Interview with Rhadson Mendoza (matabangutak) [Tagalog Post]

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Interview with Rhadson Mendoza (matabangutak) [TAGALOG POST!]

Ano bang masasabi ko tungkol kay "Kuya Rhads" ng Tumblr, Wattpad at ngayon, soon-to-be-published author na din!

Una ko syang nakilala dito sa Tumblr. Nakita ko kung paano sya nagsimula. (Khye-Rhads pa noong mga panahong iyon. Haha)

At mula noon hanggang ngayon, masasabi kong hindi pa din sya nagbabago. Yung mga iba kasing "peymous" na eh lumalaki ang ulo, nakakalimot na. Pero siya, hindi pa din.

Si Kuya Rhads, hindi snobero. Noong nalalaman niya naglalaro ako ng DOTA, niregaluhan pa niya ako ng DOTA 2 Keys (eto ung mga panahonh bagong labas pa lang ang DOTA 2 kaya tuwang tuwa ako)

Sooo. Kalaro ko siya sa DOTA 2 at dati pa ay nahila kong kumanta. Meron kaming cover ng "Payphone" 

(Nasa blog ko. aerithsage(dot)tumblr(dot)com/tagged/songcover)

Talagang nagkapaos paos pa sya kakaulit ng kanta namin. Haha. Sobrang saya ko at pinagbigyan niya ako. At ngayon, pinagbigyan niya akong muli sa Interview na ito.

So tama na ang introduction at eto na ang Interview ko sa kanya. :)

1. Una kitang nakilala saTumblr. Finollow ko ung malalalim mong posts about love at kung ano-ano pa at ung mga kakulitan din. Tapos recently gumawa ka ng Wattpad account. Kamusta naman ang Wattpad para sayo? Ano ang mga nagugustuhan at mga ayaw mo dito?

"Dati hindi ko siya ma appreciate kasi hindi ko talaga forte ang pagsusulat ng kwento. Na appreciate ko siya recently dahil yung mga co-authors ko eh taga Wattpad. Nakita ko ang suporta ng tao sa Wattpad kaya naeenganyona din ako pasukin ang pagsusulat ng maiikiling kwento."

2. Nagbabasa ka ba sa Wattpad? Ano ang mga favourite stories mo? Paboritong author?

Sa ngayon wala ako paboritong author. As in wala akong kilala. Nagugulat ako na yung mga kasama ko eh sobrang sikat na.Parang nakakahiya na hindi ko sila kilala dahil wala akong kilala kahit isa saWattpad. Isa lang kilalako. Si pilosopotasya lang. Nabasa ko rin kwento niya. Yung "Fifteen Days."

3.  Ano ang mga nakakaimpluwensya sa iyong pagsusulat? (Meron ka bang idol, based on experience ba ang iyong mga gawa? Etc)

"Dati gusto ko maging Bob Ong na bata. Pero sabi ko, bakit ko pipilitin maging Bob Ong kung pwede naman ako maging Rhadson?"

-O diba? Hanep. Haha. Agree ako dito. Pwede tayong sumunod sa mga yabag ng ibang tao pero mas maganda kung lalakad tayo sa isang daan na tayo mismo ang gumawa. Kumbaga sarili mong journey at sarili mong identity.

Well said, Kuya Rhads!

4. Ano ang iyong mga inspirasyon?

"Mga  naranasan ko sa pag-ibig. Pagiging broken hearted ko dati. At syempre ang pamilya ko."

-Naks. Haha. Ika nga nila, "Experience is the best teacher."

5. Tungkol saan yung mga gusto mong isulat at bakit?

"Inspirational and about love. Gusto ko maging inspirasyon sa maraming kabataan."

-Tingin ko naman eh naachieve mo na to. Sa mga simpleng Tumblr at Facebook posts mo eh marami ka nang nainspire. :)

6. Kapag nagsusulat ka, ano ang mas tama parasayo: Sinusulat mo ung nasa puso mo o iniisip mo ano ung magusustuhan/ mas makakarelate para sa mga bumabasa?

"Yung nasa puso ko syempre. Kung iintindihin ko palagi ang iniisip ng iba at ang gusto nilang mabasa. Hindi lalabas ang pagiging totoo ko sa sarili."

7.  Isa ka na sa mga published na Filipino authors! Ano ang naramdaman mo noong una mong nalaman ang balitang ito?

As in parang panaginip. Hindi ko inaasahan talaga seryoso. Sobrang biglang binigay sa kin ni God yung pagkakataon. Sobrang blessed ako. Hanggang ngayon parang pangarap pa rin na gusto kong abutin. Pero eto na abot ko na.

8. Paano ba ang naging journey mo sa pagiging published? (Sinubmit mo ba ang iyong mga akda? May nakadiscover ba sa iyong mga sinusulat?

"Nag try akosa Summit dati. Nilakad ako nung friend ko. Kaso hindi ata sila interisado sa blogger na katulad ko. Ang gusto ata nila Nobela. Then kinausap nung friend ko si Denny ng “Diary ng Panget.” Tapos nirefer ako ni Denny sa Psicom. Then ayun, minessage ako ng PSICOM na gusto daw nila ako makausap at Masaya ako na naging ok naman at nagtiwala sila sa akin."

9. Kamusta naman ang buhay ng pagiging isang published writer? Anong maikkwento mo sa amin tungkol sa Psicom?

"Masaya. Sobrang alaga nila yung mga authors nila. Lalo na sa mga event. Hindi nakaka-pressure. Hahayaan ka nila kung ano ang gusto mong gawin sa libro mo. Kumbaga hindi mawawalay ung pagiging ikaw kahit ma edit ang gawa mo."

-Nakikita ko nga ung mga events. Grabe parang sobrang saya. At sobrang daming tao! Haha. Gusto ko din sana pumunta para makigulo kaso ang layo. XD

 10.  Sa tingin mo paano nakatulong ang pagiging blogger mo sa Tumblr/ Wattpad sa pagiging isang published writer mo?

Malaking tulong. Kasi yung mga nakakakilala sakin eh maaring magkainteres sa libro ko. Kasi nakilala nila ako bilang inspirational na tao. So ma cucurious sila kung ano ang inilagay ko sa libro.

 11. May plano ka ba na gumawa ng full-length na novel in the future?

 Yes. Currently working na J Chapter 4 na. 6 more chapters!

12. What’s next for you sa tingin mo? (May plano ka na bang isulat in the future?)

"Yes may plano na akong isulat. Kailangan ko gumawa talaga ng isang novel para masabi kong author na talaga ako.

Yung sa upcoming book feel ko ang title eh #NakaraanZoned. Basta sa lalakeng hindi maka move on sa past niya then may makikilala siyang babae na makakapagpabago ng pananaw niya sa buhay."

-Grabe. Title pa lang sobrang nakakahatak na ng atensyon! Aabangan namin iyan Kuya Rhads. At goodluck sa pagsusulat! :)

13. Mayroon ka bang maipapayo sa mga Pilipino dito na nangangarap din maging magaling na manunulat? (Paano magsimula? Paano makakuha ng maraming followers?)

"Ako kasi nung una hindi ko inintindi ang followers. Nagsulat lang ako ng nagsulat. Kahit anong maisip ko sinusulat ko. Until now hindi ko ma figure out bakit sila dumami. Basta inisip ko lang na isusulat ko kung ano ang naiisip ko. Nagkaroon ako ng faith sa sarili ko na makikilala ako baling araw. Naging consistent lang ako sa pagsusulat. Kaya siguro na curious ang tao at sinubaybayan nila ako."

14. Message para sa iyong mga mambabasa.

Sana suportahan niyo ang soon to published libro ko na “Pag-ibig Thingy” consists siya ng mga payo about Love, Moving On, pag nagkarelasyon ka na, mga gusto ng babae sa lalake, lalake sa babae at marami pang iba. Sana hindi matapos ang pagsuporta niyo sa akin. Mahaba pa ang ating daan na tatahakin. Sana hanggang huli samasama tayo. Hindi ko kayo iiwan. Palagi akong andito para sa inyo!

Maraming Salamat po!

And that ends it!

Muli, maraming salamat kay Rhadson Mendoza sa pagsagot ng aking mga tanong.

At sa iyo na bumasa nito, sana ay nainspire ka ng mga sinabi ni Kuya Rhads at sana suportahan niyo ang kanyang libro!

Sa aking mga mambabasa sa Wattpad, suportahan niyo din sana si Rhadson. 

Maraming salamat! :)

P.S. First time ko magpost ng Tagalog sa Wattpad. Hahaha. omg. :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro