Chapter Twelve

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Danielle Alice Piper

"Momo?", nagulat ako nang sabihin ko iyan, supposed to be dapat nasa isip ko lang 'yan. Tanga mo talaga, Dani. 

"Huh?", kumunot ang noo ni Hunter nang sabihin ko iyan at napatingin pa siya sakanyang likod kung may kausap ako bukod sakanya.

Maybe he's not Momo, baka kamag-anak niya lang ito o ka-apelyido lang.

"Sino si 'Momo'?", tanong niya sa akin habang nagtataka. Imposible naman kung magka-amnesia siya, right? Zinovia lang ang peg? Maybe my instincts and deductions aren't that enough to prove that he's the Momo that I've been looking for.

"Wala lang, you remind me of my childhood friend, Momo. Kamukha mo kasi siya, basically," sabi ko. Sa totoo lang pinagsisihan ko na kung bakit ko 'yan sinabi, napahiya lang ako sa harap niya.

"Ah. I thought you were talking to someone besides me. Pero, nice to meet you, by the way, Alice", he said, then he offered his right hand at nakipag-shake hands naman ako dito. Mas mabuti pa si Hunter kaysa sa kaibigan niyang si Chester. Masungit at isang aroganteng tao.

But he keeps calling me 'Alice', ayoko sanang may tumatawag sa akin niyan bukod kay Momo, pero wala na nga si Momo sa buhay ko, diba? Matagal ko na siyang binura sa buhay ko.   

"Nung una, sabi mo si Hunter ng Paralised ang kamukha ko, ngayon naman si Momo? I must be that good-looking, huh?" Biro ni Hunter sa kanyang sarili.

Nagtitigan lang kaming dalawa at ni isa walang umimik sa amin, habang si Olivia naman ay papalit-palit ng tingin sa aming dalawa ni Hunter, naguguluhan siya sa nangyayari.

"Magkakilala pa na pala kayo dati?", tanong ni Olivia sa amin.

"Oo, eh. Noong last week lang", ngiting sabi ni Hunter kay Olivia. Hindi ko pala nasabi kay Olivia na magkakilala na kami ni Hunter dati pa, baka kasi bigyan niya ng malisya. It's nice meeting him, since the first day we met, alam kong napakabait niyang tao. First impression lasts nga naman. 

"We better go now. Magsisimula na rin ang lesson natin, malayo pa naman ang classroom natin", sabi ni Olivia kay Hunter, talagang close silang dalawa, ha? Kaya pala hindi 'to nahihiyang ipakilala sa akin. "Oo nga pala, see you later, Alice", ani naman ni Hunter at nag-wave ito sa akin as a 'goodbye' habang tinutulak siya ni Olivia sa likod para umalis na.

"Hay, huwag mo munang landiin ang kaibigan ko. It's not yet the right time, you know", sabi ni Olivia kay Hunter na tinutulak pa rin ito paalis. Nagulat ako nang sabihin niya 'yan kay Hunter, akala niya hindi ko narinig ang sinabi niya. 'Muna'? Ang dami mo alam, Olivia.  

Teka, Dani. Bakit ka namumula? Huwag mong sabihin naapektuhan ka? Iniisip ko kung tawagin siyang 'kuya', dahil mas nakakatanda siya sa akin, nadadala rin akong tawagin siyang 'Hunter', dahil nasanay ako na hindi naga-ate kay Olivia.

Bumalik nalang ako sa aking classroom at hindi ko na inisip pa ang mga katagang sinabi ni Olivia. Iispin ko nalang na hindi pumunta si Hunter dito, para hindi ako ma-distract sa klase. Olivia dragged Hunter all the way here just to meet me? Ano naman ang pumasok sa kokote nun? Puwede naman kasi mamayang lunch o pagkauwian, eh. Iba rin si friend. 

Next subject namin ay P.E, pumunta na ang mga kaklase ko sa Gym para magpalit sa kanilang P.E uniform, naiwan ako sa classroom dahil nga kausap ko pa kanina sina Olivia at Hunter. Dumiretsyo na rin ako sa Gym, pagkatapos kong kunin ang uniform ko galing sa aking bag. Wala naman akong locker sa Gym, katulad ng mga kaklase ko. Hindi ko kasi afford, eh. Wala nga kaming pambiling bacon, locker pa kaya?

Natapos rin ako sa aking pagbibihis, at lumabas na ako sa cubicle. Grabe naman ang dumi dito. Hindi ba 'to nililinisan ng janitor? Basang basa ang sahig at putikan, galing ito sa sole ng aming sapatos. Tinupi ko ang aking school uniform at nilagay ito sa loob ng dala kong paper bag. 

Hanggan sa may umagaw nalang sa paper bag ko at pinataob ito.

Tiningnan ko lang mahulog ang school uniform ko sa maduming sahig. Napatingin ako sa babaeng gumawa nito. 


Hindi ba naman ako minamalas ngayon? 

Bumaba ako at aabutin ang uniform ko. Pupulutin ko sana ito sa sahig, nang bigla niyang apakan ito at kinuskos na parang basahan. How dare you, Kimberly? 

Tumayo ako at aalis na sana sa C.R nang pulutin niya ito at tinapon ang maduming uniform ko sa aking mukha, nagtawanan ang mga bruha. Natutuwa sila pag nakikita nila akong nahihirapan, kinakawawa. It's like these two girls are my step sisters and Kimberly is my step-mother, while I'm the Cinderella. 

May nakita akong balde sa aking tabi na nakapatong sa lababo. Hindi naman ito puno, kalahati lang ang tubig, pero makikita mo na sobrang dumi nito, it's like this water has been stocked for months dahil may mga lumilipad na lamok sa itaas nito. May kiti-kiti ba 'to? 

"What are you going to do now, huh?" mataray na sabi ng babae na nasa kaliwa ni Kimberly habang nakacrossed arms ito at nakataas ang kaliwang kilay nito sa akin.

"Hay, hindi nanaman siya nagsasalita. Make her speak, Queen" ani naman ng babae na nasa kanan ni Queen habang pinaglalaruan niya ang kaniyang braid na buhok na nakapatong sa kanyang kaliwang balikat. 

Humakbang si Queen ng dalawa habang napaatras naman ako, napangisi ito nang makita niya akong nanginginig dahil sa takot. Humakbang pa ito ng isa at napahawak ang aking kanang kamay sa balde, "Hindi ka magsasalita?" sabi nito sa pinakamataray niyang boses. 

Tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at handa na ako nitong sampalin sa pisngi nang bigla kong buhusan sila ng maruming tubig galing sa balde. Nagulat ako sa ginawa ko pati rin sila, dahil basang-basa ang tatlo at amoy imburnal pa. 

"What the heck?!", ani ng kasama ni Queen na nasa kaliwa habang tinitingnan ang kanyang damit sa salamin.

"Ew, ew! Ano 'to? Mga kiti-kiti?", nadidiring sabi naman ng babaeng nakabraid nang may nakita siyang kiti-kiting gumagapang sa braid niyang buhok. Napalingon naman ako kay Queen na nakayuko sa aking harap, nagtitimpi ng galit. 

Bago pa nila ako masabunutan, agad kong kinuha ang maruming umiporme ko at sabay takbo palabas ng CR, "Habulin niyo siya!", narinig kong sigaw mula kay Queen sa loob ng CR. 

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pangyayari, dahil nakaganti ako sakanilang tatlo o dapat kabahan dahil pinalala ko ang sitwasyon. Hindi ko na inisip na may P.E class kami basta makaalis dito sa Gym na buhay! 

Binilisan ko ang pagtakbo ko, 'Run for your life' kumbaga. Hanggan sa nakalabas rin ako ng Gym at tumatakbo pa rin, tumingon ako sa aking likod upang makita kung nakabuntot pa ang dalawa. Pucha! Hinahabol pa rin nila ako! 

Mas lalong binilisan ko ang pagtakbo, para akong isang kriminal na hinahabol ng mga pulis. Akala ko mapapagod sila dahil nakaheels ang mga 'to, pero mga palaban! Mga Sparta! 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan nalang ako dalhin ng mga paa ko as long as safe ako. Pumasok ako sa main entrance ng building namin at napadaan sa lobby, napaakyat ako sa ramp at tumakbo sa 2nd floor, east wing corridor. Shet, hindi ba sila napapagod? Lalo na't nakasuot sila ng 2 inches na heels? Habang ako naman, eto, parang susuko na ang aking dalawang binti.

May nakasalubong akong tatlong lalake sa gilid ng corridor, na may dala silang malaking box, pinagtutulungang buhatin ito. Tinulak ko sa kuya-na-malapit-sa-akin sa gitna ng corridor, at nahila ang dalawa niyang kasama sa gitna rin. Iniingatan nilang hindi mahulog ang box.

Naharangan rin ang dalawa ng mga kuya, hindi ko maiwasang mapangiti dahil ligtas na ako. Ngayon, ang kailangan ko nalang gawin ay makahanap ng lugar kung saan puwede tumago, para mapagod rin sila sa kakahanap sa akin. 

"Ayun siya! Malalagot ka talaga sa'min ngayon!" 

Mas lalong napabilis ang takbo ko nang marinig ko 'yan, kaso bakit lalake ang boses? Napatingin ako sa aking kaliwa, mga iilang estudyante na lalake tumatakbo palapit sa direksiyon ko. Eto ba ang mga naghahabol sa akin? Hindi naman, ah? Asan na ang mga alepores ni Queen na nakatakong?

Lumiko ako sa unang wala ng hall at pagtingin ko sa aking likod, hinahabol pa rin ako ng mga lalake but this time, kasama na 'yong dalawang alepores ni Queen! 

What the hell? Wala naman akong atraso sakanila, ah? 

As soon as nakita ko ang ramp, pumunta ako sa 3rd floor. Medyo bumagal ang pace ng pagtatakbo ko dahil pagod na rin ako at hingal na hingal na. Lumiko sa unang corridor na nakita ko, nang biglang may humila sa akin at agad sinirado ang pintuan.

Nasa loob kami ngayon ng 3rd floor's storage room. Parang cubicle ang size dahil sa liit nito. Walang ilaw sa loob, tanging ilaw galing sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa loob. May glass kasi ang pintuan pero maliit lang ito. 

Tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang kaliwang kamay at ang bewang ko naman ay nakapulupot ng kanang kamay niya. It's like he's making me his hostage. 

Nasasabi ko na lalake ito dahil nararamdamn ko ang matigas niyang dibdib sa likod ko at nakapatong ang baba niya sa ulo ko. Sinubukan kong pumiglas kaya mas lalong napahigpit ang pagtakip niya sa bibig ko at paghawak sa bewang ko.

"Don't move," as he whispered on my left ear. Napaka-husky naman ang boses nito, animo'y parang nasa honeymoon lang. 

"Or we will be both dead," he continued. Hindi ko man naisipang mag-panic, dahil sa simula palang hinila niya ako, alam kong ligtas na ako.

Narinig ko ang mga iilang footsteps na paparating sa amin, "Where did that bitch go?" narinig kong sabi ng alepores ni Queen aktong naiinis na. "That damn boy, hindi ka makakatakas sa amin," ani naman ng lalakeng inakala kong naghahabol sa akin.

"Malalagot tayo kay Queen, girl, pag hindi natin siya nahanap," sabi naman ng isa niyang kasama.  

Nakita ko ang silhouette nila, na nakatambay sila sa labas nitong room, through this glass door. Shit, sana hindi nila ito buksan. Kung matalino sila edi sana buksan nila itong storage room.

"Baka kasabwat niya ang babaeng 'yon," sabi ng lalake na isa sa naghahabol sa akin. Pucha, dinamay pa ako nito. Siguro mas nauna itong kasama ko kaysa sa akin, pero bakit hindi ko siya nakita kanina habang tumaktabo ako palayo sakanila? 

"Baka nga. Kaya nag-tago silang dalawa," sagot naman ng alepores ni Queen sa lalake.

"Imposible namang mawala sila, eh kaka-liko lang galing sa ramp," inis na sabi ng isa pa nilang kasama na lalake.

"Or maybe andito sila," sabi naman ng isang lalake at hinawakan ang door knob. Nakita kong gumalaw ang door knob kaya bigla ako pinagpawisan. Shit, sana naka-lock 'to or the both of us will be dead meat.

Lord, please, huwag muna ngayon, hindi pa ako handa. Tsaka ayaw ko makita nila na ganito ang posisyon ko baka iba ang isipin nila, edi mas lalo akong na-issue. Edi mas lalong sisikat ang lola niyo.

Nang i-twist nito ang knob, "It's locked," sabi nito.

"Of course, it's locked. Tanging ang janitor lamang ang makakabukas niyan at makakagamit ng storage room. Use your common sense," mataray na sabi nito sa lalakeng humawak sa door knob.

"We need to spread out, guys. Dapat mahanap natin siya bago mag-next period," utos ng lalake sa kasamahan niya. 

"Yah, girl. Tayo rin. Let's go na!" 

Hindi ko na nakita ang mga anino nila pagkatapos at nakaalis na rin sila sa wakas.


Inalis na rin ni kuya ang hawak niya sa bibig at sa bewang ko. Napahinga ako ng malalim at napahawak sa dibdib ko— I feel so relieved.

Binuksan ko ang storage room para makalabas at pati na rin ang kasama ko. 

"Grabe, ang init sa loob," reklamo nito sabay unat. 

Teka, pamilyar ang boses nito sa akin.

"You should thank me for saving your ass out," then I heard him laughed softly as he smirked. As I turn my back on him, hindi ko maiwasang mapatulala. Tadhana nga naman, oh.


"You? Again?" Those were also his words nung nag-kita kami last time sa labas ng Gym. 

"What a coincidence  isn't, Chase?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro