16 // The Masochist Lover

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"There's something perverse about women...they're all masochists at heart."
— Henry Miller

~ ~ ~

Nanginginig ang mga kamay ni Ces habang hawak ang mouse ng computer na ginagamit niya. Nakatitig siya sa screen, staring at those big, bold, red letters. Nanlalaki ang kanyang mga mata, halu-halong emosyon—hindi siya makahinga.

THE LYLE YUZON, FINALLY SINGLE!

“Hindi kami nag-break!” Halos itulak na ni Ces ang nirerentahan niyang unit sa computer shop nang mabasa niya ang latest update ng website ng prinsipe niya.

Muntikan na rin niyang batuhin ang hawak na mouse kung hindi lang ito nakakabit sa CPU at kung hindi lang siya hinawakan ng bantay sa braso upang pigilan.

“Miss, huwag po tayong mageskandalo rito!” Tiningnan ni Ces ang lalaking bantay ng computer shop. Napaatras ang binata dahil sa matulis na tingin sa kanya ng dalagang hawak-hawak nito.

“Bitiwan mo ako.”

Agad namang sinunod ng binata ang mariin na utos ni Ces.

Everyone inside the computer shop looked at her. Lahat napatigil, lahat napatingin. Kahit 'yung mga busy players na naglalaro ng DotA ay napatigil sa pagsira ng mga towers para tingnan kung anong komosyon ang nangyayari. Napatigil din ang isang babae sa dulo na kanina pa nagse-selfie para may ipang-display picture sa Facebook. May nag-pause pa ng pinapanood nilang Koreanovela sa YouTube at kahit ang mga binatang nanonood sa Youjizz ay nabitin dahil sa ingay.

Lumabas si Ces ng computer shop. Kahit ang mga tambay sa labas na nagsusugal ay sinusundan siya ng tingin—dahil ang sexy niya sa damit niyang fitted dress at dahil sa halos pagwawala niya sa loob ng shop.

“Uy, miss! Magbayad ka muna!” Akmang hahabulin na ng bantay ng computer si Ces nang may humawak sa balikat nito para pigilan.

Paglingon ng bantay, nakita niya ang isang lalaking mas matangkad sa kanya. Misteryoso ang hitsura, maamo ang mukha pero ang pinakamapapansin sa kanya ay ang kanyang kanang kilay na may slant na hiwa. Kung tutuusin, puwera kay Ces—sa kanya ang pinakamatino ang mukha.

“Ako na lang ang magbabayad.” Napatingin ang ilang tao sa computer shop sa nagsalita. Ang ilan ay nagtaka kung sino 'yung lalaki, ang ilan ay nagtaka na may ganyang klase palang nilalang ang magko-computer shop e mukhang sosyalin na mayaman. Ang ilang babae ay nagulat dahil feeling nila nakakita sila ng anghel pero may isang lalaking nakikinig ng music ang nanlaki ang mga mata.

“Si—si ano 'yan, a!”

“Pero, Pitch—”

Ngumiti si Pitch then some girly giggles were heard inside the shop. “Hayaan mo na, Bert. Baka may problema.”

“Sino nga ba 'yan? Sa banda 'yan, e. . .” mahinang pagkokomento ng lalaking nakikinig ng music. Pilit iniisip kung saan niya nakita si Pitch.

* * *

Naglalakad lang si Ces, pinapakalma ang sarili sa sobrang pagkaasar sa balitang nabasa niya sa website ng Lyle niya. Mas ikina-badtrip niya ang pagkakatapilok dahil sa suot niyang sandals na may three-inch heels.

“Para kang baliw.” Pumikit si Ces at huminga nang malalim. Pakiramdam niya mas naaasar siya sa nagsalita sa likod pero hindi na lang niya pinansin dahil baka hindi naman siya ang sinabihan ng boses. “Wow, ang snob, ha?”

Kunot-noong lumingon si Ces sa likuran para tingnan ang pinanggalingan ng boses. Nanliit naman ang mga mata niya dahil feeling niya ay pinagtitripan siya ng boses—wala namang tao sa likod. Pagbalik niya ng tingin sa harap, halos sumabog ang puso niya sa gulat.

“Boo.”

“A—” Halos mapasigaw na siya sa gulat, mabuti na lang at napigilan niya. “Bakit ka nandito?”

“Kasi nababaliw ka na,” matter-of-factly na sabi ng binata.

“Hindi pa nga ba ako baliw?” Kahit papaano, huminahon at naging mahina na ang boses ni Ces. Kahit ang bilis pa rin ng tibok niya sa gulat, pinapakalma pa rin niya ang sarili.

Tiningnan lang siya ng kasama na may pagtataka sa mukha.

“Hindi pa ba ako baliw kung may nakikita akong lalaki na hindi nakikita at naririnig ng iba? Na imbis na naglalakad nang normal, palutang-lutang na lang?” Napatingin ang kasama ni Ces sa kanyang mga paa. May isang dangkal ang layo nito sa lupa, not touching the ground pero nakatayo—na para bang weightless.

“Hmm. . .hindi ko gets ang point mo,” kunot-noong sabi ng kasama.

Ipinikit ni Ces ang kanyang mga mata at huminga nang malalim saka idinilat muli ito. “Alam mo, Ash, ako rin. . . hindi ko na nage-gets ang lahat.”

* * *

“You sure are persistent.” Isang himala na nagwawalis si Keng sa shop habang walang customer. Gusto na nga sanang mag-celebrate ni Ces dahil sa kasipagang ipinapakita ni Keng kung hindi lang siya malungkot—kung hindi lang siya distracted for the past month—which was dapat ay nagse-celebrate na sila ng monthsary ni Lyle but then—he’s nowhere in sight.

Bumuntong-hininga si Ces at tiningnang muli ang cellphone na hawak niya. Hindi pa rin ito nagba-vibrate—simula nang lumabas si Lyle sa ospital, hindi na niya muling nakausap si Lyle. Masyado kasing pinagkakaguluhan, masyadong busy tapos ngayon. . . hindi na niya nakikita.

“W-wala lang siyang load.”

“Walang load? Nagpapatawa ka ba?” Tumigil si Keng sa paglilinis at tumingin kay Ces na may ngisi sa mga labi. “Naka-post paid 'yun. Paanong walang load?”

“B-busy,” buong-paniniwalang sabi ni Ces. Nakita niyang lumapit si Ash sa tabi ni Keng at sabay silang bumuntong-hininga.

“Uy, sabay kaming huminga, o!” tuwang-tuwang sabi ni Ash habang tinuturo-turo si Keng sa kanan niya. Nakakapagtaka dahil hindi naman siya humihinga pero nagbuntong-hininga siya. Sumasagi talaga sa isip ni Ces na weird ang kamatayan na ito.

Umikot lang si Ash kay Keng at pinagmamasdan ang buhok, mga tattoo at piercing ng dalaga, amazed na amazed kahit ilang beses na niyang nakikita dahil ikinukuwento niyang bawal kasi ang ganito sa mundo nila. But what stopped Ash from admiring Keng’s canvas—which was herself—ay ang sinabi ng dalaga habang nakatingin kay Ces na nakatingin sa cellphone nito. “Nakakaawa ka.”

Lumabas si Keng sa shop. . . Narinig ni Ces ang sinabi ng kasamahan pero pilit niyang hindi pinapakinggan. Hinawakan niya nang mahigpit ang cellphone niya, still waiting. Si Ash, nakatingin lang. . . medyo tulala, pinagmamasdan si Ces na still hoping at si Keng na hindi malaman kung ano’ng nararamdaman.

* * *

Sapilitang pumalakpak ang mga estudyante dahil umakyat na ang may pinakamataas na average nitong semester nila. Tuwang-tuwa naman ang nakakuha ng certificate dahil first time niyang ma-recognize dahil sa katalinuhan niya habang si Ces, ang dating tumatayo para kumuha ng certificate dahil siya ang nakakakuha ng pinakamataas na average, ay nakaupo lang sa isang normal na upuan—nakikipalakpak, nagbe-blend in sa crowd.

“Miss Flores.” Tumingala si Ces only to see their University Dean, Miss Caras, looking at her with something in her eyes. . . panghihinayang yata? “Follow me.”

Sumunod si Ces kay Miss Caras. Nakatingin siya sa likod nito. Kahit pa sinasabi nilang nasa late 40’s na si Miss Caras, she still had this glowing beauty. Parang kung tutuusin, mukha lang siyang in mid-20’s at isang bachelorette wherein ang totoo ay may anak itong tatlo at ang isa ay graduate na ng college.

Pumasok sila sa opisina ng Dean. Ito ang opisina kung saan pinirmahan niya ang kontrata bilang pagtatag sa kanya as a scholar student. Umupo ang Dean. Tahimik lang sila. Pinaupo rin siya sa katapat nitong upuan. Nag-ayos muna ng kung anong papel si Miss Caras at tulad ng ibang nakakausap ni Ces, bumuntong-hininga ulit ito.

“What happened, Miss Flores?” Hindi makatingin si Ces kay Miss Caras. Alam niya ito—she's guilty. Alam niyang napabayaan niya ang pag-aaral niya. Lahat ng professors ay nagtaka sa naging gawi ni Ces. Their ace and favorite student. . . biglang nawala. Ang dating Ces na palaaral, gumagawa ng mga activities at matataas ang nakukuhang grades ay. . . nawala.

“I'm not pressuring you or anything pero kung magpapatuloy ito, the higher ups will not be pleased,” mahinahong pagpapaalala kay Ces. Napahigpit naman ang hawak ni Ces sa kanyang skirt.

“S-Sorry. . .”

Narinig niya ang hiyawan sa labas ng office at parang tugtugan—nagsisimula na yata 'yung last event para sa Semestral Ender program.

“Pauline.” Ces’ body stiffened. It was the first time na may tumawag sa kanya ng Pauline na professor. “Kung may problema ka, you could tell us. Alam mong kakampi mo kami.”

Tiningnan ni Ces si Miss Caras sa mukha nito. Kita ang pag-aalala ng professor sa kanya at para bang mas lalo siyang nabalutan ng guilt; lalo siyang nambaba. . . para bang wala na siyang kakayahan para magpakita pa ng mukha sa mga tumutulong sa kanya.

“Miss, babawi na lang po ako. . . s-sorry.” Again, bumuntong-hininga si Miss Caras but smiled at Ces saka ito pinayagan para lumabas.

Pagkalabas niya, nakita niya si Ash na nakatingin sa kanya na may seryosong mukha. Hindi niya ito pinansin dahil may mga tao sa labas at baka pagkamalan siyang baliw but Ash followed her. “Hindi ka nag-aaral.”

Patuloy lang ang paglalakad ni Ces, not minding that Death was following her.

Funny sentence. . . Death was following her. Wala siyang kawala.

“Tinutulungan ka ng mga professors—”

“Wala kang alam, Ash,” mariniin na sinabi ni Ces. Napatigil si Ash, nakatingin lang sa likod ni Ces nang bumaba ito sa hagdan. Walang alam? Si Ash—isang kamatayan, walang alam? Napansin na lang ni Ash na ang tagal ng pagkaka-stuck niya sa puwesto dahil may mga tumatagos na mga estudyanteng naglalakad sa kinatatayuan niya—rather, pinaglulutangan niya.

Napangisi siya. Hindi niya kasi alam kung masasaktan ba siya o maba-badtrip sa asal ni Ces.

Apparently, masyado nang nadi-distract si Ces. Lagi itong down, wala rin itong kinakausap, laging nagagalit, parang iritable lagi. Hindi nawawala sa tabi niya ang cellphone niya, still waiting. Minsan nga ay hindi na ito pumapasok sa klase para lang hanapin ang kanyang prinsipe. Hindi na rin siya nakakagawa ng mga school works.

Ang bilis ng biglang pagbago ng buhay ni Ces. One month pa lang ang nakakaraan, her life became a mess hanggang ang one month na 'yun ay naging two months and then on going. Mabuti na lang talaga at may awa ang mga professors sa kanya. Kahit ang Research Prof. nila ay nagtataka dahil gustong-gusto pa naman niya ang ginawa nina Flores at Yuzon.

Pero wala. . . nawala bigla ang Ces na palaaral tulad ng biglang pagkawala ni Lyle.

* * * 

But I don't care what they say, I'm in love with you
They try to pull me away but they don't know the truth
My heart's crippled by the vein that I keep on closing

Nakapikit si Ces, dinadama ang bawat salita sa kanyang kinakanta. Her voice was complementing the guitarist’s soft strumming pati na rin ang pagse-second voice nito.

You cut me open and I
Keep bleeding, keep, keep bleeding love
I keep bleeding, I keep, keep bleeding love

Ramdam naman ng audience ang pagkanta ni Ces. Siguro ang kantang ito ang pinakaramdam nilang kinanta ni Ces. Hindi man madalas ang dalaga sa bar dahil pinapatawag lang siya kapag kailangan, may ilang dumadayo pa rito para marinig si Ces.

Keep bleeding, keep, keep bleeding love
You cut me open

Puno kasi ng emosyon ang pagkanta ng dalaga. Ang sarap sa tainga, ang sarap pakinggan.

Trying hard not to hear but they talk so loud
Their piercing sounds fill my ears, try to fill me with doubt
Yet I know that the goal is to keep me from falling

Kasama ng audience, nanonood si Ash kay Ces—sa harap mismo. Siyempre, walang magrereklamo dahil hindi naman siya nakikita ng mga ito. Napapangiti si Ash. Ang sarap kasing pakinggan ng boses ng dalaga—very smooth pero may isa siyang napansin kay Ces.

But nothing's greater than the rush that comes with your embrace
And in this world of loneliness I see your face
Yet everyone around me thinks that I'm going crazy
Maybe, maybe

Her eyes. . . nakapikit ito pero ramdam mong may pinagdadaanan. Walang nakakapansin dahil medyo malayo ang audience sa kinauupuan ni Ces sa stage pero kung katulad ni Ash na pupuwedeng lumapit nang walang nagagambala, kitang-kita niya: ang mga mata ng dalaga habang nakapikit at kumakanta ay may mga luhang tumutulo.

Nagpalakpakan ang mga tao once again. Dito sa bar, ibang tao si Ces. Sa bar na ito, no one hated her—lahat ng nakikinig ay namamangha sa kanya. Mabuti na lang sa bar, walang humuhusga sa kanya.

“Magaling ka palang kumanta, ‘no?” compliment ni Ash habang palutang-lutang sa backstage. Si Ces naman ay nag-aayos na ng kanyang mga gamit. Kinongratyuleyt rin siya ng kasamang gitarista for doing a job well done.

Titik titik!

Napatingin si Ces kay Ash na nagulat rin sa pagtunog ng kanyang Death Gadget. Kumunot ang noo nito at tumingin kay Ces. “Sige, may trabaho pa ako,” at bigla na lang itong nawala.

Hindi na rin nagugulat si Ces sa ganitong act ni Ash—pawala-wala talaga ito dahil may trabaho ang binata bilang kamatayan. Siguro natutuwa rin naman siya sa company ni Ash, pero ang nakakaloko lang ay si Ash ang nagiging reminder niya sa isang katotohanang. . . hindi na niya pagmamay-ari ang kaluluwa niya.

Pagkahawak ni Ces ng kanyang cellphone para iligpit, nanlaki ang mga mata niya nang nag-vibrate ito. Pagtingin niya sa screen, halos magwala na ang puso niya. Unti-unti, ang ngiting matagal nang nawala sa kanyang mukha ay bumalik dahil sa nakita sa screen.

Lyle ko Calling. . .

She hurriedly answered the call.

“Babe! Bakit ang tagal mong hindi sinagot ‘yung phone?” Ang kaninang ngiti niya ay mabilis ding naglaho sa narinig. Napatigil siya. She looked at the screen of her phone again. Hindi siya nagkakamali: si Lyle talaga ito. Pero bakit?

Bakit hindi na “Princess” ang tawag sa kanya ng prinsipe niya?

“B-babe?”

Nakarinig ng kung anong ingay si Ces sa kabilang linya. Nakarinig pa siya ng ilang mura. Parang may ibang kasama si Lyle na mga kaibigan.

“A-A—Ces!”

Lalong nanlaki ang mga mata ni Ces sa biglaang pagtapos ni Lyle ng tawag. Pakiramdam din niya ay nanghina siya sa narinig. Parang. . . tama naman pero sobrang. . . sobrang mali.

Lyle called her Ces. . . with her nickname.

 

* * *

Semestral break, bakasyon. Hindi pa rin mapakali si Ces dahil simula ng tawag na 'yun ay ‘cannot be reached’ na ang number ng binata. Dahil gustong-gusto niyang makita ang kanyang prinsipe so she took the risk. Inipon niya ang kanyang pera para magbayad ng entrance fee sa Keng’s Night Out bar. Hindi ito naging madali dahil mahal ang entrance fee at ang haba rin ng pila pero nakagawa pa rin siya ng paraan.

It was a busy Saturday night. Pagpasok niya sa bar, masakit pa rin ito sa mga mata—walang pagbabago. People were wild, mas wild pa dati noong huli niyang punta. Hindi na lang niya ininda ang sakit sa mga mata dahil sa ilaw. Dapat niyang ituon ang atensyon sa paghahanap sa kanyang prinsipe.

Hindi naging madali ang lahat dahil ang daming tao but she spotted him—nakaupo sa usual sit nito. Her heart went wild. Ngayon na lang niya ulit nakita si Lyle simula noong sa ospital. Wala na itong galos sa mukha, walang mga sugat, wala na lahat—bumalik na ang prinsipe niya sa dati.

Ngiting-ngiti si Ces na papalapit sa binata nang matigilan siya nang makita niyang may isang pamilyar na babaeng lumapit kay Lyle.  Tinakpan ng babae ang mga mata ni Lyle at nakita niyang may ibinulong ito. She saw them smile at each other at. . . at. . .

Nakaramdam si Ces ng mainit na paghinga sa kanyang batok at may isang boses ng lalaki ang bumulong, “Don't look.” Nagulat siya sa biglang pagtakip ng isang kamay sa kanyang mga mata. Hindi niya alam sa sarili pero napangiti siya dahil huli na ang lahat.

Kasabay ng pagtakip sa mga mata niya ay saktong paglapat ng mga labi ng dalawang indibidwal sa kaniyang harap.

~ ~ ~

Author's Note:
OKAY LANG MAGULUHAN NGAYON. Sa mga nagtatanong bakit buhay pa si Ces, wala akong sinabing patay na siya. . . ang sabi ko lang is "everything went black" at hindi "namatay si Ces". Magkaiba po 'yun so take note lang natin 'yung mga words. Answers will be revealed, don't worry. Smile lang!

Dedicated kay sandreeya. Bakit? See picture at the multimedia part or click external link. Thank you sa pagbabasa ng TTLS sandreeyaaa~ huwag ka mahiya sa akin ano ka ba hahaha! Nakakatouch ka naman magcomment, nahihipo ako ng todo eh! :D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro