42 // Less of a Secret

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"A picture is a secret about a secret, the more it tells you the less you know."
— Diane Arbus

~ ~ ~

Hindi na nawala ang ngiti sa labi ng MyuSick.

Matapos ng guesting ni Ces sa TV Something, ang nawala na sampung libo na likers sa facebook page ng MyuSick, dumoble ang bumalik na likes. Halos magdadalawang linggo nang trending ang MyuSick at halos walong libo na ang nakalike sa facebook page na “We Want MyuSick’s Concert Back.”

Lahat nang kamalasan nila a few weeks ago, napalitan ng swerte.

Natahimik ang buong buhay nila mula sa magulong pangyayari. Everything’s back. Ang saya, ang ingay—ang mga damit na nakalat sa kung saan-saan. Nagbalik na rin sila sa pagrerecord ng kanta para sa pagrelease nito next month. Hindi rin nawala ang ngiti ng MyuSick lalo na noong isang Sabado at nasa hapagkainan sila—ay nag usap nang muli sina Lyric at Manager Lily.

All is well.

Well, not really.

Unang iniisip ni Ces ay si Ash—na naging tahimik. Kung hindi naman tahimik ay madalas wala ito. Hindi naman na siya nagtataka na laging wala si Ash ngunit nagtataka siya kung bakit sa tuwing nagkikita sila (which is napapadalang na) ay tahimik lang ito.

Pangalawa ay si Mystery Texter. Matapos nang pagtawag nito sa kanya noong nakaraan, hindi na ito muli nagparamdam. Parang ginagago lang ata siya ng tao sa kabilang linyang iyon. Sa sobrang bilis din ng tawag ay hindi niya ito nabosesan. . . sino nga ba talaga iyon?

Ang pinakahuli ay si Note. Napapansin ni Ces na may kakaibang kinikilos ang kaibigan. Well, he’s still the goofy guy pero may something off. Naging mas seryoso? O minsan ay nawawala sa mundo? Laging tumitingin sa paligid sa tuwing lumalabas sila. Laging lutang at minsan may malalim na iniisip.

Hindi alam ni Ces kung siya lang ba ang nakakapansin ngunit alam niyang may tinatago si Note. Hanggang sa napatunayan niyang mayroong kakaiba sa kabanda. . . at hindi ito basta basta.

Isang sabado ay may hindi inaasahang nagdoorbell ang dumating sa MyuSick residence. Ces was about to go outside nang hawakan siya ni Note sa braso at tiningnan nang mataman. For a second, nakaramdam ng takot si Ces sa tingin ng kaibigan. Nawala ang friendly aura at napalitan ng. . darker aura?

“Ako na,” mahinang sabi nito saka lumabas ng bahay.

Pagsilip ni Ces ay may napansin siyang lalaking hinatak ni Note palayo sa kanilang gate. Susundan sana ito ni Ces nang may humawak sa kanyang braso para pigilan siya.

“Hayaan mo siya.”

Napalingon si Ces at nakita niya si Lyric na seryoso ang mukha habang nakatingin sa kanya.

“Kilala mo ba 'yung lalaking 'yun?” tanong ng dalaga. “Si Note kasi. . .”

“Hindi eh, pero oo. . .napapansin ko rin,” mahinang sabi ni Lyric.

Gustong itanong ni Ces ang nangyayari kay Note ngunit pag uwi ng kabanda mula sa labas ay maputla ang binata. Nakangiti ito ngunit kitang kita sa mukha nito na may hindi tama. Wala rin atang nakapansin sa change outfit ni Note at medyo iika-ika nitong paglalakad.

“Oh Note, saan ka galing?” tanong ni Melo.

Bumilis ang lakad ni Note paakyat, “sa labas lang. Pahangin.”

Kaagad pumasok si Note sa kwarto nito.

Kumunot ang noo ni Melo, “pahangin ng mga 12 hours? Kanina pa siya umalis tapos madaling araw na,” natatawang sabi ni Melo habang pailing iling at ibinalik ang atensyon sa pinapanood na Chick Flick movie.

Hindi na napigilan ni Ces ang sarili. Note is very important for her at gusto niyang malaman ang nangyayari sa kaibigan. Wala si Manager dahil nasa ibang bansa, si Pitch ay laging may ginagawa at mukhang walang idea si Melo sa kakaibang kinikilos ng kaibigan. Si Lyric naman ay may nararamdaman na ring kakaiba ngunit mas pinipiling huwag pakielaman ang kabanda.

Umakyat si Ces at tiningnan ang pintuan ng kwarto nila Note at Melo hanggang sa manlaki ang mga mata niya sa narinig sa loob. Isang daing na tila ba may masakit.

“Note?” kumatok si Ces sa pintuan ng kwarto ng kaibigan at natahimik si Note sa loob. “Anong nangyari sa'yo d'yan?”

Ilang segundo lang ay nagbukas ang pintuan at nakangiting tumambad si Note sa dalaga.

“Oh, anyare sa'yo Ces?” nakangiting tanong ng binata.

Kumunot ang noo ni Ces habang pinagmamasdan ang itsura ni Note. Napansin ni Ces ang pagtulo ng pawis ng kaibigan. Tila ba pagod na pagod ito. Napansin din niya ang pangingitim ng ilalim ng mata ng binata. Nawala ang friendly aura nito. .  nawala ang Note na nakilala niya. . . ngunit pinipilit itago ng bagong Note ang sarili gamit ang mga ngiti ng dating Note.

“K-Kasi. . .”

Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Ces ay nginitian siyang muli ni Note at pinatong ang kamay sa ulo niya sabay gulo sa buhok. “Matulog ka na, goodnight.”

Huminga ng malalim si Ces at isasawalang bahala na lang ang lahat ngunit nanlaki ang mga mata niya sa nakita bago maisara ni Note ang pintuan ng kwarto.

Sa may kama, ang damit ni Note bago ito umalis—puno ng dugo.

Hindi niya alam kung anong nangyari o kung bakit may dugo. O dugo nga ba ang pulang kulay sa damit ng kabanda. Hindi naman din nagpapakita si Note ng kahit na anong kilos na may masakit sa kanya.

Kahit si Melo ay mukhang walang alam kahit na nasa iisang kwarto lang natutulog ang dalawa. Pero. . .siguradong may mali—pilit na sinasabi ni Ces sa sarili. Hindi man kay Note ang dugo sa damit nito, kanino? At bakit may dugo? At sino ang lalaking hinatak ni Note palayo noong nakaraan?

Maraming tanong—maraming dapat isagot—ngunit walang sumasagot.

Sa kanyang kwarto ay hindi pa rin mapakali si Ces. Pilit man niyang kalimutan, hindi mawala sa kanyang isip si Note—at kung anong nangyayari sa kabanda niya.

Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng matinding pag aalala sa ibang tao. Kahit nga sa sarili ay hindi na siya nag aalala, ngayon lang. . . ngayon na lang ulit.

“Tama si Lyric, hayaan mo na lang siya.”

Napatingin si Ces kay Ash at sumimangot, “pero paano kung may nangyayaring masama na kay Note na hindi namin alam? Paano kung m-ma—” natigilan si Ces at hindi na natapos ang sasabihin. Isang foul na ang makaisip na may mangyayaring ganoon kasama kay Note. Kung kailan masaya na sila—hindi 'yun maaari. Hindi pupwede.

Ngumisi si Ash sa narinig, “paano siya mamamatay eh wala siya sa listahan ko.”

Bumuntong hininga si Ces at naupo sa kanyang kama. Tama si Ash, hindi mamamatay si Note kung wala sa listahan ng isang legit na kamatayan. Napatingin muli si Ces kay Ash nang maglaho na naman ito dahil sa trabaho.

For a moment, she felt relieved.

Alam niyang hindi magsisinungaling sa kanya si Ash. . . kaya panatag siyang walang mangyayaring malapit sa kamatayan.

Sana.

* * *

“Wake up! Open this goddamn door!”

Imbis na dumilat ay kaagad na napatayo si Ces nang marinig ang napaka lakas na kalampag sa pintuan ng kanyang kwarto. Natumba siya sa kanyang kama dahil sa hilo na naramdaman sa bigla niyang pagtayo.

Pagtingin niya sa paligid, sobrang dilim ng kanyang kwarto. Marahil ay gabi pa rin dahil kakagaling lang nila sa isang gig nang makabalik si Manager Lily mula sa ibang bansa isang linggo ang nakaraan.

“Ces, wake up!”

Hinimas ni Ces ang kanyang ulo dahil sa sakit nito. Nagmadali siyang tumayo at hindi na lang ininda ang sakit para buksan ang pintuan. Bago pa masira ni Manager Lily ang pintuan.

“Manager—”

Kunot noong tiningnan siya ni Manager Lily. “I’ll give you 10 minutes to prepare. Go!”

Kahit naguguluhan ay sumunod si Ces kay Manager Lily. Nagdamit na lang siya ng simpleng shirt, jeans at chucks incase na tumugtog sila ng gig.

Pagkababa niya ay nakataas ang kilay ni Manager Lily, “You’re late.”

“P-po?”

Napatingin si Ces sa orasan. Hindi naman siya late eh.

“You've wasted my time for. . ." tumingin si Manager Lily sa relo nito. "For a minute. C'mon, let's go.”

Hindi na lang umangal si Ces at hinayaan na hilahin siya ni Manager Lily papunta sa kotse. Pagkaandar ay nagulat si Ces nang may ibato sa kanya si Manager Lily. Isang panyo.

“Para saan po ito?”

“Piring. May surprise MyuSick para sa'yo,” tuloy-tuloy na sabi ni Manager Lily habang nagdadrive, not looking at Ces.

Natanga for a moment si Ces narinig at unti-unti ay napangiti sa narinig. Hindi dahil sa nalaman niyang may surprise sa kanya ang MyuSick ngunit dahil sa sinabi ito ni Manager Lily.

“Eh di Manager, hindi na siya surprise kasi sinabi niyo na—AH!” halos sumabog ang puso ni Ces nang biglang huminto ang kotse. Mabuti na lang at malakas ang pagtulak niya sa dashboard para hindi siya mauntog dito.

Nagkatinginan sila Ces at Manager Lily. Kinabahan si Ces nang makita ang matalim na tingin ng Manager sa kanya.

Kaagad nagdial si Manager Lily sa phone nito at nang may sumagot ay nagsalita, “huwag na ituloy 'yung surprise.”

Nanlaki ang mata ni Ces at inagaw ang cellphone kay Manager Lily.

“Hala hindi!” Natatarantang sabi ni Ces. Narinig ni Ces ang mga boses ng lalaki sa telepono—sila Note at Melo na mukhang nagrereklamo na maayos na ang lahat, maganda ang ipapakita nila and stuff. Hindi malaman ni Ces kung ngingiti siya dahil sa naririnig mula sa kabilang linya o matatakot dahil sa tingin ni Manager.

“Bibigay mo sa akin phone ko o lalabas ka sa kotse?” malamig na tanong ng Manager. Halos ginawin na nga si Ces sa boses nito. Mas malamig pa sa aircon ng kotse. Nakakunot pa rin ang noo ni Lily.

Inilapit ni Ces ang cellphone sa kanyang bibig saka nagsalita, “ituloy niyo, please,” saka ibinigay ang cellphone sa Manager. Marahas na kinuha ni Lily ang cellphone nang hindi nawawala ang tingin sa dalaga.

“Isang salita mo pa, palalabasin na kita.”

Napahinga nang malalim si Ces at hindi na muling nagsalita. Buong byahe, tahimik lang ang dalawa ngunit hindi maikakaila na napapangiti si Ces dahil sa narinig. And it’s kinda cute na magkamali ng ganoon si Manager Lily—hindi nga lang cute ang reaction kapag pinuna.

Bumaba sila sa isang lugar na sigurado siyang kilala niya—Keng’s Night Out.

Pero pagkababa ay walang bouncer na nakita si Ces at wala ring malakas na party song na naririnig. Itinali ni Ces ang panyo upang takpan ang kanyang mata.

Wala pang ilang segundo, nakarinig siya ng boses na pamilyar sa kanya. Isang boses na nagpabilis sa pagtibok ng kanyang puso—boses ni Lyric.

“Tara,”nakiliti ng kaunti ang tainga ni Ces sa bulong ng binata. Amoy fresh mint. Masarap sa pakiramdam. Safe.

Inalalayan ni Lyric si Ces papasok ng bar. Ramdam ni Ces ang mainit ngunit pasmadong kamay ng binata na nakahawak sa kanyang likod at braso. Pinakiramdam ni Ces ang paligid—nagtataka kung bakit nandito sila sa bar at bakit ang tahimik. Hindi rin alam ni Ces kung ano bang surprise ang magaganap nang paupuin siya sa isang upuan at nakarinig siya ng announcement at tugtog.

“Welcome to Ms. MyuSick of the Universe!”

Tinanggal ni Ces ang kanyang piring at napanganga ng kaunti nang makita kung gaano kaganda ang set up ng buong lugar. May stage sa harap na may makukulay na palamuti at nakasulat na Ms. MyuSick of the Universe. Napansin naman niyang may lamesa sa kanyang harap at may mga papel—isa siyang judge?

“Ms. MyuSick of the Universe?” natatawang tanong ni Ces kay Manager Lily na katabi niya sa kanan.

Ngumisi si Manager Lily ngunit nagulat si Ces nang mapansin niya kung sino ang nasa kaliwa niya.

“Matt!” nanlalaki ang mga mata ni Ces at kaagad na niyakap ang kaibigan. Natuwa siya nang malamang kapwa judge niya si Matt. Paglingon niya sa paligid, walang ibang tao, sila-sila lang, mga waiters, barista na nasa kani-kanilang istasyon at si Kis—ang fashion guru ng MyuSick, ang isa pang judge.

“Nasaan si—”

“Hello Judge Ces, pwede na ba akong magpakilala?” narinig ni Ces ang boses ni Melo sa speaker.

Paglingon ni Ces sa stage, halos mapanganga ang dalaga sa nakita. Nakangangang nakangiti na malapit nang matawa.

Sa harap ay nakaspotlight si Melo, nakaminiskirt na hapit na hapit sa katawan ng binata. May mahaba, brown at kulot sa dulo na wig. Hindi malaman ni Ces kung masasagwaan ba siya o ano dahil sobrang balbon ng binti ng binata.

Ngumiti si Melo kay Ces at muling nagproject sa harap habang hawak ang mic saka ito nagpakilala.

“Akala niyo ba si Maria Mercedes? Hello—mas maganda ata ako doon!” maarteng pagkakasabi ni Melo na ipit ang boses. “Ako nga pala si Maria Carmela Dy na may vital statistics na 36, 36, 36. Naniniwala po ako sa kasabihan na kung sa tingin mong maganda ka, liars go to hell and so are people like you. Ambisyosa. Thank you!”

Napanganga lang si Ces. . . hindi niya alam ang gagawin o iisipin kaya hindi pa siya nakakamove-on sa sinabi ni Melo ay rumampa naman ang contestant number 2—halos mabuga ni Matt ang iniinom na tubig nang lumabas si Note na naka-two piece. Nakawig ito na kulay puti, updo at puno ng glitters ang katawan.

Ngumiti si Note nang humarap sa judges ngunit unang napansin ni Ces ay ang sugat ni Note sa tagiliran—mukhang fresh pa.

“Hi. My name is Nathalie the Beautiful, 23 years old, female, Philippines. Ikaw, Nasl u?” sabay kindat ni Note.

Halos humagalpak sa tawa si Matt sa narinig—kaagad itong may sinulat sa papel at bumulong, “panalo 'to sa akin.”

Napailing iling lang ang MC at pinakilala na ang 3rd contestant. Nanlaki ang mata ni Ces na pati si Lyric ay mapapapayag sa kalokohang ito.

Pero imbis na mini dress at two piece na suot ng dalawang nauna, nakalong gown si Lyric na takip na takip ang buong harap. Kulay blue na long dress mula sa leeg hanggang paa at long sleeves na hapit sa binata. Dahil mahaba na ang buhok ay hindi na ito nagwig.

Bago magsalita ay hinawi pa ni Lyric ang buhok saka nag beautiful eyes at ngumiti na halos mawala na ang mata. Labas ngipin. Kahit nang magsalita ay labas lang ang ngipin nito, pinipilit ngumiti habang labas na labas na ang cheekbones.

“Eke nge pele se Lereke Yue,” panimula nito. Kaagad natawa si Matt sa narinig. Natatawa rin si Ces dahil lumalaki ang butas ng ilong ni Lyric habang nagsasalita. “Eseng bebeeng mey dengel de teled ng deleweng neene se eken. Nenenewele pe eke ne eng bebeeng nekengete lege ey mengengeley se bebeg memeye. Tenkye,” sabi ng binata gamit ang maliit na boses.

Nang maglakad si Lyric para pumuntang side ay tumalikod muna ito. Nagulat ang mga judges lalo na si Ces nang makitang isang tali lang ang nag-uugnay sa damit ni Lyric sa harap. Walang kahit na anong tela sa likod at kitang kita ang boxers ng vocalist.

“My eyes!” natatawang sabi ni Kis. “Natutuwa ang aking eyes!”

"Kahihiyan 'to ng MyuSick, Ces!" kumento ni Matt.

Face palm na ang naging reaksyon ni Manager Lily. Iniisip kung tama pa ba ang nangyayari. Kung tama bang ganito ang surprise ng MyuSick upang pasayahin si Ces. Kung tama bang maging manager ng MyuSick. . . o kung tama bang ang mga lalaking ito ang binuo niyang MyuSick.

Ngunit nagulat si Ces nang may fourth contestant pa.

“Seryoso, si Pitch?” nanlalaki ang mga mata na tanong ni Ces kay Manager lily.

Ngumisi si Manager at tinuro ang bandang likuran. Paglingon ni Ces ay nakita niya si Keng sa isang tabi na nakatayo, nakacross ang arms sa may dibdib at nakatingin sa stage. Nakangisi.

“Wala tayong magagawa, uto-uto eh.”

Nanlaki ang mata ni Ces nang rumampa si Pitch—nakashort shorts na hapit sa binti at nakavarsity jacket—siguro ay para takpan ang mga tattoo. Wala itong wig ngunit nakaayos ng curl ang buhok nito.

Nang magpakilala ay tumawa na naman si Matt.

Malalim ang boses ni Pitch at seryosong nagsalita kahit nakafull-make up at ayos na ayos, “Pia Alberta Gabiasa.”

Yep, 'yun lang.

Mabilis na ang nangyari sa sumunod—may mga inayos sila for the talent portion. Hindi makakalimutan ni Ces ang talent portion dahil doon siya nagsimulang tumawa talaga nang tumawa.

Simula kay Melo na tumula.

Sa stage, may upuan sa may likuran at hawak hawak ni Melo ang mic. “Ehem, ehem,” panimula nito.

“Ako ay may tula, Mabahang-mahaba.” Naglakad si Melo habang nagsasalita at naupo sa upuan sa likuran. “Ako'y uupo, tapos na po.”

Sumunod ay si Note na kumanta ngunit agad pinatigil ni Manager Lily dahil hindi kakayanin ng buong bar ang boses ni Note at baka mamaya ay magiba pa ito.

Hindi naman na nagulat ang lahat sa talent na ginawa ni Lyric. Nakaupo siya sa upuan at nasa gitna. Nagsimula siyang mag gitara at muli, binalot ng magandang boses ni Lyric ang buong paligid.

♪ ♫ The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust towards the sky
Never revealing their depth.

Napatitig si Ces kay Lyric nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si Lyric. Gusto niyang alisin ang tingin sa binata ngunit hindi niya magawa—para bang hinihigop siya ng mga mata nito. Asking her to not look away.

♪♫ Tell me that we belong together,
Dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above.

Tumayo si Lyric at nagsimulang makisabay ang ilang waiter at waitress sa pagkanta ni Lyric. Halos lahat ng tao ay napakalma. . . nawala ang tawanan ngunit ngiting ngiti ang lahat. Ngunit hindi mapakali si Ces dahil sa titig sa kanya ni Lyric. Napapainom siya ng tubig sa sobrang kaba na nararamdaman niya.

♪♫ I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide

Mula sa pagkakatayo sa stage ay naglakad si Lyric papunta sa direksyon ng mga judges. Lalong bumilis ang tibok ni Ces nang humarap si Lyric sa kanya habang kumakanta at nag gigitara.

♪♫ I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life.

Hindi pa rin maalis ni Ces ang tingin kay Lyric. Kahit naglakad na ito pabalik sa stage at naupo, nakatingin lang si Ces. Sinusundan ang bawat pag galaw ni Lyric. Napalunok siya at huminga nang malalim dahil pakiramdam niya ay binabawian na siya ng hininga sa sobrang kaba.

♪ ♫ And rain falls angry on the tin roof
As we lie awake in my be—ah—!!!

“Okay, tama na 'yan!”

Nagulat ang lahat nang lumitaw si Note mula sa backstage, naka robe at nakahairband. Inilayo niya ang mic kay Lyric.

“Note, ano ba?” pagrereklamo ni Lyric.

“Tumigil ka na sa pagkanta, madaya ka. Baka manalo ka eh!”

Natawa ang ilan at natapos na ang talent portion ni Lyric. Ngunit hindi pa rin natatapos ang kaba na nararamdaman ni Ces. Napahawak siya sa kanyang dibdib at hinimas ito, iniisip na huhupa rin ang nararamdaman.

Ni hindi nga niya napansin na dumating na si Pitch at nagulat ang lahat sa itsura nito. Fitted black and shiny suit—na may buntot pa! Nakamaskara ito na black that matches his suit. Susmaryosep

Isang senaryong hindi na matatanggal pa sa utak ng mga nakanood.

Pole dancing. As talent. ni Pio Alberto Gabiasa.

It was too late. When Pio started caressing the pole beside him, nakatunganga na ang lahat. Eyes wide open. Jaw-dropped. The reaction of people are priceless. Hindi maipinta ang mukha dahil sa sobrang pagkagulat.

Walang emosyon si Pitch habang kung anu-anong pag-ikot ang ginawa niya sa pole ngunit hindi nawala ang tingin nito kay Keng. Na kung tutuusin, ganoon din si Keng. Hindi mawala ang titig kay Pitch. . . na may kasamang pagngisi.

Nagpatuloy lang ang pageant ngunit hindi mawala sa isip ni Ces ang tingin ni Lyric sa kanya, nang lumapit ito at kinanta ang para sa talent portion. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga mata ng binata na para bang nagsusumamo—na parang ang daming gustong sabihin.

Nang magkaroon ng intermission number habang naghihintay sa backstage ang mga contestant at inaayos ang score. Nagulat si Ces nang may tumawag sa kanyang cellphone. Pagkakita niya ay lalo siyang kinabahan sa nakita sa screen.

Mystery Texter Calling. . .

Sinagot niya kaagad ito at nagsalita naman kaagad ang nasa kabilang linya.

“Sa likod ng Keng’s Night Out. Nandoon ako.”

Kaagad tumayo si Ces—not minding people around her. Hindi rin niya alam kung bakit pero parang nanginig ang buo niyang pagkatao at nakaramdam siya ng excitement. Kahit si Marky na lumabas sa backstage upang kausapin siya ay pinag mamaya na muna niya.

Habang hawak ang cellphone ay lumabas siya ng bar. Luminga-linga siya sa paligid. Iniisip niyang baka nasa tabi lang ang lalaking iyon ngunit wala siyang nakita. Nasa likuran ng bar. Excited. Kinakabahan. Natutuwa. Natatakot. Halo-halo ang emosyon ni Ces ngunit hindi na siya nagdalawang isip pa—gusto na niyang makilala si Mystery Texter kahit pa wala naman itong sinabi na magkita sila. Kahit pa ang sinabi lang ng Mystery Texter ay nandoon ito sa likod ng bar. Maraming tanong si Ces. Gusto na niya itanong sa lalaking iyon ang lahat. Bakit. Ano. Kailan. Paano.

Mga tanong na gumugulo sa isip niya tungkol sa pagkatao sa likod ng mga text at mga letter.

Lakad-takbo ang ginawa ni Ces para lang makapunta sa likod ng bar. Hinihingal siyang tumigil. Madilim ang paligid. Natigilan si Ces nang may makita siyang pares ng pamilyar na mga mata. Nakatingin. Nagliliwanag. Pulang-pula.

~ ~ ~
Author's Note:
CLICHE PO ITO PLEASE. Huwag kayong masyadong mag isip. . .kasi pramis, baka mataas expectation niyo tapos biglang, yun lang pala huhuhu kaya please, cliche ito. Gasgas. Sa sobrang gasgas pati ang word na cliche sa author's note ko ay nagiging cliche na rin.

Will try to update more often kapag una: nainspire ako sa mga comments, pangalawa: hindi na ako busy, pangatlo: hindi ako tinamad, pang-apat: hindi ako mawalan ng inspirasyon at panglima, mainspire ako sa mga readers. Kayo kasi ang inpirasyon ko at maraming salamat sa pagbabasa ng TTLS hanggang ngayon.

Dedicated to springbeige dahil sa comment niya rito sa TTLS at sa pagbabasa sa iba ko pang stories. Nakita ko library niya medyo pinakyaw niya 'yung stories ko kahit 'yung private hahahaha! Thank yooouuu sa comments at sa pagbabasa Ehm (?)! ♥

LIKE NIYO EXTERNAL LINK! :)))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro