44 // A Stupid Mistake

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Without music, life would be a mistake."
— Friedrich Nietzsche

~ ~ ~

Napatitig si Ces sa pintuang nasa harapan niya. Everyday for the past week, tinitingnan niya ito. She was hoping that someone’s going to open that door to greet her. A good morning or a goodnight. Kahit isang simpleng ngiti lang ay okay na siya. Pero sa araw-araw na iyon, walang kibo ang pintuan. Hindi bumubukas, hindi rin nagsasara. Walang tao. . .wala pa ring tao.

“Alam mo,” napayuko ng kaunti si Ces nang hawakan ni Melo ang ulo niya. Nakatingin ang binata sa pintuan ng kwarto ni Lyric. Ang pintuang kanina pa tinititigan ng dalaga. “Babalik din 'yan.”

Tumingin si Ces kay Melo, “pero nasaan siya?”

Nagkibit balikat si Melo. Ngumiti saka ginulo ng binata ang buhok ni Ces bago bumaba ng hagdan.

Isang linggo na rin ang nakalipas nang umalis si Lyric. Hindi ito nagpaalam kahit kanino—nagulat na lang ang lahat nang wala na ito sa bahay. It was the day after they talked. Umalis si Lyric pagkatapos nilang mag-usap sa rooftop. . . and she. . fucking. . .miss him.

She tried calling him. Ang number ni ‘Mystery Texter’, that is. Ngunit kahit ito ay hindi rin nagpaparamdam. Kinakabahan si Ces. . . what if Lyric already knew that she already know him? Baka nagback out? Natakot? Saan?

Sa isang pangyayari. . . pangako?

Simula nang mag-usap sila ay binabagabag na ni Lyric ang utak ni Ces. Everynight, magpapakita si Lyric sa isip ng dalaga. Repeating those words. Ang mga kinakatakutan ni ‘Mystery Texter.’ Everynight, when Ces shuts her eyes, naaalala niya ang boses ni Lyric when he said his last good night. Ramdam na ramdam niya iyon and she fucking miss it.

She’s frustrated and she doesn’t even know why. Basta ang alam niya, naiinis siya. Sa sarili niya? Kay Lyric? Hindi niya alam. Gusto lang niya ay malaman ang katotohanan. Why tell a lie? Why make an identity?

Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Mystery Texter? Maraming tanong. Marami siyang hindi maintindihan at si Lyric lang ang makakasagot nito and yet. . .he’s nowhere to be found.

She tried asking Manager Lily about it pero sinasabi nito ay wala itong alam. Mayroong hint si Ces na may alam ang Manager sa pag-alis ni Lyric. Napapansin din kasi ng dalaga na lumalayo sa kanila si Manager Lily—kahit pa sinasabi nito na inaayos kasi ang album ng banda at sobrang busy.

She felt empty. Hinahanap-hanap niya ang lalaking nakasama niya sa rooftop a week ago. Hinahanap niya ang pag-uusap na walang pretentions. Hinahanap ng puso niya ang bawat pagbilis ng tibok sa tuwing lalapit sa kanya ang binata. Hinahanap niya ang yakap nito. Sa tuwing hihiga ay naaalala niya ang lamig ng sahig na hinigaan nila noong gabing 'yun. Malamig pero isa sa pinaka kumportableng lugar para sa kanya. Naalala niya ang pagkislap ng mga bituin sa langit. Ang mapayapang gabi. Ang mga tawanan. Ang tinginan. Ang katahimikan.

Kahit ang kanta noon ay hinanap pa niya sa internet. Dinownload, pinakinggan ng paulit-ulit at inalam kung paano igitara. Everything happened that night became a drug for her. Nakakaadik. Hinahanap-hanap. Hindi mapakali hangga't hindi nakikita o natitikman ulit.

“Hindi pwedeng hindi siya bumalik ng pasko.” Lumingon si Ces kay Pitch. Kakabukas lang nito ng pintuan ng kwarto, papasok.

“Pasko? Bakit?”

Hindi sinagot ni Pitch ang tanong ni Ces. Pumasok ito at sinara ang pinto ng kwarto. Naglock pa. Everybody’s so mysterious. Parang lahat sila may tinatago at nahihirapan si Ces dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin o dapat alamin.

Hindi nagpaawat ng pagkamisteryoso si Note nang magring ang telepono ng bahay. Pagkasagot ni Ces ay nakarinig siya ng mabigat na paghinga sa kabilang linya. Ilang segundo lang ay may nagsalita na boses ng lalaki. Bulong na nagpataas sa balahibo ni Ces. Napaka seryoso. Mapanaginip na boses.

“Wala ka nang takas Notar—”

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang may kumuha ng telepono sa kanyang kamay. May sinabi pa ang tao sa kabilang linya ngunit hindi na niya narinig. Paglingon ay nakita niya si Note na nakatingin sa kanya.

"Sorry, wrong number ka po." Binaba ni Note ang telepono. Eyes fixed on her.

“Note . . .”

Seryoso ang mukha ni Note. Kinabahan si Ces sa pagkaseryoso nito. Ang mga mata nito ay may tinatago na kapag tinitigan ay siguradong malulunod sa mga titig ng kawalan. Nawala ang dating Note. . .sigurado na si Ces na hindi ito si Note. Hindi ito si Note na nakilala niya noon. . . o baka ito ang Note bago pa ang MyuSick.

“Huwag ka sasagot ng kahit na anong tawag.”

Napatango si Ces kahit hindi na niya nagegets ang mga nangyayari. Nilagpasan siya ng kaibigan at lumabas ng bahay. Nakatayo lang siya, nakatitig sa kawalan. Sobrang tahimik ng buong bahay. Maraming kalat ngunit walang tao. Silence swallowed the house and it’s bothering her.

Malapit na mag pasko ngunit hindi nararamdaman ni Ces ang pasko.

Kahit si Ash, hindi na nagpakita pa.

* * *

Ilang buwan na ring kasama ni Ces ang banda. Sa totoo lang, hindi na siya nakakasabay sa agos ng buhay ng MyuSick. Ang bilis ng phasing lalo na sa change of emotion. The last time, sobrang misteryoso nila tapos ngayon, nag-aaya ang lahat para mag malling. Ang daming tanong ni Ces pero grabe talaga ang bilis. . . parang niloloko siya ng mga ito.

Siguro sa dami ng problema ng mga kabanda, gusto rin nilang magsaya kahit papaano. Mag-unwind sa mall. Makakita ng mga taong naglalakad, nagsasaya at nag-uusap. Matagal tagal na rin kasi ang huling pagpunta nila ng mall. . .ni hindi na nga naalala ni Ces kung kailan ang huli.

Pagkapark ni Melo ay nagsilabasan na sila ng kotse. All coasts were clear kaya naglakad na sila papuntang entrance. Nauunang naglakad sila Note at Melo, si Ces ang nakasunod at si Pitch ang nahuhuli.

Ilang segundo lang ay nakarinig sila ng malakas at nakakabinging ingay ng gulong.

“May nagdidrifting ba rito?” natatawang sabi ni Melo.

Nagulat ang lahat nang may sasakyang nagwawala na papalapit sa kanila. Rinig din nila ang sigaw ng driver nito, “tabi! Tabi! Wala akong preno!” Nagpapanic ito habang iwinawagayway ang braso sa labas. Pinapatabi ang mga taong haharang sa daanan.

Everything’s so fast. Nakarinig sila ng mga pito ng guard. Tumakbo ang buong MyuSick papuntang gilid. Kahit si Ces ay tumakbo ngunit nagulat siya nang makatapat niya ang kotse. Nabubulag siya sa sobrang liwanag ng ilaw. Nabibingi siya sa lakas ng busina ng kotse. Sobrang bilis. Sobrang lapit.

“CES!”

Bago pa pumikit si Ces, nakita niya ang isang pamilyar na pigura. Pamilyar na damit. Pamilyar na mukha. Pamilyar na matang nagliliwanag ng pula. Nakatingin ito sa kanya. Seryoso ang mukha. Sa loob ng kotse ay may katabi ang driver.

Ash!

Pagkapikit ay naramdaman ni Ces ang isang paghatak at yakap. Ilang segundo na ang nakalipas ay wala naman siyang narinig na malakas na pagbunggo o pagkasira ng kotse.

“Ces?” boses ni Melo.

Pagmulat ni Ces ay nakita niya si Note na yakap siya. Sobrang higpit ng yakap ng binata. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. . . at doon lang din niya naramdaman ang pagwawala ng kanyang puso. Parang after shock ang nangyari sa kanyang katawan dahil ngayon lang niya naramdaman ang panghihina ng kanyang tuhod. Nanginginig ang kanyang katawan. Tanging ang hawak lang ni Note ang nagbibigay ng lakas sa kanya para makatayo.

Pagtingin sa kotse na muntikan nang tumapos sa kanya ay nagulat ang lahat nang tumigil ito. Tumigil ito na halos isang dangkal ang layo sa pader. Unscratched. Parang nakaparking lang.

Nag-init ang ulo ni Note. “Hoy ikaw—”

Kaagad pinigil ni Ces ang siguradong mainit na diskusyon. Sorry nang sorry ang driver kanila Ces. Hindi rin kasi nito alam kung bakit nasira ang break at hindi rin nito alam kung bakit napreno niya ang kotse. Ces smiled, didn’t ask for anything kung hindi ang sorry lang.

Pinabayaan na niya ang lahat. Told the driver to just forget everything and she’s okay.

* * *

Ilang minuto lang ay naglalakad na sa loob ng mall ang MyuSick na para bang walang nangyari sa parking lot. Na para bang hindi kamuntik maipit ng isang kotse ang babaeng bokalista nila. Umiiling si Note at Melo.

“Hindi ko gets bakit hindi natin pinagbayad 'yung gagong 'yun,” kumento ni Note.

Bumuntong hininga si Melo. “Wala eh.” Sabay na tumingin si Melo at Note kay Ces na tahimik lamang na naglalakad. “Ayaw niya eh.”

Habang naglalakad ang MyuSick ay may mga taong napapalingon sa kanila. Matatangkad kasi ang mga ito, lalo na si Note na nasa 6ft. Magaganda ang pangangatawan at maganda pumorma.

Simple lang ang porma nila. Si Pitch ay nakalong sleeves na black. Siguro para takpan ang mga tattoo sa katawan. Nakatali ang buhok nito kaya kita ang mga piercings at tattoo sa leeg. Simpleng jeans at chucks. Angat ang tahimik na aura ni Pitch. Bad-boy look naman si Note na naka typical get up nitong jacket na may fitted shirt sa loob, skinny jeans, at ang paborito niyang chucks. Melo is in his usual v-cut plain t-shirt, skinny jeans, converse at nerdy glasses. Kunwari ay hot nerd. Si Ces naman ay nakaponytail ang buhok, simpleng shirt, jeans, boots at suot din ang salamin.

People were staring. Pinagmamasdan ang bawat paggalaw ng buong banda. Ang iba ay kilala sila, ang ilan naman ay nakuha ang atensyon dahil sa mga itsura nila. Ang gugwapo kasi. Iba-iba ang aura pero gwapo pa rin. Pakiramdam din ni Ces ay nagmumukha siyang katulong sa tabi ng mga ito. Mabuti na lang din siguro na wala si Lyric kung hindi, dagdag gwapo pa.

Tumambay ang banda sa isang coffee shop. Rinig doon ang pagtugtog ng mga nagbabantay  sa music store. Kitang kita rin sa pinagtatambayan nila ang cake stall sa gitna ng daanan at ang mga babaeng namimigay ng flyers sa mga tao. People were ignoring those girls. Kakikitaan ng pagkadismaya sa expresyon ng mga babae sa tuwing tumatanggi o hindi pinapansin ng mga taong dumadaan ang flyers. Ngunit ilang segundo lang ay ngingiti ulit ang mga ito. They’re good at hiding their pain from a lot of rejections. Siguro kailangan ng mga taong nagtatrabaho bilang tagabigay ng flyers ay ang maging matatag. No space for people who can’t accept rejection. Every. Day.

Tahimik ang coffee shop dahil halos lahat ng customers ay may kanya-kanyang ginagawa. Kung hindi sa computer ay nagsusulat o kaya naman ay nagbabasa. Ganoon din ang ginagawa ni Pitch, nagbabasa ng bagong librong binili niya. Nagkukwentuhan naman sila Melo at Note. Pinipilit nilang isali sa usapan si Ces ngunit nakatahimik lang ang dalaga. Nakatingin sa kawalan.

Naaalala ni Ces ang pangyayari kanina. Ang kotseng muntik nang kumitil sa kanya. Ang hiwaga sa break ng driver at ang katabi nito. Si Ash. . .sigurado siyang si Ash ang nakita niya.

Bakit?

Ces was too deep in her thoughts. Bumuntong hininga si Note. “Minsan iisipin mo, tumutugtog ka dahil gusto mo lang pero,” tumingin ang binata sa lalaking nasa music store. “Once na may lumapit sayong tao para sabihin na ‘naiinspire niyo po ako’ nagkakaroon ng plus ang dahilan mo para tumugtog. Para sa sarili mo, at para makainspire sa ibang tao.” Pailing-iling nitong sabi.

Napakunot ang noo ni Melo. “Pre, anong point mo?”

Ngumiti ng malawak si Note. “Wala, pa-deep lang.”

Nagtawanan ang dalawa. Pinipilit ni Pitch magconcentrate sa librong binabasa pero sobrang korni ng mga kabanda nito na napapangisi na siya. Pagtingin nila Note kay Ces, walang epekto ang inaakto nila. Hindi sila pinapansin ng bokalista.

“Uhm, Ces.” Nilingon ni Ces si Note. “CR tayo.”

Bago pa makareact si Ces ay agad siyang hinila ng kaibigan. Hindi na siya nakatanggi o naka-oo. Ni hindi na niya naisip kung saan siya inaaya ni Note.

“Hi ma'am, sir—Kape Keyk po,” inalok ng babae si Ces at Note ng flyer. Hindi sana ito papansinin ni Note ngunit kinuha ni Ces ang flyer. Nakita ni Ces ang pagngiti ng babae. Isang genuine smile. “Thank you po.”

Pinilit ni Note na mag CR si Ces kahit hindi naman kailangan ng dalaga mag CR. Kahit naguguluhan ay pumasok na siya ng CR. Hindi kasi siya tinatantanan ni Note hangga't hindi raw siya nagcCR.

Pagkatapos maghugas ng kamay ni Ces for the 3rd time, may mga babaeng pumasok na hawak ang flyer na kaparehas ng kanya. Tatlong highschool students, nakauniform at tig-iisa pa ng flyers. Tumatawa ang mga ito na tila ba kinikilig.

“Ang gwapo nila!”

“Ahihi, oo nga!”

“Grabe~”

Anong nangyari? Kaagad naisip ni Ces.

Pagkalabas ay nagtaka siya nang mawala si Note. May ilang babae na papasok ulit ng CR at kinikilig na hawak ang mga flyers nila. Napalingon si Ces sa mga babaeng iyon, nagtataka. Nagtataka siya. May nangyayari ba sa flyers? Bakit kinikilig ang mga babaeng iyon?

May nakasalubong din si Ces na magkasama—babae at lalaki. Ngiting ngiti ang lalaki at hindi sinasadya ni Ces na marinig ang sinabi nito. “Kapag ako nagmahal, Rhianne. . .pati asin, tumatamis.”

Natawa ang babae at binatukan ang lalaking kasama. “Anak ng, korni mo, Nathan!” Saka naghiwalay ang dalawa upang mag CR.

Naglakad si Ces para makalabas sa hallway ng comfort room. Natigilan siya nang makarinig siya ng mga sigaw. Hindi rin naman mahirap hagilapin ang pinagkakaguluhan dahil kitang kita niya kung sino ang mga pinagkakaguluhan. Nasa gitna. Sa may cake stall.

Ang MyuSick.

Nakangiting nagpapamigay ng flyers sila Note at Melo. Tinutulungan nila ang mga babaeng sobrang lawak ang ngiti ngayon. Si Pitch ay nagdadrums gamit ang set ng music store sa tabi at ang lalaki sa gitna. . .ang may hawak ng mic. Nakaharap sa kanya ang binata at ngumiti.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

♪♫Huwag kang matakot
'Di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi

Ang boses na iyon. Ang mga ngiti. . . hindi namalayan ni Ces na napapangiti na rin siya habang naglalakad palapit sa lalaking hinahanap-hanap niya sa nakalipas na linggo.

♪♫'Di kita pababayaan kailan man
At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita

Si Lyric.

He was wearing a jacket. Ang itim na hoodie na nakita noon ni Ces na suot ni Mystery Texter. Dahil nakatali ang side ng buhok ni Lyric sa kanay ay kitang kita ni Ces ang hikaw nitong kulay black na may design na cross.

♪♫Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako

Tumigil ang lahat sa paligid nang magkaharap sila ni Lyric. Ilang metro lang ang layo. Ang nagbibigay ng flyers na sila Note, Melo at ang mga babae ay tumigil. Si Pitch na nasa may music store ay nakatigil din. Ganoon din ang salesman ng store na nag gigitara. Ang mga tao sa paligid, ang lahat ng gumagalaw ay tila ba naglaho.

Tanging si Lyric lamang at ang sarili ang nakikita niyang gumagalaw. Kumakanta at nakangiti sa kanya.

♪♫ Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot

Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan ang mga tao. Dinumog sila ng mga fans. Nagpapicture, nagpaatograph sa kung saan-saang pwedeng mapirmahan pati na rin sa iba’t-ibang parte ng katawan. May isang sexy na babaeng nagpaautograph kay Melo sa bandang dibdib nito. Tuwang tuwa naman ang loko.

Natahimik sa pandinig ni Ces ang lahat nang nakatayo na sa harap niya si Lyric. Ngiting ngiti ito sa kanya. Sa halos dalawang linggo nitong pagkawala, para kay Ces ay isang buwan ang nagtagal. Ngunit sa presensya ng binata ay tila ba naibsan ang kaunting emptiness sa kanyang loob.

“W-Welcome back,” pagbati ni Ces.

Nagkangitian ang dalawang bokalista. Walang masyadong kumikibo. Ang tanging nararamdaman lang ni Ces ay ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Isang kaba na masarap sa pakiramdam. They just stood there. Staring at each other’s eyes with a hint of longing.

“Kamusta?”

Kahit ang boses ni Lyric ay kumukuryente sa pagkatao ni Ces. Tila isa itong magandang melodiya na bumubulong sa kanyang tainga. His voice was luring her. . .inaakit siya nito. She breathed heavily. Ibinabalik ang normal niyang paghinga—hindi niya napansin na nagpipigil pala siya ng hininga kanina. Lyric, just by standing in front of her, made her breathless.

This. Is. Not. Good.

Hindi. . . namiss ko lang siya. Bilang kaibigan. Pagkumbinsi ni Ces sa sarili. Satisfied, nakumbinsi naman niya ang sarili. Yeah, she missed him. Pero dahil magkaibigan sila. . .at hindi lang siya sanay na mawalay sa mga kabanda ng dalawang linggo.

Oo, tama. Ganun nga.

“Ay grabe to, a moment to remember ang drama,” natatawang kumento ni Melo habang nakatingin sa dalawang bokalista. Natawa si Note at tahimik lang si Pitch habang nagbabasa ng nakatayo.

“Thank you po sa pagtulong,” pagpapasalamat ng dalawang babaeng namimigay ng flyers. Pagkatapos ng isang kanta ay naubos ang flyers na pinamimigay nila. Ganoon kalakas ang hatak ng MyuSick.

For a reward, inilibre sila ng mga babae ng tig-isang cake. Hindi tumanggi sila Note at Melo. Pagkaupo sa nakalaang table sa customers ng cake stall ay agad nilang nilantakan ang mga cake. Napapangiti si Ces sa pinag gagagawa ng dalawa.

“Wow, parang ang saya mo ata ngayon, Ces?” pagbati ni Note sa dalaga. “No, Lyric?” pagbaling ni Note kay Lyric. “Ang saya ni Ces ngayon. Kanina ang tahimik n'yan.”

Nanlaki ang mata ni Ces. Napanganga rin siya ng kaunti dahil sa mga pinagsasasabi ni Note. “Note—”

Lumawak ang ngiti ni Note at pinatong ang kamay sa ulo ni Ces. “Joke lang, medyo guilty?” natatawa nitong sabi.

Nag-init ang pisngi ni Ces. Note is teasing her! Ang lakas ng topak. She can’t believe it. Iniiwas man niya ang tingin kay Lyric, napansin niya ang paghawak ni Lyric sa batok nito. Hindi rin makatingin si Lyric kay Ces.

“Ah, young love,” kumento ni Melo. Ngiting ngiti.

Lalong nag-init ang pisngi ni Ces. Hindi niya malaman kung ngingiti, sisimangot o kukunot ang noo. Nagkatinginan sila ni Lyric ngunit sabay ding umiwas ng tingin. Papatigilin na sana ni Ces ang dalawa sa panunukso sa kanila nang magring ang kanyang cellphone. Pagtingin niya sa tumatawag, number lang.

Pagkasagot, narinig niya ang isang boses na sobrang pamilyar. Boses na nagpapasakit sa kanyang ulo at dibdib. Sa galit. Sa inis. Sa pagkairita.

“Hi Ces!”

She knew answering the call was the most stupid thing she has ever done.

~ ~ ~
Author's Note:
Sa 1000+ people na nagbabasa ng TTLS kahit hindi nagpaparamdam, (o sa mga napapadaan lang), HAPPY 2014!!! Sa mga todo suporta sa TTLS with ze votes and comments, thank you berimats guys. Masaya akong nagtapos at nagsimula ang taon ko na kasama ko kayo. Natatawa na natutuwa ako dahil natutuwa kayong tama ang mga hula niyo. . . mehehehehe. So now, let's start everything, shall we?

MyuSick at the right -->

This chapter is dedicated to a new reader of TTLS. Si SadButterfly! Nabasa ko kasi 'yung comment niya at. . .wala lang. Matalinong bata. *tango tango* so yeah, akala ko hindi ako magaling maglead ng clues pero may nakakagets naman pala. Masaya ako dahil doon. And Ms SadButterfly, maraming salamat sa comment, sa pagiging reader pati na rin pagmarathon ng JOA :D

Happy 2014 ulit :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro