30 // Single Note

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"I can only note that the past is beautiful because one never realises an emotion at the time. It expands later, and thus we don't have complete emotions about the present, only about the past."
— Virginia Woolf

~ ~ ~

Panatag na ang loob ni Ces sa mga nangyayari, siguro dahil alam din niya na ang kaibigan niyang si Marky, nasa mabuti ng kamay ni Matt. Ang taong totoong nagmamahal sa kaibigan. Ang taong alam niyang hindi man perkpekto, gagawin ang lahat para mag fit ang lahat into places.

“Aaahh!”

“Mommy!”

Hindi mapigilan ni Ces ang pagtawa habang tinitignan ang dalawang katabi niya sa sofa—sila Melo at Note. Si Note ay nakayakap sa kanyang braso habang si Melo ay nakasandal sa kanya habang nakatakip ang unan sa mukha nito.

Dahil sa stressful na five songs practice ng buong banda at isang kanta na pagrerecord, kinailangan ng bandang MyuSick ang mag unwind para sumabak muli sa susunod na araw sa panibagong practice at recording. . . ito ang dahilan kung bakit hindi muna sila pumapasok sa kanilang university at nanonood ngayon ng isang horror movie.

Patayin sa Kiliti si Rayne.

Sigaw nang sigaw sila Note at Melo—tawa naman nang tawa si Ces dahil ang dalawang lalaki na kung makaasta ay sobrang macho, weak pala sa mga horror movies.

“Patayin na natin 'yan!” halos paiyak na sigaw ni Melo, nakatakip pa rin ang mukha ng unan.

Humigpit naman ang yakap ni Note sa braso ni Ces, “huwag—huwag muna, para mayakap ko pa si Ces!” natatawang sabi nito.

Napatigil ang buong banda sa sinabi ni Note. Kahit sila Pitch na nasa kabilang sofa na nakahiga at si Lyric na nasa kabila rin at nakahiga, napatingin kay Note.

Ngumiwi ang binata, “joke lang,” saka inilayo ang sarili kay Ces.

Ngumiti si Ces. . . hindi man niya nakakausap masyado sila Pitch at Lyric, nararamdaman din naman niya kahit papaano na nagkakaroon na sila ng connection. Kahit sa pagduet, hindi na rin siya masyadong nahihirapan kapag kasama si Lyric—kahit hindi sila nagtitinginang dalawa.

At least their voices blend well.

Natahimik muli ang buong grupo at nagfocus sa panonood ng movie. Napapangiti lang si Ces dahil naririnig niya ang malalalim na paghinga ng dalawang katabi niya. Hindi mapakali, ready na matakot hanggang sa. . .

“Shit!”

Tumingin ang lahat ng nasa sala kay Pitch nang bigla itong sumigaw at napalayo ang ulo sa screen. Wala pa namang nakakatakot sa pinapalabas at wala pa naman sa gulatan portion talaga pero grabe ang reaksyon ni Pitch.

“Anyare sa'yo, pre?” pagtatakang tanong ni Melo habang hawak ang unan na panangga.

Tumingin si Pitch kay Melo at napansin nito na nakatingin sa kanya ang buong banda. Isinandal niya ang ulo sa head rest ng sofa, “ewan ko sa inyo. Matutulog na lang ako,” saka ito nagposisyon pahiga, hindi na tumingin sa screen ng tv.

“Natakot,” mahinang tawa ni Note.

Sumagot si Melo, “duwag—AHH!!!”

“AAHH!”

“AAHHHH!!!”

Sunod sunod ang pagsigaw nila Melo, Note at Ces nang biglang sakmalin ng lalaki sa palabas ang bida at kiniliti nang bonggang bongga saka ito namatay. Tumigil na sa pagsigaw si Ces pero patuloy pa rin sila Melo at Note.

“Ayaw ko na! Nawawala pagkalalaki ko!” Isinubsob ni Melo ang sarili sa tabi ni Ces. Nakatakip ang unan sa kanyang ulo.

Ibinaling ni Note ang atensyon kay Lyric na parang wala lang ang nangyayari sa pwesto nito, “patayin mo na 'yung tv, Ly! Patayi—”napatigil si Note nang tingnan siya ni Lyric ng masama—mas nakakatakot sa palabas. “Uhm, ano. . .Lyric. Pakipatay, please?”

Ipinatay naman ni Lyric ang TV. . . pilit man niyang magseryoso, hindi niya magawa dahil sa kalokohan ng mga kabanda kaya napangiti ito, which shocked Ces.

It was the first time Ces saw Lyric’s smile. Ang gwapo.

Natahimik ang buong banda na nasa sala hanggang sa lumabas si Manager Lily galing sa not-so secret haven nito. Nakataas ang kilay, mukhang naiirita.

“Ang iingay niyo, ano ba?”

Ngumiti lang si Note at Melo na nagtuturuan. Umiling-iling na lang si Manager Lily sa mga alaga niya—hindi na talaga nagbago. Magkababae man sa grupo o wala, magugulo pa rin. Mahaharot. Same MyuSick.

“Ay Manager, may tanong ako,” itinaas pa ni Melo ang kanyang kamay na para bang hinihintay siyang mapili ng professor.

“Ano?”

“Hindi ba natin bibigyan ng ‘music name’ si Ces? Screen name man lang?”

Napaisip si Ces sa tanong ni Melo. . . oo nga naman, bakit nga ba wala siyang screen name? Bakit siya lang 'yung hindi tungkol sa music ang pangalan? Tiningnan ng buong banda si Manager Lily na mukhang nag iisip habang nakatingin kay Ces. Pinagmamasdan siya, ineexamine.

“Hmm. . .” malakas na pag iisip ng manager. “Huwag na, tinatamad ako mag isip. Tulog na, may practice pa bukas,” tuloy tuloy nitong sabi. Umakyat na si Manager Lily at pumasok sa loob ng kwarto.

Natahimik muli ang buong banda.

Nagpaalam na sila Pitch at Lyric at umakyat na rin sa kani-kanilang kwarto. Naiwan sa sala ang tatlo, actually, simula nang dumating si Ces sa banda—sila na talaga ang pinaka dikit.

“May tanong ako sa'yo,” mahinang sabi ni Note habang nakatingin kay Ces. Itinaas lang ni Ces ang dalawang kilay, waiting for the question. “Minsan ba naisip mo kung kailan at paano ka mamamatay?”

Napatigil si Ces sa tanong ni Note—hindi rin siya prepared sa sobrang seryosong mukha ni Note pati na rin ni Melo na nakikinig sa usapan. Kailan at paano mamamatay?

Paano nga ba, Ash? Kailan ang ‘right time’?

“B-Bakit?”

Ngumiti si Note at sumandal sa sofa, nakatingin sa taas. “Ako, akala ko alam ko na kung paano ako mamamatay.”

Nanliit ang mga mata ni Ces sa sinabi ng kabanda. Hindi niya magets ang sinasabi nito.

“Dati kasi, nagsuicide ako.”

Tumaas ang balahibo ni Ces sa sinabi ni Note. Magkatinginan sila—hinihintay niya ang salitang “joke lang!” pero ilang segundo na ang nakalipas, wala pa rin. Nagkatitigan sila ni Note, tiningnan din niya si Melo pero seryoso rin ang itsura nito.

“Ha?”

Note smiled, “napicture ko na ang sarili ko kung paano ako mamamatay. Masasagasaan ng kotse. Hit and run.”

“N-Nagjojoke ka ba? Hin-di kasi magandang biro 'yan.”

Tiningnan siya ni Note, seryoso pa rin ang itsura. “Sana nga nagjojoke ako pero totoo 'to, nangyari ang lahat bago magkaroon ng MyuSick.”

Tumango si Melo nang tingnan siya ni Ces. Ang bilis ng tibok ng puso ng dalaga sa sinasabi ni Note, hindi niya alam kung bakit sinasabi ito ng binata sa kanya ngayon.

“Hindi naman ako ganito talaga, 'yung maloko? Sobrang layo ko—sa totoo n'yan, ilang beses na akong nakulong.”

Nanlalaki ang mga mata ni Ces. Hindi pa rin niya sigurado kung paniniwalaan niya ang sinasabi ni Note o hindi.

“Basagulero. Frat member—“ inilahad ni Note ang kamay at ipinakita kay Ces. Hinawakan ni Ces ang kamay ng binata at naramdaman niya ang faint scar sa may gilid ng kamay nito. Naghubad si Note ng t-shirt at ipinahawak kay Ces ang tagiliran nito—may mga tahi, keloid. “Gang member. Isa ako sa worst case. . . hanggang sa nakapatay ako.”

“N-nakapatay ka?”

“Kapatid ko.”

Napaatras ng kaunti si Ces sa narinig. Hindi siya makapaniwala na si Note ang nagsasalita ngayon mismo at nagkukwento ng nakaraan niya.

“Hindi ko kinaya lahat, gusto kong tumiwalag pero shit lang talaga ang frat, mahirap makapasok pero mamamatay ka kapag gusto mo na umayaw,” bumuntong hininga si Note. “Suicide lang ang naisip ko. Tumawid sa expressway ng sobrang gabi na para matapos na lahat.”

Bumibigat na ang bawat paghinga ni Ces sa naririnig. Sumandal siya sa sofa habang nakatingin lang kay Note.

“Eh nagkataon, si Manager ang nakabangga sa akin. Imbis na tulungan ako, minura pa niya ako,” nakita ni Ces na natawa si Note na para bang inaalala ang nangyari noon. “’Hoy tangina ka, anong kinakana-kana mo?! Huwag kang haharang sa daanan kung ayaw mong sagasaan kita!’ Tiningnan ko si Manager noon, wala na ako sa ulirat eh. Wala na akong nirerespesto. Hinalikan ko siya.”

“H-Ha?” Nanlaki ang mga mata ni Ces, “hinalikan mo si Manager Lily?”

Natawa lalo si Note, “hindi ko alam. Ang hot kaya ni Manager!”

“Adik ka, Note!” natatawang sabi ni Ces, kahit si Melo ay natawa rin.

“Tapos ayun, nakaramdam ako ng sobrang lakas na suntok—natauhan ako. ‘Kung ano man 'yang problema mo, huwag mong dinadamay ibang tao, pwede ba?!’ sabi niya.”

“Kaya ka ba nakasali sa MyuSick?”

“Nung time na 'yun, hindi pa. Umalis siya pagkatapos niya akong sipain para mabalik sa gilid ng kalsada,” natatawa muli si Note. Para bang ang nangyari noong panahon na 'yun ay hindi mabigat na pangyayari. “Pagkaalis niya, nalaglag 'yung calling card niya. Pinuntahan ko siya at nanghingi ng pabor.”

“Ano?”

“Pwede mo bang baguhin buhay ko?”

Tumigil sandali ang kwentuhan at natahimik ang tatlo. Nagkatinginan, nagpakiramdaman. Parang kani-kanina lang ay naglolokohan pa dahil sa horror movie pero ngayon, hindi inaakala ni Ces na makakausap niya ng seryoso si Note. Matino. Walang halong joke.

“Sabi niya, ‘hindi ko kaya 'yan, pero siguro magagawan natin ng paraan’,” lalong ngumiti si Note. “Alam mo sabi n'ya?”

“Ano ba, tapusin mo na 'yung kwento naeexcite na rin ako!” pagmamadali ni Melo sa kaibigan. Agad naman binatukan ni Note si Melo at kahit magseryoso ang dalawa, hindi pa rin mawawala ang kalokohan nila.

“Sabi niya, ‘Ikaw ang babago sa sarili mo gamit ang musika,’ at ayun, tinuruan niya ako ng basic guitar hanggang sa mas gumaling na ako sa kanya. Grabe no? Ang tragic ng story ko? Wooh! Nainitan ako sa kwento ko,” natatawang sabi ni Note habang nagpapaypay.

Napahinga ng maluwag si Ces habang nakatingin kay Note na kausap na ngayon si Melo na nagsasapakan at nagtatawanan. Nakikingiti siya sa pangyayari pero nang malaman niya kung anong nasa likod ng buhay ni Note—parang natauhan siya.

Mas mabigat ang nangyayari sa buhay ni Note and yet, he tried to change. He changed, for the better.

Siguro nga ay oras na rin para magbago na ng tuluyan si Ces.

For the better.

Sa tulong ng musika.

* * *

Nagising si Ces nang makarinig siya ng mahinang tugtog ng gitara at isang boses—boses ng babae. Napatingin siya sa paligid, sobrang dilim pa rin pero kaninong boses ang naririnig niya? Kay Lyric?! Nagiging babae si Lyric tuwing madalinga araw?!

Lumabas si Ces para hanapin ang boses na iyon. . . hindi naman siya nahirapan dahil napatigil siya sa pintuan ng kwarto ni Manager Lily at narinig niya ang pinaka mala anghel na boses na narinig sa buong buhay niya.

♪ ♫ Just close your eyes
The sun is going down

Si Manager Lily?

♪ ♫ You'll be alright
No one can hurt you now

Idinikit ni Ces ang tenga sa pintuan para mapakinggan ng mas maigi ang pagkanta sa loob ng kwarto ni Manager Lily. Napapanganga siya dahil sobrang ganda ng boses nito, sobrang. . . sarap sa tainga.

 

♪ ♫ Come morning light
You and I'll be safe and sound

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang tumigil ang nag gigitara sa loob. Aaalis na sana siya nang biglang magsalita si Manager Lily mula sa kwarto. Napatigil siya sa paglalakad, kinabahan at para bang may tumulong pawis mula sa kanyang noo.

“Sino 'yan?!”

Nawala ang mahinahong boses na narinig ni Ces at napalitan ng pagsigaw ng Manager. Narinig niyang nagbukas ang pintuan ng kwarto ni Manager Lily, paglingon niya—nakatingin sa kanya si Lily.

“Anong ginagawa mo d'yan?”

Huminga ng malalim si Ces at hinarap ang manager. Lumunok siya at nagdasal muna sandali bago magsalita, “a-ang ganda po ng boses niyo, Manager.”

Nanlaki ang mga mata ni Manager Lily. Hinablot niya si Ces papasok ng kanyang kwarto.

“Don't you ever tell this to anyone.”

“Ang alin po?”

“Yung narinig mo.”

Nagtatakang tiningnan ni Ces ang Manager, “'yung boses niyo po? Bakit p—”

“Just. . . just don't. Okay? Matulog ka na, may practice pa bukas.”

* * *

Hindi na muling narinig ni Ces ang boses ng Manager simula nung madaling araw na 'yon. Hindi niya rin alam kung bakit o anong dahilan ni Lily. Ang ganda ng boses nito kaya nakakapagtakang hindi nito gusto malaman ng iba ang boses nito.

Ang gulo.

Pero ang mas nagpagulo kay Ces ay ang nakita niya sa table sa living area, isang pink na papel. Agad na kumabog ang kanyang dibdib nang makita niya ang pamilyar na papel na ito. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang hawakan niya ang papel at inilapit ito sa kanya para tingnan ang sulat.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niyang parehas ang sulat na ito sa sulat ng kanyang ‘secret admirer’.

“Ces,” halos mapatalon na sa gulat si Ces nang hawakan ni Melo ang balikat niya. Kunot noong nakatingin ang binata sa kanya at sa papel na hawak niya.

“Melo,” hindi pa rin mapakali ang puso ni Ces. Nagkatinginan sila ni Melo, may pagtataka sa itsura ng binata. “K-Kaninong. . . kaninong sulat 'to?”

Kinuha ni Melo ang pink na papel kay Ces at pinagmasdan ng mabuti ang sulat. Ngumisi naman ito pagkatapos, “ay panget ang sulat. Kay Note 'to.”

Note?

“O, ano meron sa pangalan kong sobrang gwapo?”

Nanigas si Ces sa kinatatayuan niya nang marinig ang boses ni Note.

“Ano raw? Gwapong pangalan, Notario?” natatawang sabi ni Melo. Agad naman ito binatukan ni Note. “Aray ah? Sulat mo raw ba 'to?”

Ibinigay ni Melo ang pink na papel kay Note. Nakita ni Ces ang panlalaki ng mga mata ni Note sa papel at unti-unting tumingin sa kanya ang binata. Lumunok si Note at ngumiwi, “ano 'to?”

Hindi makapaniwala si Ces. . .Nasa harap niya ngayon ang ‘secret admirer’ niya? Ngayon mismo? Sa dinadami-dami ng lalaki, si Note pa?

“Ikaw ba nagbigay. . .” hindi na naituloy ni Ces ang itatanong nang itaas ni Note ang kanyang mga kamay, surrendering. Dumating naman sila Lyric at Pitch na nakitingin sa mga nangyayari.

“Oo, ako nga Ces, ako nagbigay ng letter!” nakapikit si Note at sumimangot. “Sabi kasi ni Manager Lily eh, para raw bumalik ka sa bar.”

Nakatingin lang si Ces kay Note. So hindi totoo 'yung ibang sinabi sa letter? Naguguluhan pa rin si Ces. . . all this time, ang iniisip niyang ‘secret admirer’, para lang mapabalik siya sa bar, sa pagkanta at para sa MyuSick?

It’s not that she’s complaining pero. . . ang empty ng feeling.

“Anong letter?” tanong ni Pitch.

Ibinigay ni Note ang pink na papel kay Pitch, “eto oh. Yung pink paper para bumalik siya sa bar,” sabay na tinignan ni Lyric at Pitch ang papel. Nanlaki ang mga mata ni Lyric. Sabay na tumingin ang dalawa—Pitch and Lyric—kay Note at kay Ces.

“Oh, anong tinitigil-tigil niyo d'yan? Let’s go!” pagtulak ng manager sa banda palabas ng bahay.

Bago pa makalabas na talaga si Ces, may napansin siyang isa pang pink na papel. Nang kuhanin niya 'yun, bumilis ang tibok ng puso niya sa nabasa kahit hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng nakasulat.

Nasaan ka na ba? Hindi na kita mahanap.

* * *

Nakadecide na si Manager Lily na siya na mismo ang kakausap sa may ari ng cake shop para makaalis na si Ces. Hindi kasi kakayanin ng busy schedule para sa banda ang pagtatrabaho ng dalaga sa cake shop at nakakahiya naman kung puro absent siya kaya lahat sila, ipapaalam ang bokalista.

Pagdating sa tapat ng cake shop, si Ces ang naunang bumaba. Pagpasok sa shop, nakita niya si Keng na nasa counter at unti-unting tumingin sa kanya galing sa pagyuko.

“Oh, buti dumating ka? Ano na namang arte 'yang ginawa—”

Sa hindi malamang kadahilanan, napatigil sa pagsasalita si Keng. Napansin ni Ces na nakapasok na ang buong banda sa cake shop. Nanlaki ang mga mata ni Keng na para bang nakakita ng multo.

“Hi Keng, mind if I talk to you?” nakangiting sabi ni Manager Lily.

“A—Ahh, o-o sige, tara. . .” naglakad si Keng paalis sa counter. Hindi mawari ni Ces kung bakit parang kinakabahan si Keng, “ah!”

“K-Keng!”

Natalisod si Keng ngunit na gain kaagad niya ang balance niya. “O-Okay lang ako.”

“Keng—” lalapit na sana si Ces kay Keng nang pahintuin siya ni Keng at ngumiti. Pero hindi niya sigurado kung para sa kanya nga ba ang ngiting 'yon at parang tumagos yata sa kanya. Huminga ng malalim si Keng. “Okay lang ako. O-Okay na ako. Tara ate Lily,” sabay na naglakad si Keng at Manager Lily papunta sa office.

“Ang chicks naman nung Keng,” kumento ni Note nang sila na lang ang natira sa shop. “Angas pa ng itsura, ganda ng buhok—tattooes, piercings. Grabe!”

“Pero parang ang awkward niya para sa physical look niya, no?” takang tanong ni Melo.

“Hindi siya ganun. . . kasing tapang niya si Manager,” pagsagot ni Ces nang lumapit siya sa banda. “Hindi ko alam anong nangyari sa kanya. . .”

Magrereact pa sana sila Note at Melo nang magsalita si Pitch.

“Baka dahil sa akin.”

Lumingon ang buong banda kay Pitch na kanina pa tahimik pagkapasok. Nagkatinginan sila Melo, Note at Ces—kahit si Lyric ay parang nagtaka.

Si Note na ang nagtanong para sa banda, “anong dahil sa'yo? Wow, close kayo?”

Ngumisi si Pitch at tiningnan ang kabanda. Nakapamulsa siya at nakasandal sa pader. Huminga siya ng malalim at nagsalita,

“Ex ko siya.”

~ ~ ~

Author's Note:
Marahil napa "WAAAHHT" kayo sa nalaman niyo. . . (Or pwede ring, meh. Korni. Alam ko na 'yan eh.) but anyway, more or less 50 chapters lang ito so baka bawat chapter, may revelation! (or more questions??? :o) Don't worry po, mabibigyan din tayo ng linaw sa story pakonti-konti (kahit ako nabibigla minsan) so ayun, kung may mga tanong din kayo. . . feel free to ask at susubukan kong sagutin 'yan sa story :)

Dedicated to beautiful_lie97 dahil medyo kilig lang sa comment niyang:

"... Sana most books are written this way, para kahit papaano hindi lahat sa fictional lng kundi half and half or more on reality. Tsaka ang galing po ng 3rd person narration, nakakagigil and straight to the heart tlaga na emotion eh."

Bakit ba, kinilig ako eh yaan niyo na ako. Ahihihihi shenkyu po!! Akswali andami niyong gusto kong pagdedicate-an pero pakiramdam ko hindi enough ang chapters ng TTLS para madedicate-an kayong lahat, shet <////3

PERO SALAMAT PO NG MARAMI SA PAGBABASA. Kayo dahilan kung bakit hindi pa rin ako bumibitaw ng tuluyan sa online world ♥

PS: Sobrang natutuwa ako sa mga usapan niyo at hula pero sana isipin niyo, CLICHE po ito! Hahahaha :D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro