Twelve: Diskusyon

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Xylene P.O.V.

Malaki ang berdeng backpack na dala niya. Ihinarap niya ito sa amin at binuksan ang zipper. "Isa akong vlogger kaya dala ko ang pinaka-importanteng bagay sa buhay ko, ang camera." Inilabas niya ang isang DSLR na camera. "Nakunan ko ang mga naunang eksena nang magsimulang magkagulo ang mga kapitbahay namin. Balak ko sana i-document ang mga kaganapan hanggang sa maligtas tayo."

"Baka maubusan ka na ng memory at battery ay hindi pa rin naaayos ang sitwasyon ng mga aswang," saad ni Leaf habang pinaglalaruan ang automatic na upuan sa van. Pinipindot-pindot niya ang mga function para ma-adjust ang posisyon ng upuan. Leather seat ang van kaya sobrang komportable. 

"Leaf, 'wag kang negative. Sabi mo nga ligtas sa Camp Trinidad, malalaman natin kapag nandoon na tayo kung ano na ang tunay na sitwasyon."

"Kita niyo naman ang mga sumugod na aswang kanina, mukhang hindi pa ito kontrolado ng gobyerno. Parang sinakop ulit tayo ng mga dayuhan, sa pagkakataon nga lang na 'to ay mga aswang na, diretso ka nilang papatayin o kakainin kapag naabutan ka nila. Sa tingin mo, paano lalabanan ng gobyerno 'to?" ani Var. 

"Hightech ang sasakyan na 'to, tingnan mo nga Leaf kung makakasagap ka ng signal ng radyo," suhestiyon ko. Binuksan ni Leaf ang radyo at nagpalipat-lipat ng radio station. 

Napabuntong hininga siya, "Ano ba naman 'to, wala pa rin. Dalawang araw na pero hindi pa rin naaayos ang signal. Napaka-importante ng radyo sa mga panahon na ito."

"Kasalanan ito lahat ni President Ronaldo, simula nang maupo siya ay nagka-letse letse na ang Pilipinas. Tingnan mo, hindi na nakatiis ang mga tao at nagprotesta na sila," ani ate Veronica. "Kung si Ramirez ang nanalo ay hindi sana nangyari ito! Matalino si Emilio Ramirez, marami na siyang naipatayong imprastaktura sa bayan nila at nakatulong nang lubos sa mahihirap." Ano ba itong pinaglalaban ni ateng? 

"Pero kakaupo niya lang 'di ba?" Wala akong alam sa mga nangyayari sa politika ng Pilipinas dahil abala ako sa maraming bagay, pero itong si Var ay madalas na nanood ng balita kasama si Papa kaya aware siya. "Hangga't wala pa tayong napapatunayan ay hindi tayo puwede manisi. Sa ngayon ang importante ay ang mag-survive. At isa pa, si Ramirez ay corrupt, marami siyang accounts sa ibang bansa, 'di ba?" Hmm... I'm impressed! Hindi ko iyon alam. 

"Puro naman 'yon panirang puri, alam mo naman ang media, kampi sila kay Ronaldo. Mga biased. 'Wag kayong maniwala sa mga media media na 'yan!"

"Paano naging biased ang media sa Pilipinas, hindi ka ba nanonood ng balita? Puro batikos ang media kay Presidente Ronaldo kaya nag-protesta ang madla. Kesyo hindi niya ito nagawa o hindi niya nagawa 'yan. Hindi mo puwede iproklama na biased ang media nang walang sapat na ebidensya. Hindi tayo dapat subjective, dapat FACTS ang tinitingnan natin." Nakakunot na ang noo ng kakambal ko. 

"Tama na nga 'yang pag-uusap ni'yo tungkol sa politika," awat ni Leaf. "Ang politika parang relihiyon, kahit anong pakikipagtalo ang gawin mo ay walang mananalo. Lahat may kanya kanyang opinyon at paniniwala." 

"Leaf, wala ka bang relihiyon?" tanong ni ate Veronica. Sa totoo lang ay parang gusto kong magsisi na isinama namin siya sa sasakyang ito. 

"Wala ka na doon ateng," maikling sagot ni Leaf. Tumahimik na rin sa wakas si ate Veronica. Inabutan ko siya ng tubig at makakain. 

"Ganyan na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Ang gagaling sumagot, wala pa ngang napapatunayan?" bulong niyang tanong sa akin. Nang sinabi niya 'yon ay parang pumutok ang blood vessels ko.

"Veronica, gusto man kita galangin ay hindi ka kagalang galang. Kaya please lang, kung gusto mong sumama sa pagpunta namin sa ligtas na lugar ay puwede matuto kang makisama?" bulong ko rin na sagot sa kanya. Magkaka-period na ata ako, hindi ko makontrol ang mga sinasabi ko. Masyado akong nagiging prangka. Tiningnan niya lang ako bago siya lumipat sa pinakahuling row kung saan siya nahiga. Maliit lang ang espasyo sa likod pero sa nabubuong tensyon sa amin ay mabuting desisyon ang ginawa niya. Ayoko na siyang patulan pa. 

Nakipagkuwentuhan na lamang ako kay Var at Leaf, at isa isang punto ay nakipagpalit ako kay Var. Ako na ang nagmaneho at pinagpahinga ko na siya sa likod. Agad nakatulog si Var kaya ako na lang at si Leaf ang gising. Maga-alas kwatro na pero hindi pa rin kami nakakarating. Nahirapan kami as usual, dahil sa mga sasakyan na nakabalandra na lang sa daan, maliliit pa naman ang mga kalye lalo na kung nandoon ka na sa bayan. Mas madali pa nga siguro ang maglakad. 

May mga pagkakataong nakakakita kami ng mga taong humihingi ng tulong, pero hindi ko sila hinintuan. Kung may kakayanan lang akong tumulong ay ginawa ko na. May nadadaanan din kaming ibang sasakyan na papunta sa kasalungat na direksyon pero katulad namin ay hindi na silang nag-abala pa na huminto. Lahat kami ay gustong maligtas. May 98 milyon na tao sa Pilipinas. Ilan sa kanila ang ligtas? Ilan sa kanila ang aswang na? 

Alas singko at nasa kalagitnaan kami ng bayan ng Carmella nang tumunog ang radyo, isang pamilyar na kanta na madalas pinapatugtog tuwing linggo. Nagkatinginan kami ni Leaf. Alam ko 'tong kantang 'to ah! Luma na 'to.

Why does the sun go on shining?

Why does the sea rush to shore?

Don't they know it's the end of the world, 'Cause you don't love me anymore?

Ang lungkot ng kantang ito, naaalala ko si Mama. Ito ang madalas niyang kantahin sa videoke-han habang nag-iinuman silang dalawa ni Papa. Nakita ni Leaf ang pagpunas ko ng luha. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang luha sa pisngi ko, saka niya pinisil pisil ang balikat ko. 

"Please don't flirt with me, it's the least of the things that I need right now," babala ko sa kanya. 

"Hindi ako nakikipag-flirt, 'wag kang masyadong mag-assume," singhal niya. "Kino-comfort lang kita, at isa pa tapos na tayo 'di ba?"

Woah, that's below the belt, you Leaf! Saka ko naalala na kahapon lang pala naging aswang si Jenny, I better cut him some slack. Natapos na rin sa wakas ang kanta, kasunod ay narinig namin ang paos na boses ng isang lalake. 

"Mga kababayan ko dito sa Luzon, patawad dahil wala akong magandang balitang hatid sa inyo. Hanggang sa mga oras na ito ay may mga aswang na lumilipad pa rin sa ibabaw ng aming bubong. Kakagat na naman ang dilim pero wala pa rin nagbabago sa mga sitwasyon. Paubos na ang supply ng pagkain ko dito, who knows kung hanggang kailan tatagal ang sakunang ito. Sa sobrang 'fucked up' ng bansa natin ay himalang naririnig ni'yo ako pero sa kasamaang palad ay walang signal ang mga telepono. Lord, bakittt? Anyway kung naririnig niyo ito, kailangan ko ng tulong niyo. Nakatira ako sa bayan ng Carmella, Sampaguita village, block 10, lot 5. Kung naririnig ni'yo ako, humihingi ako ng awa ni'yo. Iligtas ni'yo ako parang-awa ni'yo na. Gagawin ko ang lahat, sagot ko na ang kuwento at magdamagang musika," dagdag pa niya. "Sana, sana may nakikinig sa akin. Anyway, this is your DJ, DJ Martin. Next song I'm going to play is a song by 'The Carpenters' entitled Rainy Days and Mondays."

Kasabay ng bagong musika ay ang pagpatak ng ulan. Noong una ay paunti-unti lang itong pumapatak ngunit kalauna'y BUMUHOS ito nang malakas na sinabayan pa ng kulog at kidlat. Hindi ko na makita ang dinadaanan ko kaya ihininto ko ang sasakyan. Napabalikwas sa pagkakatulog si Var. 

"Nandito na ba tayo sa Camp Trinidad?" aniya habang nagkukusot ng mata at nagi-stretching. 

"Guys, zero visibility na dahil sa ulan. We need a place to stay for the night," sabi ni Leaf. "Naiisip ni'yo ba ang naiisip ko?"

"A-anong naiisip mo?" Sa wakas at nagising na rin si ate Veronica. (Ate na ulit, dahil lumamig na ang ulo ko, malaki ang natutulong ng pagda-drive).  Itinuro ni Leaf ang kaliwang bahagi ng highway at dito nakita namin ang isang arko na may nakasulat na 'Welcome to Sampaguita Village'. 

"Makikituloy tayo pansamantala."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro