Chapter Eight

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

UNKNOWN


"Hay! Salamat at natapos din!" ani ni Parker, habang nilalagay ang kanyang gitara sa sa loob ng cover. Malapit na mag hating-gabi, masyado kaming nakapokus sa kakapractice, siguro dahil ito na ang last performance namin.

"Sa sobrang practice natin, nakalimutan kong pumunta sa Sky's Instruments," ani rin nito. 

Oo nga pala, magpapapalit pa kami ng strings sa gitara, kaso 11 pm na, siguro bukas nalang. ag-Kailangan rin namin mag-palit ng strings, dahil nagkakalawang rin ito sa tagal ng pag-gamit, at minsan umiiba na rin ang tunog.

"Ugh! Tingnan mo, Levi, maga nanaman ang kamay ko," sabi ni Parker habang pinapakita niya sa akin ang namumula niyang kamay. 

Bakit mas nahihirapan pa siya sa puwesto niya kaysa sa akin? Ako ang lead guitarist, tapos siya pa ang 'tong mamaga ang kamay? Siguro, dahil sa kakapractice, masiyado niya naman itong dinadamdam. 

As if it's our last.

"Alisin mo nga 'yan sa harapan ko, aanuhin ko ang kamay mo?" masungit kong sabi at inalis ko ito gamit ang kamay ko. 

Para itong bata, lalo na pag tapos na ang practice, hanggan ngayon hindi pa rin sya nag-babago. Siya pa rin ang Parker na kilala ko noong gradeschool pa kami.

"Sabi ni manager, umuwi na daw tayo, wala na siyang announcement," ani ni Jaxon, ang bassist namin. 

Kung napapansin niyo sa ugali at kilos ni Jaxon, parang siya ang tumatayong leader sa aming grupo. The way he speaks and order us around, it resembles our manager a lot. Pero wala namang leader ang Paralised, pantay-pantay ang tingin namin sa isa't isa, sadyang ganyan lang talaga si Jaxon.

 Like Parker, hanggan ngayon, hindi pa rin siya nagbabago. Still the Jaxon I used to know.

"Nasaan siya ngayon?  tanong ni Hunter, ang aming drummist, kay Jaxon, "Andoon, sa sofa, tulog na, huwag niyo nang gisingin," sabi nito.

Napapansin ko na etong si manager Ace pa ang mas pagod kaysa sa amin, eh kami itong palaging  nagpapractice hanggan sa antukin kami. Maybe he's still dealing with the reporters because of their curiosity to know our identities. We're thankful that manager Ace is on our side, siya kasi ang tumatayong magulang namin ever since Paralised was born.

Pagkatapos naming ayusin ang studio na ginamit namin, we already packed our things then headed home. Since, malapit lang naman ang condo namin ni Hunter sa Studio, nilakad nalang namin, since, wala nang dumadaan na taxi sa ganitong oras, hindi naman siya gaanong malayo, siguro aabot ng 10 minutes ang paglalakad, bago makarating sa condo, pero ayos lang. 

Habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada, habang dala ko ang aking gitara at dala rin niya ang kanyang drumsticks, naisipan namin magpahinga na muna sa park, magpapalipas ng oras kumbaga. Since, 10 am ang practice namin bukas, magiging mahimbing ang tulog namin nito. 

Pareho kami umupo sa magkatabi na swing. I know, we're too old for this, pero, kailangan rin namin magpahinga. 

Ni isa sa amin hindi nagsasalita, simulang naglakad kaming dalawa mula sa Studio. Tanging ingay lamang ng swing ko at ingay ng crickets ang naririnig ko.  Instead, I'm the one who break the silence between us.

"Hindi ko naabutan si DJ AV kanina, so I wasn't able to record her voice," sabi ko sakanya, habang nags-swing ng dahan-dahan. 

"It's okay, alam ko naman na hindi mo talaga siya maabutan," seryosong sabi nito, habang nakasandal ang ulo niya sa poste nitong swing. Aba, tangina naman. Gusto ako nito pagurin.

"Eh? Bakit mo pa ako pinapunta sa school?" curious kong sabi. Linoloko lang pala ako nitong kumag. 

"Dahil desidido kang puntahan siya," natamaan ako sa sinabi niya, sobrang napakasimple, pero ang lalim ng meaning. 

Napatahimik ako pagkatapos kaya pinalitan ko ang topic namin.

"Hanggan kailan nalang ba tayo magpapanggap? Hanggan kailan nalang tayo magsusuot ng mga crappy gothic costumes, parang ginagaya natin ang isang anime, nagmumukha tayong emo and weird," sabi ko sakanya, habang sinisipa ang bato sa harapan ko. Still now, ang kalmado niya pa rin parang wala lang sakanya ang mga sinabi ko. Maybe he's only tired.

"Pero nagustuhan naman ng ating fans," singit naman niya. 

"Nagustuhan nila ang Paralised, pero hindi nila pinapahalagaan ang mga kanta natin, 'yong iba nga diyan, nagpapanggap na maging fan dahil popular tayo, sumasabay lang sila sa uso," bungad ko naman sakanya. 

"Huwag mo sila lahatin, Levi, bago tayo sumikat, may mga tao na ring nagsuporta sa atin, sila ang pinakaunang fan natin." 

Hindi ko siya maintindihan, kung sabihin niya nalang ng diretsyo edi sana nage-gets ko ang pinagsasabi niya. 

"Ha?" 'yan nalang ang nasabi ko, para kaming naglalaro ng pinoy-henyo dito, nagiisip ng isang sagot sa riddle. 


"Our family." 


Napa-'Ah' nalang ako, 'yan pala ang tinutukoy niya. 

"Pero kahit na, ayaw ko na tumago sa mga costumes natin, gusto ko makilala nila tayo, kung sino talaga si Hunter at si Levi," binago ko ang topic namin, for the second time,  dahil na-speechless ako sa sinabi niya. Hindi siya umimik,  wala siyang reaksiyon sa sinabi ko. 

Kasi naman, huwag mong sabihin tatago kami sa aming costumes until we get 50 years old? May mga pangarap rin ako, hindi ko naman intensyon maging isang lead guitarist eh. Pampalipas ko lang ito ng oras, a hobby.


At naging tahimik nanaman ang paligid, hanggan sa maalala ko na may sasabihin pa pala siya sa akin. 

"Diba may sasabihin ka?" tanong ko sakanya, habang pinatong ang gitara ko sa sahig, it's okay, naka-cover naman ito.

"Ah . .  'yon."

Narinig ko siyang tumawa ng mahinhin na parang ulol na aso. Ano kaya ang tumatakbo sa isip nito? 

"Naisip ko lang," napalingon ako sakanya, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa tono ng boses niya. Naging seryoso.


"Ano kaya kung siya nalang ang maging vocalist natin?" 


Nagulat ako sa sinabi niya at muntik pa ako mahulog sa swing, mabuti napakapit ang dalawa kong kamay sa magkabilaang chains nito.

"Ano?! Baliw ka na ba, Hunter? Walang papalit kay Alice! She belongs to our band, ever since nabuo tayo, hindi mo alam kung gaano ako naging masaya," sabi ko sakanya na may halong galit. 

Si Alice kasi ang dahilan kung bakit kami naging parte ng Paralised ngayon, pinilit niya kaming lahat maging isang banda, hanggan sa nadiskubre kami ni manager Ace, ang may ari ng Arc King Studio. 

"Alam ko, alam ko, napakarisky talaga ang desisyon ko, baka kasi umabot sa punto na 'yon," mahina nitong sabi at napayuko. Eto nanaman tayo, nagpipinoy henyo. 

"Umabot sa punto na alin?" tanong ko sakanya habang pinipigilan ko ang sarili ko magtimpi.

"Na baka-" 

Naputol ang sasabihin niya nang may tumawag sa akin, kinuha ko ang aking cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at sinagot ko ito agad. 

"Teka lang," sabi ko sakanya at inayos ang pag-upo ko sa swing.


"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.


Kay Alice 'tong number pero . . .


"S-si Alice", pero si Parker ang kausap ko. 


Shit, kinakabahan ako. 


"Ano kay Alice?" napatayo ako sa kinauupuan ko at napatingin sa akin si Hunter, mukhang nag-aalala rin kagaya ko. 

"Uh! Basta! Nasa hospital kami ngayon ni Jaxon, pumunta nalang kayo dito!" ikaw na nga ang tumawag, ikaw pa ang galit?

"Sabihin mo kasi sa akin kung ano nangyari kay Alice! Mahirap ba 'yon sagutin? Mabuti nga sinagot ko tawag mo eh!" sinisigawan ko na ang aking cellphone dahil sa galit. Para siyang si Hunter! Nakikilaro ng pinoy-henyo!


"Hindi na siya makapagsalita," natulala ako sa sinabi ni Parker. 


Si Alice? Hindi na makapagsalita? Paano naman 'yon nangyari?

"H-hello?", nagising ako nang magsalita si Parker

"Room no.?" tanong ko sakanya. 

"205, St. *toot* Hospital"

"Sige, papunta na kami," pagkatapos ko ibaba ang cellphone ko, kinuha ko agad ang gitara ko at nagsimula na akong maglakad palayo kay Hunter, pero sumunod naman ito, tumawag ako ng taxi at pumunta sa St. *toot* Hospital. 


Nakaabot rin kami, on time, at binayaran ko agad si manong kuya. Agad kaming pumunta sa Room 205, ang pinaka-private sa buong kwarto nitong Hospital. 

Sakto, pagkabukas ko ng pintuan, andito ang lahat, pati si manager.

"Mabuti naagapan namin siya at nabalik rin ang boses niya. It seems that she has Vocal Cord tumor," ani ng doctor habang may sinusulat siya sa hawak niyang notebook. 

"How can you be sure she has vocal Cord Tumor, doc?" tanong ni manager sakanya. 

"Syempre, dahil nakuha niya ang lahat ng symptoms nito. Hindi gumagaling ang sore throat niya, constant coughing, trouble breathing. At inamin rin niya na minsan sumasakit ang tenga niya at nahihirapan siya kumain, good thing at tumor lang ang maabutan niya hindi cancer," napabuntong hininga si manager at si Parker, nakahinga rin sila ng maluwag. 

So is this a good news for us? Dahil okay na si Alice, pero bakit ganyan ang mukha ni Doc? Parang hindi siya masaya sa resulta? O baka may sasabihin pa siya?

"Kaso nga lang . ." napatigil ang lahat sa sinabi ni Doc. 

Hay, para siyang si Hunter, papinoy-henyo amputa. 


"She won't be able to sing again"


Nagulat kami sa sinabi niya at may kanya-kanyang reaksiyon at komento. 

"ANO SABI MO DOC?!" napataas ang boses ni Alice. 

"H-ha? Paano na ang Paralised? Hindi mabubuo ang banda kung wala si Alice," sabi ni Jaxon sa doctor. 

"That can't be true! Wala na bang ibang solusyon? Next week na ang last performance ng Shout Tour namin!" galit na sabi ni Parker, iba talaga pag mahal mo ang isang tao, no, Parker?

"Please, calm down. Syempre, may solusyon pa, pero we can't be sure about that, kailangan niya na muna ipaopera ang vocal chords niya, kaso it will take half of the year, hindi naman natin puwedeng pagmadaliin, dahil baka maging cancer ito," explain ni doc sa amin. 

Paano na 'to? Hindi puwedeng palitan si Alice! 

Magpapahinga na muna ba ang Paralised? Pero kakaumpisa lang namin, eh. Isang taong palang ang nakalipas!

Naging tahimik ang paligid hanggan sa dumating ang mga magulang ni Alice, at nagsi-alisan kami dahil kailangan namin sila bigyan ng privacy. 

Nag-usap usap kaming apat kasama si Manager sa labas ng kwarto niya, kung ano ang magiging plano namin. 

Lahat kami ay hindi makapagisip ng maayos, lalo na't next week na ang aming last performance, inaasahan namin na magiging bizarre ito, since huli naman sa ngayong tour. 

"Sa tingin ko, kailangan nating palitan si Alice-," hindi pinatapos ni Parker ang sasabihin ni manager sa amin. 

"Hindi siya dapat palitan! Alam ko may mas mabilis na solusyon para gumaling siya!" natatarantang sabi ni Parker. 

"Hindi naman mapapansin na pinalitan natin siya since nakadisguise naman kayong lahat," kalmadong sabi ni manager. 

"Paano 'yong boses? Malalaman nilang hindi si Alice ang kumakanta," ani naman ni Hunter, habang nakasandal ito sa pader at nakcrossed arms. 

"Edi, ipagduet natin si Parker or Levi sa bagong Alice para hindi mapansin ang boses niya, tsaka, live naman ang performance niyo eh, iba pa rin ang boses ang live sa studio, dahil sa studio, naayos pa ang tune at pwede lagyan ng sound effects," explain naman ni manager. 

Sa totoo, hindi naman talaga 'Alice' ang pangalan ng aming vocalist, it's just a frame-up name, ang producer namin ang nag-decide na gawing Alice ang pangalan niya, wala namang reason kung bakit ganoon ang ginawa niya, pero 'yon lang naman ang pabor niya sa amin, kahit 'yon nalang daw ang kapalit sa mga kanta na ginagawa niya para sa amin.

Ang totoong pangalan ni 'Alice' ay Sophia Anderson. Lahat kami may mga totoong pangalan, hindi naman talaga Levi ang pangalan ko eh. We either used our second name o mag-imbento nalang. 

"What?! Hindi! Hindi ako papayag diyan!" at nag-walk out si Parker. We don't need his opinion anyway, dahil iniisip niya lang ang sarili niya.

"So, what now?" Jaxon break the silence, until a man in a suit running towards to our direction. 

Ano naman ang kailangan nito? Ito ang driver ni manager, eh, pero hindi ko alam kung bakit nakasuot ng black suit ito.  

"Sir! Paparating ang mga reporters dito! Hinaharang sila ngayon ng mga guwardiya sa labas!" sabi nito, hingal na hingal dahil sa pagtakbo, hanggan sa may dumating pa na ibang lalake na nakasuot rin na black suit.

Teka? Reporters? 

Shit, paano nila nalaman na andito kami? Eh, kakarating lang namin!

Tsaka paano naman nila malalaman na andito kami, ang aming identity, eh hindi naman kami naka-costume! 


O baka? May nakakakilala talaga sa Paralised o kilala ang manager namin? 


"You need to go now, bago pa kayo makilala ng mga reporters, ako na ang bahala dito," sabay tulak sa amin ni manager para umalis. 

"How about Parker, manager?" tanong ko sakanya. 

"Sila na ang bahala sakanya. I can't believe someone is spying on us", sila? What does the manager mean? These men in black? Hay, beastmode pa naman 'yon ngayon, baka pagkamalan niyang kidnapper ang mga 'to. 

Tsaka 'spy'?How can manager Ace be sure? All this time may nags-spy sa amin? Kaya bawat kilos nakin alam niya? Kung ganoon, is this the end for Paralised?


Dali-dali kaming tatlo umalis sa building, sa emergency exit kami dumaan, mabuti nalang at nakabukas 'yon. Nakita namin na ang mga reporters sa harap ng hospital, at mas lalo silang rumami at hindi na sila kayang harangin ng mga guwardiya at nurse, dahil nagsidatingan pa ang mga iba. Mabuti at hindi naman kami napansing dumaan. 

Ano kaya ang sasabihin ni manager sakanila?


Eto na ba ang katapusan ng Paralised?


~*~

A/N: Hey, guys! What do you think about this chapter? Let me know in the comment section below!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro