Taguan - Tagpuan

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NAGSIMULA ANG LAHAT sa larong “taguan”. Sa huling pagkakataon, ay muli kayong pinagsabihan na hindi na kayo bata para maglaro. Pero pinilit niyo pa ring magpaalam at nagsabi na pagbigyan na kayo dahil pa-despedida party na ninyo itong magkababata.

Nag-volunteer na ang pinakamatanda sa grupo niyo bilang taya sa laro. Nang tumalikod na ito ay nag-unahan nang magtakbuhan at magtago ang iba niyong kalaro.

“Tara na! Magtago na tayo!” sigaw ni Josh. Hinawakan niya ang kamay mo at magkahawak-kamay kayong tumakbo nang mabilis. Dumaan kayo sa isang eskinita na doon mo lang nadiskubre na shortcut pala ito sa playground ng kabilang baranggay. Halos makipagpatintero pa kayo sa mga batang naglalaro doon para lang makapagtago sa likod ng napakalaking puno.

“Halika, maupo muna tayo dito.” Niyaya ka ni Josh at sabay kayong umupo sa isang sementadong upuan. Habang nakatanaw sa malayo ay narinig mo siyang nagpakawala ng isang malakas na buntong-hininga. At dahil dito ay napatingin sa kaniya pero bigla mo ring iniwas dahil nahuli ka niyang napatingin.

“Ah . . . ” panimula niya sabay kamot sa batok. Sa pangalawang pagkakataon ay nagbuntong-hinga siya bago humarap sa ‘yo. Kinuha niya ang mga kamay mo at wala kang nagawa kun’di humarap din sa kaniya.

“Gusto kong makinig ka sa lahat ng mga sasabihin ko. Dahil pagkatapos nito, ay magpapa-quiz ako.” Pagbibiro niya. Hahampasin mo sana siya sa braso kaso hinigpitan niya ang pagkakapit sa mga kamay mo.

“Pasaway ka talaga! Oh siya, sige na. Go!” sabi mo habang nakangiti.

“Hindi ko alam kung kailan ko inamin sa sarili ko. Hindi ako sigurado kung ito ba ‘yung nagsimula na tayong maging close o ‘yung una tayong naging magkakampi sa patintero o sa hide & seek.” Tumigil siya panandali at nag-angat ng tingin sa ‘yo. “Nakakatakot pero gusto ko lang sabihin na, gusto kita.” Muli siyang yumuko para itago ang ekpresyon niya.

“Ano ba ang kinakatakot mo? Na hindi ko maibabalik ang feelings mo sa akin? Nako! Napaka-imposible ‘yan dahil parehas tayo ng nararamdaman. Baka nga ako pa ang unang nagkagusto sa ‘yo eh.” Tuloy-tuloy mong sabi.

Nag-angat si Josh ng tingin sa ‘yo na may gulat sa mukha. Ngumiti kayong dalawa—na para bang sa mga gano’ng kilos ay alam niyo na ang lahat ng gusto niyong sabihin sa isa’t isa. Ngunit bigla ring naglaho nang maalala na ito ang huling araw ng pagkikita niyo.

“Wrong timing ‘no? Kung kailan nagkaaminan na tayo, saka ka naman aalis. Haha.” Matipid kang tumawa para mabawasan ang bigat ng nararamdaman mo. “Pero ano ka ba! Ayos lang ‘no! Matagal mo nang pangarap ‘yang makapasok sa dream school mo! Tapos ang swerte mo pa kasi nakapasa ka rin sa scholarship!” Pagchi-cheer mo sa kaniya.

Ngumiti naman siya at bigla ka niyang niyakap. “Sorry kung ngayon lang ako umamin sa ‘yo. Huwag kang mag-alala dahil babalik ako dito. Babalikan kita! Pangako ‘yan!”

Kahit alam mong imposible, dahil maraming bagay ang pwedeng mangyari ay itinapat mo ang pinky finger mo sa kaniya. “Promise?”

Tumango siya ng dalawang beses. “Promise.” Bumitaw siya saglit at pinulot ang isang barbecue stick sa lapag. “At para siguradong-sigurado, isulat natin ang pangalan nating dalawa sa puno!” Tumayo kayong dalawa at lumapit dito para ilagay ang mga pangalan niyo.

♡ (pangalan mo) & Josh forever ♡


Isang gabi, habang nanonood ka ng TV ay may nakita kang pamilyar na mukha. Nagbago man ng kaunti ang itsura niya ay alam mong siya ‘yon. Nang ipakilala ang bawat miyembro ng grupong SB19 ay doon mo napagtanto na siya ang first love mo na si Josh. Lalong tumindi ang paghanga mo kay Josh ngunit pinigilan mo rin dahil masyado nang malayo ang buhay ninyong dalawa. Itinatak mo sa isip mo na hindi na kayo para sa isa't isa. Sinubaybayan mo sila at naging proud ka dahil unti unti nang nakikilala ang grupo nila.

Halos mag-iisang dekada na simula nang mag-umpisa ang lahat. Hindi mo maiwasang balikan ang mga alaala sa playground kung saan may family day kayong pamilya. Maayos na sana ang lahat nang mapansin mong wala na sa paligid ang anak mo.

“Dy, si Bea nawawala.” Kalmado mong sabi sa iyong asawa, kahit sa totoo ay sobrang tindi ng kaba mo.

“Oh sige, kalma ka lang My. Dito ako sa right side maghahanap, at doon ka naman sa kabila. Magtawagan na lang tayo, kung sinoman ang unang makahanap sa atin.” Tumango ka sa kaniya at nagsimula na kayong hanapin ang anak niyo.

Naglakad-lakad ka at habang tumatagal ay nagiging pamilyar ang daan. Nagpatuloy ka hanggang sa matanaw mo ang anak mo na may kausap na lalaki at nakasilong sila sa puno—na dati niyong naging taguan ni Josh.

Nakita ka niya at agad na tumakbo papunta sa iyo. “Mommy!”

“Bea, ‘di ba sabi ko, huwag masyado sa malayo? Paano kapag napahamak ka anak?” Lumuhod ka para pantayan ang anak mo.

“I’m fine po Mommy! Look, wala po akong sugat!” Proud niyang pagkakasabi. Tumayo ka at hinawakan ang kamay niya. Handa na kayong umalis nang mapansin mo ang lalaking kasama ng anak mo kanina.

Nag-angat ka ng tingin at laking gulat mo na si Josh pala ‘yon. Lalapit ka na sana para kausapin siya nang dumating naman ang asawa mo at kinarga niya ang anak niyo.

Tumango si Josh na para bang sinasabing “ayos lang” at malapad siyang ngumiti. Dahil dito ay napangiti ka rin.

Bago ka tuluyang tumalikod at sumunod sa mag-ama mo ay kumaway ka kay Josh. Sa huli, ay pinaglaruan pa rin kayo dahil magkasabay niyong sinabi ang Paalam.”


At doon sa “tagpuan”, NAGWAKAS ANG LAHAT.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro