Chapter 55

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ROLANDO'S POV

"It was successfully accomplished, sir. Mamayang 3:30 pm, maririnig na ng buong mundo ang boses mo." My secretary rerported.

Napangisi ako sa aking narinig. Malalaman na sa wakas ng buong mundo ang sikreto nila. Laking pasalamat ko kay Medusa dahil tinulungan niya ako para mapunta sa pwesto kong ito.

Mythians...

Iyan ang tawag sa kanila ayon kay Medusa. Nakakatuwa dahil kahit mga bata pa ay may karanasan na sila sa pakikipaglaban. Kaya't gagawin ko ang lahat para pabagsakin sila kahit gamitin ko pa ang kapangyarihan ko bilang Senator ng bansang 'to.

"You called us because of this nonsense thing, Mr. Ramos?" Sabi ng General.

Napangiti ako nang makita lahat sila ay nasa aking harapan. Sitting in front of them, being a superior is just satisfaction. I did all of this, I got the power of the government.

The Congressman, Senator, General and all of the people under the government is with me. Because of my position, I have my rights to call them.

"Hindi ba nakakagimbala ka ng mga tao? Maging ang mga kakampi nating bansa ay dinamay mo pa." Inis na saad ng aking kapwang senator.

Tumayo ako sa kanilang harapan na may nagmamalaking ngiti sa aking labi.

"Let me discuss my goal here." Tinawag ko ang secretary ko. Tumango ako sa kaniya bilang senyales na ipakita ang mga pictures.

Gumuhit ang pagtataka sa kanilang mukha. Ang General ay napailing na lang habang hawak ang sentido.

"Please make sure it's important. We're wasting our time." Sabi ng Congressman.

Palihim ko tinignan si Medusa sa gilid, ngumisi siya at tumango.

Pormal ako tumayo sa harapan at tinuro ang nakalabas na picture sa aking likuran.

"This is Keidon Lorenz, he's working as a model. He came from a wealthy family, his grandfather is the one who raised him."

Kumunot ang noo nila. Nagbulungan pa sila habang ako ay nakangisi lamang.

"This is Zaryl Encavez, his family's business was successfully established all over the Philippines."

"This is Athaleigh Swishrein, came from a political family. His father ran for Governor--"

"Excuse me Mr. Ramos but we can't see your point here. Lahat ng mga pinapakita mo ay mga kabataan lamang. Wag mo sabihin na nais mo sila hulihin at gumawa ng masama laban sa kanila?" Sabi ng babae.

I gritted my teeth.

"And you mention that girl named Athaleigh. I am friends with her family so whatever your plan is, I'm out of it." Tumayo ang isang senator kaya nataranta ako.

Tangina! Hindi pwede masira ang plano ko!

Lalabas sana ang sila sa pinto nang sumulpot doon si Medusa. Humarang siya sa pinto ay pinitik ang daliri kaya nagsarado ang pinto. Kumunot ang mga noo ng lahat.

"Hindi sila mga tao lamang. Mga halimaw sila." Pag-aarte ni Medusa. Tumingin ito sa akin bilang senyales.

"May kinalaman sila sa insidenteng pagsabog ng building, barilan na naganap sa isang coffee shop, at gulo sa mansion ng mga Lorenz kung saan maraming tao nadamay at pulis na nasugatan." Paliwanag ko kaya nagulat sila.

Parang natauhan doon si General.

"Kung ganon, mga rebelde ang mga iyan. Ituloy mo, Mr. Ramos." Interesadong sabi ng Congressman kaya napangiti ako.

Tinignan ko ulit ang sekretarya ko, tumango ito at nilabas ang lahat ng pictures ng mga batang iyon.

"Ito si Eisha Gail Salvanes, ito ang babae na may kinalaman sa pagsabog ng building. Dahil doon napatunayan namin na may tinatago nga siya." Tumango tango sila.

Nakukuha ko na ang loob nila. This is easy than I thought.

"May lakas siya at abilidad para talunin ang 50 na katao sa maikling oras lamang."

"And why is that? Ano meron sa babaeng iyan?" Tanong ng Executive secretary.

"They're Mythians, ladies and gentlemen. Alam ko na mahirap paniwalaan pero ang kanilang kakayahan ay nakakaiba sa normal na tao. Sila ay mga halimaw." Mariin kong sabi.

Napasinghap ang lahat. Lumapit sa akin si Medusa at tinapik ang aking balikat.

"You're doing great, go on..." She whispered. I smirked.

"Then we should protect our people! Magdadala ito ng panic sa mga tao Senator!" Sabi ng isa.

Tumayo ang ang Congressman. Seryoso ang mukha.

"Where's your evidence? We can't file a case against them without any evidence." Sabi nito. Pilit ako ngumiti.

"Nasaan and videos?" Bulong ko sa sekretarya at sa team ko.

Kumunot ang noo ko nang nagtinginan ito. Mukhang may tinatago sila mula sa akin.

"Give me a minute," ngiting pilit kong sabi. Pumunta ako sa maliit na silid.

"S-sir--"

Hinablot ko ang braso ng isa. Siya ang may hawak ng mga videos at mga files na may kinalaman sa mga halimaw na iyon.

"Nasaan ang videos?"

Gumuhit ang takot sa mukha niya. Nanginig ito.

"Sir, someone deleted our evidences. We didn't know how it happened--"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita, malakas ko siya sinampal kaya napatumba ito. Napaatras sa takot ang iba kaya nananaliksik ang mga ko nang tignan sila.

"Tangina! Alam niyo na nakapa-importante iyon paano niyo hinayaan mangyari iyon, mga unutil! You're fired! All of you!" Sigaw ko. Mas lalo ako nairita nang marinig silang umiyak.

"Ikaw! Hanapin mo ang files na 'yon kundi papatayin ko kayong lahat mga deputa!" Turo ko sa babae. Wala na ito nagawa kundi tumango tango na lang.

Napahilot ako sa sentido. Tangina, ano na mangyayari sa plano ko. Palpak!

Someone deleted the files, I know it. Mga magagaling anak ng puta, naisahan nila ako. Sa gabing iyon, nagawa nila deleted ang mga files sa loob ng maikling oras?!

Nagawa pa nila iligtas si Dionysus. Mga hayop, sisiguraduhin ko na hindi na sila masisikatan ng araw.

"I apologized, we had a technical difficulties--"

"Wag ka mag-alala Senator Ramos. We will do our best to help in this case, we can't risk our people's lives here. Kailangan natin mahuli ang mga iyon sa maikling panahon." Seryosong sabi ng general.

Kumunot ang noo ko sa narinig. Nagtataka ko tinignan si Medusa. Seryoso ang mukha nito at sinamaan ako ng tingin.

Na-kumbinsi niya ang mga taong iyon, paano niya nagawa iyon? Wala siyang sapat ng ebidensya.

"We really need your help, general. Nandito sila para patayin ako. Ako ang may alam sa sikreto nila, hahanapin nila ako at papatayin dahil sinabi ko ang mga nalalaman ko sa inyo." Tumulo ang luha ni Medusa kaya mas lalo napaniwala ang karamihan.

"Don't worry, as long as we here we will protect you and our people from that monsters." Iyon ang huling sinabi ng General bago umalis.

Humarap naman sa akin ang Congressman.

"Just send us the venue and time. Imbitado ba ang mga government officials mamaya?" Tanong nito.

"Lahat sila, even the elites families in Philippines. We have to secure the venue so we can sure that pests can't get in through." Tumango tango na sabi ko.

"If that's the case, I will take my leave to prepare for the event later."

Nagpaalam na rin ang iba pang tao sa meeting room. Magalang ko sila kinausap bago sila tuluyan lahat umalis.

May mangyayari na Goverment Organization Event, kung saan ang mga mamayaman na tao tulad ng may mga pwesto sa gobyerno ay pupunta. At doon ko i-aanunsyo ang tungkol sa Mythians.

With the help of reporters, cameras and international news, we can spread my announcement all over the world.

"Kailangan mong ipagpatuloy ang plano mo. Alam mo kung saan ka nanggaling, kayang kaya kitang ibalik doon." Seryosong sabi ni Medusa.

Napalunok ako at tumango. Gamit ng kaniyang nakakamatay na mahabang kuko, tinutok niya ito sa aking leeg.

"You reached this position because of me. That's why, kayang kaya kita ibalik sa ibaba. Kapag pumalpak ka ulit, hindi ako magdadalawang isip na paslangin ka. Hindi lang ikaw ang madadamay sa kapalpakan na gagawin mo dahil kasama ako doon." Her snakes eyes glared at me to death.

Iyon ang huling niya sinabi bago tulyang umalis. Hindi ko rin alam kung bakit kyumpansa siya na matatalo niya ang mga Mythians, pero ang alam ko ay may tinatago siya na maaaring maging dahilan ang pagkatalo ng mga Mythians sa labanang 'to.

Kapag namuno ko na ang bansang 'to, maaari ko na rin itapon sa kung saan si Medusa. Kailangan makahanap ako ng paraan para makuha ang kapangyarihan na mayroon ang mga batang 'yon.

Hindi maaari sila lang ang pwedeng gumamit ng kapangyarihan na iyon. Kapag nakuha ko ang kapangyarihan na 'yon, sasakupin ko na ang buong mundo at papatayin si Medusa.

And that's how the happy ending works.

EISHA'S POV

"Parang tayo tanga," lahat napatingin kay Avianna.

Natawa nang mahina si Keidon dahil sa kaniyang itsura. Kailangan namin magpanggap na ibang tao sa publiko dahil nasa paligid ang mga mukha namin.

Kasalukuyan ay nasa labas kami para maghintay. Gusto ko man tumakas sa plano na naisip ni Dionysus pero wala na talaga kami maisip na ibang paraan kaya sumunod na lang kami at subukan.

Ang suotan namin ngayon ay pang-suotan ni Leigh. This is usually a dancer's style of clothes. Naka-oversized shirt with flannel to add coolness and ripped jeans.

Si Athaleigh ay sanay na sanay sa mga ganitong kasuotan kaya siguradong kumportable siya pero samantalang kami nila Avianna at nagmukhang tomboy sa kanto.

For boys, they look more handsome and it's unfair. Parang bumalik sila sa pagkabata.

"Oh, uminom muna kayo." Dumating na ulit sina Zaryl at Hadrian na may dala-dalang inumin at pagkain.

Nilagkok ko ang tubig. Pinagtitinginan na kami ng mga ibang tao dahil mukha kaming estudyante na nag-cutting sa klase, lalo na ang mga boys.

"Ready na ba kayo?" Dumating si Dionysus na nakasakay sa kaniyang skating board. Nagmukha siya lalong binata.

Naka-face mask rin kami at shades. Malilintikan talaga kami kapag nahuli kami. Lalo na kitang kita ko na ang pagmumukha ko sa screen ng tv sa taas ng building, na may nakasulat na wanted.

Nagbuntong hininga ako.

"Ready? Are you fucking kidding me? We're getting fried here! It's so hot! Hindi ako nababagay dito. And besides mamayang hapon pa diba ang event? Then we should be relaxing right now!" Reklamo ni Artemis.

Pinapaypayan niya pa ang sarili gamit ng kaniyang kamay.

"We can't stay in one place, madali tayo mahahanap. Sa basement nga ni Hades ay nahuli na tayo mas mabuting mag-ingat." Paliwanag ni Zaryl.

Kumunot ang noo ni Dionysus.

"Pero Zaryl--"

"Kuya nga Dionysus! Anak ng teteng... Kulit mo mas matanda nga kami sa'yo!" Sermon na naman ni Keidon sa bata.

"Hindi naman ikaw kausap ko eh..." Ngumuso ang bata kaya umawang labi ni Keidon.

"Ikaw... Hoy! Sira ulo!" Tumakbo na si Dionysus habang karga karga ang skateboard niya.

Napatulala na lang ako bigla sa screen sa taas. This is it. We need to win this battle. A battle with humans that we never thought would happen.

Watching my friends laughing right now will be the last time, that smiles on their faces will be gone when the real battle started.

Maski ako ay hindi alam ang mangyayari mamaya. Walang nakakaalam kung makakaabot pa kami ng buhay.

Natatakot ako...

Baka ito ang huling masisilayan ko ang mga masasayang mukha nila. Baka ito na ang huli ang pagsasama namin na hindi namin napaghandaan.

We didn't even create a good and peaceful memories together. Because of this battle, I met other people like Dionysus and Hestia. But we didn't had a good bonding without worrying about everything.

"Are you okay?" Natauhan ako dahil sa boses ni Hadrian.

Napatingala ako sa kaniya. Seryoso ang mukha nito. Ngumiti ako ng pilit at tumango.

Magsasalita sana ito ngunit may umagaw sa atensyon naming lahat.

"Mommy, bakit wanted po sila? Mukhang mabait naman po sila?"

Lahat kami natigilan sa tanong ng batang babae sa kaniyang nanay. Nakaupo sila sa bench sa aming harapan. Si Delian na nakasandal sa puno ay bigla napatingin rin sa kanila.

Nagkatinginan kami ni Athaleigh at Avianna.

Tinuro naman ng bata and screen na nasa taas. Napatingin rin doon ang ina. The woman scoffed and shook her head.

"That's a lesson, dear. Hindi nakabase ang kabaitan ng isang tao sa mukha, tandaan mo kaya nila magpanggap para makuha ang loob mo at saktan ka." Seryosong sabi ng babae.

Napalunok ako. Parang nanlumo kami sa sinabi niya. Ang mga lalaki nakayuko na lang habang pinaglalaruan ang plastic bottle na hawak nila. Kahit wala sila ekspresyon ngayon alam ko na nasaktan sila sa sinabi ng babae.

Natahimik ang bata at hindi na sumagot pa. Parang ayaw niya maniwala pero ayaw niya rin sumagot sa kaniyang ina. Pinanood namin magpaalam ang kaniyang ina para bumili lang ng ice cream sa tabi kaya pasamantala siya iniwan sa bench.

"Pero parang mabait naman talaga sila... Ang gaganda pa at gwapo. Parang artista." The kid giggled as she stared at the screen.

Parang kung ano humaplos sa puso ko. Mabuti pa yung bata...

"Ano? Puntahan natin?" Bulong sa akin ni Avianna. Bigla ako napangisi sa kaniyang sinabi.

Napansin ni Leigh iyon kaya sinamaan niya agad kami ng tingin.

"Don't you dare..." Mariin niyang sabi kaya ngumisi kami ni Avianna.

Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis na kami tumakbo papunta sa bata. Nagtataka kami tinitignan ng bata habang kami ay tawang tawa ag kinakabahan dahil sa mukha ni Leigh.

"S-sino po kayo--"

"Hi! Ang ganda mo naman..." Pang-uuto pa ni Avianna. Nahiya bigla ang bata at napakamot sa batok.

"Salamat po--"

"So, ano tingin mo sa mga tao nandoon?" Gusto ko maiyak sa katatawa dahil hindi man lang pinapatapos ni Avianna sa pagsasalita ang bata!

"U-uhh, hindi po sila tao. Halimaw daw po sila." Nahulog ang panga namin sa sinabi niya.

"H-ha? Halimaw? Naniniwala ka doon?" Tanong ko.

Nagulat ako dahil tinignan ako nang seryoso ng bata. Yumuko ito at pinaglaruan ang mga daliri.

"Hindi ko po alam. Sabi nila masama daw ang mga iyon. Hindi po ako naniniwala na halimaw sila pero pakiramdam ko hindi din sila tao eh... Parang superhero po ganon?"

Tumawa pa ito kaya kinagat ko sa ibabang labi. Hindi ko alam kung bakit ako naging emosyonal bigla. Kahit naka-shades kami at mask, pinili niya pa rin kami kausapin.

Napaka-bait naman tong bata na to. Nakakatakot baka pansamantalahan ang kaniyang kabaitan.

"Superhero? Gusto mo ba makakita ng superhero?" Seryosong sabi ko. Nakita ko ang pagtutol na mukha ni Avianna pero hindi ako nagpatinag.

Nalito ang bata. Tumingin ito sa screen sa itaas kung saan ang kitang-kita ang mga mukha namin.

"Ay ate, joke ko lang po iyon. Hindi naman po totoo iyon."

"Pero do you think they're good? Naniniwala ka ba na hindi sila halimaw at baka mababait talaga sila at wala silang intensyon saktan ang mga tao?" I sounds so desperate right now.

"Eisha..." Sinaway ako ni Avianna.

Kinagat niya ang ibabang labi at dahan-dahan tumango. Kung may ano humaplos sa puso ko kaya nanggilid ang luha ko.

"What's your name?" Ngiting tanong ko.

"Deiryl po." Sagot into habang inosenteng nakatitig sa akin.

Tinanggal ko ang shades ko at binaba ang black mask ko kaya naalerto si Avianna. Tinignan ko siya sa mga mata habang nagbabago ang kulay ng aking mga mata. Ngumiti ako sa bata na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sa akin.

"Then thank you for believing us, Deiryl." Ngiting sabi ko.

"I-ikaw..."

Umawang labi nito at bago pa siya makapagsalita ulit ay hinila na ako ni Leigh na ngayon magkasalubong ang kilay.

"Yumuko ka," galit na sabi nito kaya sinunod ko na lang. Binalik ko ang mask ko at shades sa pagkakasuot.

Tumabi sa akin si Avianna na hanggang ngayon nakangiti na parang baliw. Hindi makapaniwala sa nangyari. Tinulak ako ni Leigh papunta kay Hadrian kaya ngumuso ako.

"Bantayan mo nga girlfriend mo kung ayaw mo itali ko yan sa puno." Galit na asik ni Leigh. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"What are you doing?" Hinila na ako ni Hadrian. Sa sobrang tangkad niya kailangan ko pang tumingala.

"Kinausap ko lang yung bata." Ngusong sabi ko.

"Really? You just took off your mask and shades, Persephone." Galit na talaga siya.

Magdadahilan pa sana ako nang bigla lumapit sina Zaryl at Delian sa amin na tila natataranta. Maging si Keidon ay hinila na si Avianna, Si Leigh at Artemis ay naalerto, at binuhat ni Dionysus si Hestia.

Ano nangyayari?

"The police noticed us. They're coming in our way, Zaryl!" Galit na sabi ni Leigh. Nagtinginan kaming lahat at sandaling natigilan.

Pa-simple ako napalingon sa aking likuran at laking gulat na makita ang grupo ng pulis na nandoon. Nakatingin sa amin.

"Let's go." Umigting ang panga ni Hadrian at hinila na ako papalayo.

Lahat kami ay pa-simpleng umalis. Binaba ni Hadrian ang sumbrero ko kaya napatingin ako sa kaniya. Kumakabog ang dibdib ko nang malakas.

Pero bago kami tuluyan maka-alis hinarang na kami ng mga ito. Napako kami sa kinatatayuan namin. Nanlamig bigla ang mga kamay ko.

"Shit." Mahinang sabi ni Artemis.

"Ma'am and sir, may protocols po tayo sinusunod. Maaari ho ba alisin niyo ang shades niyo at masks niyo para sa inspection."

Sabay sabay kami napamura. We can't make a sudden move in the middle of public place! Lalo na pinagtitinginan na kaming lahat.

Mabilis nakuha ng atensyon ko ang lalaking lumabas sa isang building. Kinuyom ko ang kamao ko nang makilala kung sino iyon. Dumapo ang tingin niya sa lugar namin.

"Ano ba! Don't touch me!" I gritted my teeth when the guy forcefully taking Artemis' shades off.

Naging mabilis ang galaw namin. Mabilis na naitulak ni Leigh ang lalaki papalayo kay Artemis kaya mas lumakas ang tensyon naming lahat.

"Sir, susunod naman kami pero kung gaganyanin mo yung mga kasama namin, aba magka-lintikan na." Agad pinigilan ni Avianna ang pagsugod ni Keidon.

"Hoy! Alam mo ba ang sinasabi mo? Alisin niyo ang mga sagabal diyan sa mukha niyo kundi sa presinto tayo mag-uusap!" Sabi ng isa.

"Ano nangyayari?"

"Hindi ko alam, parang sila na ata yung tinutukoy sa balita."

"Hala, yung mga halimaw?"

"Nakakatakot naman! Ayan na sila! Naku hulihin niyo ang mga iyan!"

Napayuko ako sa mga naririnig ko. Gusto ko sumabog dahil sa galit, pinipigilan ko lang.

"Ayaw niyo magsalita? Sige, sa presinto na lang tayo mag-usap--"

"Kuya police! Kuya police!"

Lahat napatingin sa bata na kausap ko kanina. Tumingin sa akin ang bata kaya natigilan ako. Ngumiti ito sa akin pero laking gulat ko na iniba niya agad ang ekspresyon niya nang humarap siya sa mga pulis.

"M-may kaguluhan po banda doon! Kailangan po kayo doon! Nandoon po mommy ko!" Umiiyak na sabi ng bata.

Nataranta bigla ang mga pulis. Tumango sila sa isa't isa at yung isa ay may kinausap sa woki toki. Dali dali sila umalis papalayo.

Nakahinga kami nang maluwag dahil doon.

"Hey, sweetheart. Thank you for that." Ngiting sabi ni Avianna.

Ngumiti ng todo ang bata. Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla. Napatingin kami lahat sa bata.

"Please save the world, miss. Defeat that corrupted senator..." Bulong nito kaya natigilan ako.

May binigay ito sa akin na candy bago dali dali tumakbo papaalis. Parang may kung ano humaplos sa puso ko.

"What did she say?" Sabi ni Hadrian.

Matamis ako napangiti habang nakatingin sa candy. I don't know but I think I became more determined and confident to win this battle.

Umangat ang tingin ko sa kanila habang nakangiti bago nagsalita.

"Let's win this battle, together."

Umangat ang gilid ng mga labi nila at tumago.

~~••~~
I want to thank those people who've been commenting on my profile's board! I really appreciate your comments! 🙆‍♀️❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro