Epilogue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


EPILOGUE

ONE YEAR AFTER

PEACH

It's a chill Sunday.

Minsan lang akong magkaroon ng free time na ganito kaya naman nilulubos ko na. Isang meeting lang sa client then I'm done for today. And since I still got a lot of time in my hand, I decided to go to our meeting place early para makapag kape at makapag basa ng libro. So far I've read 35 pages from this book that I am currently reading and I'm running out of coffee. I was contemplating weather I should order another cup or not when I heard a familiar name being called out.

"Tall hot white mocha for Kaden."

Napalingon agad ako sa hand-off area ng coffee shop na ito. I saw a guy wearing a cup getting his order. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya but I know very well who is this guy.

Humarap yung guy sa pwesto ko habang hawak hawak yung kapeng in-order niya. Our eyes meet---and like before, it is still the kindest pair of eyes I've seen.

He smiled at me and so I smile back. Naglakad siya papunta sa pwesto ko.

"Hi," he greeted.

"Hi," I answered.

He reached out his hand, "I'm Kaden."

Bahagya akong napatawa at inabot ko ang kamay niya, "Peach."

Pareho kaming napatawa then he took the seat across me.

"Wow finally, after what? A year and a half? Nakapag introduce din tayo sa isa't isa," Kaden said sounding amuse.

"Oo nga eh. Biruin mo Kaden pala ang name mo? Bagay sa'yo. Very artistic."

"Thanks, Peach," natatawa tawa niyang sabi habang may diin sa pagkakabigkas niya ng pangalan ko. "On the other hand, ang sweet ng Peach para sa'yo."

"Wow kuya hinay hinay lang ha. Teka lang. Di tayo close!" pagbibiro ko sa kanya. "Obvious naman 'di ba? Kailangan mo pa imessage yung IG account ng baking business ko para makipag appointment sa akin."

"At kailangan ko pang bumili ng chocolate cake sa'yo para makipag kita ka sa akin," he laughed.

Kinuha ko yung box ng chocolate cake at inabot ko sa kanya, "o eto na Kaden. Special delivery."

He smile widely at kinuha ang box ng chocolate cake sa akin, "yown! Thanks Peach!"

"Masyado tayong nag-e-enjoy sa pagsasabi ng name ng isa't isa ha?" puna ko.

"Cute nga, eh. Peach. Kaden. Peach. Kaden. Para tayong team... PeKa. PeKachu?"

Halos mabuga ko ang kapeng iniinom ko dahil sa sinabi niya.

"Inang yan, ang labo!" sabi ko sabay hagalpak ng tawa. "Pokemon lang ang peg? Ang chaka ha! Pwede namang KaPe para mas swak."

Natawa rin siya sa suggestion niya, "oo nga 'no? Ba't di ko naisip yon?"

"Nag-iisip ka ba?"

"Oooofff savage! Wala ka pa rin pagbabago!"

"Wow. Parang kilalang kilala mo 'ko ha? At parang ikaw nagbago? You still like sweet coffee," sabi ko while pointing out sa white mocha na iniinom niya.

"And you're still bitter," he said habang tinuturo niya ang black coffee ko.

Tinaas ko ang cup ng kape ko and I sip, "I still like bitter coffee, but I am better now."

Napangiti siya sa sinabi ko, "that's great. So...how are you?"

"I'm good. Work in progress na yung café ko. Pag nag open, punta ka ha?"

"Nice... nice! Dream come true?"

Inangat ko ang tingin ko sa kanya then I smile and I nod as an answer.

"How about... how about him?" he asked. "Nag kabalikan ba kayo or...?"

Napayuko ako at inilapag ko yung tasa ng kape sa lamesa.

"Kaya ka ba umorder ng chocolate cake kasi gusto mong maki-chismis sa lovelife ko?" pagbibiro ko.

"Uy hindi ah. Namiss ko lang talaga yung chocolate cake. Ikaw talaga judgemental ka pa rin hanggang ngayon. Na curious lang din ako kaya nagtanong ako."

Napatawa ako sa reaction niya, "joke lang! Masyado ka pa rin seryoso. Anyway, nagkabalikan ba kami? Hmm.. Nag try siya bumalik pero ako naman yung umayaw."

"Wait.. what? Why?"

"Alam mo yung sa tagal niyang maging okay naka move on na ako sa kanya? Hindi ko na kayang bumalik sa relationship. Tinry ko naman, eh. Nag start ulit kami bilang magkaibigan. Lumalabas labas. Pero the more na nakakasama ko siya, the more na narerealize ko na wala na talaga. Maybe our relationship is really bound to end. It's sad, but at the same time, nandoon na rin sa akin yung excitement sa thought na baka nga may mas better pa."

"Are you happy right now?" he asked.

"I admit there are still times na nalulungkot ako. Nakakalungkot naman talaga mag-isa. Tapos namimiss ko pa rin siya. Pero mas lamang na sa akin ngayon yung pakiramdam na masaya akong mag-isa."

"Well, ayun naman ang importante 'di ba?" sabi niya. "You're healing. Kasama man siya o hindi."

I agreed, "eh ikaw? Kumusta naman."

Napangiti siya nang malawak, "well actually...."

"Kaden!"

Pareho kaming napatingin sa babaeng tumawag sa kanya.

I saw a pretty girl in a pink dress walking towards us. Napatayo naman si Kaden para salubungin siya.

"Issa, here," tawag niya dito.

Yumakap yung girl kay Kaden bago niya ako tignan.

"Oh, Issa, this is Peach. Yung tinutukoy ko sa'yong best pastry chef sa balat ng lupa. Peach, this is Issa, my fiancée."

Nagulat ako sa sinabi niya, "fiancée? Omg you're engaged?" I asked excitedly.

"Yeah," sagot ni Issa habang ngiting ngiti. "Kaden told me about you and sa'yo pala siya umoorder ng cake dati? Actually ako ang nag sabi sa kanya na i-contact ka kasi.. well, if it's okay with you, we want you to make our wedding cake."

My eyes lit up nang marinig ko ang sinabi niya, "of course I would love to!"

"Yehey!" masayang sabi ni Issa. "Oh, wait I'll just go to the restroom then we can discuss the details?"

"Sure. Go ahead."

Nung makaalis si Issa, hinampas ko sa braso si Kaden, "hindi mo sinabi sa akin agad na engaged ka na!"

Natawa siya, "sorry. Na surprise ka ba?"

"Oo gago ka! Oh my god ikakasal ka na!" ngiting ngiti kong sabi. "Teka.. siya ba yung hiniwalayan mo noon?"

Tumango siya, "yep. That's her."

"Wow. Binalikan mo at tinaggap ka pa rin."

"Wala, eh. By the end of the day, mahal ko pa rin. Nakapag isip ako, salamat sa Baguio. Siguro kinailangan ko lang talagang huminga 'non. Kinailangan ko lang din ayuisn ang sarili ko. At ganun din siya. After that, nung nag usap kami, nilatag namin lahat nang naging mali sa relasyon namin and we tried to work it out. She promised me na i-co-control na niya ang temper niya at mag bababa na siya ng pride. I promised her na I'll be more open sa mga gusto ko. It wasn't easy. Nandoon pa rin yung misunderstanding at tampuhan. 'Di naman siguro maiiwasan yun. But by the end of the day, pinipili pa rin namin ang isa't isa."

Napangiti ako sa sinabi niya, "happy ka?"

Tumango siya, "sobra. Maybe we are bound to be together."

Napahinga ako nang malalim, "hay medyo nainggit ako doon. For a moment parang gusto ko na ulit ng jowa. Pero enjoy muna akong maging single. At least isa sa atin naging matagumpay."

"Uy grabe anong isa lang. Naging matagumpay ka rin naman ah?" sabi niya. "Pinili mo na sarili mo."

"Gusto ko yan," nakangiti kong sabi. "So i-invite mo ba ako sa kasal niyo?"

"Oo naman! Ikaw nga gagawa ng cake eh."

"Push!" sabi ko sabay kuha ng cup ng kape ko. "Cheers muna tayo."

Inangat niya rin ang tasa ng kape niya, "on being better?"

"On being better."

~ FIN ~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony