Chapter 72

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

PATRICIA'S POV

"Patricia, anak! Yung nobyo mo nandito!" Sigaw ni mama mula sa labas.

"Ha?!"

Anong nobyo ba? Wala akong nobyo! Namamadali ako nagsuot ng sapatos habang inaayos ang buhok sa salamin. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang pamilyar na nakaparadang kotse.

Kumunot ang noo ko.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni kuya habang nagtotoothbrush.

"Diyan lang, nag-ayaya!" Sigaw ko habang naglalakad palabas.

"Sige, wag ka na rin umuwi!" Sigaw niya pabalik kaya napairap ako.

Paglabas ko nakita ko si Zaryl na nakasandal sa harapan ng kaniyang kotse. Nasa lupa ang kaniyang paningin habang nakapamulsa.

Ano ginagawa niya dito?

Ano ba yan, akala ko ba sina Kuya Keidon at ate Avianna ang susundo sa akin? Bakit siya nandito?

"Bakit ikaw ang nandito?" Irita kong tanong.

Napatayo siya ng tuwid na makita ako. Hindi siya nagsalita. Umirap na lang ako at pumasok sa sasakyan niya. After he said those words, he still managed to show his face here?

No, she's just like my little sister.

Wow, little sister? Great. Kung kapatid ang turing niya sa akin, edi dapat tawagin ko rin siyang kuya diba? But it feels so awkward and uncomfortable.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya nang pumasok siya sa kotse. Tinapik tapik niya ang manibela habang sumsulyap sa akin.

"Bakit ikaw ang nagsundo sa akin? It should be Keidon." Sabi ko habang nakatingin sa phone ko.

Wala talaga ako ginagawa sa phone, pinipindot ko lang yung mga button na nakikita ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

Oh, magagalit na yan tignan mo.

"Call him kuya, Patricia."

Nahulog ang panga ko sa sinabi niya. And why would I? Maka-utos naman ito akala mo kung sino.

"We're close now. Hindi naman malayo ang gap namin hindi tulad mo. You're way older than him." Sabi ko at tumingin sa bintana.

That's the truth. Naging ka-close ang mga kaibigan ni ate.

We had an argument. It's obvious that I like Zaryl! Alam naman ata ng lahat iyon. Lagi pa nga kami inaasar ni kuya Keidon. I thought he like me too because of his motives. I thought we're in mutual understanding.

But I was wrong. Isang araw ay narinig ko ang usapan nila ng mga kaibigan niya. Mukhang kaibigan niya ata sa trabaho.

Tinanong siya ng kaibigan niya kung ka-ano ano niya ako. And he replied, "She's just like my little sister." Wonderful, isn't?

Grabe ang iyak ko kay ate 'non. Tumawag talaga ako sa kaniya at todong sigaw naman sa akin ni ate. She already warned me about him. Ilang beses niya sinabi na wag si Zaryl.

Akala ko ang paghatid, paghalik sa noo at pagyakap ay balewala lang sa kaniya? It was just friendly gestures?

Tangina niya ba?

Pinaasa niya ako. At alam ko na wala naman siya sinabi na umasa ako pero ano iyon? Kahit sino man ay magaakala na may gusto ka sa babae dahil sa mga galaw mo!

Tapos sasabihin niya na pang-kapatid lang ang mga iyon, nakasanayan niya na daw. Eh, putangina! Hindi nga nakakayanan ni kuya Gael na hawakan siya sa braso tapos sasabihin niya parang kapatid niya lang ang mga gawain niya iyon?

Nagulat ako ang bumilis ang pagmamaneho. Napahawak ako sa harapan at sinamaan siya ng tingin.

"Gusto mo ba ako mamatay?!" Sigaw ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Sumimangot lang ito at binagalan naman ang pagmamaneho.

"He's still older than you, call him Kuya." Naiinis niyang sabi kaya napangisi ako.

"Okay, Kuya Zaryl, tatawagin ko na po siyang kuya." Sabi ko at inirapan siya.

He tightened his jaw and gripped the wheel. His eyes darkened as he looked at me.

Mabilis niya inikot ang sasakyan at hininto sa kung saan. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ano na naman ba 'to? Kanina pa ako nasusuka, bakit tinigil mo--".

"Look, I'm sorry okay? About that day. I didn't know what I was saying that time. Kaya huwag ka nang ganito..." He suddenly said. He was staring at me deeply.

Ano daw?

"Anong ganito?"

Napabuntong hininga siya. Hinilot niya ang sentido niya na parang nahihirapan magsalita.

"You're acting... Strange. I don't like it." Mabilis niyang sabi.

Oh, kaninong kasalanan iyon?

Umiwas ako ng tingin.

"I don't what you're talking about, Kuya. I always act like this." Masungit kong sabi.

"Can't you stop calling me Kuya?" Nagulat ako nang tumaas ang boses niya.

"Bakit ba? Sabi mo tawagin ko ng kuya ang mga nakakatanda sa akin! Matanda ka rin ah! Mas matanda ka pa nga kay kuya Keidon!" Naiinis kong sabi.

Nagsalubong naman ang kilay niya.

"I'm different from him, okay?"

"How come you different? Gurang ka naman na talaga!" Giit ko.

"You don't call your boyfriend Kuya, Patricia!"

Ako naman ang natigilan. Hinabol ko ang hininga ko dahil sa kaniyang sinabi. Mabilis ako umiwas ng tingin. He ruffled his hair frustratedly.

My heart was pounding so fast.

"Boyfriend? Wow, from sister to girlfriend? Level up ka ah," sarkastiko kong sabi.

"Come on, Patricia. I'm sorry okay? Wag ka na magalit..." Naging malambing ang kaniyang boses.

I was startled when I felt his huge hand on my thigh. He's slowly caressing it.

"Oh, oh, galawang kapatid yan?" Nguso ko sa kamay niya.

Natahimik siya at mamaya ay bigla tumawa nang malakas. Nag-init ang mukha ko kaya hinampas ko siya ng bag.

"Sorry, you're just too adorable. Sige hindi na kapatid, binibini. Pasensya na, hmm?" Nagulat ako nang lumapit siya sa kinauupuan ko.

He cornered me. Hinarang niya ang braso niya sa harapan ko at lumapit sa akin. He gave me a kiss on my cheek before he started the engine of his car.

I froze. I literally didn't move.

What the hell was just happened?

Kiniss ako ng crush ko?!

It's not like we kissed for a first time but still, it's embarrassing and unbelievable. I feel like I'm in a dream. It's surreal.

Mabilis ko iniwas ang tingin. Narinig ko ang tawa niya kaya sumimangot ako. Tanging ang radyo lang ng sasakyan niya ang maririnig. Walang gusto bumasag ng katahimikan kaya mas lalo ako nailang.

"B-bakit ba tayo inimbita sa bahay ni kuya Keidon? May birthday ba?" Tanong ko habang nasa bintana ang tingin.

"It was Lolo Franz who actually invited us. Gusto daw kami makilala ng mga new Selecters." He replied.

Selecters?

"Anong Selecters?" Kunot noo ko siya nilingon.

"New batch of Mythians. Selecters are trainers for short. Beginners that need to prove themselves to the Olympians and obligated to do their tasks in order to become Mythians." Paliwanag niya habang nasa daan ang tingin.

"So you're not really a Mythians? You're Selecters?" Tanong ko.

Tumango siya.

"Was, Patricia. I'm not a Selecter anymore." Natatawang sabi niya peeo imbes na matawa rin, nalungkot ako.

So Selecter rin si ate Eisha? Dumadaan sila sa proseso kung saan papatunayan nila ang kanilang sarili sa Olympians. Kapag nagawa nila ang tasks nila, edi magiging certified Mythians na talaga sila?

"Why people called you Mythians not Selecters back then?"

Napatingin naman si Zaryl sa aking tanong. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ngayon lang ulit binuhay ang tawag na iyon. When lolo Franz returned, he started to use that word again." Sabi niya at binalik ang tingin sa daan.

Nakakalungkot naman. Kung hindi lang sumulpot si Medusa at bwisit na Rolando na 'yan, edi sana natapos na nila ang tasks nila at Mythians na sila ngayon.

Nakakapaghinayang, hindi ko matanggap na hindi sila magiging Mythian. Nakita ko ang kanilang abilidad sa pakikipag labanan at kung paano nila gamitin ang kanilang kapangyarihan sa tama.

But now, they will live like a normal individual. They need to move forward and forget everything like it was nothing.

"What if Olympians given you a chance to become a Mythian?" I asked him.

Kumunot ang noo niya nang lumingon siya sa akin. Parang natatawa pa. Nagsalubong ang kilay ko.

"That's an if, Zaryl!"

"Then I'm going to use my ability to help people and I'll maintain peace here. I'll do anything I can, to save people's lives." He said confidently.

Hindi ko maiwasan mapatulala sa kaniya. He's the great leader I've ever met. Kahit si ate ay alam 'yon.

"Kung ang Selecter pa lang ay may kapangyarihan na taglay, paano pa kaya kung naging Mythian ka na? What power and abilities do they have?"

Natahimik si Zaryl. Tumitig siya sa mga mata ko at ngumiti nang matipid.

"We will never know."

That's his last words. I was just staring at him. If there's way that Olympians will give them a chance to prove themselves, what would it be?

"We're here," anunsyo niya kaya mabilis ko tinignan ang sarili ko sa salamin.

"You look fine." Komento niya bigla pero umirap lang ako.

"Pupunta kaya si kuya Hadrian?" Tanong ko.

"Yes, no or maybe." He said plainly. Nanlumo ako sa sinabi niya.

"May alam ka ba kung bakit naging magkaaway sina kuya Keidon at kuya Hadrian?" Tanong ko habang kinukuha ang bag ko.

"Why are you asking that so suddenly? Are you going to report it to your sister?" Natatawang sabi niya habang pinapark ang kotse.

"Just answer okay? Kung wala kang alam edi okay..." Sabi ko habang nag-reretouch.

"They used to be close friends. Silang tatlo ni Hades, Keidon at Poletia. I'm sure you know Poletia right?"

Tumango na lang ako. Sino bang hindi nakakaalam? The news spread like a fire. Nagkwentuhan rin kami ni ate tungkol doon. She didn't tell me the full story. Kaya hanggang ngayon a nagtatampo ako sa kaniya.

But she always remind me one thing. And that is don't ever get mad at Poletia. She's my sister so it's natural for her to know my attitude, alam niya siguro na sisimangutan ko iyon at iirapan kaya binalalaan niya na agad ako.

I wanted to ask her why but the pain flashing in her eyes everything time I ask her about that. So I refrain from asking.

Bakit niya pinoprotektahan ang Poletia na 'yon? Hindi ba dapat magalit siya kay Poletia dahil siya ang dahilan kung bakit nasasaktan siya ngayon?

Kuya Hadrian doesn't deserve a person like my sister. Ate Eisha is the most understanding and selfless person we know.

Ang sakit sa parte ko na makita siya ganon. Kahit ngumingiti at tumatawa siya sa video call namin, halata sa mga mata niya ang pagod at lungkot na pilit niya tinatago.

My ate is suffering and what about that asshole? Siguro nagsasaya iyon ngayon.

"Pagmamahal ang naging rason bakit nasira ang pagkakaibigan nila. Pareho sila nagka-gusto kay Poletia. Hades had her first, pero habang tumatagal gumagaan ang loob ni Poletia kay Keidon. But that was before. Poletia is now into Hades." He explained.

What? Their love story is complicated than I thought. Pwede na maging movie.

"And history repeats by itself when Eisha came to their lives. But this time, Keidon found her first. Keidon's fell in love with her, pero pumasok sa eksena si Hades. Para kay Eisha, kapatid lang ang turing niya kay Keidon. Pero ayaw maniwala ni Keidon doon. Eisha fell in love with Hades in the middle of her task. We were afraid that it will cause a danger to us. But then Hades fell in love with her too. Persephone and Hades was bonded."

Natigilan ako sa sinabi niya. Natulala ako ng ilang sandali at kumurap. I didn't know ate experienced this. Nangyari ito lahat sa kaniya na hindi namin alam? Ate became mysterious ever since she joined in their group.

"Oh, kinginang yan. Ang aga niyo nga nakapunta pero nag-stay pa kayo sa kotse. Ano ginawa niyo doon?" Sumalubong sa amin ang boses ni kuya Keidon.

"Kuya Keidon! Parang bobo oh!" Naiinis kong sabi natawa siya nang malakas.

"Where's the Selecters?" Bungad ni Zaryl sa kaniya.

"Doon sa living room. Kinukilit si tanda. Mukhang pinagpalit na talaga tayo 'non." Sabi niya kuya Keidon at ngumiwi.

All of them became matured and changed in a good way. Si Zaryl ay laging puyat dahil sa trabaho niya pero nagagawa niya pa rin pumunta sa mga ganito. Si kuya Keidon naman ay lalong sumisikat. Well, sikat na talaga siya matagal na. Tumigil nga lang dahil sa tasks nila.

And the others too. I wonder if ate change too? Mukhang nakaroon na sila ng sari-sariling buhay dahil sa nangyari.

"Hestia and Dionysus should be in our team nga eh! Because they're too young like us!"

"B-but, lolo Franz said kinuha na sila ng team nila kuya Poseidon eh. I wish I can join in their team too."

Napatingin ako sa grupo na nagsasalita. They look young. Siguro kasing-edad ko nung unang makilala ko sina Zaryl. Highschool maybe?

May isang babae na brown ang hair at may bangs na nakaupo sa sofa at nakahalukipkip. Ang isa namang lalaki ay mukhang inosente na nakaupo sa sahig at nakayakap sa kaniyang mga tuhod.

Sa isang banda naman ang lalaki na walang emosyon at naka all black. Tinatakpan ng bangs niya ang kaniyang noo at mata kaya hindi ko makita ang buong mukha niya. Mukhang may sariling mundo. He looks emo.

"Are they the new generations?" Tanong ko bigla na maramdaman ko ang paglapit ni Zaryl sa aking tabi.

"No, we're in the same generation. They're just new batch. At ang susunod na generation ay maaaring maging anak natin o apo."

Natigilan ako sa sinabi niya at nanliit ang mga mata. He just laughed at me. I rolled my eyes.

"I want to meet Zeus! He is the leader right lolo Franz?" Sabi nung mukhang inosenteng bata.

Hindi ko maiwasan ngumisi kay Zaryl at sinikuan siya. Ngumisi rin naman ito na tila nagyayabang kaya natawa ako.

"Oh my gosh! They're here!"

Nagulat kami nang lumapit sila sa amin. Sumunod naman si kuya Keidon sa likuran namin.

"Hi kiddos, I'm Zaryl." Pagpapakilala ni Zaryl sa kanila.

Napatulala sila sa kaniya. Sa sobrang tangkad pa naman nito kailangan mo pa tumingala.

"I-ikaw po si Zeus diba?" Sabi nung lalaki. Tumango naman si Zaryl natawa pa.

At ayon nga, pinag-guluhan siya ng mga bata. Pilit siya pinapasalita tungkol sa nangyari sa labanan nila ni Medusa. Hinila siya patungo sa sofa para kausapin. Nagising naman ang mga natutulog dahil sa sigawan nila.

"Who are you? What goddess are you?" Nagulat ako sa pagsulpot ng batang babae na mukhang suplada kanina. Nakatingin ito sa akin.

"Charlotte! Dali, ikwekwento na ni kuya Zeus!" Sigaw ng kaibigan niya pero hindi niya ito pinansin.

Nagsimula naman ako kabahan nang titigan ako nito nang matalim.

"What Mythian are you?" Malditang tanong nito.

"U-uh, I'm not a Mythian nor Selecter. Kapatid ko si Persephone pero hindi ako sa kasama sa kanila." Paliwanag ko at napakamot sa batok.

Tumaas naman ang kilay nito.

"Then what are you doing here? You're not even belong here."

Nagulat ako sa sinabi nung Charlotte. Namemersonal ata to. Magagalit kaya si lolo Franz kapag sinampal ko ito? Tss.

Hindi ko alam kung ano isasagot ko kaya tumawa na lang ako. Hay naku ate, wala man lang ako kakampi dito sana hindi ka na lang umalis.

"She's the last person who knew about our secret. We're still investigating why she can still remember even Olympians wiped people's memories. And she's my girlfriend that's why she's here." Zaryl suddenly interrupted us.

Girlfriend? Nagiging assumero na naman ito.

Nagulat naman si Charlotte sa sinabi niya. Tumingin ulit ito sa akin at inirapan ako bago lumapit sa mga kaibigan niya. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Ang maldita naman 'non." Sabi ko nang lumapit si Kuya Keidon sa amin.

Tumawa ito nang malakas at inakbayan ako kaya sinamaan siya ng tingin ni Zaryl.

"Huwag ka mag-alala, papunta na rin ang pinaka-maldita sa ating lahat." Ngising sabi niya.

"Hindi na po ako makapaghintay makita si Hades! Sabi po ni lolo Franz, kinatatakutan po siya ng lahat!"

Napatingin kami lahat sa bata na nagsalita.

"Alexis!" Saway ng kaibigan nito. Alexis pala ang pangalan nung mukhang inosenteng lalaki.

Kumunot naman ang noo dahil doon. Mukhang natatakot ata sila pag-usapan si kuya Hadrian. Nagkibit balikat na lang ako.

Umupo ako sa tabi nung emo boy. Nakatingin lang ito sa TV at nakasimangot ang mukha. He's very pale, hindi ko alam kung may dugo pa ba ito sa katawan.

Gusto ko tignan ang mga mata niya pero natatakpan ito ng buhok niya. He look badass.

"Hi!" Masayang bati ko.

Hindi siya sumagot. Hindi niya ako pinansin. Hindi man lang siya gumalaw o kumurap. Kumunot naman ang noo ko at tinignan siya nang malapitan.

"You're Selecter, right? Training must be hard." Ngiting sabi ko pero hindi niya pa rin ako nito pinansin.

"We're Mythians not Selecters!" Singit naman nung Charlotte. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"B-but Charlotte, we're still need to do our task to become Mythians. Technically, we're still Selecters." Mahinang sabi nung Alexis sa kaniya.

"Argh! Bakit pa kasi pinauso ulit ni papa Franz ang tawag na iyan! I want people call me Mythian not Selecters!" Pumapadyak pa ito sa lupa dahil sa galit.

Napailing na lang ako. Nagulat ako nang makita pinapanood sila nung emo boy. Nakuha nila ang atensyon nito kaya hindi ko maiwasan ngumiti. Yes! Nakawala rin siya sa sarili niyang mundo.

"Finally! Hi!" Hinarang ko ang mukha ko sa mukha niya.

Pagod niya ako tinignan bago nilipat ang tingin sa TV. Bumagsak ang balikat ko.

"Why aren't you talking to me? Am I irritating?"

Tumango ito habang nanonood kaya nagulat ako. Napanguso ako.

"Hmph, siguro kung si Persephone ang kumausap sa'yo hindi ka siguro maiirita no?" Sarkastiko ko sabi.

At ang magaling bata na 'to ay napalingon pagkatapos ko banggitin si ate. Ay ang galing naman talaga. May favoritism.

"Where is she?" Tanong niya kaya umirap ako.

"Bakit ko sasabihin sa'yo? I'm trying to be friends with you pero si ate lang pala ang hanap mo. Hindi ko sasabihin sa'yo hmph! Kay Alexis na lang ako." Sabi ko at tatayo sana pero hinila niya ako.

"I'm Hermes."

Napatingin naman ako.

"Hermes? As in the God or your real name?"

Umwas ito ng tingin.

"I can't tell you my real name." Sabi niya bago nanood ulit sa TV. Nagbuntong hininga na lang ako.

Mysterious naman pala. Nawawalang anak ba ito ni kuya Hadrian at ate?

"I find you beautiful that's why I'm avoiding you. You have boyfriend right?" Nagulat ako sa sinabi niya. Kung makapagsalita ay akala mo matanda.

Pero hindi ko maiwasan ngumiti sa sinabi niya. Maganda daw ako? Psh, batang to pasimple pa.

"Eh ano naman kung meron?"

"I might steal you." He said plainly like it was nothing.

Natorete ako sa sinabi niya. Nakakagulat ang mga sinasabi nito. Hindi ko maiwasan mamangha. Masabi nga kay ate mamaya.

"Sus, bakit binanggit ko lang si ate napalingon ka agad?"

"Because I was thinking if she's still single. You two seem quite pretty." Sabi niya at tinignan ako sandali.

Natawa ako nang mahina at tinapik siya sa balikat. Hindi naman siya nagsalita o lumingon. Walang emosyon lang siya nakatingin sa TV.

"You're still young. Go explore, wag lovelife agad." Sabi ko pero hindi ako nito pinansin.

"What are you saying that I'm like Artemis kuya Poseidon? Is she don't have originality? I am me! And her name disgusts me agad!"

Nagulat ako sa sigaw ni Charlotte. Tinawanan na lang siya nila Zaryl at Keidon. Nagsalubong naman ang kilay ni Charlotte na ngayon pinipigilan ni Alexis.

"Who's this little bitch? Wait, did I just hear my name sounds disgusting?"

Napalingon kaming lahat sa pinto. Nakita namin si ate Artemis, ate Athaleigh at ate Avianna na palapit sa aming pwesto.

I saw ate Artemis wearing a high heels, shades, a crop top with fur jacket and black jeans. And as usual she's wearing her red lipstick signature. Her nails are deadly long yet gorgeous.

Si ate Athaleigh naman ay naka-blue polo with coat. Her black slacks emphasize her long legs. She became so tall. She ruffled her hair while walking.

Si Ate Avianna ay nakangiti agad. Her angelic face welcomed us. She's wearing a cute dress with sandals. She made her into messy bun and she look like a Celebrity!

"Patricia, you're here!" Tumili si ate Avianna kaya alinlangan ako napangiti. Sinugod niya ako ng yakap kaya napapikit ako.

Nakita ko si kuya Keidon na nakanganga habang tinitignan kami.

"Hello? I'm the boyfriend here, Danica?"

Natawa kami pareho sa ungot ni kuya Keidon.

"Oops, sorry." Pumunta sa kaniya si ate Avianna. Napangiti ako habang tinitignan sila.

I felt a pain in my chest. Nakakalungkot dahil wala si Ate Eisha dito para tignan ang lahat ng ito.

"Answer me you, little bitch. How dare you--"

"Artemis, she's just a child." Pigil agad ni ate Leigh at tinignan siya nang matalim.

Nakita ko naman si Charlotte na natahimik dahil sa takot. Iniiwas ang tingin kapag tumatama ang kanilang mga mata ni ate Artemis. Pa-simpleng nagtago pa ito sa malapad na likuran ni Zaryl.

Napanguso naman ako.

Bakit may pahawak hawak pa siya sa braso ni Zaryl? Akin yan eh!

"My name sounds perfect, and you're just going to insult it? Gusto mo bang putulan kita ng dila?" Pananakot pa ni ate Artemis.

Mukhang maiiyak na si Charlotte dahil nanginginig ang labi nito. She's teary-eyed! Kahit nga ako ay natatakot kay ate Artemis. Hindi ko alam kung paano siya nakakausap ni Ate Eisha na walang takot sa katawan.

"Okay, that's enough." Hinila na siya ni ate Leigh papalayo sa bata kaya natawa kaming lahat.

"Hey! Let go of me! Tuturuan ko 'yan ng leksyon!" Sigaw ni ate Artemis habang pumipiglas.

Nilingon siya ni ate Leigh at matalim siya tinignan na parang nakakamatay ang kaniyang tingin. Napaigtad si ate Artemis dahil doon.

"Ikaw ang tuturuan ko ng leksyon kapag hindi ka tumigil." Banta ni ate Leigh. She even gritted her teeth.

Natahimik si ate Artemis at nahuli ko ang munting ngisi sa labi niya kaya kumunot ang noo ko. Napailing na lang ako.

"Kuya Zaryl! Kuya Keidon! We're here! Ate Leigh, Ate Artemis hi!"

Napatingin kami kay Aideen na papasok sa loob. Ang laki ng ngiti niya sa labi.

Oh my gosh, nandito na ang bunso nila.

Nakita ko rin si Dionysus, kumaway ito sa amin habang hinahabol ang hininga. Hinabol niya ata si Aideen. Agad siya binuhat ni kuya Keidon.

"Laki mo na ah," sabi ni kuya Keidon kaya napahagikgik ito.

Nakatulala lang sina Alexis sa kanila. Para bang pinag-aaralan ang kanilang galaw. Gusto ko na lang matawa. Nakanganga pa ang iba na akala mo ay nakakita ng artista. Paano ba kaya kapag dumating si kuya Hadrian? Edi nahimatay na sila?

"Hala, they're here. Mythians are here..." Bulong ng katabi kong babae na kanina ay natutulog lang.

"They were Selecters psh." Sabi ni Charlotte pero hindi siya pinansin nung babae.

"B-bakit po wala si Apollo at Persephone?" Napalingon kami kay Alexis na nahihiyang tumingin sa kanila.

Natahimik ang lahat dahil sa kaniyang tanong. Napangisi na lang ako. Tumikhim si ate Artemis bago magsalita.

"Well, Persephone is currently studying abroad, reaching her fucking dreams." Sarkastikong sabi ni ate Artemis kaya sinamaan namin siya ng tingin.

"What?" Mataray niya pang sabi kaya napailing na lang kami.

"How about Apollo?" Napatingin ako kay Hermes dahil biglang nagsalita ito.

"Oh, you won't like it when he's here, I'm telling you..." Natatawang sabi ni ate Artemis kaya kumunot ang noo namin.

"Bakit naman po--"

"Okay! Since they're all here. Why don't we call my sister Persephone? What do you think?" Malakas na sabi ko sa kanila kaya lumaki ang ngiti nila.

Umupo ako sa sofa at kinuha ang phone ko. Natawa ako nang biglang nagsilapitan silang lahat sa pwesto ko. Dumudungaw pa sila sa phone ko kahit hindi ko pa naman natatawagan si Ate.

"Yes! We can see the First lady!" Excited na sabi ni Alexis.

Natigilan ang lahat maging ako ay napatingin sa kanila. Paano nila nalaman ang tungkol doon? As far as I know, ayaw ni ate ipaalam sa lahat ang tungkol doon hanggang sa maaari.

"Lolo Franz..." Nagulat ako nang sinamaan ng tingin nila si Lolo Franz na ngayon tumatawa.

"Why did you tell them about that? Mapapahamak si Eisha." Naiinis na sabi ni Zaryl kaya kinabahan ako.

"Oh believe me iho, I didn't tell them about that even a single thing. They figured it out by themselves."

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni lolo Franz. Napatulala ako habang tinitignan sina Alexis sa harapan ko. I can't believe that they can do that. May lahing tsismoso at tsismosa rin pala ang mga ito.

"Oh my gosh, I almost forgot that they're the children who saved us back then! Remember?" Sabi ni ate Avianna kaya napaisip sina kuya Keidon.

"You're right," napangiwi na lang si ate Leigh.

Habang tinatawagan ko si ate, nakita ko si Hermes na pa-simpleng dumudungaw sa phone ko kaya ngumisi ako. Si Charlotte naman ay tahimik na nakaupo sa tabi ko.

"Is there a problem, Patricia? Why are you calling me?"

Lahat ay napalingon sa gawi namin nang magsalita si ate. Maging sina kuya Keidon ay parang mga bata na lumapit sa amin at sumiksik pa talaga sa mga bata. Kahit si ate Artemis ay naki-isyuso na rin.

Nakita ko si ate na inaayos ang kaniyang buhok. Naka-make up pa ito, mukhang galing sa party.

"Hoy Eisha! Saan ka galing!" Bungad agad ni kuya Keidon kay ate na kulang na lang ay tumapat ang kaniyang nguso sa screen ng phone ko.

"Ano ba kuya, nanonood rin sila huwag ka humarang!" Tinulak ko ang mukha niya kaya ngumuso ito.

Narinig namin na tumawa nang malakas si ate kaya napatingin na rin si ate Leigh. Humaba ang buhok ni ate at mas lalong humugis ang kaniyang mukha.

In fairness, nakakaganda rin pala ang pag-iibang bansa.

"Galing ako sa club, birthday ng kaibigan ko. Oh, who's that?" Nilapit ni ate ang mukha niya kaya natawa kami.

"Hi, First lady! I'm Alexis po. Ares' Selecter--"

"Mythian!" Putol agad ni Charlotte.

Nagulat naman si ate. Parang namamangha.

"Wow, new batch of Mythians I see! Wait, what did you just call me?" Kinabahan kami sa tanong ni ate.

Mabilis ko nilayo ang phone at pinandilatan sila ng mga mata.

"Call her Persephone or ate Eisha!" Sabi ko sa kanila. Kahit nalilito ay tumango sila.

"Is it true that you saw the Olympians? Or you're just faking it?" Nanlumo ako dahil sa sinabi ni Charlotte.

Malapit ko na tapikin ang bunganga niya kung hindi lang talaga nagsalita si ate.

"You told them?" Magkasalubong ang kilay ni ate kaya napalunok si kuya Keidon at Zaryl. Lumayo naman si ate Leigh dahil doon.

"We didn't, they figured it out by themselves." Sabi ni Zaryl.

Natampal sa noo si ate.

"Wow, so it means you really saw them? What are they look like?" Sabi nung babae na natutulog kanina.

Nakita namin napalunok si ate at sumandal sa kinauupuan.

"Well, they're extremely intimidating." Maiksing sabi niya.

"Is that all?" Charlotte said while raising her eyebrow.

Natawa naman si ate Eisha kaya natigilan sila.

"It's better if you know less. Baka bawiin nila ang hatol nila sa akin." Natatawang sabi niya kaya nagulat kami.

She's talking about Zeus and others right?

Hinayaan ko ang mga bata na kausapin si ate. Binigay ko muna ang phone ko kay Alexis kaya sumunod naman sa kaniya ang mga kaibigan niya. Nakangiti lang ako habang pinapanood sila.

"Oh they're here," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Zaryl.

Napatingin kami sa pinto at nakita namin si kuya Hadrian. And he's not alone. He's with a tall beautiful woman, I guess this is Poletia that they've been talking about. Mukhang may lahi.

"Hala! Si Hades iyan?" Tanong ng isang kaibigan ni Charlotte.

Nakita ko na natigilan si ate dahil sa sigaw na iyon. I bit my lower lip. Napatingin rin si kuya Hadrian sa gawi namin. Dali dali ko kinuha ang phone ko.

"A-ate," tawag ko sa kaniya.

She forced a smile.

"He's not alone, isn't he?" She asked while smiling.

Tinignan ko ulit si kuya Hadrian at Poletia na nakikipag-usap ngayon kay lolo Franz. Nilapitan rin sila ni Zaryl at iba pa. Nahalataan siguro ni kuya Hadrian ang pagtitig ko kaya umiwas agad ako at tinignan ang phone ko.

Nagbuntong hininga ako at tumango.

Hindi sumagot si ate.

"Sige, ibaba ko na. Tinatawag na ako ni Alicia." Sabi niya at nakita ko siya na tumayo.

"Pero ate... Usap tayo ulit mamaya ah?"

Narinig ko siya tumawa. Napalingon naman si kuya Hadrian dahil doon, seryoso ang mukha.

"Oo, naman. Ibaba ko na ah? Enjoy ka diyan, magpahatid ka kay Zaryl dahil delikado sa labas. Yung sinabi ko sa'yo ah?" Tinutukoy niya ang paalala na sinabi niya sa akin tungkol kay Poletia.

I can't help but to rolled my eyes. She's still thinking about other's feeling. How about her?

Napipilitan ako tumango. Pagka-end ko ng call, lumapit ako kay Zaryl. Alam kong palusot lang ni ate iyon, ayaw niya lang talaga makita si kuya Hadrian. Halata naman sa mga mata niya.

It's been a month since that fighting incident. Hindi ko alam kung ano nangyari sa kanila kuya Keidon at kuya Hadrian pagkatapos 'non pero mukhang naging close sila ngayon.

Hindi nga ako makapaniwala. Pagkatapos ng pagkakagulo nila sa bahay namin tapos eto sila ngayon, nagkwekwentuhan na parang mga tanga. Mga lalaki talaga.

"Where's ate Eisha, kuya Hadrian?"

Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Aideen na ngayon lang pumunta sa salas dahil kumain ito kanina. Hindi niya siguro naabutan ang pagtawag namin kay ate Eisha sa telepono.

"Hoy, awit. Wala ako sinasabi diyan." Pa-simpleng lumayo si Dionysus at umupo sa single sofa.

Nagtinginan kaming lahat. Walang isa man lang ang gustong sumagot. Tinignan ko si kuya Hadrian na walang emosyon tinitignan si Aideen. Ngumisi ako.

"U-uh, she's studying in far away, Aideen." Nakahinga kami nang maluwag dahil sumagot si ate Avianna.

Tumango naman si Aideen pero lumipat ang kaniyang tingin kay Poletia na ngayon katabi ni kuya Hadrian.

"Then who is she? Bakit niyo po kasama si kuya Hades?" Naging balisa silang lahat dahil sa tanong na iyon habang ako ay nakangisi.

Nakita ko ang pag-alinlangan sa pagsagot ni Poletia.

"Hi, you're Aideen right? I'm Poletia. Your kuya Hades'... Girlfriend." Kumunot ang noo dahil parang nagdadalawang isip pa siya.

Tss, dapat nga matapang ka ngayon kasi na sa iyo na siya.

I hate kuya Hadrian for being insensitive. Does he really have to bring her here? What for? Parang ipagmukha sa amin na pinagpalit na agad siya kay ate?

At bakit naman nandito si Poletia? May alam ba siya tungkol sa Mythian? Probably not.

"But you're not Persephone." Diretsuhang sabi ni Aideen kaya napasinghap kami.

Kumunot naman ang noo ni Poletia. Nagtataka siya tumingin kay kuya Hadrian bago binalik ang tingin sa bata.

"P-persephone? You mean the Goddess? I can be Persephone if you want." Ngumiti si Poletia.

"What? Hindi po pwede. You didn't even had a power. You're not even a Myth--"

"Oh! Sino gustong lumpia diyan?" Agad tinakpan ni kuya Keidon ang bibig ni Aideen.

"Ako!" Sigaw ni Charlotte at mabilis na tumakbo papunta sa kaniya.

Kahit papano ay gumaan ang tension dito. Nakikita ko ang masamang titig ni Aideen kay Poletia at kay kuya Hadrian.

"I hate you, kuya Hades." Biglang sabi ni Aideen kay kuya Hadrian.

Kumabog ang dibdib ko. Lumambot ang mukha ni kuya Hadrian na makitang maiiyak na si Aideen. Lumuhod ito sa kaniya.

"Hey..."

"You said you were loyal. I even defend you because I thought you're not like Zeus who cheats! Sinungaling ka. You're just like them pala, kuya Hades. I was wrong for trusting you. Hades was the only God I trust but you broke it!" Sigaw ni Aideen sa kaniya kaya napatakip ako sa bibig.

"Aideen!" Tawag nila ate Avianna dahil tumakbo ito papalayo.

"Let her." Seryosong sabi ni kuya Hadrian at tumayo.

"I'm sorry..." Narinig kong bulong ni Poletia kay kuya Hadrian. Hindi narinig iyon ng iba tanging ako lang nakapansin.

He just shook his head and he wrapped her arms around her waist. I scoffed and rolled my eyes.

"Oh, Poletia iha! You're here, dalagang dalaga ka na." Nagulat ako na kilala pala ni lolo Franz si Poletia.

Nagyakapan silang dalawa.

"Lolo Franz, it's nice to see you again." Ngumiti si Poletia.

Tahimik lang ako sa isang gilid habang sila ay nagkwekwentuhan. Balak pa ata mag-inuman ng mga lalaki. Natapos ang pag-uusap ni Poletia at lolo Franz. Mukhang dadalhan ata ni kuya Hadrian ng pagkain si Poletia.

Pinapasama siya ni kuya Hadrian pero umayaw ito. Pinili niya umupo mag-isa sa sofa habang nililibot ang paningin sa paligid. She must thinking that she's not belong here, I can see it all over her face.

Mukha siyang lonely girl na hindi ko malaman.

Nagulat ako na tumama ang paningin namin. Ngumiti siya nang kay tamis sa akin at hindi ko alam kung ano irereact!

Nawala ang ngiti niya dahil hindi ako tumugon. Hindi ko alam pero naramdam ako bigla ng awa. Wala na ako nagawa kundi ngumiti nang tipid at lumapit kay Zaryl.

EISHA'S POV

"Your sister called?" Alicia asked. Tumango ako.

Nanatili ako nakatulala sa pader. We had a party in the club because it was Nicolas' birthday. My gay friend I met in University. Siguro haggard ko tignan ngayon.

Narinig ko na humikab si Alicia at inabutan ako ng kape bago umupo sa tabi ko. Anong oras na kami nakauwi sa dorm dahil sa birthday na 'yon.

Napangiti ako dahil sa pag-uusap namin kanina. I forgot na sila pala ang mga Mythians na tumulong sa amin makatakas sa labanan na iyon. Mukhang masaya naman sila kasama base sa mukha ni Patricia kanina.

Malungkot ako napangiti. I wish I could join them.

Mukhang naging sociable na rin si Hadrian. Sinama niya rin si Poletia. I'm happy for both of them.

I sarcastically scoffed.

Really, Eisha? You're happy?

"Eyes up, girl." Utos ni Alicia kaya tumingin ako sa taas. Kumuha siya ng wet wipes para alisin ang make-up ko.

"What's your plan?" Alicia asked while staring at me.

"Plans?"

"Yeah, plans. Our finals is near. Are you staying here for good or are you planning to go back in Philippines?"

Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Naging maayos naman ang pananatili ko dito pero parang kulang. Hindi ko alam kung ganon. Masaya nga ako pero parang may kulang sa pagkatao ko.

"I... I don't think I'm ready..."

"Ready to face him?" She smirked.

Napatahimik ako.

Napabuntong hininga siya. Inayos niya ang buhok ko at nilagay ang ilang hibla sa likod ng tenga ko.

"Sweetie, you're not coming back there for him. What about your family? Your friends? I'm sure they miss you. Don't focus on him." She advised.

"Do you think I'm ready?" Tumingala ako sa kaniya.

"Honestly, you're not. But healing takes time, darling. Give yourself love and attention. And if you think you're ready, then go." She smiled sweetly.

~~••~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro