Translation Games: Tagalog (Filipino)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ang pagtitipon

By FoolsErrand

Translated by: clumatic


Isang nakagugulantang na katahimikan ang namayani sa pulong ng mga Diyos nang may isang makulay at matingkad na Anyo ang biglang lumitaw.

'Mukhang mayroong may nais ibahagi na ilang salita," ani ng Anyo.

Walang bota ang mga Diyos, ngunit kung mayroon man, lahat sila ay titingin sa direksyon na iyon.

"Magsimula na tayo," iritableng patuloy ng Anyo na bumasag ng katahimikan.

Ang matalinghagang Anyo ay lumaktaw sa Kalawakan at bumalot na parang isang manipis na lubid sa isang bituin na mas kilala bilang ang Araw. Saglit na huminto ang Anyo para gawing mas kapanapanabik ang eksena at pagkatapos, sa isang kumpas ay pinatay ang liyab ng araw.

Isang singhap ng kapanatagan ang narinig mula sa mga Diyos.

Bumulong ang Anyo, "Sa wakas, kapayapaan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro