuhin ko 'yon. Hangga't hindi kami nagkakasiraan at walang samaan ng loob.

"Hagard mo masyado, Ayena. Natutulog ka pa ba niyan?"

Tumingin ako kay Chris sa tanong niya. "Ikaw pala Chris, oo naman, natutulog ako. Mukha ba akong sabog?"

Hindi kase ako nakapag-ayos masyado dahil medyo natagalan ako sa coffee shop kanina. Nagbihis lang ako at dumeretso na sa school kaya hindi ako gaano nakapag ayos. 

"Hindi naman, ang ganda mo nga ngayon eh."

Tumawa ako ng bahagya saka umiling. "Nambola ka pa."

"Totoo naman yun, Aye."

Hindi ko na lang pinansin at tumutok na sa harap dahil dumating na ang subject teacher namin. Lunch ng lumabas ako sa room namin, dumeretso ako sa library kung saan namin napagkasunduan ang pagkikita namin no'ng tuturuan ko.

Ilang minuto lang ang nakalilipas simula ng mag-antay ako nang may kumalabit sa akin na lalaki. Eto na siguro 'yon.

"Hi, ikaw ba 'yon?"

Tumango siya at saka umupo sa harap ko. "I'm Chrysler, just to let you know."

Tumango ko sa kaniya at masuyong ngumiti. "Narinig ko nga, mabuti naman at sumipot ka."

"Mukha ba akong gago para hindi sumipot sa usapan?"

Napangiwi akong napangiti sa sinabi niya. Mukha naman siyang hindi talaga sisipot sa usapan, magkasalubong kase ang mga kilay niya at halatang wala sa mood.

"Hindi naman sa gano'n." sabi ko sa mahinang tinig.

Tiningnan niya lang ako at saka tumango. "Let's start the tutorial, but first, have you eaten?"

Tumingin ako sa kaniya at alanganing tumango. Hindi ko kase alam kung magsisinungaling ba ako o hindi.

"You haven't eaten, I see." tumango siya ng ilang beses at saka nagtipa sa cellphone niya.

Hinayaan ko na lang at inilabas na lamang ang libro na kailangan ko para sa pagtuturo. Ilang segundo lang at natapos na din naman siya sa ginagawa niya at tumutok na sa ginagawa ko.

"Okay, let's start."

Ilang minuto kaming nag-usap at nagturuan nang biglang may dumating at lumapag ng pagkain sa harapan namin. Pamilyar ang lalaki pero hindi ko siya masyadong natitigan pa dahil umalis na kaagad.

"Eat first."

Napatunganga ako ng ilang segundo saka umiling. "Hindi mo naman ako kailangang bilhan niyan."

"Just eat." mariin na ani nito.

Sungit.

Kumain ako sandali para matapos namin ang isang lesson ngayong araw. Tumingin muna ako sa orasan para madalian ko na lang ang pagkain ko. Ilang minuto na lang pala at matatapos na ang break ngayong araw. Binilisan ko naman ang pagnguya ko na ikinainis niya sa hindi malamang dahilan.

"Eat slowly, kapag ikaw namatay naging kasalanan ko pa. The tutorial for today is done, don't rush things."

Napatanga ako sa mukha niya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ano?"

Natauhan ako at saka pinagpatuloy ang pagkain sa mahinang pagnguya.

Matapos akong kumain ay iniligpit ko na ng pinagkainan ko. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase ko kaya tumayo na ako at bibitbitin sana ang pinagkainan ko nang kinuha niya 'yon sa 'kin.

"Bakit?" tanong ko.

"Ako na."

Umiling ako pero inagaw niya kaya wala na akong nagawa.

"Thank you for today." sabi niya.

"Thank you for the food, nabusog ako sobra."

Tinanguan niya lang ako at saka umalis sa harapan ko.

Magaan ang loob ko sa kaniya kahit kakakilala ko pa lang sa kaniya. Siguro magiging maayos ang pagtuturo ko sa kaniya hanggang sa matapos ang semester na 'to. Sana din hindi ako topakin sa darating na araw.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro