Chapter 60

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Eisha!"

Biglang bumagsak na lang ang katawan ko. Sa matagal na labanan na iyon, saka umatake ang sakit at hapdi ng mga sugat sa buong katawan ko.

Pero sa kabila sa sakit na nararamdaman, bigla ako napatulala.

I did it, I killed her...

Tumulo ang luha ko kasabay ng pagtingin sa pwesto ni Hadrian na ngayon ay seryoso ang mukha. Ngumiti lang ito ng tipid bago pinikit ulit ang mga mata.

Nagulat ako nang bigla ako yakapin ni Leigh at Keidon.

"I'm so proud of you..." Bulong ni Leigh kaya mas lalo ako naiyak.

Si Keidon naman ay tahimik lang sa aking gilid kaya natawa ako.

"Halika na, naghihintay na si Dionysus at Hestia." Sabi ni Zaryl habang nakaupo at nahihingal.

Ngumiti ako at tumango. Ngiting ko silang tinignan lahat.

"Let's go home?"

Lahat sila ay napangiti nang natamis dahil sa aking sinabi. Nakita ko si Artemis na nakanguso tila pinipigilan maiyak kaya natawa ako lalo.

Tinulungan ako nila Zaryl at Delian makatayo. Pumunta ako sa pwesto ni Hadrian at hinaplos ang kaniyang mukha.

"Nasaan si Avianna?" Tanong ko. Natigilan silang lahat kaya kumunot ang noo ko.

"She's badly injured, Eisha. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Binabantayan siya nung dalawa." Sabi ni Leigh kaya napasinghap ako.

That bullet is dangerous. Maging si Hadrian ay naging ganito dahil sa pesteng bala na iyon. Sumikip ang dibdib ko habang tinitignan ang malungkot na mukha ni Keidon.

Siguradong nag-aalala ito. Pinisil ko ang kamay niya at ngumiti kaya nagbuntong hininga ito.

"Kailangan natin dalhin ang dalawa sa hospital." Sabi ni Zaryl.

"Have your forgotten that we are wanted?" Sarkastikong sabi ni Artemis kaya natauhan si Zaryl.

"Oh," nabigla si Zaryl at napaisip na lang.

Binabantayan nila Dionysus at Hestia si Avianna, at sigurado ako na maraming naghabol sa kanilang tauhan. Sana ay ligtas sila ngayon lalo na si Avianna.

Balak na sana naming umalis nang may bigla kami narinig sa aming likuran.

"A-ate..."

Natigilan kaming lahat sa boses na iyon. Kumabog ang dibdib ko at umusbong ulit ang galit ng dibdib ko nang nilingon ko ulit ang pwesto niya.

"Aba? Buhay ka pa? Hindi ka pa ba nadadala?!" Sigaw ni Keidon.

Naging mabilis ang kilos ng mga kaibigan ko nang marinig namin magsalita ulit si Medusa. This time, there's somehow changed about her.

Malambot ang kaniyang mga tingin hindi tulad kanina ay matatalim ang titig. Ang mga mata nito ay naging itim hindi tulad kanina na parang ahas ang mga mata.

Tinutukan siya ng mga baril at pinalibutan. Hindi siya natinag o natakot sa halip ay tumulo ang kanyang luha habang nakangiti sa akin.

Tumaas ang mga balahibo ko.

"Eisha just destroyed your pendant but you can still able to talk? The heck?!" Hindi makapaniwala na sabi ni Delian.

Hindi siya pinansin ni Medusa. Nasa akin lang ang kaniyang paningin at atensyon. Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanya kaya nataranta silang lahat.

"Eisha! Anong ginagawa mo? Lumayo ka sa kaniya!" Sigaw ni Artemis.

Hinigit ni Keidon ang braso ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Magpapakamatay ka na naman ba? Hindi pa ba sapat yang mga sugat mo sa katawan?" Sermon sa akin ni Keidon.

"May titignan lang ako okay? At wala na siya laban sa atin, ang dami ninyo at wala na siyang armas, ni hindi niya nga magalaw ang kamay niya." Kalmado kong sabi.

"Pero..." Alinlangan na sabi ni Leigh.

"I got this, okay? Trust me."

Lumuhod ako sa harapan ni Medusa at walang emosyon siya tinignan. Maputla ang kaniyang mukha at labi nito. Malalim ang kaniyang mga mata habang tinitignan ako.

"May gusto ka na naman ba sabihin? Sige, sabihin mo na baka gusto mo pa ako bantaan ng kung ano." Sarkastiko kong sabi.

Hinihintay ko na sisigawan niya ako o mumurahan pero nagulat ako nang  inangat niya ang kanyang kamay habang umiiyak. Nanginginig pa ang kamay nito at mukhang nahihirapan  hawakan ako.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Ano na naman ba plano niya?

"A-ako 'to...ate..." Biglang siya umubo ng dugo kaya napaigtad ako. Ngumiti siya pagkatapos na para walang nangyari.

"M-melissa..." Sabay turo sa sarili niya kaya bigla ako tuluyan na napaluhod.

Napasinghap ang lahat sa sinabi niya. Ayaw ko sana maniwala pero lumalambot ang puso ko nang magsalubong ang mga mata namin.

Bigla ako nakaramdam ng lungkot, awa at kung ano ano pa. Nanlulumo ako habang tinitignan na nahihirapan na siya magsalita.

"A-ang kapal ng mukha mo banggitin ang pangalan niya! You faked it!" Sigaw ni Leigh.

Dumaan ang lungkot sa mga mata niya. Parang nasaktan siya sa sinabi ni Leigh kaya malungkot siya ngumiti.

"Umalis na tayo, wala tayo mapapala sa kanya." Malamig na sabi ni Keidon. Tumango ang lahat pero hindi ko sila sinunod.

Hinawakan ko ang kamay ni Melissa kaya lumawak ang ngiti nito at mas lalong napaiyak.

"Eisha? Halika na, si Medusa yan." Sabi ni Leigh.

Umiling ako habang umiiyak. Wala sa sarili ako napahawak sa parehong kamay ni Melissa habang tinitignan sila.

"Medusa is already gone. Siya talaga si Melissa... I can feel it..." Umiiyak na sabi ko.

"A-ano?! Niloloko ka lang niya--"

"Keidon, Leigh... Please." Saway ni Zaryl kaya wala na nagawa ang dalawa. Galit nilang tinignan si Melissa.

Hindi ko na sila pinansin. Binuhos ko ang atensyon ko kay Melissa. I can feel it, Medusa is already gone from her body that's why she's got the chance to speak.

"S-sorry...ate..." Binasag niya ang katahimikan. Lalo ako naiyak habang tinitignan siya.

"S-sinubukan ko... Pigilan siya, ate. S-sinubukan ko talaga..." Tumango tango pa siya tila gusto niya ako mapaniwala.

"Shh... N-naniniwala si ate." Pumiyok pa ako dahil sa kaiiyak. Parang may nakabara sa lalamunan ko.

"A-ako..." Tinuro niya ang sarili niya at umubo ulit. "N-naging daan para makita... mo ang p-pendant, ate..."

Tuluyan ako napahikbi sa sinabi niya. I knew it. Nasa loob pa rin si Melissa. Tinulungan niya ako hanggang sa makakaya niya.

Hindi mula sa kapangyarihan ni Persephone ang dahilan kaya nakita ko ang pendant. It was Melissa. Tinulungan niya pa rin ako.

"What..." Hindi makapaniwala si Leigh sa sinabi ni Melissa.

"'Yon l-lang nagawa ko, a-ate... Pasensya na..." Pinunasan ko ang luha sa maputlang pisngi niya.

"Y-you did great, Melissa..." Nakangiti kong sabi. Napapikit siya sa saya dahil sa sinabi ko.

"Alam kong galit kayo sa akin... P-pero ate..." Huminga siya nang malalim tila nauubusan na siya ng hininga.

"Ako pa rin k-kasama niyo sa mga o-oras na iyon." Ngumiti siya sa amin lalo na kina Leigh at Keidon.

"Y-you're lying..." Bulong ni Keidon. Nanggilid ang luha niya kaya umiwas ng tingin ito.

Napanguso si Melissa kaya lumipat ang tingin niya sa akin. Binigyan niya ng munting pisil ang palad ko.

"A-ang saya, ate... Akala ko h-hindi ko na mararanasan makaroon ng kaibigan..." Ngiting sabi niya na parang bata.

Sumikip ang dibdib ko nang maalala na wala pala siya naging kaibigan.

"P-parang ako binigyan ng panibagong buhay, ate. K-kasi nakilala ko kayo..." Tuluyan na bumuhos ang luha naming lahat.

"N-ngayon na mamamatay ulit ako, a-at least, this time... May b-baon na ako  mga m-masasayang alaala..." Umubo siya ulit pero ngayon napakalakas na.

"S-sorry... Melissa." Biglang sinugod ng yakap ni Leigh si Melissa kaya ganon na lang kalawak ang ngiti nito.

Nahihirapan si Melissa i-angat ang kaniyang kamay kaya si Leigh na ang gumawa. Nilagay ni Leigh ang kamay nito sa kaniyang pisngi.

"A-ate Leigh... Yung p-promise mo na b-bibilhan mo 'ko ng paborito kong l-libro ah?" Sabi ni Melissa. Tumango si Leigh habang tinitignan ang mukha nito.

"P-paki lagay na lang sa k-kwarto ko..." Hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil parang normal lang siya kung magsalita.

"Of course, I will sweetie..." Bulong ni Leigh.

Nilipat naman ni Melissa ang kanyang tingin kay Keidon na ngayon hindi siya magawang tignan.

"K-kuya... Sorry. A-at huwag ka mag-alala, kuya. Wala akong b-boyfriend." Huminga ulit nang malalim si Melissa kaya mas lalo ako napaiyak.

"K-keidon," tawag ko. Pulang pula na ang mga mata ni Keidon.

Nang tignan niya si Melissa mas lalo bumuhos ang mga luha niya. Sinandal ni Keidon ang ulo niya sa kamay ni Melissa.

"M-mahal na mahal ka ni kuya Keidon tandaan mo yan." Mahinang sabi ni Keidon.

Tumango tango si Melissa na parang bata.

"A-alagaan mo si ate Avianna ha? M-mahal ko 'yon... Sorry r-rin kamo at s-salamat sa pagtimpla niya ng g-gatas tuwing g-gabi..." Sabi niya parang masayang masaya siya habang inaalala ang nakaraan.

Tumango si Keidon at hindi na nagsalita pa.

Nagulat kami nang kumawala ng hininga si Melissa sabay pinikit ang mga mata.

"M-melissa!" Tawag namin na kinakabahan. Pero natigilan kami nang tumawa ito nang mahina.

"A-ang sarap mamatay k-kapag may mga kasama..." Mahinang sabi niya.

"Don't say that!" Galit na sabi ni Leigh kaya napanguso si Melissa.

"A-ate Eisha... S-sorry kung s-sinabi ko noon na dapat p-patayin si k-kuya Hadrian... Sinusubukan ko bigyan kita ng hint noon, n-na nasa loob ko si M-medusa." Sabi niya.

Napatakip ako ng bibig. Paano niya pa naalala iyon?

"H-hindi galit si ate, Melissa..." Ngiting sabi ko.

Binigyan niya ako ng ngiti. Kinabahan ako nang bunabagal na ang hininga niya. Lumuluwag na ang hawak niya sa kamay ko.

"Melissa... H-huwag ka mamamatay please..." Hindi ko na alam kung ano sinasabi ko pero gusto ko pa siya makasama.

"Melissa..." Tawag ko habang umiiyak.

"M-matagal na ako patay, ate..." Mahinang sabi nito kaya napaiwas kami ng tingin.

Alam ko na matagal na talaga siya patay pero bakit ganon? Bakit ngayon pa na maayos na ang lahat? Parang ayoko tanggapin na may mawawalang isa sa amin.

"Pero may hiling sana ako..." Dugtong niya habang nakatingin sa aming lahat.

"Ano 'yon?" Tanong ni Zaryl sa kaniya.

"L-lola at tita ko, pakitulungan naman sila. Matagal na nila g-gustong makamit ang hustisya sa pagkamatay k-ko." Nanghihina na sabi niya.

Natigilan ako. Hindi pa nakukulong ang mga pumatay sa kaniya?

Kinuyom ko ang kamao ko habang tumutulo ang luha. She doesn't deserve this. I'll make sure they will rot in that fucking jail, I swear.

"G-gusto ko na magpahinga..." Umangat ang tingin namin kay Melissa na ngayon ay hinahabol ang hininga.

Sumikip ang dibdib ko. Parang ayoko pa siya bitawan. Gusto ko pa siya makasama kahit ilang sandali pa.

"Tulog na ako, a-ate..." Hinawakan ni Leigh ang kamay niya at tumango.

"Oh my gosh..." Bumuhos ang luha ni Artemis habang pinapanood ang nangyayari.

"S-sige na, Melissa. Tulog ka na, hmm? Pagod ka na." Parang ako sinasaksak sa puso habang sinasabi iyon.

Biglang umiling si Keidon. Sinubsob niya ang kaniyang mukha kay Melissa. Panay iling niya.

"Ayoko! Wag muna, kahit sandali lang..." Umiiyak na sabi ni Keidon.

Nanghina ako lalo sa sinabi niya. Paano ako hindi maiiyak kapag ganito rin sila? Lalo ako nanlulumo.

"She just wants to sleep, Keidon. Let her be." May kahulugan na sabi ni Zaryl sa kanya. Pero dahil dakilang makulit si Keidon, umiling pa rin ito.

"Hindi pa ako handa, Zaryl! Si M-melissa 'to... H-hindi, hindi siya pwede mamatay."

Napapikit na lang kami. Mas lalo mahihirapan si Melissa iwan kami kapag ganito siya.

Lumapit ako kay Melissa at pinatong ang kaniyang ulo sa bisig ko. Ngumiti ako sa kaniya habang lumuluha.

"Tulog na, Melissa. Sweet dreams." Ngiting sabi ko habang lumuluha.

Ngumiti rin siya ng matipid. Nagsalita siya ng salamat pero wala na siyang boses kaya mas lalo ako naiyak.

Ang hirap mawalan ng kaibigan lalo na kung tinuring mo na ito bilang kapatid. All this time akala ko walang Melissa talaga kami nakasama, pero nagkamali ako.

She was there. Nandoon pa rin siya kahit kinokontrol siya ni Medusa. Siya pa rin si Melissa na inalagaan namin. Siya pa rin si Melissa na nakilala ko sa school.

"Melissa? Melissa!"

Natauhan ako sa sigaw nila at saka na lang nalaman na tuluyan na binawian ng buhay si Melissa sa aming harapan. Ang kanyang kamay ay nasa amin pa rin parang ayaw niya pa bumitaw at umalis pero kinuha na siya.

Halo halo ang emosyon na naramdaman ko. Iyak at hikbi na lang aming nagawa dahil sa nangyari.

Wala na si Melissa, wala na ang bunso namin...

Rest in peace, Melissa. Kung saan ka man ngayon, sana maging payapa na ang kaluluwa mo. Sana maging masaya ka na.

"Kuya!" Sa loob ng mga ilang minuto ay may bumasag ng katahimikan namin.

Nanlaki ang mga mata namin na makita si Dionysus na sugatan at ganon na din si Hestia pero mas nagulat ako nang makita si Avianna na buhat buhat ni Dionysus.

Kumabog ang dibdib ko dahil sa nakita. Kinuha ni Zaryl si Melissa mula sa bisig ko. Binigyan ko ng halik aa noo si Melissa habang tumutulo ang luha.

"Guide us, Melissa." Bulong ko at tuluyan na siya tinakpan ng tela ni Zaryl.

Huminga ako nang malalim bago lumapit kay Avianna.

"Ano nangyari?" Seryoso kong tanong.

"Hindi na siya gumigising, ate." Sabi ni Dionysus kaya bigla ako nataranta.

Mabilis na lumapit si Keidon at kinuha si Avianna mula kay Dionysus. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil namumutla na ang mukha ni Avianna. Bumalot ang takot at taranta sa sistema ko.

"Hadrian too, I tried to wake him up but he's still unconscious." Dumoble ang kaba sa dibdib ko dahil sa narinig.

"Hadrian! Baby, wake up... Wag ka na magbiro." Sumugod ako sa pwesto ni Hadrian at inalog siya nang marahan pero hindi na ito sumasagot.

Hindi siya sumasagot! Humihina na ang pintig ng pulso. Mas lalo ako napaiyak nang malakas dahil sa kaba.

Please po, huwag naman si Hadrian. Hindi ko na kakayanin.

"Fuck! Danica, wake up! Tangina naman, huwag ganito!" Naririnig ko rin ang sigaw ni Keidon.

"W-we need to bring them in the hospital, Zaryl! Baka... Baka tuluyan sila mamatay dito!" Napatayo agad ako para pumunta sa labasan pero hinila ako pabalik ni Zaryl.

"We can't, Eisha!" Pigil niya sa akin kaya sumalubong ang kilay ko.

"Yes, we can! Hahayaan mo ba mamatay sila dito?! Ayoko Zaryl! Ayoko may mawala ulit sa buhay ko! Ayoko na... Si Hadrian 'yon Zaryl. Dadalhin ko siya sa hospital!" I can't even think straight at this state.

I can't lose him. I just can't.

"Are you dumb? Nasa labas ang mga mukha natin tapos magpapakita ka?! And do you expect that they will bring my cousin in hospital? Bitch, they will not! We will be locked up in fucking jail so calm your ass down!" Malakas na sermon sa akin ni Artemis.

"At iyon pa uunahin mo?! I can't let Danica die at ganon si Eisha kay Hades. Kaya sa ayaw at gusto niyo dadalhin namin sila!" Pagkampi sa akin ni Keidon.

"Please hold on, baby... Huwag mo ako iwanan." Bulong ko kay Hadrian habang hinahalikan ang ulo niya.

"You just made yourself dumber than Eisha fucker--"

"Ate, kuya! Pinalilibutan tayo ng mga pulis sa labas!" Lahat kami napatingin kay Hestia na nakatingin sa bintana.

Kinuyom ko ang kamao ko sa galit.

"See?" Sarkastikong sabi ni Artemis kaya umirap na lang ako.

Kailan ba nila kami tatantanan? Hindi pa ba sapat ang paghihirap namin ngayon?!

"Kung takot ka sa pulis wag mo kami itulad." Walang emosyon na sabi ni Keidon kay Artemis.

Nahulog ang panga ni Artemis. She scoffed and point her finger to herself.

"Bitch?--"

"That's enough. Keidon, Eisha, naiintindihan namin kayo lalo na mahal niyo ang dalawang 'yan pero hanggang kalaban pa rin natin ang nga tao, siguradong mas lalo tayo papahirapan. Hindi nila dadalhin sina Avianna at Hades sa hospital. And we're not even allowed to because we are Mythians remember?" Seryosong paliwanag ni Zaryl.

"Ano ba gusto niyo mangyari?! I will not fucking let her die here, Zaryl!" Sabi ni Keidon kaya napahilot sa sentido ni Zaryl.

"Shut your damn mouth Poseidon! We don't have time for this. We need to escape." Sabi ni Leigh kaya napatahimik kaming lahat.

"Kung hindi kayo lalabas, mapipilitan kami pasukin kayo! Magbibilang kami hanggang sampu!" Sigaw ng pulis sa labas.

"Damn it! Ang dami nila!" Sabi ni Delian na naghahanda na rin.

Walang emosyon ko kinuha ang dalawang  baril at punyal habang humihinga nang malalim.

"Ano gagawin natin?" Tanong ni Dionysus sa aming lahat.

"I'll distract them," sabi ko at kinasa ang baril.

Sinamaan nila lahat ako ng tingin.

"What? You had enough, Eisha. We will handle this." Sabi ni Leigh.

"Edi lahat tayo." Ngiwing sabi ko kaya napatampal sila sa noo.

Naging seryoso kaming lahat nang buksan nila nang sapilitan ang malaking pinto.

Hindi ito matatapos kung hindi namin tatapusin. At kapag tumagal pa ito baka hindi ko na maabutan si Hadrian. Napapikit ako at kinuyom ang kamao.

"Nandiyan na sila!" Anunsyo ni Hestia sabay lapit sa amin.

Lahat kami ay naka-pwesto na habang hawak hawak ang armas. Hinihintay  namin na masira ang pinto pero may bigla kaming narinig na chopper.

Naibaba ko ang baril habang nakatingin sa chopper. Parang kung ano may umalon sa dibdib ko dahil nakilala ko agad kung kanino iyon.

"Axcel... nandito ang mga tauhan ni Hades." Mahinang sabi ni Artemis.

"I can't understand. Bakit hinayaan nila ang boss nila dito? As far as I know, marami ang mga tauhan ni Hades. Bakit kaunti lang dinala ni Hades kanina?" Tanong ni Zaryl.

Nag-aabang kami ng sagot ni Artemis dahil parang alam niya. Talagang alam niya dapat, pinsan niya si Hadrian.

"That is... Hindi ko alam." Seryosong sabi ni Artemis. We all frowned and shook our heads.

"Bitch? What do you expect from me?! Kahit parehong dugo dumadaloy sa katawan namin, wala nakakahula ng mga naiisip niya kahit nga tatay niya!" Paliwanag pa ni Artemis kaya napairap kami.

Napaupo ako sa tabi ni Hadrian.

Lahat kami naalerto nang tuluyan na nasira ang pinto. Mabilis namin tinutok ang mga baril namin sa harapan. Si Hestia ay hindi sinasadya na naibato ang punyal sa harapan dahil sa gulat at kaba.

"Oh! Maghunos dili ka, iha..." 

Natigilan kami nang makilala kung sino ang nasa harapan namin. Mabilis na nasalo ng katabi niya ang punyal.

"Lolo Franz?!"

~~••~~
Comment your thoughts about this chapter. 😗

I posted some spoilers in my twitter and if you're interested to know, just search yeshrheyy.

Ilang chapters na lang ay tapos ko na ang Taming Hades so kung gusto niyo malaman ang mangyayari sa susunod na chapter, stay tuned and visit my twitter for spoils!

Follow me on facebook too for announcements and entertaining posts: yeshrheyy

Thank you! ❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro