MESSAGES: ATE CHI
HOY NASAN KA BA
Sabi ko bumili ka lang ng glue diba san ka ba bumili????
Ang layo kaya ng bilihan
Sana ikaw bumili diba
Umayos ka mas matanda ako sayo
Tsaka di ka man lang magtext
Malay ko ba kung dinampot ka na ng kung sino-sino
🤙🏼😔
E ang layo naman talaga Ate
Gabi na kaya o
E kasi sabi ko sayo paalisin mo na si Kuya nang maaga para maaga tayo nakastart
Tsaka ikaw naman bumili nito a? Bakit ba kulang-kulang?
Nasan yung sobrang pera
TINAKBO MO NO
ISUSUMBONG KITA KAY MAMA
HINDI NGA
Yun nga gamit ko pambili ng glue??? Di mo kaya ako binigyan ng pera kanina
O e nasan ka na nga
Gabi na umuwi ka na
Ewan ko sayo
Di na ko uuwi
Sige balikan mo damit mo dito tatapon ko na sa labas
Ang sama mo talagang Ate
Daan lang ako kina Kobe. Saglit lang talaga hehe
Malapit lang naman isang tricycle lang
Pucha kailangan nga yung glue
Ano ba
Umuwi ka dalhin mo yung glue tapos lumayas ka na ulit
Saglit lang talaga
Isang game lang
Wala na rin naman akong pera
Mabilis lang Ate babye
Labyu
Cholo wag kang pasaway
Cholo
Cholo sumagot ka
Ah ganon ah
Sige ganiyan gusto mo e 🙂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro