Chapter Six

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Danielle Alice Piper

At naging successful ulit ang tanghalian session namin! For the first time, nagsalita ako ng matagal on-air. "Excited na ako sa Q and A para bukas," sabi ni ate Camila, habang nagliligpit kami ng gamit sa loob ng clubroom, "Magsasabi po ba ako ng totoo?" tanong ko sakanya.

"Aba, syempre, kahalating oo, kalahating hindi," sabi naman ni Ate Cha. 

"Bakit naman po?" tanong ko naman sakanila. 

"Of course! Mas maganda kung i-maintain natin na ganito lang, bahala sila mabaliw mag-isip kung sino talaga si DJ AV, hohoho," sabi ni Mia at nag-evil laugh. 

Loka-loka talaga 'to. Parehas talaga sila ni Olivia.


"Syempre, sasabihin mo sakanila na isang STEM student, baguhan lang sa school na'to, pero wag na wag mo sasabihin kung ano ang section mo, saan ka nakatira. Basta, huwag ka magsasabi na magbibigay ng malaking hint, alam mo bang nagiging detectives sila kakahanap sa'yo?" ani naman ni Sky. It's been a while since nagsalita siya. Nakikinig rin pala siya sa usapan namin.

Napansin ko na bihira lang siya mag-salita, at hindi siya gaano nakikisalamuhak sa amin dahil napapakaseryoso niyang tao. 

"Paano naman kung may negative questions?" tanong ko ulit sakanila.

"What do you mean by negative questions? Baka negative comment? Syempre hindi mo naman 'yon babasahin, kaya nga Q and A, diba? Pero kung sakali man na may negative question, take it as positive nalang, nasa sa'yo naman 'yan, Dani, eh" explain naman ni Olivia sa akin. 


Wala kasi talaga akong alam pag dating dito, eh, mala-showbiz ang buhay, parang artista na rin ang turing sa akin. Ang mga estudyante ang paparazzi habang sina ate Cha naman ang agency ko, hahahha. 

"Basta, 'wag ka gagawa ng issue, ha? Baka masarado ang club natin dahil lang sa Q and A, juskopo!" dugtong ni ate Cha at tumawa siya ng malakas. Should I take this as a joke or a warning?

"Tara na't kumain na tayo, nagugutom na talaga ako," yaya ni Brooklyn sa amin. 


Sinirado na ni ate Cha ang clubroom, nilagyan ng kandado at saka na kami bumaba sa ramp. Exercise ko 'to araw-araw, tatakbo galing sa classroom ko, 2nd floor, patungo sa pinakadulong room ng 3rd floor, kung tutuusin, parang kami lang ang tao sa corridor na 'to, eh. 

Katabi lang ang pintuan namin sa pintuan papuntang rooftop, katabi rin namin ang abandoned classroom at ang hindi masyadong ginagamit na Chemistry Lab, tsaka twice a week lang, ginagamit ang mga kaharap naming club rooms. 

Every lunch, aakyat kami papunta dito para lang magbroadcast, at iiwan rin namin pagkatapos, kaya tahimik dito palagi.

Creepy isn't?


Natapos ang lunch break namin at nagsi-balikan na kami sa aming classroom. Sobrang saya ko ngayon! I have friends, bumabalik ako sa Jolly-Old me, the Dani you used to know, may libangan ako sa araw-araw and at the same time nadedevelop ang singing skills ko. Great, isn't?

Nang pumasok na ako sa aking classroom, as usual, lahat nanaman sila nakatingin, pero nagtataka sila kung bakit ang saya-saya ko ngayon, malapad ang ngiti ko sa aking mukha and I'm humming the songs na kakantahin ko para bukas. 

Wala akong paki sakanila, hindi naman ako naapekto, eh. 


Then, our afternoon class is finished, niligpit ko na ang aking gamit, kinuha ang aking bag at hoodie at umalis na rin sa classroom. Excited na akong umuwi para i-check ang Facebook Page namin.

Dito ako palagi dumadaan tuwing papasok sa school at uuwi sa bahay, sa likod ng school grounds, sa Gate 2. Madadaan ko na muna ang fish pond at ang garden ng school bago sa Gate 2. 


"Hahahaha, OMG talaga girl! That's why I slapped her very hard, eh. That suits her well."


Hanggan sa nakita ko ang grupo nina Kimberly nagtatawanan sa garden.  Shit, paano ako nito makakadaan? Wala ng ba ibang daanan?


O ano kaya magpalipas na muna ako dito sa likod ng puno at hintayin ko nalang sila umalis? 

Oo, napakagandang idea, Dani! 

Ang talino mo talaga! 


Hindi naman nila ako makikita dito, dahil hindi naman kapansin-pansin ang spot ko, tsaka malayo naman ako sakanila. 

Sumilip ako sa gilid ng puno kung andidiyan pa sila Kimberly and thank goodness! Wala na rin sila. 

Kukunin ko sana ang bag sa sahig, kung saan nakatago sa ilalim ng bushes, yumuko ako para hanapin ito,  kaso . . . 


I can't seem to find it, nasaan na ba 'yon?


"Looking for this?" isang pamilyar na boses nakatayo sa aking harapan.


Shit. Here we go again.

It's them, Kimberly and the alepores. 


"Ang galing mo rin tumago, no? Akala ko may nags-spy sa amin, dahil nakausli ang strap ng bag mo sa bushes. Isang.Dakilang.Tanga" sabi nito habang nadidiring hawakan ang bag ko, sorry na at 3 years ko na 'yan ginagamit.

"Since, nasa sakin ang bag mo ngayon, let's see what we have here," binuksan niya ang zipper nito at hinalungkat niya ang gamit ko. 

"Useless pala lahat ng gamit mo, eh! Puno ng basura!" at tinapon niya ang bag ko sa fish pond at tumawa ang tatlo. 

Wala talaga silang awa. They kept picking on me, eh hindi naman nagpapaganda sa imahe nila. Akala nila iiyak ulit ako sa harapan nila, pero hindi, nasanay na ako sa pinaggagawa nila sa akin araw-araw. 


Basa nanaman ang gamit ko, gagamitin ko nanaman ang hair dyer ni ate. 

"Eh?" iritang sabi ni Kimberly, based from her expression, mukhang hindi nanaman siya na-satisfied sa ginawa niya. Dahil hindi niya ako nakikitang umiyak o mag-plead sakanya, kundi nakayuko lang ako at tumahimik nalang.

Kaya sinabunutan niya ang buhok ko at hinila palapit sa fish pond. "Teka lang!" makaawa kong sabi sakanya, sinubukan kong pumiglas at alisin ang kamay niya sa buhok, kaso no use, wala akong lakas kung ganito ang posisyon ko, tsaka gagawin ko na rin ang gusto niya para tumigil na siya. 

Tinulak niya ako sa fishpond, pero sa totoo hinila ko ang sarili ko sa pond, muntik ko pa nga siya ihila, eh. 

Balak niya ba akong patayin? 

Mabuti nalang at marunong ako lumangoy dahil napakailalim pala ang tubig nito. Narinig ko ang malakas na halakhak ng tatlo nang ako'y umahon.

"Next time, dear, do your best to avoid me, ha? It seems that you're not even trying naman, eh," at tuluyan na silang umalis. 


Hay, ayoko na talaga. Gusto ko na umuwi sa bahay. 


Pinagsisihan ko na Kimberly ang ginawa ko sa'yo, hindi ko naman talaga sinasadya, eh. Dahil lang doon, nagtatanim ka na ng galit sa akin? Ginagawa mo na akong isang laruan mo? 

Siguro ito naman talaga ang role ko, eh. 


To be everyone's play toy. 


Kinuha ko ang aking gamit, ang mga notebook, cellphone charger, pencil case at cellphone ko. Sana hindi 'to sira, pinag-ipunan ko 'to, sana gumana pa rin ang charger ko, at sana mabasa pa rin ang lahat ng kantang sinulat ko dito. Lahat 'to ay pinaghirapan ko at may namuo rin na memories. 


~*~

Naglakad ako pauwi na basang-basa, tumutulo ang basa kong damit at bag. Nakarating rin ako sa bahay ng 7, hindi ko nahanap ang wallet ko sa fishpond at ang iba kong pang gamit. 

"Danielle! What happened?!" sigaw ni ate mula sa balcony nang makita niya ako sa labas habang sinasarado ang gate. Once I entered the living room, I can hear big foot steps from the stairs, nagmadali siyang bumaba para salabungin ako sa sala, yinakap ako nito ng mahigpit kahit amoy lupa na ako at sobrang basa. 

"Na-bully ka nanaman, ba?" hindi ko sinagot ang tanong niya, at umakyat nalang ako papunta sa aking kwarto. "I can't take this anymore. Kailangan na natin sabihin ito kina mommy," napalingon ako sakanya nang banggitin niya sina mommy. 

Bakit naman niya sasabihin kina mommy? 


Ako naman ang nahihirapan, hindi naman ikaw, ate.

 Ako naman ang nagsasakripisyo, hindi naman ikaw , ate.

 At ako naman ang nasasaktan, hindi  ikaw, ate.


"Ate! Akala ko ba kailangan natin maging independent? Hindi natin kailangan sina mommy, sila naman ang nag-umpisa nito, eh. Kung hindi sila nag-migrate sa UK, kung hindi lang nila inuna ang business nila kaysa sa atin, edi sana hindi tayo magkakaganito," napatahimik si ate sa sinabi ko, dahil totoo.

Sa totoo lang, mayaman kami at talagang may kaya, kaso nga lang, ayaw namin maging pabigat kina mommy dahil marami na silang pinoproblema, kaya naisipan namin mag-sarili, maging independent, pinapakita namin sakanila na hindi namin sila kailangan at hindi nila kailangang mag-alala para sa amin. 

Si ate na ang nag-papaaral sa akin since pumasok ako sa high school, nagpapadala rin sina mommy ng pera pero nilalagay namin sa bangko, for future use o kung may emergency. 

Pumasok na ako sa banyo para makapagligo at pagkatapos ay nagpalit na ako sa aking pajamas, at pinatuyo ko ang mga notebook ko sa tapat ng aircon at electric fan. Pumasok si ate sa kwarto ko na may dalang hair dyer, at tinulungan niya ako magpatuyo ng notebooks at nilagay ko naman ang cellphone ko sa isang plastic na may bigas, nabasa ko siya sa google at nakita ko naman sa youtube yung tutorial, ipapatagal ko 'to for 3 days, sana mag-work naman.


"What happened, Danielle?" seryosong tanong niya sa akin.

"The Queen pushed me in the fish pond," at napatahimik nanaman siya. 15 minutes had passed then I break the silence. "Hanggan kailan ba tayo mag-titiis, ate?" tanong ko.

"Sa totoo lang, nasa sayo naman 'yan kung paano mo siya i-handle, eh. Alam mo naman na maganda ang pinasukan mong school, makakakuha ka agad ng magandang trabaho, once you graduated there." She has a point, so buong senior life ko ay magiging miserable nalang?

Pero magiging worth it naman, dahil makakahanap ako agad ng trabaho, no sweat. 

"Sa posisyon ko, ayos lang naman na ganito tayo, eh. Natural lang para sa atin magkaroon ng problema, we should take it as a challenge. Eh, ikaw? Hanggan kailan ka nalang ba mag-titiis?" Napaisip ako sa sinabi ni ate. Nasa sa akin naman kung paano hawakan ang buhay ko, pero paano? Bakit sa akin ang hirap, pero sakanya ayos lang? Oo nga, natural lang magkaroon ng problema, pero nasa sakin naman kung susuko agad ako. 

"Alam mo, huwag mo muna 'yan iproblema, papasok nalang 'yan sa isip mo," sabi nito. 

Siguro hindi ko pa naiintindihan ang mga sinasabi ni ate, dahil hindi ko pa nararanasan ang mga nararanasan niya. She's way more matured than me. Siguro kung umabot ako sa aking limit, doon ako matatauhan, doon ko mapagiisipan ang dapat kong gawin.

Naisip ko kung ano kaya i-reveal ko na ang aking identity sa buong campus, para matigil na rin sila sa pag-bubully sa akin, kaso naisip ko naman ang Broadcasting club, napakarisky ang desisyon ko yet selfish. 

Isipin mo, 'yong iba diyan makikipagkaibigan na sa iyo, at 'oyng iba dyan hahanga sa'yo. Pero hindi naman natin maiiwasan na mayroon pa rin diyan hindi magbabago ang tingin sa'yo. Pero sana nga, oo. 


Iiba na ba ang tingin nila sa akin pag nalaman nila na ako si Anonymous Voice?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro