Chapter Uno: Jacket

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


CHAPTER UNO: "Jacket"

HIM

Para sa akin ang araw na 'to.

Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Para sa akin ang araw na 'to. Para sa akin ang araw na 'to. Para sa akin ang araw na 'to.

PARA. SA. AKIN. ANG. ARAW. NA. 'TO.

For the first time in five years, ngayon lang ako magkakaroon ng araw na para sa'kin. Yung iintindihin ko lang ang sarili ko. Yung magagawa ko lahat ng gusto ko. Yung wala akong iisipin na kahit na sino.

Kaya pinili kong pumunta...

...sa coffee shop.

Yeah, right.

Araw ng kalayaan at naisipan kong sa coffee shop tumambay. I want to kick myself. Pero kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung saan dapat pumunta.

Ganito pala pag nasanay kang laging may kasama. Nakakapanibago ang mag isa.

Dati, parati kong cinoconsider kung gusto niya ba ang lugar na pupuntahan namin o hindi. Dati, doon ako sa mga trip niyang puntahan. Kung saan ang sabihin niya, ayun ang masusunod.

Wala naman sa akin yun, sa totoo lang. Basta makita ko siyang masaya ayos lang.

Limang taon na ganun.

Ngayon na nagkaroon na ako ng chance na mag desisyon para sa sarili ko, na-realize ko, hindi ko na pala alam kung anong gusto ko.

Palagi na lang yung gusto niya sinusunod ko. Nakalimutan ko na yung ako.

Lumapit ako sa may counter to order my coffee.

"Tall brewed coffee please," I told the barista.

"With milk po ba sir? And how many packs of sugar do you need?" she asked.

"No milk and sugar please---" napahinto ako. Natigilan.

I'm actually not into brewed coffee. Lalo na yung walang gatas at asukal. Matamis akong mag kape. I used to order white mocha or café mocha. But when she started dieting, inalis ko na rin ang pagkakape ng matamis. Hindi naman niya hiniling. Ako ang nag kusa. Ayoko kasing ma-tempt siya na umorder ng matamis. I did that to support her. Ano ba naman yung ibahin ko ang regular coffee ko kung tinutulungan ko naman ang babaeng mahal ko 'di ba?

"Sir?"

I snapped back into reality nang tawagin ako ng barista.

"Are you going to order anything else sir?"

"Ah sorry, I change my mind. I'll order grande white mocha instead."

Nginitian ako ng barista, "no problem! Grande white mocha. Is that all?"

"Yeah, that's all."

"That'll be 175 pesos."

I handed her my payment at nagpunta na ako sa hand-off area to get my drink. After that, umakyat na ako sa second floor ng coffee shop to look for an empty spot.

Parang automatic na naglakad ang paa ko papunta sa table near the window. Pero bigla akong napahinto ulit.

That's her favorite spot. Yung malapit sa bintana. Yung nakikita niya ang pag daan ng mga tao. Mas gusto ko umuupo sa may sofa sa tabi ng pader. Yun kasi yung may outlet at hindi masyadong maingay. Pero dahil mahal ko siya, umuupo ako kung saan niya gusto.

Napaatras ako and instead, doon ako naupo sa sofa sa may pader. Inilapag ko yung coffee ko sa table at inilabas ko yung tablet ko.

Inikot ko ang paningin ko. Walang masyadong tao dito sa second floor ng coffee shop. Apat lang kaming nandito.

Dalawang magkaibigan ang nag o-occupy ng seat doon sa tabi ng bintana. Busy silang mag kuwentuhan dalawa. Mula rito sa kinalulugaran ko ay rinig ko ang tawanan nila.

Yung isang customer naman, nakaupo sa kabilang side nitong sofa sa tabi ng pader. May kape sa harap niya pero hindi niya iniinom. Nakatitig lang siya dito at parang malalim ang iniisip.

Pakiramdam ko isang empleyado 'to na hindi na alam ang gagawin sa buhay.

Parang ako.

Hiniling ko ang bagay na 'to. Ako ang nakipag hiwalay sa kanya. Pero bakit ganun? Pakiramdam ko ako pa rin ang naliligaw?

Naalala ko pa ang gabing yun. Ang gabing binitiwan ko na ang mga salitang matagal ko nang dala-dala.

"I'm so sorry. This time I need to choose myself. Let's break up."

Naalala ko pa ang pag bagsak ng luha sa mga mata niya nang bitiwan ko ang mga salitang yun. The sound of her cries is still stuck in my head.

Sa totoo lang, gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto kong yakapin siya at sabihing bumabalik na ako.

Pero may pumipigil sa akin. Alam kong mali. Sa ilang buwan na naguguluhan ako, ngayon lang ako nalinawan.

Kailangan ko munang mag isa. Kailangan ko munang mahalin ang sarili ko. Kasi paano ko siya magagawang mahalin ng buo kung ako mismo ay sira?

I heave a sigh as I look at the coffee in front of me. Bigla ulit pumasok sa isip ko ang mga iyak niya. Parang bigla ko ulit naririnig ito. And weird because it sounds more real this time. Parang nasa tabi ko lang siya ulit at umiiyak.

Until I realize, totoong iyak ang naririnig ko.

Napalingon ako sa babaeng nasa kabilang side ng sofa. Nakapatong ang ulo niya sa mga braso niya na nasa lamesa. Dinig na dinig ko mula rito ang pag hikbi niya.

I opened my tablet and took out my pen while trying my best not to mind her. After all, may kanya kanya tayong struggle sa buhay. Siguro minsan talaga sa buhay mo, mararansan mong umiyak sa public place.

I look at the blank space of my tablet. I want to draw but I'm feeling uninspired lately. To be honest, I'm getting frustrated. Pakiramdam ko this past few weeks, puro soulless ang mga naguguhit ko. Samantalang dati, puno ako ng inspirasyon.

Anong nangyari?

Narinig ko na naman ang pag iyak ng babae. Napalingon ulit ako sa kanya. Nakapatong pa rin ang ulo niya sa lamesa. Napaisip tuloy ako, ano kayang problema nito? Pamilya? Trabaho? Love life? Hindi na niya mapigilan ang pag iyak niya eh.

Napalingon ako sa paligid para tignan kung may iba bang nakapansin sa kanya bukod sa akin.

Yung dalawang magkaibigan na nasa may bintana, masaya pa ring nag uusap doon. Mukhang hindi nila napapansin ang babaeng umiiyak sa tabi ko.

"Ayoko na," dinig kong sabi niya sabay iyak ulit.

Ano kaya ang kinakaayawan niya?

Yung sakit?

Kasi kung oo, pareho kami. Ayoko na rin.

Napahikbi siya. Tagos yung tunog ng iyak niya sa akin. Kahit hindi ko alam yung problema niya, nararamdaman ko pa rin yung sakit.

Naalala ko bigla si Issa...

Gusto kong lapitan yung babae para tanungin kung okay lang ba siya. Pero mamaya sabihin feeling close ako.

Maya maya tumunog yung phone niya. Inangat niya ang ulo niya at pinunasan niya ang luha sa mga mata niya. She looked at her phone at in-off yung tunog nito.

Huminga siya ng malalim at bahagyang sinampal sampal ang sarili. Then bigla siyang napalingon sa pwesto ko. Our eyes met. Kita ko na kumalat ang kung anong make up sa mata niya. Para tuloy siyang lumuha ng itim.

Napaiwas agad ako ng tingin. Ibinaling ko ang atensyon ko sa tablet ko. Kunyari hindi ko siya nahuli na umiiyak at sinasampal sampal ang sarili.

Sa peripheral vision ko, I saw her stood up. At first, I thought lalapitan niya ako. But she just took her things and left.

The next day, bumalik ako sa coffee shop. Nakakatawa dahil na realize ko na wala talaga akong ibang lugar na gustong puntahan.

Mukhang magiging ganito na nga lang ang buhay ko araw araw habang naka break pa ako sa trabaho at .... break na kami.

Gigising. Kakain ng lunch. Pupunta dito sa coffee shop. Mag istay hanggang sa mag sara ito. Lilipat sa bar. Iinom saglit. Matutulog.

Napapaisip na naman tuloy ako...tama ba ang ginawa ko?

Nakarinig ako ng mga yapak ng paa na paakyat sa second floor. Pag tingin ko, nakita ko ulit yung babaeng umiiyak kahapon. May dala dala siyang tray ng inorder niyang kape. Napansin kong nag mamadali siya sa pag occupy ng seat doon sa tabi ng bintana. And the moment na inilapag niya ang tray sa table at ang mga gamit niya sa upuan, napaupo na lang din siya and she started to cry. Again.

What the hell?

Ano kaya ang problema niya?

Hindi ko makuhang i-alis ang mga tingin ko sa kanya. Hindi ko naman siya malapitan kasi baka nga tarayan ako. Pinanuod ko lang siya mula sa pwesto ko na umiyak. Good thing kaming dalawa lang ngayon ang nasa second floor ng coffee shop na 'to. Libreng libre ang pag iyak na hindi siya mahuhusgahan.

Maya maya, tumunog ulit ang phone niya. She turned off the sound at huminto na siya sa pag iyak.

Pagkatapos nun ay inilabas niya ang pouch niya. Kinuha ang salamin at tinignan ang sarili dito. Then may nilabas siya sa pouch niya na parang pencil? Hindi ko alam kung para saan. Pero ginamit niya 'to para ayusin ang kilay niya. Maya maya ay nilagyan niya na rin ng itim na guhit ang talukap niya.

Sa isip ko...matalino. Nag make up after umiyak. Kasi nung last time, para siyang lumuha ng itim na tinta.

Kakaiba siya ha?

Nakita kong mabilis niyang ininom ang kape niya then after nun, umalis na ulit siya.

Pumupunta lang ba siya rito para umiyak?

The next day, I saw her again. Same routine. Iiyak siya. Tutunog ang phone niya. Titigil sa pag iyak. Mag m-make up. Iinumin ng mabilis ang kape. Aalis.

At first I thought yung pag tunog ng phone niya, may tumatawag sa kanya na dine-decline niya. But then I realize, naka timer siya.

Fifteen minutes. She's giving herself fifteen minutes para umiyak sa kung ano man ang problema niya then after that, business as usual.

She knows how to handle her time, huh? I don't know if it's a weird routine or not, pero sa isang banda naiinggit ako.

Kasi ako, feeling ko kaya ko binabalik balikan ang coffee shop na 'to kasi nagtatago ako sa lungkot.

Desisyon ko naman 'to 'di ba? Pero bakit ang bigat sa pakiramdam?

On the fourth day, I was surprised to see na ang daming tao sa coffee shop. Ang haba ng pila. Parang biglang sabay sabay naisip ng mga tao na dito magkape ngayong araw. Anong meron?

Halos thirty minutes akong pumila. Inip na inip ako. Ilang beses kong naisipan na lumipat na lang ng ibang coffee shop pero tinatamad naman akong mag hanap. Dito na kasi ang nakasanayan ko, eh.

Nakasanayan.

Ganun ata talaga pag nasanay ka na, ang hirap nang baguhin, ang hirap nang umalis.

"Hi!" the barista greeted me nung finally, turn ko na. "Having your usual drink?"

"Yes please."

"Got it!"

Napalingon ulit ako sa paligid. Ang ingay bigla. Ang sakit ng ulo ko. Why did I even chose to stay here?

"Ang daming tao ngayon ha?" sabi ko doon sa barista.

"May promo po kasi kami today. Buy one get one coffee."

"Oh, that's why," sagot ko naman.

Halata ngang may pa-promo. Pero mukhang kahit sila ay hindi rin prepared. Ubos na ang for here mugs nila kaya sa take out cup na lang yung kape ko.

May mauupuan pa ba ako sa taas?

Paakyat pa lang ako, dinig ko na agad ang ingay. Tila nag mistulang fastfood chain ang lugar na ito at hindi coffee shop. Kahit yung relaxing instrumental music na tumutugtog sa background, hindi na nakakarelax. Nakakadagdag na lang din ng ingay.

True enough, wala na nga akong pwesto sa taas. Occupied ang lahat. Inikot ko ang paningin ko at baka may bakante pang table. Pero wala talaga.

Then I saw her seated at the middle. Mag isa lang. Naka-yuko. She's not crying but I can sense that she's about to. Sobrang pinipigilan lang niya. Siguro hindi niya magawa ngayon dahil ang daming tao.

Napahinga siya nang malalim. Napatingin sa kisame. I know her tears are about to burst. I can feel it. And just like that, I don't know what I'm doing anymore. The next thing I knew, naglalakad na ako papalapit sa kanya niya. 

HER

Busy akong tao.

It's not easy to manage a business on my own. Akala ko nung nag resign ako sa trabaho at nag tayo na lang ako ng online baking business, mas may free time ako. Pero mali. Habang dumarami ang orders, mas lalo akong nawawalan ng time.

Well, kasalanan ko rin naman kasi lahat ng orders tinatanggap ko. Nanghihinayang kasi ako sa profit. Pwede nang pandagdag yun para makapag tayo na ako ng sarili kong café.

In short, mas busy ako ngayon.

Galing niya nga tumiming. He broke up with me nung time na may malaki akong client. Yung time na malapit ko nang matupad ang dream ko. Yung time na pinaka busy ako.

Wala akong time ma broken hearted. But he did that to me, and until now, tinatanong ko pa rin kung bakit.

Everyday para akong nilalamon ng lungkot. Pero hindi ko magawang mailabas dahil busy ako. Hindi ako makaiyak sa gabi because I need to wake up early the next day to bake or do my groceries or meet a client. Araw araw dinededma ko ang sakit.

Pero sabi nga nila, nakakabaliw yang ganyan. Kung hindi ko ilalabas, aba baka yung pera na inipon ko eh mauwi na lang sa mental hospital bills ko, ayoko naman ng ganun.

Kaya sabi ko sa sarili ko, fifteen minutes. Sige pag bibigyan ko sarili ko na umiyak for fifteen minutes. Hindi pwede sa bahay kasi ayokong makita nila ang mata ko na bagong iyak. Nanay ko pa naman pag nag tanong sobrang kulit. Hindi pa ako ready sabihin ang about sa break up namin. Busy ako. Hindi ko mahaharap ang mga reaksyon nila.

Kailangan somewhere na hindi ma-tao. Somewhere na kahit papaano eh may privacy. Then I remember this coffee shop a few blocks from where I live. Onti lang nagpupunta rito kasi walang free wifi at mahina ang signal pero masarap ang kape.

Unang araw, I set a timer. Pero the moment I let myself cry, ang lala na ng iyak ko. Kulang na lang mag walling na ako dito. Ganito pala feeling pag hinayaan mo ang sarili mong umiyak? Parang nagkakaroon ng sariling buhay ang mga luha at nag kakarera sila sa pag labas sa mga mata mo. Sirang sira pa mascara at eyeliner ko. Nakakahiya kasi nakita ni kuya pogi sa kabilang table ang itsura ko.

Pangalawang araw, mas less intense ang iyak ko. Nadala na rin ako. Hindi na muna ako nag eyeliner. Mga after ko nang umiyak atsaka ako nag lagay. Medyo pinigilan ko na rin ang level ng pag iyak ko. Mga tipong patak patak na lang ng luha at onting hikbi.

Pangatlong araw, mas kalmado ulit. Naisip ko, naka pag inaraw araw ko 'to maubos na rin ang luha ko at ang sakit na nararamdaman ko. Sana.

Or so I thought.

Pang apat na araw, nag text ang gago kong ex.

"Sana okay ka lang. Lagi pa rin kita iniisip. Pero I need this time to be alone."

Gago 'di ba? Need mo pala ng time to be alone eh bakit nag tetext ka pa sa'kin? Anong gusto mong maramdaman ko? Parang sinabi mo na concern ka pa rin sa akin pero hindi ka na babalik. Ano pang use na malaman ko yun?!

At nag text pa ang hayop habang nag sasalin ako ng brownie batter sa brownie pan. Muntikan ko na maitapon lahat.

Agad akong pumunta sa coffee shop. Pero wow, maraming tao ang sumalubong sa akin. Mali pa ang pagkakagawa ng usual drink ko. Trainee barista kasi ang nag timpla. Masyadong bitter eh kailangan ko nga ng matamis. Hindi ko naman mapapalitan kasi iyak na iyak na ako. Pero hindi rin ako makaiyak kasi ang daming tao. Ang iingay nilang lahat. Puro tawanan. Ang sasaya niyo ha? Sana all! Edi kayo na! Kayo na ang masaya!

Bakit kasi nandito yang mga yan?

Bakit ngayon pa kung kailan kailangan ko mag major breakdown?

Bakit kasi ang busy ko masyado?

Bakit kasi wala akong friends na pwedeng takbuhan at iyakan?

Bakit kasi hindi ko masabi sabi kay mama na break na kami para hindi na niya araw araw binabanggit ang kumag na yun at tinatanong kung kailan ang kasal?

Bakit kasi kami nag break?

Bakit. Ang. Daming. Mali. Sa. Akin?!

Naiiyak na ako. Lalabas na ang luha ko. Naiiyak na talaga ako.

No. No. No. Wag dito sa public place. Pigilan mo yan!

Uminom ako to prevent myself from crying pero hayop ang pait talaga ng kape! Iiyak na talaga ako!

Strong ka! Hindi ka iiyak!

Tama. Strong ako. Hindi ako iiyak. Hindi ako magpapadala sa emosyon.

Kaya mong labanan 'yan!

Oo. Malalabanan ko ang luha na 'to? Ako pa ba? Nung na scam nga ako dati at pinaabot ko sa korte, hindi ako umiyak eh. Eto pa ba? Wala lang 'to. Sus.

Nagulat ako nang biglang may nag lapag ng kape sa harapan ko. Napaangat ang tingin ko and I saw a guy wearing a jacket standing beside me. His eyes—kahit nakatago sa salamin---is the kindest I've seen.

And I was surprised sa sunod niyang ginawa.

Hinubad niya ang jacket na suot niya at ipinatong niya ito sa ulo ko.

Then he said, "it's okay. You can cry now. I won't judge you."

And without any warnings, nag umpisa nang mag karera sa pabagsak ang mga luha sa mata ko.

To be continued...


#TaraKapeWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony