Chapter 21: Defeated Or Not?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Magdamag yata akong umiiyak at hindi ko na rin nagalaw ang pagkaing dinala sa akin ni Aunt Lorraine kagabi. I have no appetite at all after what happened.

Sana lang talaga ay makulong na silang dalawa para tumahimik na ang mga buhay namin. Hanggang malayo si Simon Ferrer at Aunt Lorraine, hindi matatapos ang lahat ng ito.

Wala rin akong balita sa mga Cabrini ngayon. Ang narinig ko lang kay Aunt Lorraine ay bababaan na sila ng Warrant of Arrest dahil sa ilang hearing sa korte na hindi nila nadaluhan. I got hope with that news somehow.

"Hindi mo pa rin kinakain 'yang pagkain mo? Baka gusto mong subuan pa kita?" sigaw ni Aunt Lorraine nang makita ang pagkain ko na hindi pa nagagalaw kahit kaunti.

"I am not hungry. I wanna go home," I said to her and started crying again.

"Tigil-tigilan mo ako, Nathalia, sa kaartehan mo. Makakauwi ka lang kapag kasal ka na kay Simon, sasamahan ka niya palabas ng bansa," she said.

"He is going to jail, how can he do that?" Matapang ko siyang tiningnan.

"Don't underestimate your future husband, Nathalia." She smirked.

Umiling ako. "He is not going to be my husband. He is a monster, I will never marry him. I promised to marry just one man, and that is Jacob Cabrini."

"Shut up, dear. Jacob Cabrini is gone. Simon finished him already. Wala ka nang babalikan. Just move on!" She slammed the door and left me dumbfounded.

What?

No!

I shook my head.

Hindi ako maniniwala sa babaeng iyon. She is a liar, sinabi niya lang 'yon para lalo akong mawalan ng pag-asa. Jacob is not dead, he will get me here soon. He is alive.

"Jacob, no!" I cried once again.

I know it is possible but I am refusing myself to believe that it is true. Gusto ko na siyang mayakap, miss na miss ko na siya. Hindi siya pwedeng mawala.

"Jacob, please, be okay. I am waiting for you to rescue me. Please, be okay."

Tumayo ako at lumapit sa pinto. I did my best to destroy that fucking door but I am already too weak to give it a hard punch.

"Please, let me go! Please, let me go home!" I shouted still hoping for someone to hear me and have mercy on me.

"Jacob! Please, help me! Please help me out of here!"

Bigla akong nakaramdam ng hilo at napahawak ako sa doorknob ng pinto para hindi ako tuluyang bumagsak. Mag-iisang araw nang walang laman ang tiyan ko at hindi rin ako umiinom ng tubig kaya nagrereklamo na ang buong katawan ko.

I need to eat. I need to escape this place to make sure that Jacob is okay. Hindi pwedeng hanggang dito na lang ako.

Mabilis kong kinain ang pagkain na halos matigas dahil kagabi pa ito. After eating, I calmed myself and took a rest for about five minutes to gain my strength back. I tried looking out the window to see if I could just jump but it was too high. Paniguradong makakalabas nga ako pero mahuhuli rin ako dahil hindi ako makakatakbo kaagad dahil bali-bali na ang buto ko.

If only I can get a phone, any phone basta kayang makatawag, that will do to contact Jacob. Isang message ko lang sa kanya ay hindi iyon magdadalawang-isip na iligtas ako rito.

But how could I get out of this room without being caught?

A knock brought me back to my senses. Humiga ako sa kama at nagpanggap na nanghihina pa rin at wala sa tamang wisyo. Akala ko ang auntie ko iyon pero isang made na pakiramdam ko ay kasing edad ko lang ang pumasok at may dalang pagkain.

"Ma'am, ito na po ang pagkain niyo. Bilin po ni Sir Simon na mag-ayos dahil may pupuntahan daw po kayo," sabi niya.

Hinarap ko siya. "Can you clean my bathroom? I think the toilet got clogged or something," I lied just to get her out of my sight while the door was still open.

"Okay po, ma'am. Tawagin ko lang po si Ate Lisa para may kasama po ako," sabi niya at akmang aalis na.

"Bakit kailangan mo pa ng kasama? You can't do it alone?" Nagtaas ako ng kilay. I showed her my maldita look.

"Ah, eh, ma'am, baka po hindi ko kayang alisin ang bara," paliwanag niya.

Umirap ako. "What kind of maid are you? Just remove the goddamn thing that clogged my toilet and leave!"

Nanlaki ang mata niya sa pagsigaw ko. "Yes, ma'am. Pasensya na po."

Mabilis siyang pumasok sa banyo at nakalimutan na ang nakabukas na pinto. Mabilis ang naging kilos ko at dinampot ko kaagad ang kandado ng pinto. Lumabas ako at ni-lock iyon mula sa labas.

Mga mata ko ay mabilis na umikot sa paligid para makita kung may mga tao ba sa baba. I quietly moved down to the living room attentively seeking people who might catch me.

I reached the main door and I looked back once before stepping out of the mansion. Finally, I am outside and the sun and wind feel so nice. Ang mga gwardya na lang sa gate ang kailangan kong lampasan at makikita ko na ulit si Jacob.

"Master, wait for me. I'm coming home to you. I hope you are okay," I whispered while holding my necklace.

"Where are you going, Nathalia?"

Nanigas ang likod ko nang marinig ang boses ni Simon sa likuran ko. I had no choice but to run for my life even though I didn't know where to go. The gates were close and that's the only way to get out of this place.

"Akala mo ba makakatakas sa akin?" nanggigigil na usal niya nang maabutan ako.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko habang kinakaladkad niya ako pabalik sa loob ng mansyon.

"I warned you, Nathalia, but you keep testing my patience and you know what? I am running out of it!" Pinilit niyang kuhanin ang susi sa kamay ko at saka inalis ang lock sa pinto.

Umiiyak na ang maid na tinakasan ko kanina.

"You're fired, get out of my sight!" sigaw ni Simon sa kasambahay.

"Sorry po, sir."

"Umalis ka na o masasaktan ka pa?"

Mabilis na umalis ang maid sa takot kay Simon. Bumaling sa akin si Simon, ngumisi siya at hinaplos ang mukha ko.

"Huwag kang mag-alala, Nathalia. Bukas isasama kita sa labas, panonoorin mo kung paano ko patayin ang mga Cabrini kasama na ang mga pinsan mong puta!" sigaw niya sa akin.

"Just please, stop, Simon. You are already defeated, why won't you just stop and let the Cabrini with their lives?!" I wanted this to over but how?!

Malalim ang galit niya sa mga Cabrini kaya imposibleng huminto na lang siya dahil sa pakiusap ko.

"Shut up! You know nothing so don't tell me what to do! Huwag kang mag-alala, susunod ka rin naman kaagad sa kanila. Magsama-sama kayo!" sigaw niya at saka binigyan ako ng isang malakas na sampal.

Halos mahilo ako sa impact ng sampal niya pero hindi sapat ang sakit na naramdaman ko dahil sampal niya sa akin kumpara sa pangamba at takot na nararamdaman ko ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro