Chapter 28 ~Broken Destiny

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



CHELSEA RAMOS

“Tuloy na tuloy ka na niyan?” lumingon sa akin si Zane at nagtanong. Tinutukoy niya ang pag-alis ko ng bansa. Hindi mapakali ang puso ko sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin.

“Oo naman, wala namang pipigil,” pagbibiro ko at natawa naman siya. It’s funny being single, right?

“Walang pipigil . . .” inulit ni Zanero ang sinabi ko at nag-smile siya. “That’s good to hear.” Zane was driving the car smoothly. This is my first time being his passenger. I can see that he has a lot of patience, or is he just enjoying being with me?


“Wala kang boyfriend?” Napatingin ako sa kaniya nang tanungin niya sa’kin ’yon.


“Wala,” I replied.


“Since then?” Nagagawa niya akong kausapin habang patingin-tingin lang sa kalsada. I feel my heart bursting. Isa pang tanong niya ay talagang bababa na ako. Ang isipin pa lang na kaming dalawa lang sa sasakyan ngayon ay nakakapanghina na. My God, Chelsea! Akala ko ba, nakamove-on ka na?!


“Wala kang nakita na mas higit sa akin?” medyo mayabang na tanong niya. We both know we are perfect for each other. He stared at me, then smiled—and that melted my heart. The way he looks at me reminds me of how beautiful I am in his eyes.


“Wala. Paano ako makakahanap ng higit pa, kung lahat sila taob sa’yo?” Bigla niyang kinabig ang manibela at inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada na ikinagulat ko naman. May masama ba akong nasabi? Tinitigan niya ako na para bang may gusto siyang itanong o sabihin pero hanggang titig lang ang ginawa niya.


“I’m sorry, dahil hindi na tayo nagkita since the day na bumalik ka sa Maynila,” he’s suddenly apologizing. Is he affected by what I said? Baka iniisip niya na hindi pa ako nakakamove-on sa kaniya dahil hindi ako nagka-boyfriend o tumanggap ng manliligaw man lang, o baka ako lang ang nag-iisip na nakamove-on na ako?


“No. Ako dapat ang humingi ng paumanhin. That was all my fault. Mababaw ang pag-iisip ko at hindi kita binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag. Masiyado akong nagselos kina Lily at kahit kay Myrtle nang hindi man lang ako nag-usisa.”


“Okay lang iyon, that was all in the past. Naiintindihan ko rin naman ang side mo dahil naging masikreto ako at hindi ako nagtiwala sa’yo. Dapat, sinabi ko sa’yo para hindi mo ako pinag-isipan na niloloko kita. Sorry pa rin, Sea. I was so immature at that time. Ang inisip ko ay ang kapakanan ng kapatid ko at hindi ikaw na girlfriend ko,” he explained.


“Okay na ’yon, ‘di ba? Kalimutan na natin ang nakaraan. How’s your dad?” I asked him to divert our mood. I needed to come up with various topics since we were going to spend almost five to six hours on the journey home. He let out a deep sigh and started the engine of his car.


“He’s good. Nasa Marikina siya. Doon ako nakatira sa bahay niya ngayon.” He shared while maneuvering the car back onto the highway.


“And Lily?” I asked. “She’s in Cebu with Tita Mariel. ’Yong share ni Daddy na minana niya kay Lolo ay ibinigay niya kay Lily.”


“Grabe! Noong sinabi sa akin ni Myrtle ang tungkol kay Lily, hindi rin talaga ako makapaniwala. Kahit si Myrtle ay walang alam sa bagay na ’yon. Masaya ako na mayroon kang kapatid. Pasensiya na talaga, dahil pinagselosan ko ang batang ’yon. Kasi, dapat sinabi mo agad, e.”



“Nagulat din ako. Noong paalis kami ng Cebu ay sinabi sa akin ni Tita Mariel ang katotohanan at talagang plano na nila Lolo at Tita Mariel na ipasama sa akin si Lily dahil nakiusap si Daddy kay Tita Mariel. Gusto niyang makita at makilala si Lily. That night when Lily sent the message, I decided to tell her the truth and I was so mad at her because she crossed the line. ’Yon nga lang, hindi ko sa’yo naamin na kasama ko siya dahil alam kong selos na selos ka sa kaniya,” mahabang salaysay ni Zanero. Alam ko na rin naman ang lahat-lahat, pero hinahayaan ko siya para gumaan din ang pakiramdam niya.



Pinatawad ko na siya noon pa. Wala akong kahit pagtatampo man na nararamdaman. Pareho lang kaming biktima at ngayon, pareho na naming naiintindihan ang bawat isa. Mabuti siyang tao kaya pinili niya ang kapatid niya. Kahit ako, sobrang gaan na rin ng pakiramdam ko. Nilingon niya ako at nginitian ko siya. Nagkausap din kami sa wakas at payapa na.



Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung apektado pa ba ako sa mga titig niya. I know ganoon din siya. Awkward, pero wala naman dapat iwasan. We’re both okay. Maybe he is also moved on already. Gusto ko siyang tanungin pero baka magkamali ako ng tanong. Hindi ako sigurado kung pareho kami ng nararamdaman, pero minsan kapag tumititig siya sa akin ay hindi ako makahinga nang maayos, parang gusto kong pumara at bumaba na.


“Bakit ka natahimik d’yan?” usisa niya dahil hindi na ako umimik at ilang minuto akong nakatitig sa labas. “Inaantok ka?”


“Hindi, may pinapakiramdaman lang ako,” I replied.


“Ano naman ’yon?” usisa ni Zanero na medyo kumunot pa ang noo. Magaan pa rin talaga siyang kausap hanggang ngayon. Hindi ko kailangang magtago o magkunwari sa kaniya. He is a good listener. Matured na siya kumilos at magsalita, kaya medyo kinakabahan ako dahil baka magkamali ako ng tanong o sagot sa kaniya.


“Wala lang ito. Pinapakiramdaman ko lang ang sarili ko kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko dahil katabi kita,” natatawa kong saad, at mas lalo namang kumunot ang noo ni Zane.


“And then?”


“Seems ordinary,” I replied. I have my doubts dahil hindi nga ako makahinga nang maayos. Hindi rin ako sure sa nararamdaman ko ngayon.



“Walang ganiyanan. Walang plastikan. If your feelings are still the same as before, you should let me know, so I’m aware and have the right to understand,” he spoke while keeping his focus on the road. “Para alam ko rin kung iiwas ako o hindi,” dagdag pa niya at ako naman ang napaisip sa sinabi niya. Iiwas o hindi? Ano ang ibig sabihin no’n? Mayroon na ba siyang iba? May girlfriend kaya siya? No. Kahit ano’ng mangyari, hindi ako magtatanong sa kaniya.


“Oo! Ang O.A mo naman. Don’t worry, wala na akong nararamdaman. You are not my type pala. Hindi pala ikaw ang ideal man ko,” natatawa kong saad sa kaniya. Nilingon niya ako at parang nakakaloko ang ngiti na sumilay sa kaniyang labi.


Ano ba’ng pinagsasabi ko?! Ito na naman ako, e.  Nag-a-assume na may girlfriend siya kaya dapat niya akong iwasan. “Saka, alam ko naman na hindi ako mahirap pakawalan kaya ’yon, talagang kinalimutan na kita nang tuluyan.” Naninikip ang dibdib ko. Bigla akong nauuhaw sa mga pinagsasabi ko kay Zane kaya kinuha ko ang bottled water sa gilid ng sports bag ko at uminom.

“I didn’t let you go easily. I chose to let you go because of Lily. She needed me at that time. She was suffering from PTSD, and Tita Mariel asked me for help—” he paused, “I didn’t let you go. I released you, because I was hurting you too much, and I was also having a hard time seeing you cry.”


“Yes, I understand. It also helped us to grow individually,” I said.


“Kung pinatagal pa natin ’yon at lumalim nang lumalim ang hidwaan natin, hindi ko rin alam kung ano pa ang kahihinatnan. Baka mas lalo mo lang akong kasuklaman at isa pa, LDR tayo, kaya hindi mawawala ang pagdududa sa araw-araw na magkalayo tayo. Kaya, mas mabuti na rin na lumayo ka muna sa akin noon,”


“Nakakabaliw kaya na malayo ang girlfriend mo. Hindi mo makasama. Hindi mo mayakap. Sobrang nakakabagot maghintay, kaya siguro ganoon ang nangyari. Ayaw ko rin naman na pigilan kita dahil nag-aaral ka sa Maynila. Hinayaan kita dahil gusto kong matupad mo rin ang mga pangarap mo,” dagdag niya pa.


“Malay natin, sa pagbalik mo ay ready ka na ulit. Ready na tayo sa isang relasyon at ’yon ay kung hindi ka na aalis ulit.” Lumingon ako sa kaniya at natawa siya. Mas lalo tuloy tumaas ang kilay ko. Ano’ng pinagsasabi niya?

“Utot mo! Huwag ka nang umasa dahil maghahanap ako doon ng foreigner!” Nahampas ko tuloy siya sa braso. Isang halakhak ang pinakawalan ko. Wooh! I miss this version of myself. Nakaka-miss ang maging masaya ulit. Ang may kausap at alam kong makikinig sa akin dahil konektado ang nararamdaman namin. Luckily, si Zane ulit ang naging dahilan kaya ako tumatawa nang ganito.
He laughed. “You’re so funny. Na-miss kita, Sea.”

“And I missed you too, Zanero,” I responded. “But I guess this has to end like this, as friends.”


“I guess so, but don’t forget that I’m always here for you.” Zane tapped my shoulder, then he stopped the car.


“Until the end, corny ka pa rin, but thank you,” I teased him and he removed his seatbelt. Hindi ko napansin na nasa tapat pala kami ng isang restaurant sa tabi ng dagat. Nakarinig din ako ng mga hampas ng alon nang buksan niya ang sasakyan at bumaba. I miss the real sea. I smiled genuinely.


“Nakakagutom kang kasama. Let’s eat, my friend,” saad ni Zane saka bumaba ng sasakyan. Naiwan akong iiling-iling, pero umikot lang pala siya sa sasakyan para pagbuksan ako ng pinto.


“Mahal na prinsesa, bumaba na po kayo at ako’y talagang nagugutom na,” pagbibiro niya. He is so sweet. A sweet friend, I had to remind myself.


Oftentimes, we alone are responsible for why we get hurt so badly because we try to turn these temporary people into lifelong companions, but unfortunately, that’s not their role. It’s not their role to make you a queen in their castle, but only a maiden. It’s not their role to make us the best girl in white but the best friend of their life.
We parted ways as good friends, cherishing our shared memories. We didn’t want our story to end in bitterness, hence, they call it a broken destiny.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro