Fourteen: Piksyunal na Karakter

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dismayadong inilapag ni Pres. Henson ang tasa na kanina pa niya hawak. Kanina pa niya ito naubos ngunit wala man lang naglagay muli ng laman. Ganito nga siguro talaga ang epekto ng virus na kumakalat. Ikatlong araw na mula nang nagsimulang kumalat ang sakit na ito at marami na sa kanyang mga tauhan ang namatay. May mga kusinero, guwardiya, taga-linis at hardinero ng palasyo na suma tutal ay aabot sa singkwenta na katao. Hindi pa kasama sa bilang na ito ang dalawang daan na mga sundalong nagbabantay sa palasyo na isa-isang nagapi nito. Nakita niya kung paano ito nagkainan na tila mga halimaw. Pinagbabaril ito sa ulo habang pinapanood niya mula sa kanyang bintana. Mabilis na kumalat ang Aswang Virus - ang tawag nila dito pansamantala. Hindi pa malaman kung saan ito nagmula dahil malaking hadlang ang pagkawala ng telekomunikasyon sa buong Maynila. 

Wala naman talagang aswang para sa kanya. Naniniwala siya na kung sino man ang may kagagawan nito, walang kinalaman ang mga piksyunal na karakter na nababasa niya dati sa komiks. Sigurado siyang may kinalaman dito ang mga taong may galit sa kanya. Ang isang virus ay itinuturing na armas para sa malawakang pagkasira. Katulad ito ng atomic bomb na pinasabog sa Hiroshima at Nagasaki na siyang pumatay sa ilang daang libong tao sa sandaling panahon. 

Nag-aral siya sa isang prestihiyosong unibersidad sa Estados Unidos, umani ng parangal at naging isa sa mga maimpluwensyang tao sa Asya. Dala na rin siguro ng kanyang apelyido, Ronaldo na siyang nanggaling pa sa kanyang yumaong Ama na hindi niya nakilala. Kilala ang kanyang ama bilang isang bayani na nagbuwis ng buhay para sa bayan. Iyan ang sabi ng mga libro, pero iba ang kuwento sa kanya ng kanyang yumaong Ina. Masalimuot ang mahabang kuwento na siyang ikinukubli ang mga sikreto ng bansa. Hindi naman niya kailangang magpursige dahil nakuha ng kanyang Ina ang simpatya ng mga mamamayan nang inilibing ang asawa niya sa libingan ng mga bayani. At nang namatay ito ay mas lalong umugong ang pangalan ni Henson Ronaldo na isa nang senador noon. Sabi nga nila, 'wag mong mamaliitin ang simpatya ng taumbayan. Ginamit niya ito bilang "leverage" and the rest is history. 

"I never had it easy" nasabi niya kay Martha isang gabi pagtapos nilang magniig. "Everyone thinks I never do any work but people don't know what or how many strings I pulled myself just to be here in this position." 

"'Let me guess, si Senator na naman ba 'yan? Wag mo siyang pakinggan. He had always hated you, lalo na nung hindi ka pumayag sa bill niya. You know what you should do? 'Di ba sabi nila, Keep your friends close, your enemies closer? Kausapin mo siya, bigyan ng ibang alternatives." Nagpatuloy si Martha sa paglalaro ng mabuhok na dibdib nito. "Anim na taon kang makikipaglaro sa apoy pero pagkatapos nito ay puwede na tayong tumakbo palayo. Mangyayari rin ang gusto mo na maitatala ang pangalan mo sa libro ng kasaysayan, at mamamatay kang bayani."

"Sa totoo lang, I don't want to be remembered as a Ronaldo. Sukang suka na ako sa tuwing babanggitin nila sa akin ang mga nagawa niya noong nabubuhay pa siya. What these people don't know is the truth. I'm glad I didn't get to know him. Isa siyang sumpa sa buhay ko." Hinimas-himas ni Henson ang makinis na kutis ni Martha. "I wouldn't know what to do kung wala ka sa tabi ko. Ikaw lang ang nasasabihan ko ng tunay kong nararamdaman."

"I will always be your bitch, Henson. Alam mo 'yan."

 Napabuntong hininga si Henson nang maaalala niya ang sinapit ni Martha.Dalawang araw pa lang mula nang pinaputukan niya ito sa ulo. Sa kanyang isipan ay naghahalo na ang iba't ibang karakter sa buhay niya. Sa edad niyang singkuwenta años, marami na siyang nakilala pero wala naman talaga siyang pakialam sa iba. Ang tanging hiling niya lang ay sana magkita sila muli ni Martha sa susunod na buhay.

Wala siyang panahon para magluksa sa ngayon dahil umaasa ang buong bansa sa ngayon. Tumayo siya at inayos ang kanyang barong tagalog. Sinenyasan siya ni Hen. Froi na paparating na ang miyembro ng kanyang gabinete. Dose katao ang isa-isang pumasok sa State Dining Room. Sa pagkakataong ito ay walang papel sa mesa kung saan nakasulat ang mga pangalan nila. "Sit wherever you want, basta ang importante ay makinig kayo sa mga susunod kong sasabihin. Manila is under attack two days ago with a virus that will kill us all kung hindi pa tayo kikilos. Nagpadala na ako ng mensahe sa iba't ibang isla ng Pilipinas na itigil muna ang paglabas pasok sa bansa. All flights are cancelled. I have also alerted our neighbouring countries. We don't want to be blamed if this virus spread outside of the country." Nagsi-upuan ang lahat kahit pa malaking pag-aalala ang nasa isipan nila. Dahil walang paraan para ma-kontak sila kahapon ay pinagsundo na lamang sila ng presidente. Katulad ng kanyang ekspektasyon ay hindi kumpleto ang miyembro ng kanyang gabinete. "Oo nga pala, I forgot to congratulate all of you for surviving the first two days of the attack. This is a very difficult time for all of us, but we all need to fight back. I want to know what we all can do. Seville?"

Matalim na tingin ang iginawad sa kanya Vice Pres. Seville Rosales. "Para sa akin ay masyadong mabagal ang pag-responde natin Mister President. Marami na ang namatay at kailangan na nating lawakan pa ang sakop ng ating mga aksyon."

Pagkamuhi ang nararamdaman ni Henson kay Seville. Nanggaling sila sa magkaibang partida at kailanman ay hindi naman ito nakipagtulungan sa kanyang mga proyekto. Magaling si Seville kapag kaharap ang camera, magaling siyang umarte. Laki ito sa hirap kuno at dahil nagsumikap kaya umasenso sa buhay. Hindi niya pinansin ang komentong iginawad nito, sa halip ay itinuro niya ang lalakeng kaharap. "Mr. Buenaventura, wala ka pa rin bang update mula sa lab? Ano na ang sabi tungkol sa virus na ito?"

Si Ernesto Buenaventura ang responsable sa departamento ng kalusugan. Hawak niya ang lahat ng mahuhusay na doktor sa bansa. "Kinontak ko na ang mga tao natin sa Germany para malaman kung saan puwedeng magmula ang virus na ito,  pero mukhang hindi ito nanggaling sa ibang bansa, kung 'di dito mismo. This is a newly discovered virus and we are working on the antidote, but frankly speaking, it may take years-"

"Years?!! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" sabat ni Sec. of Justice Maria Hernandez. "Hindi 'yan puwede! Mamamatay tayong lahat kung aabutin pa ng isang taon iyang research ninyo."

"The worst thing that can happen is that survivors evacuate to nearby countries," sabi naman ni Sec. Foreign Affairs Jose Mariano. "We will be refugees if we do that."

"Or we can just evacuate the whole island of Luzon. That's a more reasonable. Anyway, the Philippines is made of seven thousand islands," tugon ni Henson. 

"You have forgotten Mister President that they can fly," sarkastikong pahayag ni Seville. "We will only be safe if we all live underground."

"Bakit hanggang saan ba ang kanyang liparin ng aswang? Kaya ba nilang lumipad na kasingtagal ng isang eroplano? That will be hard to believe." Hindi na napigilan ni Henson at nanghinigi na siya ng kape sa isang waiter na gusot ang uniporme. Mukhang bago dahil hindi niya alam ang pangalan.

"Sa pag-aaral namin kahapon, we conclude that whoever got affected by the virus will undergo two stages. The first stage will make them crave for flesh and blood like a wild animal. We are still unsure how they reach the second stage but that's when they will be able to fly." Pinunasan ni Ernesto Buenaventura ang kanyang salamin. Kanina pa lumalabo ang salamin niya dala ng hamog. Kanina pa bumubuhos ang ulan at ayon sa na-obserbahan niya ay kumakalma ang mga aswang sa tuwing nabubuhusan ng kahit na anong anyo ng tubig. 

"Kahapon nagsimula na kami sa page-evacuate ng mga survivor sa mas ligtas na lugar at ngayon ay nagpapatuloy pa rin tayo. Meron tayong iba't ibang camp, may mall, may eskuwelahan, may simbahan, pero hindi rin magtatagal at puwede pa rin ma-compromised," anunsyo ni Heneral Froi. "Pero marami pa rin ang hanggang sa ngayon ay humihingi ng saklolo, marami pa rin ang tumatakbo."

"Gagawin natin lahat ng ating makakaya Heneral. May balita ba kayo kay Mr. Santiago? Siya ang responsable sa telekomunikasyon ng bansa. Napaka-importante ng komunikasyon at marami ang puwedeng mailigtas kapag umayos na ang signal."

"Mister President, sa kasamaang palad ay isa siya sa mga naging aswang at kahapon ay nakita namin siyang kumakain ng tao. Binaril siya agad sa ulo ng isa nating sundalo," pagkukuwento ng Heneral. "Pero may humalili na sa puwesto niya kaya inaasikaso na ito ngayon. Baka magbalik na ang signal sa buong Pilipinas mamayang madaling araw."

"Sana nga, alam mo naman ang mga tao ngayon, mas nagiging aware kapag social media na ang nagsabi."

Nagulantang ang lahat ng pumasok ang waiter na kanina ay gusot gusot ang damit sa loob ng kwarto kung saan sila nagmi-miting. Duguan ang puting polo nito. "Hijo, anong nangyari sa'yo?" 

"M-may nagpapabigay po M-Mister President." Iniabot nito ang isang sobre at saka lumagapak sa carpet. 

"May tama siya sa dibdib. Tumawag kayo ng doktor, madali!" sigaw ng Heneral sa iba pang kasambahay ng Malacañang. Habang nagkakaroon ng komosyon ay binuksan naman ni Henson ang laman ng puting sobre. Kinuha niya ang papel na may ilang pangungusap na naka-computerized.

We have the antidote to the virus. Resign and the Philippines will be saved. 

You have 24 hours or we will come for you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro