Chapter 66

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

AVIANNA'S POV

"Dali na manong, kaibigan ko nga yung nasa loob! May importante lang ako sasabihin!" Pakiusap ko sa bodygurad.

"Ma'am, private event po ito. At fashion show, yung sinasabi mong kaibigan mo, eh yung rarampa. Imposible naman--"

Sa galit ko ay kinuha ko ang cellphone at mabilis na tinawagan si Keidon. Bwisit na lalaking 'to, tumakas pa ako sa manager ko para lang makapunta dito.

He said that he will wait for me but he didn't tell to the bodyguard that I'll come here! Hindi niya man lang sinabi sa bodyguard na bibisita ako! Walang kwenta talaga.

"Hello! This is Keidon Lorenz's Manager, who's this?" Nanlaki ang mga mata ko na iba ang sumagot sa cellphone niya. Hindi niya pinapahawak sa ibang tao ang cellphone niya tanging ako lang!

Napadyak ako sa galit na parang bata.

"Tell this to your boss! I will not fucking see him again! Ever again! And tell him that we're breaking up na, jerk!" Sabay baba sa telepono.

Nanlaki naman ang mga mata ng bodyguard sa narinig pero umirap na lang ako at umupo na lang sa bench ng mag-isa. I hate him!

Biglang umulan kaya sumilong muna ako sa gilid. Hindi ko maiwasan manlumo at manggilid ng mga luha. I suddenly miss Eisha...

Until now, hindi pa rin siya nagigising. We're all focus in our own lives. Keidon decided to continue his career which is modeling. He's already a star but he stopped because of our mission.

Habang ako ay nag-focus ako sa passion ko which is singing. I will release my first song and I'm so freaking nervous. Good thing that may grandma is supporting me. Kaya pumunta ako dahil gusto ko iparinig kay Keidon ang kanta ko, because knowing him, he's very true to his words.

Pupurihin ka at minsan lalaitin ka, minsan sobra pa.

Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa lungkot. Siguro uuwi muna ako. Sa chat ko na lang siya kakausapin at hihingian ng opinion. He's always busy but nevermind.

Binuksan ko na ang umbrella ko until someone called my name.

"Danica! Hoy!" Napapikit ako sa inis dahil alam ko na kung sino iyon.

Inis ko siya hinarap.

"Anong hoy?! Bwisit ka! Alam mo na pupunta ako at hindi mo man lang pinaalam sa bodyguard mo! Imposible daw na maging kaibigan ko ang rarampa--"

"Kaibigan?" Siya naman ang galit. Magkasalubong ang kilay.

Ngayon ko lang napansin na basang basa na siya. Tumakbo siya sa ulan papunta dito. Ang buhok niya ay bumagsak dahil sa ulan, nakaharang ito sa kaniyang noo habang tumutulo ang butil ng tubig.

And he's freaking wearing his outfit but he went straight here while wearing it like it was nothing!

"Meron bang kaibigan na nakikipag-break up? Ha Danica?" Sarkastiko niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin at nagbuga ng hangin.

"And you can't do that, sweetie. You like me too much." Ngumisi siya habang nilalapit ang kaniyang mukha sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig. Hinampas ko siya sa braso pero patuloy lang siya sa pagtawa.

"Sana madapa ka sa runaway mo!" Sigaw ko sa kaniya kaya humalakhak siya.

"Professional ako, Danica baka nakakalimutan mo." Pagyayabang niya pa kaya umirap na lang ako.

Nagulat ako nang bigla niya ako niyakap patalikod. Pinatong pa ang mukha niya sa balikat ko. My heart is pounding so fast.

I really like him, okay I admit it. I don't know where to start, hindi ko rin alam kasi paano naging kami. I was in the state that I became tired to chase him. Nakakapagod umasa sa kaniya lalo na harap harapan niya pa sinasabi na gusto niya si Eisha.

I don't hate Eisha and I never hated her. Nagpaubaya ako kasi alam ko na iyon ang ikasasaya ni Keidon. I tried to forget about him. Pero nung nakakapag-move na ako tsaka siya umamin sa akin.

Hindi ako naging marupok syempre, I gave him time to adjust because I was afraid that maybe he was confused. He proved himself to me, talagang naghirap talaga siya.

Kaya kahapon sinagot ko na siya. And we even ate Samgyupsal to celebrate that. Ang hiling ko nga sana ay nandito si Eisha. Binanggit rin sa akin ni Keidon na sinabi sa kaniya ni Eisha na baka nalilito lang siya sa nararamdaman niya.

He really liked Eisha and that is the truth. Pero sa panahon na lumilipas, doon na siya kumakapit talaga. Kahit may nararamdaman na siya sa akin simula noon pa, dinedeny niya iyon dahil naka-focus siya talaga kay Eisha.

He's denial person, indeed. Saka lang aamin kapag huli na.

"Hoy, galit ka pa ba? Bakit ka nga dumalaw?" Bigla lumambing ang boses niya habang nakayakap sa akin.

Napaiwas ako ng tingin.

"I-I need your opinion about my song. Mag-rerelease na kasi siya bukas--"

"Yon lang pala, sige kanta na."

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Marahan ko siya tinulak at inayos ang pagkahawak sa basket na puno ng prutas.

"Naka-record na kasi," sabi ko kaya tumango tango siya na tila binabalewala ang mga sinasabi ko.

Ngumuso siya sa basket na hawak ko.

"Para sa akin ba yan? Bakit naka-basket pa? Ang susyal naman ng girlfriend ko." Umasim ang mukha ko. Pinalo ko ang kamay niya.

"Para kay Eisha yan!" Inis kong sabi sa kaniya kaya natigilan siya at bigla nawala lumungkot ang mukha tulad ko.

Bumalot ang katahimikan sa amin. Hindi ko maiwsan mapayuko habang inaalala ang itsura ni Eisha sa hospital.

"S-sa tingin mo, magigising pa ba si Eisha?" Nakatulala na sabi ko.

Nagulat si Keidon. Natahimik siya habang nakayakap sa akin. Naramdaman ko mabibigat niyang hininga. Hindi biro ang impact na dinulot sa amin dahil sa nangyari.

Tulad na lang ay nung na-hospital ako tulad ni Hades Naging critical ang kondisyon namin dahil sa bala na iyon. Maging ang Doktor ay nahirapan dahil sa nangyari, akala nila Keidon ay hindi na kami magagamot.

I spent my weeks in that hospital just to recover. At alam ko na ganon din si Hades. Pero laking gulat ko na maaga siya nakaalis sa Hospital, tunay na mabilis siya maka-ipon ng lakas. Dahil sa epekto ng bala sa katawan ko, marami pinagbawal sa akin.

Napatitig ako sa madilim na kalangitan. Hindi malakas ang pagbagsak ng ulan pero malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aming balat.

"Of course, she will. Malakas si Eisha." Tanging nasabi na lang ni Keidon pero alam ko na may tinatago pa rin siyang takot dahil sa sinabi ni lolo Franz sa amin.

Nabanggit sa amin ni lolo Franz na posibleng hindi na siya magising. Nakadepende ang buhay niya sa magiging hatol sa kaniya sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ang tungkol doon o hindi.

I let out a deep sigh.

"Let's go?" Sabi ko kay Keidon kaya napangiti siya at hinablot ang kamay ko.

Papasok na sana kami ng building ng may tumawag sa cellphone ko.

"Hello?" Bungad ko.

"H-hello! Si ate Eisha, gising na!" Halos maibagsak ko ang phone ko dahil sa sinabi ni Dionysus. Napatingin rin si Keidon dahil doon.

Napapikit ako nang mariin habang hawak ang sentido ko. Nanatili ako kalmado dahil kilala ko itong si Dionysus. Hindi mo malaman kung totoo na ba ang sinasabi niya o hindi.

Dahil noon tumawag siya sa aming lahat at sinabing gumalaw daw si Eisha. At dahil sabik na sabik kaming lahat, sabay sabay kaming pumunta sa hospital na basang sisiw dahil sa pagmamadali at iyon pala, naghahallucinate lang pala siya dahil sa pagod.

"Sigurado ka ba Dionysus? B-because last time you were hallucinating and maybe you're--"

"H-hindi! Totoo nga! Promise! Mabaog man si kuya Keidon!" Sigaw niya sa telepono kaya napalayo ko ito sa aking tenga.

"Ulol! Rinig kita sira ulo!" Pagpapatol pa ni Keidon at inaagaw pa ang phone ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"W-wait! Are you really sure, Dionysus?! G-gising na ba talaga siya? Can I hear her voice please?" Pagmamakaawa ko habang kinakagat ang kuko dahil sa kaba.

"H-hello? Avianna?"

Napasinghap ako at nanggilid ang mga luha. Natataranta ko tinignan si Keidon dahil sa gulat. Si Eisha nga!

"Oh my gosh! You're awake! Thank God... K-keidon! Where's the car?! Shit, umuulan! Yung payong! Eisha, wait for us okay?! Keidon!" Nakigigil na tawag ko kay Keidon.

Napatay ko ang tawag kaya napamura ako. Hindi ko malaman ang gagawin ko dahil sa taranta! She's awake!

"Keidon ano ba! We have to go!" Natataranta kong sabi habang kinukuha ang purse ko mula sa kaniya.

"T-teka lang naman babe!" Napasampal ako sa noo ko dahil nadulas pa siya dahil sa pagmamadali pero natigilan din kaya nagtaka ako.

"What are you waiting for?! Keidon!" Inis na sabi ko.

"Nasa parking lot ang kotse ko b-babe, tapos umuulan pa. Kawawa naman ako kung susugod ako babe--"

"Just go Keidon! What the hell! Nabasa ka rin naman! Eisha is awake, we have to go! Argh! I'm just going to take a grab!" Namamadali ko kinuha ang phone ko sa bag.

"Hey there love birds, get in..."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Zaryl. Hininto niya ang kotse sa aming harapan at binuksan ang bintana. Nakangisi ito habang nakahawak sa manibela.

"Zaryl! Good thing, you're here!" Walang pasabi sabi pumasok ako sa kotse niya.

Nakangusong pumasok rin si Keidon at tumabi kay Zaryl. Bahagya napatawa si Zaryl nang makita ang busangot na mukha ni Keidon.

Pinaandar na ni Zaryl ang sasakyan habang ang kaniyang siko ay nakasandal sa window ng sasakyan.

"You look fucked up, man." Mahinang sabi ni Zaryl kay Keidon kaya napangiwi ito.

"Feeling ko ako na susunod ma-hohospital..." Sabi ni Keidon habang nakapikit.

"Are you saying something, Lorenz?" Magkasalubong ang kilay na sabi ko. Dumaan agad ang takot sa mukha niya.

"Wala boss!" Napairap na lang ako. Narinig kong tumawa si Zaryl kaya siya naman ang sinamaan ko ng tingin.

"Nagmamaneho ka ba sa buwan, Zaryl? We need to hurry! Drive faster!" Inis na sabi ko kaya siya naman ito ang nataranta, umupo pa ito nang maayos.

"Yes ma'am! cheez.." Sagot nito.

"Told ya'..." Bulong pa ni Keidon sa kaniya kaya pareho sila natawa.

Binilisan ni Zaryl ang pagtakbo ng sasakyan habang ako ay isa isa tinetext ang mga kaibigan namin. Nandoon na kaya si Leigh? Naging busy na rin kasi siya kaya minsan na lang nagparamdam.

Pagdating namin sa tapat ng hospital ay dali dali lumabas si Keidon. Binuksan ni Keidon ang payong bago ako pinagbuksan ng pinto. Sumalubong sa amin ang malakas ng hangin at ulan kaya napapikit ako.

Kumunot ang noo ko dahil hindi lumabas si Zaryl mula sa sasakyan.

"Hindi ka ba pupunta?" Tanong ko.

"Susunduin ko lang ang kapatid ni Eisha, mauna na kayo." Seryosong sabi niya.

"You mean yung bebe mo?" Ngising sabi ni Keidon. Tumaas ang gilid ni Zaryl. Binato ni Zaryl ang lukot na papel sa mukha ni Keidon.

"Shut up." Sabi ni Zaryl bago tuluyan umalis. Natawa si Keidon nang malakas.

Hindi na kami nagsayang ng oras. Mabilis kami pumasok sa Hospital at pumasok sa elevator. Rinig na rinig sa buong hallway ang tunog ng heels ko dahil sa pagtakbo.

Pinagtitinginan na rin kami ng mga pasyente pero wala na ako pakialam.

"Shit!" Malakas na mura ko dahil naalis ang heels ko.

"Ayan, suot pa ng heels." Sermon ni Keidon habang umiiling. Kinuha niya ang heels ko kaya nagpaa na lang ako habang tumatakbo.

"Eisha!" Sigaw ko kahit malayo pa ako sa room niya. Napayuko na lang si Keidon dahil sa hiya.

Nang buksan ko ang pinto ng kwarto niya, sumalubong sa amin ang malaking ngiti ni Eisha habang kinakausap si Dionysus. Napalitan ito ng gulat nang makita kami.

Napasinghap ako at napahawak sa bibig. She's really awake!

Hindi ko maiwasan tumulo ang luha at sinugod siya ng mahigpit na yakap.

"E-eisha! Gising ka na! A-akala ko hindi ka na magigising..." Umiiyak na sabi ko habang nakayakap sa kaniya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya na isa sa mga namiss ko. Oh my gosh, I really miss her!

Hinaplos niya ang mukha ko at ngumiti.

"Hindi ako papayag kapag ganon." Nagawa niya pa ngumisi kaya natawa ako habang umiiyak.

Tumaas ang tingin niya kay Keidon na nanonood lang sa amin. Halata rin sa mga mata niya pagkasabik na makita si Eisha pero pinipigilan niya lang.

"Hoy, nagising na ako lahat, nakatulala ka pa rin?" Naiinis na sabi ni Eisha kay Keidon kaya natawa ang lahat.

Napailing si Keidon at sinugod rin ng yakap si Eisha. Napapikit si Eisha habang nakangiti. Hindi ko maiwasan mapangiti rin habang pinupunasan ang luha ko.

"Huwag mo na gagawin iyon. Akala ko mawawala ka na sa amin..." Bulong ni Keidon sa kaniya.

Halata rin ang pamumula ng mga mata ni Keidon kaya inasar siya ni Dionysus na ngayon pa-simpleng kinakain ang mga dala ko para kay Eisha.

"Hindi ako pwede mamatay dahil may utang ka ba sa akin na isang daan, loko." Sabi ni Eisha.

"Na-coma ka na lahat pati iyon naalala mo pa? Tss, akala ko makakalusot na ako." Napailing na lang kami sa sinabi ni Keidon.

"Ate Eisha, kumupit kamo yan sa wallet mo ng isang libo!" Pagsusumbong ni Dionysus kaya sinamaan ng tingin ni Eisha si Keidon.

"Ikaw rin Dionysus, bakit mo kinakain yan? Hindi para yan sayo!" Sermon ko kay Dionysus kaya napanguso ito.

"Hayaan mo lang, hindi naman ako nagugutom." Nakangiting sabi ni Eisha.

"Ayon oh!" Sigaw naman ni Dionysus kaya napailing ako.

"Where is she? Eisha!"

Lahat kami napatingin sa pinto. Nakita namin si Leigh na kakarating lang, ang kaniyang puting polo ay nagulo, pati ang buhok nito ay nabasa na rin dahil siguro sumugod siya sa ulan.

Sinuklay niya buhok niya at nakahinga siya ng maluwag na makita si Eisha.

"Oh, Thank God..." Niyakap na si Eisha at binaon ang mukha sa leeg nito.

"Wow, miss na miss?" Pagtutukso ni Eisha. Hindi na lang sumagot si Leigh na ikinagulat namin.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin ang mga kaibigan namin. Lahat sila ay nagulat na makita na nakakatawa na si Eisha, parang walang sakit na nararamdaman.

Pero sa gitna ng pagkwekwentuhan nila ay napaisip ako. Lahat ng kaibigan ni Eisha ay nandito na pero ang boyfriend niya ay wala dito.

"Avianna," natauhan ako nang tawagin ako ni Eisha. Napakurap ako at napakamot sa batok.

"Are you okay?" Tanong niya kaya natawa ako na may alinlangan.

"I'm alright, nilalamigan lang." Palusot ko. Napatingin naman siya sa aircon. Umuulan kasi tapos umuulan pa.

Hininaan ni Keidon ang aircon. Napangiti ako nang makita silang na nagkakasayahan. Kumakain pa sila habang kinakausap si Eisha kaya napailing ako.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Leigh. Nagtaka ako dahil nakatingin siya sa leeg ni Eisha na tila may nakita siya nakakaiba doon.

"Who gave you this?" Napalingon ang lahat dahil sa tanong ni Leigh.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hinahawakan ni Leigh. Eisha is wearing a necklace. A gold necklace with Periwinkle crystal in the middle of it. There's some little roses in the lace near the crystal. It's so aesthetically beautiful.

Pero sino nagbigay sa kaniya 'non?

"You're not wearing any necklace when you confined here, Eisha." Striktong sabi ni Leigh kaya sumeryoso kaming lahat.

"From Hades perhaps?" Sabi ni Delian sa gilid.

"Walang binibigay na necklace ang pinsan ko." Nagulat kami sa biglaang pagpasok ni Artemis sa kwarto.

"You're awake, finally. It took you forever bitch." Mataray na sabi ni Artemis kaya natawa si Eisha pero nananatili pa rin kami seryoso dahil sa kakaisip.

"Kung ganon galing kanino 'yan? May pumasok ba sa kwartong 'to?" Sabi ni Keidon na ikanabahala namin.

Natigilan kaming lahat nang humalakhak si Eisha. Kumunot ang mga noo namin. Lahat kami seryoso at kabado tapos si Eisha ay parang bata na tumatawa lang. Nahawa si Dionysus sa tawa nito kaya sinamaan siya ng tingin ni Aideen.

"Chill, parang naman mangdadarag kayo." Natatawang sabi ni Eisha.

"We're serious, Eisha. Who gave you this damn thing?" Bahid na ang galit sa tono ni Leigh.

Ngumiti si Eisha kaya kinabahan kami.

"It's from Persephone. Anyway may pinya ba diyan, pahinge nga--"

"What the fuck?!" Sabay sabay naming usal at dali dali naman tinakpan ni Dionysus ang tenga ni Aideen na ngayon inosente kami tinitignan.

Is she serious right now? Or is it a joke? She probably playing with us.

"Persephone? E-eisha, are you damm serious?" Kinakabahan na tanong ko.

Tinignan niya lang kami. Ngumiti lang siya, hindi man lang tumango o sumagot. Bakit ganon? Feeling ko may tinatago siya mula sa amin?

Persephone? The Greek Goddess? She really saw her? It's too damn unbelievable but every time I look at her eyes, there's a glimpse of bright happiness showing there.

"Ate!"

Naagaw ang atensyon namin sa pagpasok ni Patricia sa kwarto. Nagulat siya na makita ang ate niya, bumuhos ang luha niya at niyakap ang ate niya. Sumunod si Zaryl at pumasok na rin.

Binigyan namin ng oras silang dalawa. Napatingin ako kay Leigh, mukhang malalim ang iniisip nito. Tumayo ito mula sa kama ni Eisha at pumunta sa pwesto nila Zaryl.

Binigyan ko ng ngiti si Eisha bago tumayo at lumayo kaunti para bigyan sila ng oras.

"She's telling the truth." Sabi ni Leigh at naabutan ko na nag-uusap silang lahat sa gilid.

"Seryoso ka? Paanong niya makikita si Persephone kung nakahiga siya dito?" Sabi ni Keidon.

Napatingin ako kay Eisha na ngayon pinakapakalma ang kapatid niya.

"Baka nabaliw?" Singit ni Artemis at tumabi kay Leigh.

"Ikaw 'yon diba," pang-aasar ni Keidon kaya napailing kaming lahat.

"Iyon ba ang pinoproblema niyo? Damn it, akala ko naman kung ano." Nagsalita na rin si Zaryl. Napatingin kami sa kaniya.

I crossed my arms in my chest while looking at Eisha. She can be really suspicious sometimes.

"Athaleigh's right. Si lolo Franz na mismo ang nagsabi sa atin ang tungkol doon. Stop minding about that, can't we just be thankful that they let her live?" Sabi ni Zaryl kaya napatango kami.

Hindi ko maiwasan ang mamangha habang tinitignan si Eisha na nakaupo sa hospital bed. Halata sa mukha niya ang sabik na makita ang kapatid niya.

Hindi ako makapaniwala na malaman na nakita niya talaga si Persephone.

"Her necklace... Hindi niya iyon suot kanina. Nag-banyo lang ako tapos biglang sumulpot na lang iyon at 'yon! Boom, gising na siya." Bulong pa ni Dionysus sa amin habang ngumunguya.

Nagbuntong hininga na lang ako habang tinitignan si Eisha. Kinabahan kaming lahat na dumapo ang tingin ni Eisha sa amin. Tinaasan niya kami ng kilay kaya napaubo kaming lahat.

"Tis eípes gia tin katástasí mou?" Kumunot ang noo namin ng magsalita si Eisha sa ibang lenggwahe. Kahit ang kapatid niya ay nagtaka.

(Trans: Did you tell her about my situation? )

Nagtinginan kaming lahat dahil sa kaniyang sinasabi. Tinutukoy niya ba ang kapatid niya?

"Hindi bakit--"

"Parakaló milíste sti glóssa mas." Pagpuputol agad ni Eisha kay Keidon.

She wants us to speak in Greek?

She's damn serious about this.

"Mólis tis eípame óti chánoume tin ikanótitá mas kai típota perissótero." Sagot naman ni Zaryl habang nakapamulsa.

(Trans: We just told her about losing our ability and nothing more.)

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Patricia dahil sa naririnig.

"Alam niyo ba na kabastusan ang mag-usap sa ibang lenggwahe na hindi ko naiitindihan?" Naiinis na sabi ni Patricia.

Natawa ako dahil sa kaniyang inasal. Nagmamaktol niya tinignan ang kaniyang kapatid pero hindi siya pinansin nito. Seryosong kami tinitignan ni Eisha.

"Aftó eínai kaló." Nakahinga nang maluwag si Eisha sa sinabi ni Zaryl.

(Trans: That's good.)

Magkahulugan ko tinignan si Keidon at ganon din siya. Ayaw niya ba na malaman ng pamilya niya ang nangyari sa kaniya?

"Giatí? Ypárchei próvlima?" Nagulat kami ng biglang magsalita si Aideen!

(Trans: Why? Is there a problem?)

Hindi makapaniwalang nagbuga ng hininga si Patricia dahil sa sinabi ni Aideen.

"Dinaig pa ako ng bata?" Sabi ni Patricia sa kaniyang sarili kaya napangiwi si Zaryl, pinipilit na hindi matawa.

Umiling si Eisha at hinaplos ang pisngi ni Aideen. Nagulat ako ng bumaba ang tingin ni Eisha sa mga paa ko.

"Bakit ka naka-paa?" Nagtataka niyang tanong niya natauhan ako.

Ay hala! I forgot about my shoes! Naging komportable ako na mag-paa sa malamig na kwarto na ito. Agad ako lumapit kay Keidon habang nakanguso.

"Yung shoes ko babe!" Sabi ko. Napabuntong hininga siya at binigay ang heels ko na kanina niya pa pala hawak.

"Babe? Did I miss something?" Lahat napalingon kay Eisha. Napatakip ako sa bibig na napagtanto na hindi niya pa pala alam ang tungkol sa'min!

"What do you expect? You were asleep for almost three months--"

"Wait what?!" Nagulat si Eisha sa sinabi ni Zaryl. Napayuko pa ito at mukhang malalim ang iniisip.

"Totoo 'yon ate, sa tingin ko lampas pa nga ng three months kang tulog eh." Sabi ni Patricia.

Hindi pa rin makapaniwala si Eisha.

"I-I don't understand... Tatlong araw lang naman ako doon, tapos ngayon naging buwan na?! What the fuck..." Wala sa sarili niyang sabi kaya kumunot ang noo namin.

"What do you mean na tatlong araw ka lang? Where?" Nalilito kong tanong habang sinusuot ang sapatos ko.

"Mt. Olympus isn't?"

Lahat kami ay natigilan sa sinabi ni Zaryl.

What?

EISHA'S POV

I was asleep for almost three months? Paano nangyari iyon? Tatlong araw lang naman ako nanatili sa lugar na iyon. So it means na mahaba pala ang oras na konokonsumo kapag nanatili ako sa lugar nila.

Shit, what happened to my schooling? I'm sure lahat sila ay naka-graduate na sa college. Tapos ako nandito pa rin sa hospital?

Napapikit na lang ako. Lahat sila ay nandito sa aking harapan at mabuti na lang ay inalalayan ako ni Dionysus at Aideen sa pag-aayos sa aking sarili bago sila makarating.

Imagine?

"Hala weh?! Pumunta ka talaga doon? Edi nakita mo sina Zeus ate?" Natauhan ako sa tanong ni Dionysus.

"Nakita niyo rin po si Goddess Hestia, ate?" Sunod naman si Aideen.

"Wait, all this time akala ko si Persephone lang nakita mo pero heck! Lahat pala sila!" Hindi makapaniwala na sabi ni Avianna.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung paano sila sagutin dahil bukod sa bawal, talagang kinokorner nila ako para magsalita. Wala sa sa sarili ako napahawak sa kwintas.

Walang salita lumabas sa bunganga ko, tanging ngiti lang ang naibigay kong sagot sa kanila.

"Aha! You're really hiding it from us! This selfish bitch..." Sabi ni Artemis habang nakaturo sa akin. Napaiwas ako ng tingin.

"Ay, hindi uso magshare ngayon?" Sabi ni Keidon.

"Ate! Ano po itsura ni Aprohodite?"

"What about Poseidon? Is he good looking?!"

Napapikit ako sa sinabi nila. Naiistress ako sa mga tanong nila! Wala rin naman ako maiisagot sa mga tanong na mga iyan.

Kung nandito lang si Hadrian...

"Nasaan si Hadrian?" Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ang paligid pero wala ako nakitang bakas niya.

Where is he? Bakit wala siya dito? Inooperahan pa rin ba siya?

Ang inaasahan ko na siya ang una kong makikita sa paggising ko pero wala siya. Bakit parang iba ang nararamdaman ko ngayon?

"Iniiba mo lang ang usapan eh!" Reklamo ng tatlo, sina Keidon, Dionysus at Delian.

"Bakit niyo po tinatago, ate?" Inosenteng tanong ni Aideen.

"Cut it out," natigilan sila sa nakakatakot na tinig ni Leigh. Matalim niya tinignan sina Keidon.

"It's obvious that she's not allowed to spread any information about there. You all stressing her out, snap out of it." Galit na sabi ni Leigh kaya napanguso ang tatlo habang ang iba ay nagulat.

"I-I'm serious, nasaan si Hadrian? Bakit nandito kayong lahat at siya ay wala?" Kinakabahan na tanong ko.

Napatahimik silang lahat na ikinabahala ko. Lahat sila ay tinignan si Artemis, tila sinasabing siya lang ang nakakaalam. Tumikhim si Artemis bago nagsalita.

"He's busy at work. You know, he's the next Heir of their company so..." Sabi ni Artemis kaya kumunot ang noo ko.

"But at least pay her a visit though?" Seryosong sabi ni Zaryl. Doon na napa-kibit balikat si Artemis.

Napayuko ako dahil sa aking narinig.

Ganon na ba siya ka-busy para hindi man lang ako puntahan?

Does he care at all? I was asleep for three months pero bakit parang... Wala lang sa kaniya? Bakit parang pakiramdam ko na balewala ako?

Kitang kita ko ang takot at kaba ng mga kaibigan ko kanina maging ang kapatid ko ay iyak ng iyak sa akin, she must be traumatized.

Pero si Hadrian? Alam niya ba na nagising na ako?

Napailing ako habang nakakuyom ang mga kamao. Maybe it's urgent, Eisha. Hadrian will never be that person, okay? He cares for you, maybe that work is really matters to him. Maybe...maybe it's more important than me.

Sumikip ang dibdib ko kaya hinawakan ko iyon. Kumawala na lang ako ng hininga.

He's just busy, he will visit you later...

"I told you that you cannot enter-- wait!"

Napatingin kami lahat sa sigaw na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita king sino pumasok. Napaatras ako bahagya.

"Is that finally her? Is that the First Lady?!"

Natigilan ako sa sinabi ng isang lalaki na pumasok. Marami silang pumasok, puro mga ma-edad na lalaki. Nakasuot na hindi pamilyar na kasuotan.

Lahat sila ay nakatingin sa akin na tila nakakita sila ng anghel na hindi ko malaman. Mangha na mangha pa. Agad napatayo si Patricia sa gulat at hinarangan ako nila Leigh at Zaryl.

"Ano 'to tanda? Sino mga iyan?!" Bahid ang galit sa tono ni Keidon.

Napahilamos sa mukha si lolo Franz.

"Oo, siya nga." Sagot ni lolo Franz sa tanong ng lalaki kanina at hindi pinansin si Keidon.

Nagulat ang mga lalaki at ang mas ikinagulat ko nang lumuhod silang lahat sa harapan ko. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Napasiksik ako sa headboard ng kama.

"What the hell are they doing?" Lumapit na rin si Delian sa pwesto namin.

"Oh lord! Almighty Zeus and Olympians! Thank you for sending your great Warrior to our world!" Sabay sabay nilang sabi habang nakaluhod.

Napasinghap ang ang mga kaibigan ko sa sinabi nila habang ako ay kinagat ang ibabang labi.

Paano? Paano nakarating dito sa mundong 'to ang tawag sa akin sa Greek Realm?!

Nanigas ako sa kinauupuan ko.

"What the fuck is First lady and warrior thingy, Eisha?" Matigas na sabi ni Leigh. Shit.

"I-I..." Hindi ko alam kung ano sasabihin ko!

"Our people are waiting for your arrival, First Lady! It was an honor to feel your presence in our world!"

What the fuck?! Hindi ko alam kung ano nangyayari pero sigurado ako na iisang First Lady lang ang tinutukoy nila at ako iyon. Pero paano nila nalaman ang tungkol doon?

"May alam ka ba dito? Bakit ka nila tinatawag na First Lady?" Tanong ni Zaryl sa akin.

"Oh let me guess, you're going to keep it too! Just at least give us an explanation about this! Because this is damn scary and weird! Did you become a Goddess or something?" Naiinis na sabi ni Artemis kaya napakagat ako sa labi.

"That's enough! Sorry apo sa abala. The girl needs a time to rest so please." Seryoso na sabi ni lolo Franz sa mga lalaki.

"But--" sinamaan sila ng tingin ni lolo Franz kaya wala na sila nagawa lalo nang halos ipagtulakan na sila ng mga kaibigan ko na lalaki.

"Okay ka lang ba, ate?" Tanong sa akin ni Patricia, tumango na lang ako habang hinahabol ang hininga.

I'm still in shock. I don't know what was that all about.

"What the hell was that?"

Nagulat ako dahil sa pamilyar na boses na iyon. Kumabog ang dibdib ko na makita si Hadrian na kakapasok lang.

"Hades!"

Sinalubong siya ng malulutong mura ng mga kaibigan niya kaya kumunot ang noo nito. Lumipat ang tingin niya sa akin kaya bahagya siya napa-awang ang labi sa gulat.

"You're awake..." Hindi niya makapaniwalang sabi.

Sumikip ang dibdib ko na makita ang mukha niya. It feels I haven't seen him for years. Nanggilid ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay niya. May mga dala siyang pagkain. It looks like shawarma and some milktea. My favorite snack. Kumalam bigla ang sikmura ko kaya tumaas ang gilid ng labi ni Hadrian.

"Baby, you're awake now..." Lumapit siya sa kama ko. Ngumuso ako bago tuluyang humiga para talikuran siya.

Nagulat siya dahil doon.

"I-I hate you..." Bulong ko.

"Oh... Nagtatampo ang first lady!" Sa pangaasar na boses pa lang alam ko na si Keidon iyon.

"We'll go now, we'll just give you time to talk. I hope you fix this, Hades. Hindi pa rin maayos ang pakiramdam niya." Seryosong sabi ni Zaryl.

Naramdaman ko marahan na paghawak ni Hadrian sa balikat.

"You don't need to tell me about it." Buntong hininga na sabi ni Hadrian kaya napairap ako.

Narinig kong lumabas ang mga kaibigan ko. Nanigas ang katawan ko na maramdaman ang yakap ni Hadrian sa akin.

"You always leaving me, baby. You don't know how it made me wreck again and again..." Bulong niya sa akin kaya napakagat ako sa ibabang labi.

Hindi ako gumalaw o nagsalita kaya nahalataan niya iyon. Bumangon siya at nilagay ang mga dala sa aking kama.

"Alright, I get it. If you don't want to talk to me just at least eat these hmm?" He softly muttered.

Napapikit ako nang ma-imagine ang mga pagkain na dala niya. Sa itsura pa lang ay naglalaway na ako. Nevermind! Nagugutom na ako!

Inis ako humarap sa kaniya at kinuha ang supot na hawak niya. Nakita ko ang munting ngisi sa labi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay, I'm sorry baby. You can eat na..." Malambing na sabi niya kaya umirap ako at sumandal sa headboard ng kama.

Siguraduhin mo na may sapat kang dahilan na sasabihin sa akin mamaya Hadrian!

ATHALEIGH'S POV

"What the heck is that lo?! Bakit ka nagdala ng mga baliw dito? Hindi 'to mental hospital!" Salubong ni Keidon sa lolo niya.

Nagsama sama kami sa gilid para mag-usap. And the group of the freaks was just standing right over beside us. They're talking something serious and it's kinda suspicious and creepy.

Bumuntong hininga si lolo Franz.

"Who are they?" Seryosong tanong ko.

"They were supposed to be your people but since you are no longer a Mythian, they will not bother you anymore." Seryosong sabi ni lolo Franz.

"Where are they came from? Mukhang hindi sila taga-rito." Mahinang sabi ni Avianna habang tumitingin sa kabila.

"They're from Greece. We have this secret society where people worship the Olympians in their temple. And of course, they know about Mythian, they have this belief that every person in this society must serve the Mythians. All the people in this society devoted to the Mythians." He explained.

That makes sense. That's why they're wearing an ancient clothes even in modern time.

"Kung ganon, bakit pa rin po nandito sila? Hindi na po kami Mythians at si ate Eisha rin po." Nagtatakang sabi ni Dionysus habang nakaupo at karga karga si Aideen sa kaniyang hita.

He's right. We're not longer a Mythian. We already lost our connection to the Olympians. Why are they still bothering Eisha?

"At bakit po sila lumuhod lolo? At First Lady tawag po nila kay ate Eisha?" Na-cucurious na tanong ni Aideen.

Huminga nang malalim si lolo Franz bago lumapit sa amin, parang gusto niya na kami lang ang makakarinig sa sasabihin niya.

That's why we have to compress each other! I don't want to stick with everybody but Avianna already pulled my hand towards them. I can't help but to frown.

I furrowed my brows when I saw Artemis pressing her body to mine. She's even pressing her freaking boobs to my arms.
I glared at her but she just stared at me with her usual bitch face.

"What?" She tried to make her voice sound annoying but it failed.

I just shook my head.

"Gusto nilang kunin si Eisha at dalhin sa kanilang templo. Dahil naniniwala sila na kahit hindi na siya Mythian, may koneksyon pa rin siya sa mga Olympians. They believe that she's the bridge to their world and she's the way to communicate with the Olympians from the Other World. Dahil siya pa lang ang kauna-unahang tao na nakapunta sa mundo nila at nakakita sa mga Olympians na harap-harapan." Paliwanag ni Lolo Franz.

I was stunned because of the truth he revealed. It's a disturbing and dangerous topic to discuss in public like this. Why does it feel illegal to know this matter even if it's not?

Eisha... She really can do that? It's not impossible because she met the Olympians with her own eyes but it's still unbelievable.

"And at this point, they will think that Eisha is a hero or some warrior that was sent here in our world, right?" Sabi ni Delian at tumango si Lolo Franz.

"Oh my gosh... It feels like my friend is a goddess!" Sabi ni Avianna habang pumapalakpak. Sumimangot ako. Is that even a good thing?

"Alam ba ni kuya Hades ang tungol dito?" Tanong ni Dionysus kaya natahimik kami.

"Of course, that man knows everything iho." Nagulat kami sa sinabi ni lolo Franz. Kumunot namam ang noo ko.

"How can you be sure, lo? Alam niya ba na galing sa ibang mundo si Eisha? Alam niya rin ba ang tungkol sa First Lady thingy?" Sarkastiko kong sabi.

"When I say the man knows everything I mean it, iha. He knows what's happening to his girlfriend in Other World, he can even predict of what judgment will be given by the Court, and we don't know how he do it." Natigilan kami sa sinabi ni lolo Franz.

Gusto ko sana na hindi maniwala but he looks serious. Very serious.

"Bakit? Pumunta ba siya 'don? Tch! Imposible naman 'yon!" Sabi ni Keidon pero ngumiti lang si lolo Franz.

"Sa panahong ngayon wala na imposible, iho. Bawat tao sa mundo ay may iba't ibang kakayahan na pinipiling itago, at isa siya sa mga iyon." It sent me shivers down to my spine.

I don't know how to react and to believe. Is it true that Hadrian is aware of what's happening to Eisha? Is he involved in what happened to Eisha back in the Other World?

~~••~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro