2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kiara's POV

"Tara, Agapita tayo." Pagyaya ni Yohance. Napairap ako dahil agad na nagsiangayanunan ang tatlo. "Libre ko drinks, kayo na bahala sa pagkain niyo." Dagdag niya pa dahilan para magsihiyawan silang tatlo.

"Kiara, bawal KJ." Sabi ni Dean at ngumisi sa akin. "Gago, mukha ba akong may choice?" Tanong ko, natawa naman si Yohance at umakbay sa akin. Agad ko namang siniko ang kanyang tagiliran dahilan upang mapabitaw siya sa akin. "Gago ka." Sabi niya at binatukan ako ng mahina.

Pikon amputa.

Pumunta ako sa tabi ni Adri at niyakap siya mula sa likod habang naglalakad kami. "Beh, Bakla ako, wag mo akong ganyanin." Sabi niya, natawa ako ng malakas at kunware ay hahalikan siya sa pisngi ngunit nagulat ako ng biglang dumikit ang kanyang labi sa aking labi. "Ay sorry, dumaplis." sabi pa niya at ngumiti ng nakakaloko.

G-Gago... Ang lambot hahaha isa panga.

"Uy, ano yon ha? Bakit may kiss kiss kiss diyan ha?" Tanong ni Renzo at tinusok tusok ang tagiliran ko. Humarap ako sa kanila at nakita ko ang sabukot na mukha ni Yohance, si Dean na nakangisi at si Renzo na may mapangasar na mukha.

"Daplis lang," Dahilan ko. Nadinig ko namang tumawa ng malakas si Adri at umakbay sa akin. "Hindi daplis, sinadya ko talaga." Sabi niya at humagikgik.

Tangina talaga...

---

Nakadating kami sa Agapita at pansin kong wala sa Mood si Yohance, kaya naman hinigit ko siya sa isang bilihan ng Ice Cream dahil alam kong paborito niya ito.

"Bakit ka wala sa mood?" Tanong ko na hindi naman niya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain ng Ice cream niya. "Tamo mo 'to, parang tanga, tinatanong eh." Sabi ko, medyo naiinis na.

Humarap siya sa akin na seryoso ang itsura. Naningkit ang mata ko at tinaasan siya ng kilay.

"Bakit Ng—" Agad naputol ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

Hala hala hala, si Yohance...

"Lambot ng labi mo.." Sabi niya ng humiwalay. Nakatitig lang ako sa kanya. Muli niyang pinaglapat ang aming labi ngunit sa pagkakataoj na 'to ay napapikit ako at hinayaan siyang halikan ako.

What the fuck, Kiara? Don't Enjoy!

"Nagselos ako. yumakap ka kay Adri, she pecked your lips, and she admitted that it wasn't an accident." Seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Gusto kita, Kiara. Sobrang gusto kita, sana nakikita mo." Napaawang ang labi ko at magsasalita sana kaso biglang dumating si Adri.

"Mga vebs, mamaya na kayo magmomol diyan. Inaantay na tayo nila Renzo." Sabi niya. Agad akong tumayo at sumunod sa kanya ngunit naramdaman ko na may humawak sa aking kamay at pinagsaklob ito.

Y-yung puso ko... tangina mo, Yohance.

---

"Brainstorming tayo bukas after class, sa may CDLB nalang tayo." sabi ni Dean ng matapos kaming kumain. Tumango kaming lahat sa sinabi niya. "We'll assign na rin kung sinong leader, what position would be great for each of one and kung paano tayo magsisimula." dagdag pa niya.

"Chat kayo sa gc, tapos isip na rin kayo ng magandang ipangalan sa ating grupo." Sabi ni Yohance. Napakagat ako sa labi ko ng maalala ang nangyari sa amin kanina.

Tangina mo kasi, Yohance.

"Alright, Babush na. Yohance, hatid mo si Kiara ha? Ingat!" Sabi ni Dean at ngumisi sa amin. Tinaasan ko siya ng gitnang daliri at umirap sa akin. Naglakad silang tatlo papunta sa sakayan at naiwan naman kami ni Yohance.

"Tara?" Sabi niya, tumango ako at lumakad na ng una. Naramdaman ko naman na sumabay na siya sa akin. "Sa Jeep na tayo sumakay, ako na magbabayad." sabi niya ulit at hinawakan ang kamay ko.

tangina talaga, yung puso ko... hindi ko mapakalma.

***

A/N: Masyadong mabilis si Yohance HAHAHAHHAHA sana all may Yohance sa buhay. 😵‍💫

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro