Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Hindi maalis sa isipan ko at sariwa sa isipan ko ang mga nangyari kahapon kaya't nagdala sa akin ito ng matinding takot at kaba.

Naalala ko ang karugtong ng kwento ni Lolo Franz sa amin.

Susan was killed by Fernando. Minahal ng lubos ni Susan si Fernando kaya handa siya gawin ang lahat para lamang gumaan loob nito sa kaniya but it turns out na pinatay siya ni Fernando.

Nakarating ito sa mga Gods and Goddesses at lubusan sila nagalit sa nagawa ng lalaki. Having their power and spirit is the greatest gift but for to keep it forever, you have to prove yourself to the Gods and Goddesses.

Inalis nila ang kapangyarihan na binigay nila kay Fernando at hindi nagtagal binawian ito ng buhay. Gusto ko man sana tumakas sa mga pangyayari ito pero naisip ko rin na maipapahamak ko lamang sarili ko dahil doon.

"Miss Salvanes?"

Paano kung maging tulad rin ako ni Susan? What if that person is planning to kill me too?

"Miss Salvanes! Are you still listening?! Napaigtad ako sa sigaw ng aming guro narinig ko ang mga tawanan at bulungan sa aming klase.

"Y-yes ma'am I-im sorry..." Sabi ko habang nakayuko.

"May nag excuse sa inyo nila Keidon at Avianna na lower grade." Sabi ng katabi ko.

"H-ha?" Nagtataka ako tumingin sa hallway at nakita ko don silang lahat at hinihintay na lamang ako at halata inip at nalilito rin sila sa nangyayari sa akin.

"Sa susunod kasi matulog ka sa inyo hindi sa school yan tuloy napahiya ka!" Sabi ng isa kong kaklase napayuko na lang ako sa kahihiyan.

Lumapit na ako sa kanila na naghihintay.

"Anong nangyari sayo?" Natatawang sabi ni Keidon. Tinignan ko lamang siya at nagbuntong hininga hindi ko magawa sumakay sa mga kalokohan niya ngayon at napansin niya yon kaya sumeryoso agad.

"Are you okay? Namumutla ka, Eisha." Nagaalala na sabi ni Avianna. Pilit ako na ngumiti sa kaniya.

"A-ayos lang ako, nakulangan lang talaga ako sa tulog at masama ang pakiramdam ko pero keri ko pa naman." Sinubukan ko maging masaya pero hindi sila na convince doon.

"We have a problem, guys." Sabi ni Melissa. May napansin ako bigla sa leeg niya isang kwintas na kulay green. Parang dyamante ito na kumikinang.

"Ano iyang sa leeg mo? Mahal yan?" Sabi ko kaya napalingon sila sa akin. Napahinto si Melissa at umiwas ng tingin saakin at tinago ang necklace niya sa uniporme.

"Wala to. Regalo ng Lola ko." Tumango na lang ako.

"Lolo Franz is missing." Sabi niya lahat kami napahinto.

"What? How come? Nasa mansion lang naman siya ah." Sabi ni Avianna.

"I tried to track him but its like there's someone blocking it." Sabi ni Melissa.

"Ano oras siya nawala?" Mahinahon na sabi ko.

"Around 6 am." Maikling sagot ni Melissa. It doesn't make sense kung around 6 siya nawala bakit nakausap ko pa siya around 7?

"Are you sure na 6 siya nawala?" Sabi ko kaya napatingin sila ulit saakin.

"Bakit Eisha? May Alam ka sa pagkawala ni Lolo Franz?" Tanong ni Avianna.

"He was seized by someone in short he was hostage." Nagulat kami na bigla sumulpot si Leigh.

Napaisip ako kanina umaga bago ako pumasok.

Sinarado ko na ang gate namin bago tuluyan umalis papunta sa school na may nakita ako pamilyar na mukha. It was Lolo Franz!

"Lolo Franz, ano ginagawa niyo dito? Kayo ah lagi kayo nagpapakita saakin crush niyo ata ako eh--"

"Iha I know its too late to tell you this but I want you to know that you have to hide. Hide and be strong." Bigla niya sabi.

"W-what do you mean Lolo Franz? Is this about Hades--"

"Just follow my instructions iha, tutulungan ka nila Keidon. I don't have enough time." Sabi niya at lumilingon kung saan.

"Bakit lo? May pupuntahan ka ba? At bakit niyo sinasabi ito? Nasa pahamakan na ba buhay namin?" Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa kung saan at tumingin ulit saakin.

"Yes may pupuntahan ako iha. Listen to me, I just don't want to repeat the history again I want you to be safe and strong enough to fight ." sabi niya tumango ako.

"I'm working on it lolo franz. Nag eensayo na kami nila Keidon pati na rin ang kapangyarihan namin. Sigurado po ba kayo na walang problema?" Kinakabahan kong sabi. Hindi kaya hinahabol rin siya ni Hades or i'm just assuming?

"Good. Pumasok ka na at bibili pa ako ng kwek-kwek sa tabi tabi." Sabi niya kaya nalaglag ang panga ko. Seriously?

"Okay Lo! Mag ingat ka ah bye!" Sabi ko at kumaway pa. Ma lalate na ako!

"How can you be so sure? At paano mo nalaman na-hostage siya?" Tanong ni Melissa.

Lahat kami tumingin kay Leigh. Its weird na bigla siya susulpot at alam niya ang pinapag usapan namin. May tinatago ba ito?

At bakit ngayon lang siya pumunta? Napailing na lang ako.

"Enough, she is right Melissa. Nakausap ko si Lolo Franz sa kaniya and it's like there's someone chasing after him." Sabi ko.

"Sino naman gagawa non kay Lolo Franz? At Keidon bakit ka ba kumakain?!" Inis na sabi ni Avianna kay Keidon na kasalukuyan kumakain chichirya. At tila wala pakialam sa pinapagusapan namin.

"Bakit ba? Psh, nagugutom ako atsaka hindi na ako magugulat na kung bigla mawawala si tanda." Sabi niya sinamaan ko siya ng tingin at sinuntok sa braso.

"Aray!"

"Para kang gago! Wala ka ba pakialam sa lolo mo?" Sabi ko rito.

"Meron! Pero sanay na ako na bigla bigla nalang siya nawawala. Minsan nga nagluluto siya ng almusal, tapos naligo lang ako bigla nalang siya nawala eh." Sabi niya. Napa face palm kaming lahat.

"I assume na sa mga panahon na yon hinahanap tayo isa isa ni Lolo Franz kaya lagi siya lumalayas sa inyo." Sabi ni Leigh. Lahat kami tumango.

"Well kung ako si Lolo Franz matagal ko na yang nilayasan si Keidon dahil sa ugali niyan." At nakita namin si Zaryl na nakaupo sa bintana.

"At saan ka naman galing gago ka?! Minsan ka nalang nagpakita nanglalait ka pa!" Sabi ni Keidon. Nagbuntong hininga na lang kami.

Kasalukuyan kami nasa basement ng mansion nila Keidon. Kinuwento ko ang mga sinabi ni Lolo Franz. Hindi ko maiwasan na isipin na konektado ito sa nangyari kahapon.

"Sa mga oras na yon binabantayan na siya ng kalaban kaya nagiging maingat siya sa mga sinasabi niya." Sabi ni Zaryl at uminom ng beer mula sa can.

"I don't understand, sino ang kalaban? Bakit parang gusto niya ako magtago at magpalakas?" Lahat sila napalingon saakin.

Dumilim ang tingin ni Keidon at umigting ang panga nito. Lahat sila nagtinginan kaya mas lalo ako nalito.

"May tinatago ba kayo saakin?" Tanong ko. Hindi sumagot si Zaryl sa halip pumunta sa ref at kumuha ulit ng beer.

"His name is Hadrian Einz Asherson. Naging malapit na kaibigan nila Zaryl at lalo na si Keidon." Bigla sabi ni Avianna.

"Ano?! P-paano? Edi mas madali pala natin makukuha ang loob niya kung ganon!" Sabi ko pero lahat sila napayuko at natahimik.

"Hindi kasi ganon yon, Eisha." Yun na lang sabi ni Avianna.

Tuningin ako kay Leigh umiwas ito ng tingin at bumalik ang tingin sa libro na hawak niya. So may alam rin siya?!

"Are you fucking kidding me right now?" Sabi ko lahat sila napalingon.

"Eisha, you need to know the reason--" Hininto ko ang sasabihin ni Avianna.

"Yes! I really need to know! Nagtatago kayo sa akin para saan? Is this because of him right? Then I should know! Bakit niyo tinatago saakin ang mga ito?"

"Tell her, Keidon..." Sabi ni Zaryl.

Hindi sumagot si Keidon.

Kanina alam ni Leigh na hostage si Lolo Franz at hindi man lang nagalala o nag panic si Keidon. Pati na rin si Zaryl! Nang sinabi namin na hostage si Zaryl natahimik siya.

Tanging si Avianna ang sa tingin ko na tulad ko na nagulat sa balita tungkol kay Lolo Franz. It means wala rin siya alam right?

Pero pagdating namin dito sa mansion nakita ko na naguusap sina Avianna at Zaryl at tila hindi makapaniwala si Avianna sa sinasabi ni Zeryl kanina at ng tinanong ko sila iniwas nila ang usapan.

"Tangina..." Bigla ko nasabi ng napagtanto ko ang mga nangyari.

"Eisha--"

"Sabihin niyo nga sa akin, alam niyo sa una palang na maho-hostage si Lolo Franz tama ba? " Iniwas nila ang tingin saakin at bumalik sa kanilang mga gawi. Si Leigh nagpatuloy sa pagbabasa, si Zeryl uminom ng beer at tumalikod.

Si Avianna naman ay hinawakan ako sa kamay pero iniwas ko ang kamay ko. Si Keidon naman at madilim ang tingin saakin.

"Avianna... please tell me na hindi mo rin alam."

"A-actually Eisha... Alam ko rin ang tungkol kay Hades pero hindi ko alam na konektado ito sa nangyari kay Lolo Franz."

Hindi ko maintindihan bakit kailangan nila itago? Para saan?

"Bakit hindi niyo sinabi?" Mahinang sabi ko at sumisikip ang dibdib ko at pinipilit na hindi maiyak sa harapan nila.

Edi sana nagawan ko na agad ng paraan para ibalik si Lolo Franz!

"Eisha, there's things that you shouldn't know for your own safety." Seryosong sabi ni Zaryl. Tumawa ako ng sarkastiko.

"Safety... Naiitindihan ko yon pero ang paglihiman ako at pinagmukha ako tanga? iyon ang pinaka ayaw ko Zaryl." Sabi ko at matalim sila tiningnan.

Alalang-alala ako kay Lolo Franz at ang dami ko sinabi tungkol sa kanila sa mga pinagusapan namin ni Lolo Franz kaninang umaga. Nag plano pa ako kung paano namin siya masasagip tapos malalaman ko na lahat sila may alam?

Kaya't pala hinahayaan lang nila ako magsalita kanina.

"Hindi biro ang kalabanin si Hadrian kaya hindi kami pa-dalos dalos. Sana maintindihan mo--" pinatulan ko ang sasabihin ni Keidon.

"Kami? So kayo kayo lang talaga ang mga nagplaplano? Kayo lang kumikilos para sa kaligtasan nating lahat? What about me? Just a dumb girl that you always putting aside? Am I just extra here?" Sabi ko at nanginginig ang boses.

"Eisha..." Sambit ni Avianna sa pangalan ko habang lumuluha.

"Alam niyo ba ang hirap ko para tanggapin lang ito? Marami ako problema na kailangan ko pansinin pero ito inuna ko dahil hindi para sa kapangyarihan..." Sabi ko.

Tumingin ako sa kanila.

"Kundi para sa buhay ko, ayaw ko pa mamatay ng maaga na walang pa nagagawa ng mabuti para sa pamilya ko." Sabi ko.

Nagbuntong hininga si Leigh at nilagay ang libro sa mesa bago lumapit sa akin para yakapin ako.

"M-maraming salamat sa pagpoprotekta niyo sa akin. Utang loob ko yon sa inyo. Wag niyo isipin na nagagalit ako... I'm just disappointed." Sabi ko.

Nagbuntong hininga ako at pinunasan ang mga luha ko at saka humarap ulit sa kanila na nakangiti.

Dapat siguro magpa salamat na lang ako dahil para sa akin rin naman ang ginagawa nila. Ayoko umiyak sa harapan nila, ayoko mag mukhang mahina.

Kahit hindi pinag mukha nila sa akin na hindi nila ako kailangan, ayos lang siguro. Iisipin ko na lang ang kapakanan ng iba.

"S-so... ano ang huling sinabi ni Lolo Franz sa inyo bago siya mawala?" Mahinang Sabi ko.

Alam ko na makapal ang mukha ko para ipagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kanila kahit alam ko na ayaw talaga nila ako i-sama sa mga ganitong pag uusap. I just don't want to be useless and burden for them. I don't want to sit here while watching them saving our lives.

Pilit ako na ngumiti dahil hindi sila nagsalita. Tumingin ako kay Leigh.

"Ikaw Leigh? May sinabi ba sa iyo si Lolo Franz?" Sabi ko magsasalita na sana siya pero napahinto ito tila parang may naalala.

Sumikip ang dibdib ko.

"A-are you sure that y-you're okay?" Tanong ni Avianna. Tumawa ako kahit sumisikip ang dibdib ko.

"Oo naman bakit hindi? Wag niyo na lang isipin ang mga sinabi ko kanina. Naiitindihan ko na kung bakit niyo ito ginagawa." Sabi ko. Tinignan niya lang ako tila naaawa iniwas ko na lang tingin ko.

Sigurado kapag nasa bahay ako at nagsalita ako tungkol sa damdamin ko, masusumbatan at masasampal ako doon at sasabihin na ang drama ko. Natawa na lang ako sa mga iniisip ko.

"Gusto ni Lolo Franz na hindi namin sabihin sa'yo ang mga napagusapan namin. Para sa kaligtasan mo, natatakot siya baka gumawa ka agad ng kilos." Sabi ni Zaryl.

Napayuko ako at tumango nalang. Nagbuntong hininga ako para maalis ang bigat sa dibdib ko.

Niligpit ko ang gamit ko at ang bag ko.

"G-ganon ba? Pasensya na dahil kayo ang gumagawa ng paraan para sa kaligtasan ng buhay ko at buhay natin." Sabi ko.

Tumayo na ako at pinagpag ang sarili nginitian ko sila.

"So parang wala na pala ako silbi dito pero wag kayo mag-aalala hindi ako magiging pa-bigat." Sabi ko mapait na natawa.

Nagbuntong hininga na lang ako para mailabas ang bigat sa dibdib. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na madilim na. Sigurado na malalagot ako sa magulang ko nito.

I am disappointed pero ano magagawa ko? I understand that they're just trying to protect me pero gusto ko rin tumulong. Alam ko na mahina ako pero kahit sa ganitong paraan man lang sana makatulong ako diba?

"Don't worry about it Eisha! We can handle it. U-uhh, halika ihahatid na kita sa inyo?" Sabi ni Avianna umiling ako at pilit ngumiti.

"No need. Atsaka pag-aaralan ko na lang kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko para naman sa simpleng bagay makatulong ako." Sabi ko at nag paalam na sa kanila.

Alam ko na tinatago nila ang dahilan para maligtas ako pero bakit parang ang nakikita ko ay ang hina ko para makasabay sa kanila.

~~••~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro