4 // A Lucky Day

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Real love finds you once, if you're lucky."
— Ellen Hopkins

~ ~ ~

“Oy, Ces. Open ko ang account mo, ha? Pahingi ng buhay sa Candy Crush!”

Tumingin lang si Ces kay Marky. Hindi pa siya nakakatango ay binuksan na ni Marky ang Facebook account ng kaibigan na ginawa lamang for the sake of liking lots of fan pages of Lyle, the Lyle Yuzon.  Wala naman kasing Internet connection si Ces pero for the sake na maging IN siya sa latest update ng kanyang beloved Lyle, gumawa pa siya ng Facebook para rito.

Masayang naglalaro si Marky ng Candy Crush habang nakaupo sa sofa. Katapat ni Marky ay nakaupo si Ces, nakatitig sa TV na nakabukas pero hindi naman niya naiintindihan ang pinapanood.

Napabuntong-hininga ulit siya.

Semestral break na nila. Two weeks ago, nagkaroon siya ng almost-kilig scene kasama ang Lyle niya. . .well, almost.

* * *

“Puwede mo ba akong samahan dito?”

 

Natigilan siya sa paghinga nang panandalian. They were a less than a meter apart. Hawak ulit ni Lyle ang balat niya—or ang damit niya, kahit ano pa 'yun. Basta, hawak siya ni Lyle and it was electrifying. Nakakakilig. Nakakakaba. Nakaka—ewan!

 

Kitang-kita ng dalaga ang mga mata ni Lyle. Sobrang sharp. . . lalaking-lalaki. Ang mga pilikmata ng binata ay maikli ngunit naeemphasize ang mga mata nito sa hindi malamang kadahilanan. Napangiti si Ces nang mapansin ang katangusan ng ilong ng binata. Isama pa ang mga labi nito na hindi man ganoon ka pinkish dahil nga siguro sa epekto ng sigarilyo, ang manly pa rin ng dating.

 

Napatitig naman nang kaunti si Ces sa may chin ni Lyle. Doon, nakita niya ang dalawang nunal na magkatabi sa may left side ng nasabing parte. Hindi masyadong kita ang nunal na ito sa mga pictures sa website pero ang cute pala ng nunal ng binata sa personal.

 

Isama pa ang medyo malaki-laking nunal ni Lyle sa may collarbone na kitang-kita dahil sa maputi nitong balat. Ang hot lang tingnan sa damit nitong polo shirt na nakabukas ang dalawang butones sa taas.

 

Napalunok si Ces ng naipong laway sa kanyang bibig. “A-ano?”

 

Ngumiti si Lyle and it stopped Ces’ heartbeat for a while. Ang guwapo niya, ito ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ni Ces. Ang guwapo ng Lyle niya. Ang perpekto ng hitsura. Ang guwapo rin ng amoy-sigarilyo niyang aura.

 

“Tambay lang, sa labas. Ano?”

 

Hindi mapakali ang puso ni Ces. Nagwawala ito matapos tumigil sa pagtibok. Totoo na ba 'to? Seryoso na ba 'to? Hindi lang ba 'to isa sa mga panaginip niya na si Lyle ang prince at siya ang princess? Ano ba talaga?

 

“A—” Magsasalita na sana siya pero bigla na lang may sumigaw sa likod niya.

 

“Lyle! Saan ka ba nagpunta?” Nalungkot si Ces nang inialis ni Lyle ang hawak sa kanya. Paglingon niya sa may likod, napansin niyang papunta sa kinatatayuan nila ang dalawang kaibigan ni Lyle. Napatingin ang dalawa kay Ces hanggang sa tinuon nila ang pansin sa kaibigan.

 

Hindi naman kasi katingin-tingin-worthy si Ces. She's a typical person—nagbe-blend in sa crowd pero dahil walang crowd sa labas ng activity area nila, nagbe-blend in siya sa background, unfocus. Isama mo pa ang naka-tape niyang salamin dahil naupuan ng customer, ang shirt at jeans niyang parang pang-lalaki pati na rin ang chucks niyang medyo madumi na.

 

Sino ba’ng titingin sa kanya, ‘di ba?

 

“Wala, tambay, yosi. Boring sa loob, e,” pag-e-explain ni Lyle. Tiningnan ni Ces si Lyle pero hindi na ito sa kanya nakatingin. Nawala na ang senaryo nilang dalawa—naging unknown ulit siya.

 

Saklap.

* * *

Hindi siya mapakali at parang gusto niyang sirain 'yung TV na nasa harap niya kung hindi lang siya nasa bahay nina Marky. Naiinis siya—sobra. Matapos ng ilang months niyang paghihintay for a Lyle-and-her moment, sisirain lang ito ng dalawang kaibigan ni Lyle. Hindi nga niya alam e, baka nakalimutan na ulit siya ni Lyle.

Ito siya ngayon, nakaupo sa sofa at nagbubuntong-hininga na naman. . . Naging hobby na yata niya ang pagbuntong-hininga mula nang ma-realize niyang wala na talagang pag-asa na magkaroon sila ng moment ni Lyle. . . ng Lyle niya.

Pero siyempre, malikot ang tadhana at tulad ng buhay ng ibang tao, ginulo rin ni tadhana ang buhay ni Ces.

* * *

It was a Wednesday morning—rush hour sa lahat lalo na't pasukan na naman. Seven ng umaga, dagsa talaga ang mga kotse sa bawat sulok ng kalsada at maraming tao ang nag-aabang ng mga masasakyan—tulad ni Ces. Isa lamang siyang normal na estudyante, namamasahe.

Nahirapan siyang sumakay dahil hindi siya 'yung tipong makikipagpatayan para lang makasakay ng jeep kaya naman almost eight o’clock na nang makasakay siya papuntang MRT. Then MRT came. Napakahaba ng pila papunta sa ticket counter; nakakaloko.

Pagkarating niya sa pinakahintayan ng tren, napakahaba rin ng pila. Hindi na natapus-tapos ang pila noong umagang 'yun. Nakailang tren pa bago siya mapunta sa unahan, tulakan sa lahat ng parte—kahit sa parte ng mga babae lang.

Nang dumating na ang next train, ihahakbang pa lang ni Ces ang kanyang paa para makapasok, nagtulakan na ang mga kababaihan. Ang daming sigawan, nakakabingi. Hindi malaman ni Ces ang gagawin. Nakapasok siya ng tren nang buhay—thank God.

“MAY LALABAS!”

“ANO BA, huwag mo akong ‘apakan!”

“May lalabas nga sabi, e!”

“Padaan po! Padaan!”

“Buwisit!”

Halu-halong boses, iba-ibang intensity ng sigaw. Mga nagbabangayang mga babae, nagtutulakan at nag-iirapan. Hindi na masyadong nagulat si Ces dito—it was a very typical scene, mga Pilipino—edukado at edukada, pumapatay para lang makasakay.

Nang mapansin niyang malapit na ang estasyon na bababaan niya, medyo umusog siya papunta sa pintuan—medyo lang, mga one inch dahil nga sa dami ng tao. Pagkabukas ng pintuan, sinugod ni Ces ang pintuan pero sino nga ba siya laban sa mga babae na sabik na sabik pumasok ng tren?

“Teka po, excuse me!” sigaw ni Ces pero mukhang hindi siya pinapakinggan ng mga babae. Sugod pa rin sa pagpasok, naiipit na siya. Hindi siya makaaray dahil nga ayaw niya ng atensiyon. “Teka po, excuse me!”

TING TING TING.

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang mapansin niyang nag-a-alarm na ang pintuan at pasara na ito.

“Teka! Lalabas pa po ako!”

 

Pero ano nga ba ang sigaw niya sa mga taong sugod sa pagpasok na walang pakialam sa iba kahit na makasakit na sila, makapasok lang ng tren? Wala. Wala siyang panama. Nanlumo na lang siya. . . Hindi siya nakalabas at nagsimula nANg umandar ang tren.

Lumagpas siya.

“Dapat tinulak mo lahat para makalabas ka.” Nilingon ni Ces ang nagsalitang matanda na nasa tabi niya. Pansin niyang puti ang lahat ng strand ng buhok nito at medyo maliit. Mukhang uugod-ugod na pero nakatayo pa rin at may hawak pang bag na malaki. “Alam mo naman ang mga tao rito, kahit babae, parang hindi nag-aral.”

Ngumiwi si Ces.

“Walang mangyayari pag nagpapakabait ka rito. Wala na kasing mabait makapasok lang ng tren.”

Gusto niya sanang paupuin ang matanda pero hindi niya magawa dahil hindi naman siya ang nakaupo sa upuan. Napatingin siya sa mga babaeng nakaupo malapit sa kanya: ang ilan ay natutulog at ang ilan ay nagme-make up.

Mga tao talaga ngayon.

Napabuntong-hininga na lamang si Ces habang nakatingin sa bintana at nanlulumo ang hitsura. Lumabas siya the next station—mahirap pero nakipagsapalaran siya. Nakailang aray pa siya dahil sa mga bag ng babae na humahampas sa buo niyang katawan.

Mabuti na lang at tinulungan siya ng matanda. Sumigaw ito para padaanin si Ces at buti naman, medyo natauhan nang kaunti ang ilang babae.

Wild—sobrang wild sa loob ng tren lalo na't rush hour.

Naglakad lang si Ces pagkababa ng estasyon. Ito ay dahil walang sasakyan papunta sa school nila; shuttle o kotse lang. Mga mayayaman kasi, so hindi puwede ang jeep, bus o kahit pedicab man lang. Allergic ata ang mga estudyante sa mumurahin at cheap.

Hindi na lang ininda ni Ces ang sakit ng katawan niya sa nangyari kanina at naglakad na lang hanggang sa may napansin siyang kotse na para bang sinasabayan ang paglalakad niya. Itim na kotse ito, medyo maliit at mukhang pam-pick-up. . . ng babae.

Bakit ba ang malas-malas ko ngayon?

Hindi na lang pinansin ni Ces ang kotse hanggang sa nakarinig na lang siya ng ubod nang lakas na music na nanggagaling doon. Binilisan niya ang lakad niya dahil nakaramdam siya ng takot. Hindi na niya nilingon ang kotse pero sinusundan pa rin siya nito.

“Hey, need some ride?” 

Nag-freak out na si Ces. Hindi niya nilingon ang lalaking nagsalita dahil natatakot na siya. Ito na yata 'yung mga nababasa niya sa libro na aakalain ng mga lalaki na 'yung mga babaeng naglalakad sa kalsada ay mga pick-up girls na puwede nilang paglaruan. Ito 'yung mga tinatawag nilang DOM o Dirty Old Man na wala nang magawa sa buhay dahil iniwan na sila ng mga asawa nila dahil wala silang kuwentang mga asawa.

Please, huwag ka nang lumapit, please. . .

Kinakabahan siya hanggang sa nagsalita ulit ang lalaki na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.

“Hey, Princess.” Sa dalawang salita, napatibok nang napakabilis nito ang puso ni Ces—in a good way. Paglingon ni Ces sa kotse, nakasilip ang mukha ng binata at nakangiti mula sa bukas na bintana

Ang lakas ng music sa kotse pero mas malakas ang kabog ng dibdib ni Ces.

Si Lyle. . . nakatingin sa kanya, o sa kanya nga ba? Nagpalinga-linga si Ces, tumingin sa likod niya para alamin kung may iba pang babae dahil hindi siya makapaniwala. Hindi siya makasigurado hanggang sa ang binata na ang sumigurado para sa kanya.

“Ikaw nga, 'wag ka nang tumingin kung saan. Papunta kang school? Hop in!”

“S-seryoso?”

“Mukha bang hindi?”

Nanginginig na binuksan ni Ces ang pintuan sa likod pero pinigilan siya ng lalaki at kusang nagbukas ang pintuan sa tabi ng driver's seat. Napatitig sandali si Ces sa pintuan pero pumasok rin siya sa loob.

Nakaupo siya sa tabi ng driver's seat, sa tabi ni Lyle.

“Don't sit at the back. Nagmumukha akong driver. Dito ka sa tabi ko para mukha tayong lovers,” litanya ng binata na nagpatalon ng puso ni Ces. Hindi siya makatingin kay Lyle nang maayos kaya nakatingin lang siya sa harap nang magsimulang umandar ang kotse.

“Seatbelt.” Nagtaka si Ces sa sinabi ng binata pero bago pa siya maka-react, lumapit si Lyle sa kanya para siya na mismo ang magsuot ng seatbelt sa dalaga.

Ang lapit nila...amoy lalaking-lalaki si Lyle—pinaghalong pabango ng lalaki at amoy sigarilyo. Ang guwapo ng amoy, pati ang kotse ng binata ay amoy lalaking-lalaki. Nakaka-high. Nakakaadik.

“S-salamat.”

Nagsimula nang mag-drive si Lyle. Naiilang si Ces dahil palingon-lingon ito sa kanya at ngumingiti. Nakakahiya, sobrang nahihiya siya pero—ito na ang kapalit ng naudlot na senaryo nila ni Lyle noon.

Totoo ba 'to? Sinampal ni Ces ang sarili nang tatlong beses sa kanang pisngi nang mahina. Totoo nga, totoo nga 'to!

Narinig naman niya ang tawa ni Lyle—it was so fresh, napaka-manly, ang sarap i-record. “What are you doing? Bakit mo sinasaktan sarili mo?”

Napangiti si Ces nang tipid pero ang totoo, gusto na niyang magtatatalon sa tuwa dahil for a moment, nagkakaroon sila ng small conversation ni Lyle na lumagpas na ng five minutes. Achievement!

“W-Wala. . .” Inaalam lang niya kung naghihimala na naman ang utak niya at gumagawa ng mga pantasya.

“A, bakit ka nga pala naglalakad? Wala kang sundo? Kotse?”

Nagkakaroon sila ng usapan—with topic at si Lyle ang nag-i-initiate!

“Na...nagko-commute lang kasi ako, ano, wala kaming kotse,” mahinang sabi ni Ces. Hindi pa rin siya makatingin kay Lyle.

“Bakit? Nasira?”

“W-Wala kaming pera. Scholar lang kasi ako sa school.” Nagulat naman siya nang bigla siyang hinawakan ni Lyle sa kanyang mukha. Itinapat ito sa mukha ng binata para magka-eye-to-eye silang dalawa.

“Bakit ka nakayuko? Pangit ba ako sa paningin mo? Hindi! Ang guwapo mo kaya!

Napatitig siya kay Lyle na patingin-tingin sa kanya habang nagmamaneho. Ang guwapo ng hitsura nito. . . ang angas ng aura habang nagda-drive. Ang lakas makahatak. Sobra-sobra na ang pogi points ni Lyle para kay Ces. Nakakalunod. Hindi rin siya mapakali dahil sa paghawak ng binata sa kanyang mukha.

Hindi na niya huhugasan ang mukha niya, promise.

“N-nakakahiya lang.”

“Bakit naman?” Huminga nang malalim si Ces at naglakas-loob para kausapin si Lyle. Almost fifteen minutes na silang magkasama. Dapat na siyang mag-party dahil pagkatapak niya sa labas ng kotse na ito, mawawala na ang lahat ng ito.

“Uhm, sikat ka kasi tapos ako wala lang?”

Natawa si Lyle sa sinabi ng dalaga. “You're funny. I like you.”

Nanlaki ang mga mata ni Ces sa sinabi. Teka, nabibingi na ba siya? Tama ba ang narinig niya? I like you daw? Si Lyle ba talaga 'tong nagda-drive na 'to o baka nagbabalat-kayo lang?!

“H-ha?” Napatingin si Ces sa labas ng bintana at napansin niyang ilang metro na lang ay makakapasok na sila ng school. “A-ano, dito na lang ako. . . salamat.”

“Hindi ka sasabay sa akin papasok?”

“Ano, nakakahiya. . . parang wala akong karapatan para makita ng mga tao na kasama ka sa kotse.” And again, natawa si Lyle sa sinabi ng dalaga. Prangka kasi ni Ces sa lahat. Straight to the point. Kakaiba. And it made Lyle interested.

“Nakakatuwa ka talaga.” Inihinto ni Lyle ang kotse. “Sige, salamat din sa company.”

Ngumiti si Ces at muling nagpasalamat kay Lyle habang ang puso niya ay hindi pa rin mapakali. Binuksan na ni Ces ang pintuan kahit na nalulungkot siya dahil nga pagkalabas niya nito ay hindi na naman sila magkakilala.

Maghihintay na naman siya ng ilang buwan para pansinin siya ni Lyle. Pasalamat na lang siya at hindi hinihingi ng binata ang panyo na pinahiram sa kanya noon. Baka nga wala nang pakialam ang lalaki dahil ginamit na ni Ces. Sino ba naman kasing gagamit ng panyo na ginamit na ni Ces, ‘di ba?

Malungkot siyang lumabas ng kotse at pagkasara ng pintuan nito, gusto na niyang mag-collapse. Naiinis siya. . . naiinis siya dahil wala na naman, ilang months na naman ang hihintayin niya.

Nagsimula na siyang maglakad kahit sa totoo n'yan ay wala na siyang ganang pumasok sa first day of class. Nakakawalang gana pala 'yung maramdaman mong hindi ka na naman papansinin ng taong gusto mo?

But then, bago pa siya makalayo...

"Hey, wait!" 

Napalingon si Ces sa tumawag sa kanya. Nakalabas na rin pala si Lyle sa kotse nito. Lumapit ang binata sa kanya at ang sumunod na sinabi ni Lyle ang nagpalundag nang tuluyan sa puso ni Cess a galak

"Wanna hang out? Maybe. . . later?"

Kung ito ba naman ang kapalit ng pagiging malas niya ngayong first day, okay lang maging malas siya for the whole semester basta ba. . . makakasama niya si Lyle.

Syet, ang suwerte niya.

~ ~ ~

Author's Note:
Saan galing ang 400 reads sa chapter 4? Pwede pakisabi sa akin? Hahahaha salamat sa mga nagbabasa, sa mga SILENT readers d'yan pero wala pa rin ang humpay ng pasasalamat ko sa mga loud readers na nagkocomment. Thank you! :">

Dedicated to ate Tin. . . napaaga ang dedication ko sa kanya. Gusto niya kasi makilala pa ng husto si Lyle, gusto niya maimagine kaya ayan ate Tin, binigyan ko na ng kaunting physical characteristics hahaha sa susunod na lang 'yung iba pati salamat sa patuloy na pagbabasa. Pasensya na rin kung minsan ang tagal ko magreply :( :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro