Chapter 40

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nagising ako dahil sa maingay na sigawan na aking naririnig. Bumangon agad ako habang hinahabol ang hininga. Nataranta ako nang makita nasa kotse ako pero nakabukas ang pinto.

"She's awake!"

Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit na nararamdaman. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Leigh sa aking harapan.

Nanggilid agad ang mga luha ko nang makita silang ligtas. Akala ko ay nawala na talaga sila. Sinugod ako ng yakap ni Avianna kaya napasandal ulit ako.

"I thought we lost you! Ano ba ginagawa mo sa loob?!" Sermon niya kaya natigilan ako.

"A-akala ko ay nasa loob pa rin kayo. Natakot ako na baka hindi ko na kayo makita..." Nakayuko kong sabi.

"W-what?! We were already in outside, Eisha! Niligtas agad kami ng isang tauhan ni Hades na nangangalan na si Axen." Kwento niya.

"Are you getting yourself killed? If that's the case then lend me the knife, I will kill you now!" Napapikit ako sa sermon ni Leigh.

"I was just scared and terrified, okay? Takot na takot ako sa mga oras na iyon kaya imbes comfort niyo ang makuha ko ay mga sermon naman ang bumungad sa akin..."

Napa-tsk sila dahil sa aking sinabi. Pero alam ko na-kosensya sila dahil sa aking sinabi.

"Ano ayos ka na?" Sabi ni Leigh habang inaayos ang benda sa aking braso.

Tumango na lang ako. Ayos lang naman ang pakiramdam ko pero mahapdi pa rin ang sugat sa braso ko at sumisikip ang dibdib at lalamunan ko dahil sa usok kanina.

Naalala ko bigla si Hadrian. Kung nandito sila ibig sabihin ay nandito rin si Hadrian!

"S-si Hadrian?! Nasaan siya?" Natataranta kong tanong.

Nagtinginan sila at sabay nagbuntong hininga kaya tumaas ang kilay ko. May nangyari ba kaya ganiyan ang reaksyon nila?

"Relax, he's fine." Sabi ni Avianna.

"Bakit hindi siya pumunta dito? Hindi niya man lang ako hinintay magising..."

"Hades is mad right now. Ayaw ka niya kausapin muna. Mukhang papatay na nga ng tao kanina eh." Sabi ni Leigh at napangiwi.

Galit? Inano ko na naman ba siya? Siya nga yung wala sa tabi ko ngayon eh. Hindi niya ba alam yung takot ko kanina? Halos ikamatay ko iyon dahil sa pag aalala.

"Nasaan siya?"

Sinubukan ko tumayo. Humarang agad sina Avianna sa harapan ko kaya kumunot ang noo ko.

"Magpahinga ka nga muna. Pagkatapos mo magpaka-bayani kanina susugod ka na naman ulit?" Inis na sabi ni Leigh.

Magsasalita na sana ako nang may narinig akong sigaw.

"Fuck! He escaped!"

Nagtinginan kami lahat dahil sa sigaw ni Keidon. Hindi na nila ako pinigilan sa pagpunta doon sa lugar nila Keidon dahil rin sa taranta nila.

Nagulat ako nang makita ang mga nakaparadang kotse. Ang mga tauhan ni Hadrian ay nakakalat na rin. Nakapwesto rin ito sa tabi ni Hadrian.

Parang may pagpupulong sila doon na hindi man lang ako inimbitahan. Nakalimutan ko na nahimatay nga pala ako tss.

Lahat sila ay nagkakagulo na. Nakita ko ang pagkilos nilang lahat. Salubong ang kilay ni Keidon at nagmumura na.

"Ano nangyayari?!" Tanong ni Avianna.

"That bastard escaped, that's what happened!" Galit na tugon ni Keidon.

Nagtataka ko tinignan si Leigh. Agad niya naman naintindihan.

"It's their leader. The one who almost shot you to death." Diretsuhang sabi ni Leigh.

Alam ko agad na si Reymond ang tinutukoy nito.

Paano naman siya nakatakas? Nahuli ba nila ito? Sabagay mukhang wala na iyon kawala dahil malakas na ang pwersa ni Hadrian ngayon.

"Bakit nakatakas?"

Nagulat ako nang lumingon si Leigh na may kunot sa kaniyang noo mukhang hindi pa makapaniwala sa tanong ko.

"I don't fucking know, Eisha. Kasama mo kami kanina, diba?"

Napailing na lang ako sa pagiging sarkastiko nito.

Bigla kami nataranta nang nakarinig kami ng baril.

"Hindi pa sila nakakalayo boss!"

Tumango si Hadrian dahil sa sinabi ng tauhan nito. Nilingon niya si Artemis, parang senyales ito kaya agad rin naman tumango ito bago tumakbo sa kung saan.

"Shit! They're attacking, get inside!" Utos agad saamin.

Lahat sila ay pumasok sa mga kotse na nakaparada.

"Teka! Bakit si Artemis lang ang pinasugod niyo?" Sabi ni Avianna.

Kumabog ang dibdib ko nang dumapo ang tingin ni Hadrian sa akin. Hinilot niya ang sentido niya nang makita ako.

"What are you doing here?" Seryosong tanong nito.

"B-bakit si Artemis ang pinasugod mo doon? Bakit hindi mo man lang pinasama kay Apollo?" Tanong ko.

Hindi ako sinagot ni Hadrian. Galit na galit ang mukha nito.

Lumapit si Delian sa amin na may dalang-dalang baril.

"She's good at hunting, that's why." Sabi nito bago pumasok sa loob ng kotse.

Hinila ni Keidon si Avianna sa loob ng kotse dahil sa kaguluhan na nangyayari. Ang mga tauhan ni Hadrian ay kumikilos na rin para masiguradong ligtas kami sa pwestong ito.

"Pero baka mapahamak siya. Siya lang magisa doon."

Alam ko ang kakayahan ni Artemis pero mahirap sumugod ng mag isa. Hindi ko alam bakit tiwalang tiwala itong mga kaibigan niya na magiging ligtas siya.

Salubong ang kilay ni Hadrian. Mabilis niya hinatak ang braso ko at pinasok sa loob ng kotse.

"Hoy! Bakit nasa kotse mo iyan?" Rinig kong sigaw ni Keidon mula sa kabilang kotse.

"She'll be staying with me." Maiksing sabi ni Hadrian bago sinarado ang pinto ng kotse.

"Boss, shall we send some back up for Ms. Artemis?"

Napalingon ako sa isang tauhan na nasa harapan namin. Hinihintay ko rin ang sasagutin ni Hadrian.

Imposible na hindi niya ipadala ang tauhan niya kay Artemis, kaibigan niya iyon. Kung kaibigan nga lang ba? Tss.

"No, that would be dangerous for her. Mas lalo siya mahahalataan. Just let her."

Nahulog ang panga ko sa sinabi ni Hadrian. Is he serious? Napakalakas ng kalaban lalo na may kakayahan sila magpasabog ng isang lugar tulad kanina.

"Bakit hindi mo na lang ipasama si Delian sa kaniya?"

Nagtataka kong sabi. Nagulat ako nang sinamaan ako nito ng tingin na animo'y mangangain na ng tao dahil sa mukha nito.

"Bago mo isipin ang iba, isipin mo muna ang gulong ginawa mo."

Sumikip bigla ang dibdib ko dahil sa kaniyang sinabi. Ang tono niya ay siguradong nagpipigil ng galit ito.

"G-gulo? Gulo na ba ang tawag mo sa pagaalala ko sa inyo kanina?" Nanlulumo kong sabi.

"We don't need your worries, Eisha. Save yourself, that's all matters here. We can protect ourselves." Seryosong sabi nito.

Natawa ako ng sarkastiko. Oo nga naman, Eisha. Malalakas sila, ikaw lang naman ang mahina dito. Pinagmukha ka na nga sayo hindi ka pa rin nadadala?

Nanggilid ang luha ko dahil sa aking naiisip.

"And you almost died out there, Eisha. You don't know how terrified I am. I rushed to go there just to save you!" Sermon niya ulit sa akin.

"Edi sana hindi mo na lang ako niligtas kung isusumbat mo rin lang naman! At gusto mo alisin ang karapatan ko magalala edi sana nagjowa ka ng robot!"

Hingal na hingal ako pagkatapos ko sabihin iyon. Natigilan ito dahil sa aking sinabi. Hindi malaman kung matatawa ba ito o magagalit. O baka natatae.

"Because I want you to know that your life is always my priority, Eisha! So please be careful..."

Umiwas ako ng tingin. Alam kong nagagalit pa rin siya sa akin dahil sa pagaaway namin kanina sa building na iyon. Gusto niya lang gumaan ang loob ko dahil alam niya na magagalit ako sa kaniya.

Alam ko kung saan ako nagkamali. I was insensitive earlier, I didn't realize that I was too being harsh to him already.

"Kung dahilan ng galit mo ay tungkol sa usapan kanina then I want to say sorry. Sorry kung nadamay ang kapatid mo sa galit ko kanina sa'yo, sorry kung masyado ako nataranta kaya nasabi ko iyon. Kahit ako ay nabigla sa sinabi ko.
At dahil sa sobrang pagaalala ko sa kapatid ko kanina, hindi agad ako nakahingi ng tawad sa'yo."

Sincere talaga ako sa paghingi ng tawad sa kaniya. Hindi ko talaga sinasadya sabihin iyon kanina. Masyado na ako nilamon ng galit at pagaalala.

Lumambot ang ekspresyon nito sa aking sinabi. Ang ekspresyon na hinanap-hanap ko simula nung pagkagising ko. Ang mukha na hinihintay ko na sasalubong sa akin kanina.

Pakiramdam ko kanina ay ibang Hadrian ang kaharap ko dahil sa pagiging seryoso at tahimik nito.

"I'm sorry too. Are you mad?" Malambing nito sabi.

Napairap ako dahil sa bilis ng pagbabago ng tono nito.

"Diba ikaw yung galit?"

Nagulat naman ito sa sinabi ko kaya nagulat rin ako. Akala mo naman hindi totoo ang sinabi ko kung maka-react.

"Me? Angry? Hindi ah..."

Nahulog ang panga ko dahil sa sinabi niya. Naglolokohan lang kami ganon? Napakaisip bata talaga.

"Kaya pala wala ka sa tabi ko nung pagkagising ko, kausap mo na naman ang babae mo." Ngising sabi ko.

"Artemis? Are you jealous of her again? Stop it, she's nothing. And I was too mad earlier, baka ma-sigawan pa kita kaysa magpahinga ka na lang." Paliwanag niya pa.

Tumango tango na lang ako kunwari naniniwala ako sa mga sinabi niya.

"Hey, I'm serious..." He said and touched my thigh. I slapped his hand away from it. I heard he groaned.

"Nasaan ang kapatid at pinsan ko? Nasa hospital ba?" Tanong ko.

Nagbuntong hininga ito.

"They're not allowed to confine in hospital. The police knows our situation already they might suspect your sister is one of the victims in incident." Paliwanag niya.

"Edi nasaan sila? Sino nagdala sa kanila? Ibaba mo na lang ako at pupuntahan ko sila."

"They're in my mansion. My doctor checked on them so calm down." Tugon niya.

Nakahinga ako ng maluwag. Kahit ako ang tatanungin ay ayaw ko rin puntahan ng nga police ang kapatid at pinsan ko. Delikado, lalo na hindi namin alam kung sino ang mga iyon.

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba. May alam sila tungkol sa pagkatao ko. Alam nila na hiniram lang sa akin nito.

Pero sino ang tao nasa likod ng lahat ng ito? Ano ang pakay niya sa akin?

Natatakot ako baka higit pa ang malaman nila. Baka makarating ito sa mga Olympians at baka malagot kami lahat. Kamatayan ang bayad sa lahat ng nalalaman ng tao tungkol sa amin.

"What are you thinking? Are you still mad at me?" Nagulat ako nang magtanong si Hadrian.

Ang kulit naman nito. Hindi ba siya ang galit saakin? Tss. Pero hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito.

"Kapag nalaman ba ito ng mga pulisya ay mababalita ito? O kaya magiimbestiga sila?" Pag iiba ko ng usapan.

Inis naman ako tinignan ni Hadrian.

"Yes, but I will handle that. Your sister might know the person who behind all of this."

Kapatid ko? shit. Malalaman niya na talaga ang tungkol sa mundo na ginagalawan ko ngayon. Wala kami choice, kailangan namin siya tanungin.

"Sino sa tingin mo ang taong iyon? Bakit marami siya nalalaman tungkol sa akin?--"

"Please... Can we talk about us first? Stop changing the topic, baby." Malambing nito sabi.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko siya kausapin ngayon. Ewan ko, nakakairita lang.

Laking salamat ko nang makita nasa bahay na niya kami. Napakalate na kaya nakaramdam agad ako ng antok pero pinipigilan ko lang.

"Hey--"

Nang huminto ang kotse ay dali dali ko binuksan ang pinto ng kotse. Narinig ko ang pagmumura ni Hadrian sa loob pero hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa loob.

Halos magkasunod lang ang kotse nila Keidon at Zaryl sa amin kaya lumabas na sila sa kotse.

Nakabusangot ang mukha ni Hadrian nang lumabas sa kotse. Napansin iyon nila Leigh at Avianna kaya natahimik bigla ito mula sa pagiingay.

Nakita ko si Leon kaya nilapitan ko agad siya. Yumuko siya bahagya bago niya tinignan si Hadrian sa aking likuran.

"Nasaan ang kapatid ko?" Tanong ko.

"They're in the guestroom--"

"Nasa guestroom po sila, Young lady."

"Thank you, Leon." Nakangiti kong sabi.

Napahiya si Hadrian sa sandaling iyon. Akala niya siya ang tinatanong ko, samantala si Leon ang kausap ko.

He was glaring at Leon. His glares like he's shooting daggers on him. Leon apologized immediately because of that. Hadrian didn't answer, he glared at me instead.

I ignored him as I walked towards the door of the guestroom. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang kapatid ko na natutulog sa kama habang may benda sa ulo.

Ang pinsan ko naman na lalaki ay mukhang nagka-sinat pa.

Binalot ako ng konsensya dahil sa nangayari sa kanilang dalawa. Pangako ko pa naman sa sarili ko na gagamitin ko ang kapangyarihan ko na ito bilang pagproprotekta sa kanila pero heto sila ngayon nakahilata sa kama.

Nanggilid ang luha ko nang umupo ako sa kama. Nanginginig ang kamay ko habang hinahaplos ang pisngi ni Patricia.

"Patawarin mo si ate kung naglihim ako sa'yo. Hindi ko nagawa ang pangako ko na ilalayo ko kayo sa pahamakan." Naluluha kong bulong.

"It's not your fault, Eisha. Stop blaming yourself." Pagpapakalma sa akin ni Zaryl.

Lahat ng mga kaibigan ko ay nandito na. Si Avianna ay naiiyak na rin dahil sa awa na nararamdaman niya sa akin. Si Leigh naman ay tahimik na nakaupo sa gilid. Si Keidon ay nakasandal lamang sa pinto habang pinapanood kami.

"Sabi ng doktor ay mabuti na lang ay hindi major injury ang natamo ni Patricia. Pero kailangan niya pa rin magpahinga. Pati si baby ay nagka-sinat pero gagaling din naman daw sa kinabukasan kung ipagpapatuloy ang pagiinom ng gamot." Sabi ni Avianna.

Napahilamos ako ng mukha. Sana ako na lang ang nasa kama na iyan, sana ako na lang ang nasaktan wag lang sila.

Hinayaan nila ako umiyak ng tahimik. Lahat ata ng sugat ko ay bigla namanhid. Nalipasan na rin ata ako ng gutom pero hayaan mo na.

Pareho kami napalingon sa pinto dahil sa pagkatok ni Leon.

"Young master ordered me to feed you. And all of your friends can go to dining room to eat, your food is ready."

"Sakto, nagiingay na 'tong tiyan ko." Sabi ni Leigh. Nagunat pa siya habang naglalakad.

"You should eat and take a rest, Eisha." Sabi sa akin ni Keidon.

Umiling na lang ako at ngumiti ng pilit.

"Hindi ako nagugutom, mauna na kayo. Babantayan ko lang sila." Sabi ko at nginuso ang dalawa.

"P-pero hindi ka pa kumakain, anong oras na?" Sabi ni Avianna.

Sumakit ang sentido ko dahil mauubusan talaga ako ng dahilan dito sa mga ito.

"Don't worry, young master will feed her. You can go now." Nakangiting sabi ni Leon.

"Ay ganon? Sana all." Sabi ni Avianna bago lumabas. Sumunod sa kaniya ang iba.

"Kumain ka na, hindi matutuwa si Pat kapag nakita ka niya ng ganiyan." Sabi ni Zaryl bago tumayo.

Pat? May tawagan sila ganon?

Nagbuntong hininga na lang ako bago sinubsob ang ulo sa kama. Pinunasan ko ang luha ko at saktong sakto pumasok si Hadrian na nakapamulsa.

"Kakain ka o kakaladkarin pa kita?" Seryoso nitong tanong.

Bakas sa mukha nito ang galit. Hindi ko alam kung galit o tampo. Wala lang talaga ako sa mood para makipagusap sa kaniya.

"Hindi ako kakain." Sabi ko sabay iwas ng tingin.

Umigting ang panga nito. Nagpipigil galit pa ito simula kanina siguro nasasagad ko na kaya ganiyan.

"Let's eat, now." Ma-awtoridad na sabi niya.

"H-hindi nga ako nagugutom."

"Aish, you hardheaded girl..." Bulong nito.

"Young master, Nasa baba na si Ms. Artemis." Biglang sulpot ni Leon sa pinto.

Sinamaan siya ng tingin ni Hadrian kaya napaatras si Leon nang bahagya. Kawawang Leon. Tsk. Umalis na si Leon kaya lumapit sa akin si Hadrian.

Hinablot niya ang braso ko kaya napangiwi ako sa sakit.

"A-aray!"

Napatingin naman siya bigla saakin.

"What's the matter? My grip is not that hurt compare to yours." Nakataas ang kilay na sabi niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya siya naman yung napaatras!

"Sira ulo! May sugat ako oh?!"

Natigilan naman siya at agad na-kosensya. Hinapit niya naman ang bewang ko kaya napairap ako.

"Sorry, I'll call my doctor to check it--"

"Akala ko ba kakain?" Inis kong sabi.

He bit his lower lips with his amused face.

"Okay, after we eat. Does it still hurt?" Malambing na tanong niya.

Hindi ko siya pinansin. Lumabas na ako para bumaba. Naririnig ko na ang mga ingay nila Keidon sa baba kaya napailing na lang ako.

Pero bago ba ako nakakababa sa hagdan ay hinablot na ni Hadrian ang kamay ko. Kumunot ang noo ko nang dinala niya ako sa harapan ng opisina niya.

"T-teka! Akala ko ba kakain?"

Ngumisi ito bago ako pinapasok sa opisina niya at ni-lock ang pinto. Kumabog ang dibdib ko. May pinaplano na naman 'tong loko na ito.

"Exactly, are you sure that it's food what I was talking about?" Pilyong sabi niya.

"Gutom ako kaya tigilan mo ako sa ganiyan--"

"Akala ko ba hindi ka gutom?" Ngising sabi niya.

Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa inis. Sana pala hindi na lang ako nagpa-uto sa hayop na 'to.

"Seryoso ako Hadrian--"

Before I finished my sentence, he quickly grabbed my hand and pushed me against the door.

I opened my mouth to tell him to stop but he moved too fast. He kissed me passionately. His kiss was full of hunger and desire. I could feel my skin shivering because of his intense kiss.

I wanted to touch him but before I could even touch him, he grabbed both of my wrists using his one hand. He put my hands up and he even pushed both of them against the door. Now, I can't move properly.

His lips traveled down to my neck and he was giving me hot kisses there. He was kissing and sucking the sensitive part of my neck. I moved my head to give him more access. He sexily chuckled.

I can feel my face burning because of that. I pushed him and fixed myself.

"Akala ko ba galit ka?" Inis na sabi ko.

I moved a bit away from him. Nakakatakot baka umatake na naman.

Lumapit ako sa mesa na may pagkain. Magaling, dito talaga hinanda para ma-solo ako. Kumuha ako ng pinggan at pinilit ang aking sarili kumain.

"I was. Pinahiya mo ako sa mismong harapan ng butler ko. Sino matutuwa?"

I laughed when I saw his irritated face.

"Bakit nung pinagmukha niyo akong mahina pa-ulit ulit, ginanyan ba kita?" Sabi ko sabay subo ng pagkain.

Natigilan naman ito. Parang natamaan sa aking sinabi. Umiwas ako ng tingin nang parang may kumirot sa dibdib ko.

Tss, wag kayo mag alalala. Balang araw ay may ipapakita rin akong lakas sa inyo. Yung tipo na ipagmamalaki ko sa buong mundo.

Napailing na lang ako sa kalokohan na naiisip ko.

"I didn't say any of that, Eisha." Seryoso niyang sabi.

"Sure, sabi mo eh." Sarkastiko ko sabi bago tumayo.

Uminom ako ng tubig. Busog na ako kahit nakakalimang subo pa lang ako. Wala na talaga ako gana. Ang gusto ko ay matulog nang matulog.

"Eisha," tawag niya.

"Ano? Natamaan ka ba?" Balewala kong tanong habang inaayos ang pinggan ko.

Natigilan ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko kaya napairap ako.

"I'm sorry if you think that way but I promise, I don't have any intention to say that. Gusto ko lang naman mag ingat ka. Natatakot ako na baka ikaw ay mawala rin sa akin. Naiintindihan mo naman diba?" Mahinang sabi niya.

Pinaharap niya ako sa kaniya. Tinitigan niya ang buong mukha ko parang wala na bukas.

"Hindi."

Sumimangot naman ito. He pressed his body to mine and plant me some kisses to my neck.

"Baby, I'm saying the truth..." Malambing sabi niya.

"Nagsasabi rin ako naman ako ng totoo, Hades--"

"It's Hadrian and baby, Eisha." Pigil niya saakin.

"Sabi mo Hades itawag sayo hindi ba?" Mapait kong sabi. Humarap naman siya saakin.

"That is because we're at work. You know what I mean." Seryoso niyang sabi.

"Oh sure," sarkastiko ko sabi ulit kaya sumalubong ang kilay niya.

"Stop that. I'm saying sorry na diba? Please baby don't make it hard for me." Malambing niya sabi.

Umiwas ako ng tingin. Ano ba nangyayari sa akin? Kung tutuusin ay mas malala pa ang sinabi ko sa kaniya kanina.

"S-sorry, pagod lang ako. Pagpasensyahan mo na. Magpapahinga na lang muna ako." Mahina kong sabi.

Hinila niya ako pabalik. Parang ayaw ako paalisin.

"I know you're still mad. I'm sorry, baby. I won't do it again. I know you're strong, I think I'm just being protective--"

Hinalikan ko siya para matahimik. Nagulat siya dahil doon pero tumugon rin naman sa halik ko. Humiwalay ako tsaka ngumiti.

"Kahit mahirap intindihin, pilit ko pa rin iintindihin para sa'yo. Huwag mo na lang ako pansinin ha? Ganito lang ako kapag pagod." Nakangiti kong sabi.

Napahinto ito dahil sa aking sinabi. Parang bata ito yumakap saakin. Sumiksik ito sa aking dibdib kaya natawa ako nang mahina habang inaayos ang buhok nito.

"I love you, baby..." Bulong niya kaya napangiti ako.

"What the fuck?"

Napatulak ko ng marahan si Hadrian at inayos ang sarili dahil sa biglaang pagpasok ni Artemis. Si Hadrian naman ay nagbago na naman ang timpla ng mukha.

"Why? What happened?" Sumingit si Delian sa pinto kaya mas lalo ako nahiya.

Gusto ko bumaon sa lupa dahil sa hiya. Nakapamulsa si Hadrian na hinarap sila habang ako ay halos isiksik ang sarili sa ilalim ng mesa.

"Ohh... You two look suspicious, huh?" Asar ni Delian.

Umiwas ako ng tingin. Napansin ko ang pagsimangot ni Artemis nang tignan niya si Hadrian, parang may sinasabi ang mga mata nito.

"Your sister, she's awake." Tanging sabi ni Artemis bago kami tinalikuran.

Natigilan ako. Mabilis ako ako napatakbo papunta sa guestroom, kulang na lang ay masubsob ako dahil sa dulas ng sahig.

Pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Guminhawa ang mukha nila nang makita ako kaya kumalabog ang dibdib ko.

"She was asking. Tanging ikaw lang maaaring makasagot, Eisha." Bulong sa akin ni Zaryl.

Nagbuntong hininga ako bago tumango. Tumayo na ito mula sa kama at dumeretso sa iba pa namin kaibigan.

Kinabahan ako nang makita ko ang walang ekspresyon na mukha ni Patricia.

"K-kumusta na ang pakiramdam mo?"

Umiwas ito ng tingin kaya nanlumo ako.

"Sorry, kung tinago ko sa inyo--"

"May... May gusto lang ako malaman, ate."

Nanlamig ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Pinapakalma naman ako ni Avianna pamamagitan sa mga ngiti niya at ganon na din si Leigh.

"S-sige, sasagutin ko lahat ng katanungan mo." Mahinang sabi ko.

Humarap sa akin si Patricia. Kinuyom niya ang kamao niya habang tinitingnan ako.

"T-totoo ba ang sinasabi nila na halimaw ka? Tulad ka ba nila na mamatay tao?" Seryosong tanong niya.

Natigilan ang lahat dahil sa sinabi ng kapatid ko.

"Hindi ako halimaw, Gaylen. At lalong hindi ako mamatay tao, kilala mo ako. P-pero, hindi ibig sabihin ay tulad mo ako..." Kinakabahan kong sabi.

Kumunot ang noo niya. Hinigpitan ko ang paghawak sa damit ko.

"Hindi ko pa rin maintindihan, ate." Walang emosyon niyang sabi.

Gusto ko maiyak dahil sa tono ng pananalita niya. Paano ko ba ipapaliwanag ito? Napakahirap naman ito.

Nahihirapan ako magpaliwanag hindi ko alam kung bakit. Nanghihina ako dahil sa sitwasyong ito. Naramdaman ko ang paghawak ni Hadrian sa balikat ko kaya napahawak ako rito.

Hindi ko namalayan ang ginawa ko kaya mabilis naka-react si Patricia. Tumaas ang kilay ng kapatid ko habang tinitingnan si Hadrian.

"Ano na ate?"

Napapikit ako at inipon ang natitirang tapang sa katawan.

"I-isa akong Mythian, Patricia. Isa ako sa mga pinili para isubok ang aking kakayahan para panatilihin ang kapangyarihan na taglay ko ngayon."

~~••~~
Maling chap ang na-publish ko kanina sorii huhu :((

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro