Chapter 13 ~I Will Marry You Now If You Want

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng




ZANERO GUZMAN

A girls instinct is superb. Everytime she’s mentioning about Lily it suffocates me dahil ang pakiramdam ko ay may tinatago ako sa kanya. Lily is a friend of mine. She is a good person like her mom at ganoon din si Myrtle for sure. Hindi ko naman siya kailangang iwasan dahil wala naman ako’ng nararamdamn sa kanya eh. Pero si Chelsea, ramdam niya siguro na may iba’ng babae na umaaligid sa akin at tama naman talaga ang hinala niya.

“Paano na ’yan? Nakakatakot pa naman magselos ang mga babae.” Kausap ko si Travis habang kumakain sa canteen. Naikwento ko sa kanya ang pagbabanggit ni Chelsea kay Lily. “Hindi naman nakakatakot ah, I watched Chelsea get jealous and she’s cute.” Pagbibiro ko at napa-ubo si Travis.

“Grabe tinamaan talaga. Iwasan mo na si Lily dahil alam natin pareho na may gusto sa’yo ang batang iyon, baka maging komplikado lang ang lahat, kapatid pa naman siya ni Myrtle ang best friend ng kinabsbaliwan mo.” Travis has a point but...

“Ano na lang sabihin ni Tita Mariel? Sobra’ng laki pa naman ng utang na loob ko sa kanya. Binilin niya sa akin si Lily dahil wala naman ito’ng halos kaibigan sa school na iyon.” I reasoned. Kase si Myrtle sa malayo’ng school pa sa bayan nag-aral e. Hindi na lang sinamahan si Lily.

“Hindi ka makatanggi, okay understandable naman iyon pero huwag mo lang kakalimutan na ang babae ay laging tama ang hinala. Katulad pa naman ngayon na malayo kayo sa isa’t-isa ni Chelsea. Naku, Zanero doble ingat ka na lang.” Mahabang saysay ni Travis. Misan nakakatulong rin naman siya at matinong kausap pero minsan lang talaga.

“I’m going to make her understand about that kid, siguro naman maiintindihan ako ni Chelsea dahil mabait naman siya’ng tao at best friend niya rin naman ang kapatid ni Lily e.” Saad ko at kibit-balikat lang si Travis.

That was first week of July. One month after Chelsea went to Manila. Sinabi niya sa akin na uuwi raw siya ngayong buwan dahil mwy mga requirements pa siya’ng kukunin sa school. Hindi niya sinabi ang exact date but I waited her, I always wait for her to come home. Ilang oras lang naman ang byahe from Manila pauwi dito sa Quezon, Province.

That was Saturday afternoon, I’m in deep in thought while watching Joram trying to dunk the ball in a basketball net. Wala si Wyno. My world stop when I saw a girl in my peripheral vision hiding herself in a trunk of trees. “She startled me,” I smiled and mumbled. My heart was also stop but later it’s about to come out. ‘Uh I miss her,’ My heart shouts.

That girl, umuwi na pala siya at nag-eenjoy siya’ng panoorin ako. She called me kid but I feel she’s eye-raping me. Haha abusive naughty girl. Kinikilig ako kung anu man ang nasa isip niya at hahayaan ko siya. Cute niya tingnan, mas bata pa siya sa ganoong ayos kung may makapansin man sa kanya’ng iba.

“Hey!” She yelled. Okay tapos na siya’ng pagnasaan ako. I giggled na wala man lang nakakahalata. Kahit ang mga pinsan niya’ng si Xander at Joram ay hindi siya nakita. Lumingon kami’ng lahat at kumaway naman siya. “Welcome home!” Sigaw nila Xander pero nagpatuloy lang sa paglalaro ng basketball.

Pinuntahan ko siya at kunwari nagulat ako. “Kailan ka pa dumating? Sabi ko message mo ko para masundo kita sa Bayan. Kausap pa lang kita kagabi dapat sinabi mo na.” May pagtatampo sa boses ko. Gusyo ko siya’ng yakapin pero sobra’ng maliwanag pa kaya tiis muna.

“Gusto kita’ng sorpresahin e.” Giit niya habang patungo kami sa bench para maupo. I smiled a bit, kung alam niya lang na nakits ko siya.

“Nagulat nga ako, akala ko sino’ng maganda ang nagpapansin sa amin.” Tinutukoy ko ang mga pinsan at kaibigan niya. “Kumusta ang byahe? Kanina ka pa?” Usisa ko.

“Ayos lang sa byahe, smooth naman kasu inaantok ako pero hinanap ko kase si Joram at sabi nang kapatid niya’ng si Yazzy ay nagba-basketball raw kaya, pumunta ako dito, sisilipin ko lang sana, then hindi ko expected na nandito kaya ’yon tumuloy na ako rito.” She explained.

“Tumuloy ka, dahil namimiss mo ’ko.” Dinugtungan ko ang sasabihin niya at natawa naman siya. Uhh I miss that laugh and giggles. My mind shout.

“Yeah, kanina namiss kita pero hindi na ngayon dahil nakita na kita.” She innocently says.

“If you truly missed me, then hug me.” I requested at bigla naman tumaas ang isang kilay niya. “Seryuso? Dami’ng tao, isumbong ako kay Mama. Wala pa naman sila’ng kaalam-alam na tayo na.” Inirapan niya pa ako ulit habang sinasabi ’yon.

“Sige, later na lang kapag nagsiuwian na sila.” I smiled naughtily.

“Pauuwiin ko na ba? Kita mo hindi man lang nila ako pinansin, snob huh. Buti pa ikaw.” May pagtatampo sa boses niya. “Bonding ba kayo? Habang wala ako?” Dagdag na tanong ni Chelsea.

“Hindi e’ Umuwi kase ako saglit ng Cebu, may inasikaso lang. Tinawagan ako ni Kuya Simon, ’yong driver ko na naghatid sa akin dito. May konte’ng problema lang. ’Tsaka ayoko mag-jam sa kanila dahil mamimiss lang rin kita.” Mahabang paliwanag ko.

“So, may inuuwian ka pala sa Cebu? At hindi mo naikwento na may naghatid sa’yo dito. Naikuwento mo lang ’yong ambush. Pwedi ka naman mag-open sa akin, trusted and proven naman.” She’s earnestly curious waiting for my issues.

“Wala ako’ng inuuwian. Syempre I used that word dahil doon ang hometown ko. Pero kung iyang iniisip mo ay wala. May inasikasu lang dahil tumawag ang personal attorney ng parents ko, may ipinaliwanag lang sa akin.” I elaborate.

“Wait, parang ang bilis mo naman nakauwi at nakabalik from Cebu? Wala ka ring nasambit sa akin e.” Nag-iisip siya ng malalim.

“Eroplano at apat na oras lang ako nanatili doon. Back and forth.” Walang alinlangan na sabi ko. Nakita ko’ng lumaki ang mata niya sa gulat.

“Seyuso?!” She exclaimed.

“Yes. Why?” I answered.

“Why? Grabe ka--napaka-expensive nang pamasahe sa eroplano tapos apat na oras ka lang doon?!” Natutuwa ako sa reaksyon niya.

“Wala naman ako’ng dahilan para manatili doon e.” Tamad na sagot ko. I hate that place, sobra’ng mapait ang memories ko sa lugar na iyon. “That’s not my point, Mr. Guzman! Clueless naman. ’Yong pamasahe e’ sayang tapos balikan ka lang. Ano ’yan trysikel. Wow huh. Saan ka kumuha ng pera.” Natatawa ako sa kanya. Siya talaga ito’ng clueless. Sabagay, hindi naman siya tsismosa at wala rin talagang nakakaalam ng buhay ko. Pero hindi niya ba naisip na sa akin talaga ’yong sasakyan.

“Nakakatawa?” She mocked.

“Hindi. Hindi nakakatawa.” Nakakatakot naman siya. “Mayroon ako’ng savings, a car na nasa pangalan ko. Kahit ngayong oras e’ kung papayag ka lang kayang-kaya kitang pakasalan at kahit isang taon pa tayo mag-honeymoon ay hindi ka magugutom.” I grinned then she smirked.

“Tigilan mo ’ko. Hindi ka nakakatawa.” Nakayukong sabi niya habang sinisipa ang dahon sa may paanan niya. She’s something I can’t define talaga.

“Ano lang pala? Nakakakilig? Hmmnn,” Pang-aasar ko at nakita ko’ng may gumuhit na ngiti sa mga labi.

“Seryuso nayin ah!” Hindi namin napansin na papalapit pala si Xander. Napunta kase ang bola sa may malapit sa amin at tatawa-tawa lang na nakatingin. Tumango na lang ako at ngumisi.

“Two weeks lang pala ako dito, regular class ko na nextweek pero nagpaalam ako sa head na mali-late.” She’s diverting our topics because I saw her face reddened.

“That’s a bad news,” I sighed.

“Don’t be sad, ayos lang ’yan lagi naman tayo magkausap sa phone tapos kung gugutuhin mo ay pwedi mo ’kong puntahan sa school kahit back and forth ka pa.” She’s teasing me. “Tsaka magfocus ka muna sa pag-aaral mo. Kahit may savings ka pa ay kailangan pa rin ’yon para mabuhay ng hindi dehado.” Dugtong niya pa at natatawa na lang ako.

“Grabe, you’re like an ate that way, tapos may naalala pala ako, Miss Chelsea. Nakailang ulit mo ako’ng tinawag na kid, hmmmn.” Kinurot ko ang tungki ng ilong niya na ikinagulat naman ng huli. Hindi rin siya makapaniwala na naalala ko pa rin iyon.

“Wala ako’ng sinasabi na kid ka.” Kunwari tanggi niya.

“May sinabi ka at mananagot ka. Hindi lang ngayon.” I grin and smile.

Days passed pero hindi ko na nagawang puntahan si Chelsea dahil umpisa na ng pasok sa school namin. Pero nagpaalam naman ako sa kanya at sinabi niya rin kung kailan siya babalik ng Maynila at nangako ako na kikitain ko siya bago umalis.

“Saan kayo galing?” Nasa basketball court ako ng makita ko siya’ng kasama si Joram na naglalakad pauwi. Nag-aagaw na ang dilim kaya halos matumal na ang tao’ng nagagawi roon. Hinihintay ko siya’ng magreply sa message ko pero walang seen.

“Hi, uhmm galing kami kila Wyno. Foodtrip lang.” Nagpaiwan siya kay Joram at diritso uwi naman ang isa. Hindi mapakali si Chelsea, parang nahihiya siya o kinakabahan ng makita ako.

“Bonding kayo? Hindi mo ’ko isinama?” Walang emsoyong tanong ko. Kunwari’ng nagtatampo ako, pero medyo naiinis ako dahil hindi niya sinasagot ang mga message ko. Wala siya’ng imik. “Phone mo?” Dagdag tanong ko.

“Sa bahay. Charge ko ’yon. Akala ko sa school ka pa. Friday pa lang naman kaya hindi kita inisturbo and sorry-- hindi pala ako nakapagpaalam.” I saw my girl pouting her lips. Uhh a kid! Sarap kagatin. Sa isip ko.

“Uminom kayo?” Usisa ko.

“Hindi. Foodtrip lang kami.” Saad niya at hindi ako umimik. “Nagseselos ka ba? Sila Joram lang kasama ko.” Titig tuloy siya sa akin dahil wala ako’ng imik. Inaalam niya ang ekspresyon ng mukha ko.

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinisil ko. “Hindi mo ba nahahalata na may gusto sa’yo ang kaibigan mo, si Wyno?” Nagulat siya ng marinig ang sinabi ko. Nag-isip siya. “Bahay iyon ni Wyno eh. Hindi nga kita madala sa bahay ko, tapos sumama ka sa kanila.” Talagang halata naman sa itsura niya sa tuwing dumadating ako ay natatahimik si Wyno at nadadakip ko na nakatitig siya kay Chelsea.

“Hindi ko alam. Hindi ko naman siya pinapansin. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya.” Saad niya.

“Hindi mo talaga halata? Hindi mo ramdam? O manhid ka lang? Or baka ayaw mo lang sabihin sa’kin na matagal mo nang alam gusto ka niya?.” Walang emosyong pag-uusisa ko.

Matagal siya bago nag-salita ulit. “Ang mahalaga. Wala ako’ng gusto sa kanya.” Giit niya na umiwas ng tingin.

“Okay. Alam mo. Kilala kita e’ hindi mo nsman kaya magkunwari sa harapan ko. Hindi naman ako magagalit. Ang akin lang. Sumama ka pa sa bahay nila. Hindi sa wala ako’ng tiwala sa’yo. Mayroon at hindi mawawala iyon. Pero sa kanya--wala. Lalaki siya eh.” Mahabang paliwanag ko at hindi naman siya mapakali.

“Basted na ’yong tao.” Bulong ni Chelsea na nagpagising ng dugo ko. “Ikaw lang gusto ko.” Pagbabawi niya at alam ko naman na ako ang gusto niya kaya nga sinagot niya ako. Ramdam ko naman. Kasu, mali eh. Dapat nagpaalam siya dahil boyfriend niya ako.

“Sorry.” She murmur.

“Nakakatampo lang. Buti pa siya nakasama ka. Tapos ako? Kanina pa naghihintay sa’yo. Sa reply mo. Tulad ngayon. Gabi na naman, maya-maya uuwi kana sainyo.” Sunod-sunod ko’ng sabi.

“Hatid mo ko sa Valley Inn. Babalik na rin bukas ng Maynila kaya ako na muna ang magbabantay doon.” Nagtaka ako sa sinasabi niya noong una pero sa katagalan ay nakuha ko naman agad. “Tara.” Ako na ang nagyaya dahil mag-gagabi na. Para makauwi naman ng maaga ang Mama niya. Weekend bukas kaya off ng mga employees nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro