51 // One Step to Death

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Love caused her pain then she cursed the feeling. Now, love is on revenge. The thing is, revenge isn’t really that sweet. It tastes like death."
— R. Mariano

~ ~ ~ 

“Hindi ka ordinaryo.”

Nagpaulit-ulit sa utak ni Ces ang tatlong salita na sinabi sa kanya ng binata sa dressing room. Pagkatapos noon ay natahimik ang buong MyuSick saka napagdesisyunang umuwi. Hindi na muling nag-usap ang dalawa. Naiilang kasi si Ces. Kinakabahan siya sa presensya ng binata—kahit ang kaalaman na nasa kabilang kwarto lang ito ay hindi na siya mapakali. Tulog man o gising, alam niyang nandoon lang iyon. Nasa iisang bahay lang sila.

Hindi ako ordinaryo? Napangiwi si Ces nang hawakan niya ang pilat sa kanyang dibdib. Namumuo ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mata. Nagbabara na rin ang kanyang lalamunan. Siguro nga, hindi ako ordinaryo.

She’s going to die.

No, wait. She’s not going to die. Hangga't walang mangyayari na ikakamatay niya, hindi siya mamamatay. And so, she tried her best to ignore Lyric. Kung kailan magkasama na ulit ang MyuSick sa iisang bubong, doon pa nagdesisyon si Ces na lumayo. Well, hindi “lumayo” talaga dahil tumatambay pa rin siya sa sofa kasama sila Melo at Note. Nakikipagtawanan pa rin. Gumawa lang siya ng pader. Isang pader na naglalayo sa kanila ni Lyric.

Huwag pansinin. Ito lang ang tanging paraan upang umayos ang lahat. Kailangan niyang matutunan kung paano indahin ang lahat. Ang emosyon. Ang sakit. Ang nararamdaman. Dapat ay hindi siya magpaagos sa kanyang sarili. Kung hindi. . .

* * *

Nasa sariling studio ang MyuSick. Nagsimula na silang magpractice ng kanilang mga kanta. Malapit na kasi ang isa nilang gig at recording pa. Nang magbreak sila, nag CR sandali si Lyric. Nagbabasa ng libro si Pitch. Nag gigitara ng mahina si Melo habang umakbay naman si Note kay Ces na tulala.

“Ano na?” ngiting ngiti na tanong nito.

Nagtaka si Ces. “Anong ano na?”

Napakunot ang noo ni Note na nakatitig sa dalaga. Inilayo ni Note ang sarili at pinagmasdan ang babaeng nasa harap niya. “Wala pa rin?!” paghihisterikal nito.

“Ha?”

Napalo ni Note ang noo niya sa inis. Kaunti na lang ay magpapalit na ng pwesto ang mga kilay nito. Nag-isip ito ng malalim. Crossed arms. Nakaramdam ng ilang si Ces dahil titig na titig sa kanya si Note.

“Hindi pa pala sapat 'yung ginawa ko.” Sumimangot si Note at pinalobo pa ang pisngi. Natawa si Melo dahil sa itsura ng kaibigan. Pacute. “Eh kung. . .” Lumapit si Note at hinawakan ang pisngi ni Ces. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. There’s something in Note’s eyes. May ngiti rin ito sa mga labi. “Tototohanin ko na lang?”

Unti-unting lumapit ang mukha ni Note sa dalaga ngunit kaagad hinawakan ni Melo ang pagmumukha ni Note saka ito tinulak palayo. Napahawak si Note sa kanyang mukha na napaatras. “Aray, takte ka.”

Ngumiti si Melo at inakbayan si Ces. “Hindi mo siya puwedeng kunin. May nag mamay-ari na nito.”

“Eh hind—”

“Melo.” Puno ng owtoridad ang boses na iyon. Napatingin ang lahat sa may pintuan dahil sa nagsalita. Nakatayo si Lyric na siyang lalong nagpakaba kay Ces. Kaagad tinanggal ni Melo ang hawak sa dalaga at tinaas ang kamay na parang nahuli ng pulis. Natatawa rin ito. Bumalik sa pwesto si Lyric nang hindi tumitingin kay Ces.  Seryoso ang mukha. “Practice ulit.”

* * *

Nag-aya mag bar si Melo. Nakakagulat dahil kahit si Pitch ay game rito. Gusto sana magpass ni Ces dahil nandoon din si Lyric ngunit pinilit siya ng dalawang makulit na kaibigan. Hindi sumama si Manager Lily dahil masusuka lang siya sa kaingayan ng mga tao roon.

They were decently dressed pagpasok ng bar. Ang dilim ng paligid at nabubulag si Ces sa iba't ibang ilaw na tumatama sa kanyang mata. Naupo sila sa paikot na sofa na may bilog na lamesa sa harap. Ang ingay ng buong lugar pero narinig nila ang pagsigaw ni Melo na drinks on him. Pagkatayo ni Melo, may babaeng lumapit kay Note na ngiting ngiti. Napatingin lamang si Ces dahil sobrang ikli ng dress ng babaeng lumapit sa kaibigan.

“Kuya, pwedeng patext?” Napangiti si Note at ibinigay ang cellphone. All the time the girl’s texting, hindi mawala ang eye contact ng dalawa. Ilang minuto ay ibinigay na ng babae ang phone kay Note. “Thanks,” the girl seductively smiled and went away.

Ilang segundo lang, napatingin sila nang magvibrate sa lamesa ang phone ni Note. Lumawak ang ngiti ni Note nang mabasa ang text sa kanya.

“Mukhang nakitext nga 'yung babae,” natatawa nitong sabi.

“Bakit?” Lyric asked.

Pinakita ni Note ang text kay Lyric, “tinext niya sarili niya eh!”

Natawa si Note nang marealize ang ginawa ng babae. The girl texted her own number from Note’s cellphone. Sneaky move. Tumayo si Note at tumango sa ibang table. Paglingon nila Ces, nakita niya ang babaeng nakitext kay Note na kumindat sa binata. Kinilabutan siya rito.

“Pupunta ka?” Ces asked Note.

Nginitian ni Note ang dalaga at pinatong ang kamay sa ulo ni Ces. “We’re here to have fun. Naiiyak ako wala akong kapartner eh!” saka ito umalis para lumipat sa kabilang table.

Napatingin si Ces sa dalawang lalaki na kasama. Nanonood sa mga nagsasayaw si Pitch habang si Lyric ay tulala. Tiningnan niya ang relos niya.

“Ang tagal ni Melo. . .” sabi ng dalaga upang mawala ang awkward silence sa table.

“Busy 'yun,” diretsong sagot ni Pitch.

Nagtaka si Ces. “Busy?”

Tumango si Pitch at tinaas ng kilay upang ituro kay Ces kung nasaan si Melo. Nakita ni Ces si Melo na nakatayo sa may counter. Tumingin ito sandali sa parte ni Note kaya sinundan din ni Ces ng tingin ang binata. Napasapo siya ng noo nang makitang nakikipagtawanan si Note sa mga babae sa kabilang table. Nang ibalik ng dalaga ang tingin kay Melo, nagulat siya sa inaakto ng kaibigan. Tila nakikipaglandian ang binata lalo na nang lapitan ni Melo ang tainga ng babae. Hinalikan man o binulungan ay hindi siya sigurado. Tanging sigurado lang niya ay ang mga ngiti sa labi ng mga ito. Hindi siya makapaniwala na si Melo ang nakikita.

“Si Melo 'yun?” Pagtataka ni Ces nang tumingin siya kay Pitch. Ngumiti si Pitch bilang sagot. “Pero. . . hindi siya ganoon.”

“Hindi mo siya kilala.” Sagot ni Pitch. Lalong naguluhan si Ces sa narinig. “Wala pa sa kalahati ng pagkatao niya ang alam mo. Parang Ako. At ikaw.”

“Ako?”

Ngumiti si Pitch. "Hindi ka rin namin kilala talaga."

Natigilan si Ces. Nagkatinginan sila ni Pitch, nawala nga kahit papaano ang atensyon ni Ces sa lalaking katabi niya na si Lyric. Nawala ang titigan nila ni Pitch nang may dalawang babae na kumalabit sa binata. Tulad ng lumapit kay Note, maiikli rin ang mga suot nitong dress. Kumikintab ang mga damit mula sa liwanag na nanggagaling sa ilaw ng table nila.

“Hi kuya, would you like—” Natigilan ang babae nang may tumikhim mula sa likuran ng mga ito. Lumingon ang dalawang babae nang hawakan ang balikat nila ng taong iyon. “And who told—” Nagulat ang mukha ng mga ito sa nakita.

“Erm. We'll just go.” Kaagad lumayo ang dalawa nang ganoon kabilis. Pagkaalis ng mga ito, laking gulat ni Ces nang makita si Keng. Pink at blue pa rin ang buhok nito. Sobrang angas ng itsura lalo na't kitang kita ang sleeves at neck tattoo ng dalaga mula sa dress na suot. Kaya siguro napaalis kaagad ang mga babae dahil natakot sa itsura ni Keng. Not that she looks like a monster. She's quite presentable. Quite.

Pero si Ces, may gana pang magtanong. “B-Bakit nandito ka?”

Ces was expecting a comeback from Keng pero nagulat siya nang nawala ang tapang sa mukha ni Keng. “Ah, ano. . .” Kitang kita ang pagkailang nito sa senaryo. Pinipilit na ibalik ang kanyang tapang. Tinitigan nito si Ces nang masama ngunit bigo ito. “Aalis na pala ako.”

“Huwag.” Nagulat sila Ces at Lyric nang hawakan ni Pitch ang kamay ni Keng. Keng stiffened. Nanlalaki ang mga mata nito. “Dito ka lang."

Pabalik-balik ang tingin ni Ces at Lyric kanila Pitch at Keng. Natahimik ang lahat. Walang kumikibo nang hilahin ni Pitch si Keng para makaupo sa tabi nito. Wala pa ring nagsasalita. Ces felt a little awkward.

“Aalis ako." Tumayo si Lyric na ikinabigla ni Ces. Lalo siyang nagulat nang hawakan ni Lyric ang kanyang braso. "Kasama siya."

Hindi na nakapag-isip ng mabuti si Ces nang tinayo siya ni Lyric. Lumabas sila at iniwan sila Pitch at Keng sa table. Naupo sila sa labas. Hindi iniinda kahit madumihan man ang kanilang damit.

Then the silence came.

Maraming sasakyan ang humarurot sa harap nila Ces. Hindi rin nila iniinda ang mga taong naglalakad sa kanilang likuran. Nagmistulang Christmas lights ng mundo ang madilim na lugar dahil sa mga nagliliwanag na night lights. Sobrang ganda.

For some odd reason, hindi mabilis ang tibok ng puso ni Ces. Not that she's complaining. Sa katunayan, sobrang kalmado ng pakiramdam niya kahit ilang dangkal lang ang layo niya sa pwesto ni Lyric. At ang sarap sa pakiramdam. They didn’t talk. They just stayed there. Nakaupo. Nagkakagulo ang loob at labas ng bar pero tila may sarili mundo ang dalawa.

Ces smiled. . . ngayon na lang ulit siya nakaramdam ng ganito kapayapa. This is the first time na kahit hindi niya kausap si Lyric, the fact na nasa tabi lang niya ang binata ay nakakagaan na ng loob. She wanted this to last. Kahit pa hindi sila magkatinginan ni Lyric, kahit hindi nagdadampi ang mga balat nila. She wanted this. Kalma lang. Chill lang. No pressure. No mistakes. Just by being there at each other's side is enough. More than enough.

But then, bago pa magsink-in sa mismong pagkatao ni Ces ang kalmadong senaryo, napatingin siya sa babaeng nagsalita sa harap nila.

“Anong ginagawa niyo rito?”

“Love?”

Ngumiti si Love at itinayo si Ces. Niyakap ni Love ang dalaga. Napatayo rin si Lyric kaya niyakap din ito ng number one fan ng MyuSick.

“Bakit nakatambay kayo sa labas?” Natatawang tanong ni Love. Tumingin ito nang mapanukso kay Lyric. “Anong mayroon, ha?”

Pinanlakihan ng mata ni Lyric ang dalaga. “Ikaw ang dapat kong itanong. Bakit nandito ka?”

“Mamamalengke sana ako," natatawang tugon ng dalaga.

Sinamaan ng tingin ni Lyric ang kaibigan. "Wow. Galing. Madaling araw namamalengke."

“Nandito ako dahil sa boyfriend ko," natatawang sagot ni Love. May kakaiba pa rin itong tingin kanila Ces at Lyric. Ngiting mapang-asar. Pansin iyon ni Lyric ngunit hindi ito pinapansin ng binata.

Nagulat si Lyric. “Boyfriend?” pagtataka nito. “May pumatol?”

Pinalo ni Love si Lyric at sumimangot. “Ang sama mo!” tawa nang tawa si Lyric. Nakatingin lamang si Ces. It’s nice to see Lyric laugh. Sobrang saya kasi ng tawa nito. Ang sarap sanang irecord. . . .then play it on repeat. Then she stopped from thinking about it. Delikado.

“Hindi nga, sino? May nabulag ka na pala hind—”

Natigil si Lyric sa pagsasalita nang may tumawag kay Love. Paglingon nila ay nanlaki ang mata ni Ces at Lyric. They’re both dumb founded. Sinundan ng dalawang bokalista ang lalaking lumapit kay Love. Hinalikan ng lalaki ang noo ni Love at ngumiti. Inakbayan nito ang dalaga at tiningnan ang dalawang kabanda na gulat na gulat pa rin.

“Kayo?!” Hindi makapaniwala si Lyric.

May kakaibang ngiti si Love habang hawak ang kamay ng lalaking umakbay sa kanya. Nakatitig lamang silaCes at Lyric sa kamay na magkahawak. Gulat sa nakikita. Ngumiti si Melo. “Hindi ko ba nasabi?”

* * *

Gabi na nang makauwi si Melo. Halos buong araw itong wala—iniwan pa nga nito ang mga kaibigan sa bar dahil sa “date” na naganap. Mula madaling araw hanggang gabi. Anong klaseng date iyon? Hindi ito pinalampas ni Note dahil kaagad itong naghisterikal nang pumasok si Melo sa bahay. Mas nagreklamo pa ito kaysa kay Manager Lily na nananahimik sa haven nito.

“May girlfriend ka na pala!” nanlalaki ang mga matang sabi ni Note. “Kailan pa?”

“Noong umalis ako.” Ngiting sagot ni Melo.

Nang akbayan ni Note si Melo ay nagulat ito, nanigas ang katawan. Kiniskis ni Note ang kamao sa ulo ni Melo bago nagsalita. Nanggigigil. “Nag-aalala ako sa'yo nung nawala ka ng ilang linggo tapos naglalandi ka lang pala?! Landi mong gago ka!”

Tinulak ni Melo si Note nang natatawa. Tahimik lang si Ces at Lyric habang pinapanood ang drama ng dalawang gitarista.

“Walangya.” Napaupo si Note sa isang upuan at sumandal. Stressed na stressed ang itsura. “Ako na lang talaga ang walang partner,” bulong ni Note sa sarili ngunit rinig na rinig naman ng mga kabanda. Nagmoment pa siya sa sarili at nag self-pity sa isang tabi.

Natawa na lamang si Ces kahit nakaramdam na naman siya ng ilang. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan na matutulog ngunit pinigilan siya ni Lyric. Kaagad kumabog ang kanyang dibdib nang hawakan siya ng binata sa braso.

“Ako rin, sabay na tayo.”

Nakatingin lamang si Melo at Note kanila Lyric at Ces na paakyat. Bubuksan na sana ni Ces ang pintuan ng kanyang kwarto nang magsalita si Lyric.

“May ipaparinig ako sa'yo.”

Imbis na sa kwarto pumasok, sinundan niya si Lyric sa kwarto ng binata. Nakatayo lang si Ces sa may pintuan nang kuhanin ni Lyric ang kanyang gitara. Dumiretso si Lyric sa sariling veranda ng kanyang kwarto. Tahimik na sumunod si Ces. Sa bawat hakbang na ginagawa ng dalaga ay nakikipaglaban siya sa kanyang nararamdaman.

Maganda ang loob ng kwarto ng binata. Kasing laki ng kwarto ni Pitch ngunit mas may kulay ito kumpara sa itim na motive ng kwarto ni Pitch. Green, blue, white at black ang naghalo-halo upang mabuo ang kabuuan ng kwarto ni Lyric. Sa dinadaanan nila ay may mga litrato na hindi na masyadong napapansin ni Ces dahil sa kabang nararamdaman. Nakatutok din kasi ang kanyang paningin sa likuran ni Lyric na kanyang sinusundan.

“Ano?”

"Isang kantang. . ." Umupo si Lyric sa gilid ng pintuan palabas ng veranda saka itinuloy ang sinabi, "sinulat ko para sa kanya."

Kumabog ang dibdib ng puso ni Ces. Gusto niyang itanong kung sinong "kanya" iyon ngunit nanahimik na lamang siya.

Nang matitigan ni Ces ang itsura ni Lyric, napangiti siya kung gaano kadramatic ang aura. Madilim na at ilaw sa labas ang nagbibigay ng highlight sa feature ng mukha ni Lyric. Medyo matangos na ilong. Magandang pilik mata. Manipis na labi. Kitang kita rin niya ang adams apple ng binata. Makitang nakaupo lamang si Lyric doon ay napapangiti na siya.

Ganoon kadali. Ganoon ka effortless ang pagpapangiti sa kanya. Basta si Lyric, kahit simpleng pag-upo ay napapagaan na nito ang pakiramdam ng dalaga.

Nagsimulang magstrum sa gitara. Ang payapa at kalmado ng paligid. Tinitigan ni Ces ang kamay ng binata. Ngayon lang niya natitigan nang mabuti ang pag gigitara nito. It was magical, seeing Lyric’s fingers do its magic. Kahit pa pasmado ito o magaspang ang kamay, still, it’s magical.

Nagtataka si Ces nang marinig sa sariling utak ang strumming ng isang gitara—sumasabay ito sa pag gigitara ng binata. Hindi niya mawari kung saan o paano niya naririnig iyon ngunit pakiramdam niya ay pamilyar ang strumming ng intro. Tila narinig na niya ito noong nakaraang araw, linggo, buwan o taon. Nawala sa kanyang isip ang kanyang pagtataka nang magsimulang kumanta si Lyric.

♪♫ In my dreams you haunt me before you came
There was you forming within my fate

Tiningnan niya ang mukha ni Lyric. Nakatingin ito sa gitara habang kinakanta ang bawat liriko na bumubuo sa kanta.

♪♫ If this is true wake me up today
Cause you were there when the world was away.

Halos mahulog ang puso ni Ces nang tumingin sa kanya ang binata. His eyes were sparkling. Mas maganda pa sa pangingintab ng ibang bampira sa mga palabas.

♪♫ All the words never really came out right
Finally I've found someone that makes me smile

Nanghihina ang tuhod ni Ces sa naririnig. Gusto niyang maupo ngunit natatakot siya. Ang gulo ng nararamdaman niya lalo na at nagwawala ang kanyang puso.

♪ ♫ In your eyes my future ignites
This might be what it means to be alive

Kinikilabutan si Ces. Gusto na niyang umalis. Gusto na niyang lumabas. Gusto na niya lumayo pero hindi siya makagalaw. Tila dinikit siya ng musika ni Lyric sa kinatatayuan niya. Tila nanigas ang kanyang katawan sa mga titig ng bokalista.

Napansin ni Ces ang pagtigil ng pag-iistrum ni Lyric. Pumikit siya at pinakiramdaman ang nagwawalang puso. Ilang segundo lang, narinig niya ang boses ni Lyric. Mahina. Mataimtim. Puno ng emosyon.

“Ces.”

Napasandal si Ces nang marinig ang boses ni Lyric na tinawag ang kanyang pangalan. It was so sweet. Sa pagtawag ni Lyric sa pangalan ng dalaga ay nakaramdam ng saya si Ces. Ngunit unti-unti rin siyang nakakaramdam ng sakit. Unti-unti siyang nakakaramdaman ng panghihina.

Humugot ng malalim na hininga si Lyric. Natigilan si Ces nang muling nagsalita ito. Diretso ang paningin ni Lyric sa kanyang mga mata at diretso ang boses ng binata sa kanyang puso.

“Mahal kita.”

~ ~ ~
Author's Note:
"WAAAHT? SERYUSLI?! HINDI KO ALAM YON GRABE OMAYGAHD PLOT TWIST PO ITO HINDI KO AKALAIN AS IN NABIGLA PO AKO HUWAAAAW SERYUSU BA ITUUU. NAKAKABIGLA. NABIGLA AKO. NABIGLA KA BA?!"

Hahahahaha anywaaaay, maraming salamat sa pagbabasa ng TTLS. Sa mga comments na sobrang nakakainspire ♥ ♥ ♥ Ang kanta po ni Lyric sa taas ay isang original composition ng kakilala ko in real life. As in pinush ko na sana makasulat siya ng related kay Lyric. Sa susunod, lalagyan na raw niya ng tono. HINTAYIN NATIN :">

This chapter is dedicated to IanneRiera. Siya po kasi ang pangalawa at panghuling nanalo sa LyriCes contest kuno. Nakuha niya ang loob namin ni Admin Ai dahil sa comment niya! See multimedia at the right! NAGPASALAMAT SIYA SA AKIN huhuhuhu thank you riiiin :""">

Dahilan ni Admin Ai kung bakit niya pinili ang entry ni IanneRiera:
"Pag may mga ganitong question, mas gustong kong malaman kung anong naitulong ng scene sa buhay nila. I must say, her answer to number one question made me think, too."

Marami pang maganda eh pero isa lang pwedeng piliin. May ilan na sobrang nagstand out kaya lang nadedicate-an na. PSSH. But anyway, thank yooouuu sa pagbabasa!!! Next dedication ay manggagaling sa comments para sa chapter na ito. :) Pilosopotasya page, external link! :D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro