Chapter Three

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Danielle Alice Piper

Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko ngayon, dapat ba ako maging masaya? Pero kinakabahan ako, dahil first time ko mag-broadcast mamayang tanghali. Tsaka wala pa nga akong nasasalihang clubs dito, eh. Try ko kaya maging member ng Broadcasting Club at Music Club? Sana tanggapin ako, sa tingin ko nga si ate Olivia ang president ng Music Club, eh. 

Bumalik na ako sa classroom ko, nakangiti, hindi ko suot ang hoodie ko dahil amoy pineapple juice na, kaya nakaplain white v-neck tshirt ako, so makikita nila ang flawless body ko. 

Naweirda-han ang mga kaklase ko na bumalik ako sa classroom na parang tanga, wala silang pakielam. Ayoko na masira pa ang araw ko ngayon dahil lang sa mga negative comments nila. 


Excited na ako para mamaya! 


Hinintay ko mag-lunch, sa sobrang atat ko, ginawa ko nang drum sticks ang mga ball pen ko habang iniisip ko yung kanta ng Paralised. 

Tiningnan ko lang ang orasan sa loob ng room namin, 3 minutes nalang at lunch time na!


5 . . 4 .  3 . . 2 . . 1.

Then the bell rang, hindi pa tapos ang professor sa kanyang pagsasalita, agad ko kinuha ang mga gamit ko at tumakbo ako palabas ng classroom patungo sa club room, excited lang si manay, eh.

Bago ako pumasok sa loob, nakita ko si Olivia tumatakbo patungo sa akin habang nasa balikat niya ang kanyang gitara, mukhang hindi lang ako ang excited sa amin, ah? 

"Mabuti naman at hindi ka nagdalawang isip pumunta dito! Halika na! Maguumpisa na ang broadcast namin!" kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinila ako papuntang Broadcasting club, nasa third floor ito, para malakas daw yung signal system nila at masakop ang buong campus. Kaso nakakapagtaka kung bakit walang estudyante dito? Napakatahimik naman at nakakatakot dumaan dito.

Andito na rin kami sa dulo ng left corrdior ng 3rd floor, na kung saan ang Broadcasting Club. Pagbukas ni Olivia ng pintuan, may limang na tao sa loob nito ay lahat ito ay napatingin sa amin. Para kami nasa isang FM radio studio! 

Wow! May nakita akong tapaulin na nakasulat na "Student's Block FM", ngayon ko lang nabasa, ah? Syempre dahil baguhan palang ako dito. First ko makapasok sa isang studio, hindi ko inaasahan na may ganito pala sa paraalang ito, kaso bakit nasa tagong lugar sila?


"Right on time, Olivia. For the first time, hindi ka late, ah?"  sabi ng isang babae na nakaeye glasses habang nakasuot na headphones at may dalang binder.

"Sorry, Pres, dala ko kasi ang new member natin at siya ang magpapasikat sa Student's Block FM!" masayang sabi ni Olivia kay ate na nakaantipara.

"Really now?" namangha siya sa kanyang narinig kaya napatingin ito sa akin at tinanong ang pangalan ko.

"Ano pangalan mo, iha?" 

"Danielle Alice, po, baguhan lang ako dito, STEM po ang track ko," at tumango siya sa sinabi ko at parang may iniisip ba. 

"Ako nga pala si Charlotte, ang nagpapatakbo ng Broadcasting Club, every lunch at uwian palagi ako andito, inaasikaso for everyday's news, call me 'Cha' nalang," at inakbayan niya ako, at pinakilala niya ako isa-isa sa mga members nito. 


Anim lang pala ang members ng Broadcasting Club dahil ayaw ni ate Cha ng maraming members dahil maliit lang ang studio at ayaw niya maging magulo ang club room. 

Isa sa mga members dito ay si Sky, ang technician/mechanic man dito sa loob, siya rin pala ang supplier ng mga gamit sa loob ng club, dahil mayaman sila.  Mayroon silang shop na kung saan nagbebenta ang mga antique collectors ng instruments, ipiningalan sakanya ang kanilang negosyo, 'Sky's Instruments', dahil isang hulog daw ng langit si Sky sa mga magulang niya. 

"He's also from STEM, ka-grade mo nga lang siya, actually," bulong sa akin ni ate Cha. Meaning, magkatabi lang pala ang section namin ni Sky? Dalawa lang kasi ang section sa STEM-11, ganoon rin sa iba pang track.


Pinakilala naman sa akin ni ate Cha si kuya Brooklyn. Si Brooklyn naman ang bahala sa mga controllers during On-Air, lahat ng mga buttons dito ay kabisado niya, pangarap niya daw gumawa ng mga kanta para sa mga singers one day at magpatayo ng sariling studio, so parehas kami ng pangarap, mahilig gumawa ng mga kanta. HUMSS-12 si kuya Brooklyn.

"Kaya naging Brooklyn ang pangalan niyan dahil crush ng nanay niya ang tatay ng Beckham family, kaya 'yon," at napatawa si ate Cha sa sinabi niya. Hindi niya naman kailangang ikuwento 'yan sa akin eh. 


Si ate Camila naman ang news writer/scriptwriter, siya ang tagasulat ng mga sasabihin ng VJ/DJ araw-araw. At nabalitaan ko na isa siyang magaling na manunulat, isa sa ginawa niyang kuwento sa Wattpad ay naging libro na pala. Pangarap niya mag-trabaho sa ABS or GMA bilang news writer. Sabi ni ate Cha, na kaklase ni ate Camila si kuya Brooklyn sa HUMSS.

Si ate Cha naman ang nagco-command sa mga gagawin ng members.

Habang sina Mia at Olivia naman ang DJ at VJ ng club.

Si Mia naman, TECH-VOC-11, masayahin siyang tao at kasing ugali lang nito ni ate Olivia. Sabi ni ate Cha, pinilit nila ito isali sa Broadcasting Club last year dahil may nakita daw siyang potential kay Mia bilang DJ.

"Hi Danielle! Welcome to the club!" bati sakin ni Mia at nginitian ko naman siya.


Grabe, napakaorganize nilang lahat. Kaso nga lang, 

"Ano po pala ang role ko dito, ate Olivia?" tanong ko sakanya habang binabasa yung script na sinulat ni ate Camila. 

"Hay, hindi mo pa rin gets? Ikaw ang pampa-boost ng club! Kung alam mo lang na simula nag-graduate ang nagpatayo ng Broadcasting Club, naging boring na ito, at ni isang estudyante hindi na interesado sa amin, kaya nagp-play nalang kami ng mga kanta tuwing tanghali, but since andito ka na, babalik ulit sa dati! Na kung saan sisikat ulit ang Broadcasting Club! Gawin mo nalang lahat ng mga utos ni Pres, siya na ang bahala sa'yo," sabi ni ate Olivia sa akin, at bumalik siya sa kanyang trabaho.

"Hindi ko alam kung ano ang nakita sa'yo ni Olivia kaya ka dinala dito, I hope totoo nga ang sinasabi niya, ikaw ang magbibigay buhay sa club na 'to. Kasi within 2 weeks, the Supreme Government decided to demolished this club, kung wala daw kaming naisipan na ibang paraan para ipatakbo 'to. Since nagsasayang lang daw kami ng kuryente, dahil wala naman daw kwenta ang pinaggagawa namin," explain sa akin ni ate Cha habang inaasikaso ang mga headset na may mic at inabot niya sa akin ang isang spare.

Hindi ko alam na ganyan pala ang Supreme Government, pero may punto naman sila.


"Kung alam nila, this club is full of passion and dedication, we work hard for our goals and dreams. Hindi nila alam ang pinaghirapan namin at sakripisyo," sabi muli ni ate Cha at ngitian niya ako. Isang malungkot na ngiti.

"Let's see what you got, Danielle, para maging official member ka ng club. Don't let us fail, ha?" sabi naman ni kuya Brooklyn out of the blue. Hindi ko inaakala na ganito ang pakikitungo nila sa akin, na parang magkaibigan na kami noon pa.


I think all of them believe in me and  I don't want to waste that. 


I don't want this club to be demolished. 


"Yes naman sir!" masaya kong sabi. 

"Pumunta na kayo sa posisyon niyo," command ni ate Cha, at hindi ko alamg kung saan ako pupunta, para akong kiti-kiti, lumilibot lang sa clubroom, kaya sumunod nalang ako kay Olivia sa loob ng DJ section. Sa sobrang taranata, tumayo nalang ako sa likod nila habang nakaupo sila sa harap ko, wala na kasing upuan eh. Good for two lang ito.

Uh, ano nga ulit ang gagawin ko? Bodyguard ba ang posisyon ko dito? Nabasa ko naman 'yong script na binigay ni ate Camila, pero wala naman akong sasabihin doon, eh. Pinabasa lang sa akin, hahaha.


"On-Air in 3 . . 2 . . 1" 

At nag-ilaw na pula ang On-Air na nasa taas ng pintuan, at nagthumbs-up sa amin si Brooklyn sa kabilang glass window, hindi namin sila maririnig sa labas unless kung gagamit sila ng mic.

"Magandang tanghali mga bes at mga tsong! Kasama niyo kami ngayon, magpapasaya sainyo at makikipagkwentuhan ngayong tanghalian!" sabay na sabi nina Olivia at Mia.  

"Ako nga pala si DJ Aloe Vera," sabi ni ate Olivia. 

"At si DJ Amoy Lupa!" natawa ako sa mga DJ names ng dalawa, lalo na kay Mia. Bakit hindi nila nalang sabihin ang kanilang totoong pangalan? 

"Ng Student's Block Radio FM!" at pinundot naman ni ate Mia ang clapping sound effect, para kunwari may isang crowd cheering for them. 

"Grabe pala DJ Aloe Vera, no? It's been a while since nagsalita tayo live! Siguro naririnig tayo ng mga estudyante ngayon lalo na sa cafeteria. Sorry sa mga boses namin, ha? Masanay nalang kayo," sabi ni Mia at ginaya ang tawa ni Kris Aquino. 

"Oo nga Amoy Lupa! Dapat masanay na sila sa mga boses natin dahil araw-araw na tayo mag o-on-air!" at ginaya rin ni ate Olivia ang tawa ni Kris Aquino kagaya kay Mia. Nakakatawa talaga ang itong dalawa.

Grabe, ganito pala sila tuwing tanghali? Hindi ba sila napapagod kakaakyat araw-araw? Tsaka para saan ba ang Broadcasting Club? Ano kaya ang naisipan ng nagpatayo nito?


"Since sound trip lang naman ang hanap ng mga bebegirls at bebeboys natin. Eto na ang soundtrip niyo, pero with a twist!" sabi ni Mia. 

"With a twist? Ay bongga niyan, sis, ha?" maarteng sabi ni ate Olivia.

"Oo, may twist talaga, parang kinurot sa singit," sabi ni ate Mia at may pinindot na sound effect. 

"Lahat ng paborito niyong kanta ay kakantahin ng ating guest, na itatago natin sa pangalang . . .", at tinakpan ni ate Olivia ang mic niya, at binulungan niya ako sa likod, "Ano ang DJ name mo?"

"Uh, eh, hindi ka pa alam, siguro pagktapos nalang ng pagkanta ko," sagot ko sakanya.

"Sige, sige. I got your back, girl," at kinindatan niya ako at bumalik rin siya sa puwesto niya.

"Si ateng anonymous! Lahat ng maririnig niyong kanta ay boses niya lamang live from Student's Block Radio FM!" at pinaupo ako ni ate Mia sa kanyang upuan, alam na ni Brooklyn na ang kakantahin ko at 'yon ay 'Scientist' by Coldplay. Sinabi ko na iyon sakanya bago pa ako nakapasok dito. [Play the mutlimedia above]

Nag-intro ang violin instrumental, and there I started singing. 


Pumikit nalang ako at inisip ko si Momo, dahil bawat lyrics na kinakanta ko ay sobrang relate sakanya. Feel na feel ko ang pagkanta hanggan sa nakalimutan ko na kasama ko pala sina Olivia at Mia sa loob ng kwarto. Bumuhos ang nararamdaman ko sa puso ko. 

Nang kantahin ko ang chorus, binuksan ko mga mata ko at nakita ko sa kabilang glass window, napanganga si Brooklyn at si Sky, at ang hawak naman ni ate Cha na binder ay nabitawan niya. 

Ganoon ba kaganda ang boses ko?


~*~

Chase Levi Carson

Kumakain kaming team sa cafeteria nang may bigla nalang nag-salita sa speaker, pero wala naman pumansin dito. Masaya kaming nagkukuwentuhan at kumakain ng mga basketball players sa pinakamahabang lamesa dito sa cafeteria. Katabi ko si Hunter sa lamesa habang kausap niya si Coach, iba talaga pag Captain ng team, no?

Nakakalungkot lang isipin na sige naming training ni Hunter, pero hindi naman lang pala kami makakapag-laro. Pero ginagawa namin iyon para maka-excuse sa klase.

Napaitigil kaming lahat nang marinig namin ang isang babae kumakanta ng Scientist ng Coldpla. Tumingin ako sa paligid ko, hindi lang pala kami, kundi lahat ng tao sa loob ng cafeteria, mga tindera at janitor, ni isa tumigil sa kanilang pinaggagawa at wala talagang uneccessary movements.

Akala ko kagaya lang ito kahapon, magpapasoundtrip lang ang Student's Radio Block FM, simple lang, pero this girl is singing acapella! She's singing live! Hindi ko alam na isang singer na katulad niya nage-exist sa school na 'to. Her voice is different from singers, simple lang at sarap pakinggan, but this is voice? Kakaiba. 

Natapos rin ang kanta at susunod na ang next song niya. 

What shocks me more dahil ito ang narinig ko kanina nang dumaan ako sa Music Club! Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ulit ang boses niya. 

She started strumming the guitar, like what I heard awhile ago. At bago pa siya kumanta, eto ang sinabi niya.


"This song was entitled 'Isn't She Lovely', composed by yours truly,  the Anonymous Voice"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro