CHAPTER 15: The Two Saviors

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 15
 
 
•AERIN's POV•

Nagulat talaga ako sa biglaang pagyakap ni Glaciero sa akin, rinig na rinig ko pa ang kabog ng kanyang dibdib.

S-sheeeet! Kinakabahan din ba siya?

S-saka nakayakap pa rin siya sa akin hanggang ngayon. Wala ba siyang balak humiwalay?

Aba'y namumuro na 'to ah!

"G-glaciero?" untag ko sa kanya.

Humiwalay naman siya sa'kin at tiningnan ang kabuuan ko.
 
"Are you alright? A-are you hurt or what? Where?"

Eh? Grabe naman 'to.

"T-teka lang Glaciero, dahan-dahan naman. Ang dami mong tanong ha! Hehe okay lang ako, w-wala namang masakit sa'kin eh"

Nasaan na kaya 'yong tumilapon na lalake? Okay lang kaya 'yon?
 
"You sure?"

Kitang-kita ko ang emosyon sa mga mata ni Glaciero, n-nag-alala talaga siya sa'kin.

Nakatitig lang ako sa kanya. Kumikislap ang kulay abuhin niyang mga mata at sobrang ganda ng mga ito.

Uwuu! Sana ganyan din ang mga mata ko. Natural kaya 'yan o contact lense lang?
 
"Hey freak!" untag naman nito sa'kin.

Napakurap pa ako ng ilang beses sabay iling, nahihibang na ata ako hays!

"A-ah Oo hehe sure na sure ako do'n"

Nag thumbs up pa ako sa kanya at ngumiti. Napailing naman siya.

Bakit?

"Hey freak! Every time I saved you, you didn't even say 'thank you' to me. Are you not that grateful?"

E-eh?

Hanudaw?
 
(0_0)

Oo nga noh? Ni hindi ako nag thank you sa kanya kahit isang beses, hindi nga ba?

Weeeeh? As in?

"A-ay hehe sorry na Glaciero! T-thank you ha? Kung di ka dumating kanina, di ko alam kung anong mangyayari sa'kin"
 
Hehe para akong nagda-drama sa lagay ko pero sincere kaya ako do'n.

"Tsk, be extra careful next time freak"

Eh? Ba't kaya freak nang freak 'to eh Aerin ang pangalan ko? Ang layo naman ng agwat.
 
"Opo Glaciero hehe"

ChOur, ang galang ko naman.

"Tsk"

Eh?

Anyare do'n? nag walk out na naman siya.

Ano bang problema no'n?

Aba'y gusto pa atang magpasuyo sa'kin. Bakit? Jowa ko ba siya?

Jowain muna niya ako kung gano'n, charot lang hihi.

"Twinny!"

Napalingon naman ako kay Caeli, tumatakbo siya palapit sa'kin. Ba't ngayon lang ang babaitang 'to?

Sayang di niya nakita sa Glaciero.  Ayy takte! Mabuti na lang din pala dahil nakakahiya pag nakita niyang nakayakap ito sa'kin.

Eeeeeeh? Ang init ng mukha ko pag naalala ko 'yon.

"Twinny? Okay ka lang?"

Ay.

"Oo Caeli hehehe" ngumiti na lang ako sa kanya ng peke.

"Pasensya ka na ngayon lang ako ha? Natagalan kasi si manang sa paghahanda do'n sa pagkain natin eh. Ba't ka nga pala nandito?"

Ah kaya pala, hehe mabuti na ring nahuli siya dahil mukhang wala siyang alam tungkol sa nangyari sa'kin.

"Ah wala Caeli, may tiningnan lang ako saglit hihi"

Tumango naman siya sa'kin at inaya akong bumalik na sa cafeteria para kumain.

Ayy Oo nga pala, gutom nga pala ako noh?

Takte ka talaga self, napaka-chismosa mo kasi kaya nakalimutan mong gutom ka hays!

Napahamak ka pa tuloy, buti na lang d-dumating si Glaciero, ang knight with shining eyes ko. Ayy chOur hihi.

Anlandeeeeede ang nagbabasa, yieeeee!

Oo nga pala, di siya knight kasi isa siyang Royalty, a prince kumbaga.

In short, di kami bagay kasi tao kami! Mwehehehehe.

Tsar! Tara na nga.

Pagkarating namin cafeteria, nakahanda na nga ang mga pagkain.

"Woaaaah! Parang nasa mortal world lang"

Mangha kong sabi habang nakatingin sa mga pagkain. Pagkain din kasi 'to naming mga taga mortal world ey.

Ang galing!

"Oo naman Twinny! Marami din kasi ang galing do'n sa mundo ng mga tao at nai-apply din nila dito ang mga natutunan nila do'n lalo na ang tungkol sa mga pagkain"

Ah kaya pala.

Hmm makakain na nga lang. Parang di pa kasi ako kumakain simula no'ng dinala nila ako dito eh.

Ambad nila sa'kin, hmmmp!
____________________________________
•SOMEONE's POV•
 
Papunta na sana ako sa cafeteria no'ng bigla kong nakita si Aerin sa may malaking puno malapit sa likod nitong cafeteria. 

Ang cute niya talaga! Para siyang bata kung umasta.

Ano bang ginagawa niya riyan?

Pinagmamasdan ko lang siya no'ng biglang lumingon siya sa may banda ko kaya napatalikod ako agad.

B-baka makita niya ako. Nakakahiya pag mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

Pero nagulat ako dahil bigla siyang sumigaw.

Anyare?

Napalingon ulit ako sa kinaroroonan niya. May nakapulupot sa kanyang baging!

Sino ang lalaking 'yan? Anong ginagawa niya kay Aerin?

Lalapit na sana ako kay Aerin ngunit bigla na lang tumilapon sa malayo ang lalaki.

Mukhang naunahan na naman ako ni Ice ah.

Alam kong siya ang may gawa no'n sa lalake dahil sa special ability niyang 'Levitation'.

At tama nga ako dahil nakita ko siyang nakayakap na kay Aerin.

Hays! Lagi na lang niya akong nauunahan pero sana wag niyang kalimutan na di niya pwedeng mahalin ang babaeng 'yan at mas lalong di siya dapat nitong mahalin pabalik.

A-ayoko! Di ko hahayaan 'yon.

Kailangang may gawin ako. Hindi dapat na may mamuo sa kanilang dalawa.

Aerin, ayokong mapahamak ka kaya lumayo ka sa taong 'yan. 
____________________________________
•AERIN's POV•

Pagkatapos naming kumain eh bumalik na kami agad sa training ground.

"Ano nga ulit 'yong sunod mong ituturo sa'kin Caeli?" tanong ko sa kanya.

"Ah, tuturuan kita kung paano gumawa ng air spikes Twinny!"

Air spikes? Hmm ito ata 'yong binato niya sa'kin kanina, 'yong napalutang ko?

Yieeee! Gusto kong matutong gumawa ng gano'n! 

Nga pala, may mga mages na ding nag e-ensayo dito pero kunti lang sila. Sa tingin ko, isang section lang.

"Woaaaaah!"

Namangha ako do'n sa babaeng gumawa ng isang tornado pero tubig ang gamit.

Ano bang tawag do'n? Uwuuu sana ako rin ganyan!

"Twinny! Lika na dito"

Lumapit naman agad ako kay Caeli. Tiningnan ko lang siyang gumagawa ng sariling air spikes.

Ang galing!

"Twinny, isipin mo lang na may lalabas na air spikes tapos ipitik mo lang ang 'yong mga daliri"

Tumango naman ako sa kanya at sinubukan ito. No'ng una kahit anong pitik ko, wala talagang lumalabas.

"Ano ba 'yan?! Bakit wala pa rin?"

Tae! Nakaka-frustrate pala ang ganito huhu. Ano bang gagawin ko?

"Mag concentrate ka kasi Twinny! Dapat focus ka, wag kung ano-ano ang iniisip"

Napa-pout naman ako sa sinabi niya. Paano niya nasabing kung ano-ano ang iniisip ko?

Bakit? Nababasa niya ba ang iniisip ko? Nababasa niya bang kinikilig pa rin ako hanggang ngayon dahil sa mainit na yakap ni Glaciero?

"Waaaaaaaah huhu"

Ano ba 'yan? Ba't ko ba siya iniisip?

Hindi pwede 'to, dapat focus ako!

*inhale*

*exhale*

*inhale*

*exhale*

Ramdam ko ang pagtitig ni Caeli sa'kin pero isiniwalang-bahala ko na lang 'yon.

Sinubukan kong isipin na may lalabas na air spikes pagkatapos ay ipinitik ang mga daliri ko then booom!

~parang neneng B ang kanyang katawan~

"HAHAHAHAHAHAHA"

Napamulat naman ako dahil sa  biglaang pagtawa ni Caeli.
 
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Anong tinatawa-tawa nito? Nababaliw na ba siya? Eh kakakain nga lang niya kanina ey.

"Twinny! Ayusin mo naman kasi. HAHAHA ando'n na sana eh kaso bigla pang nawala. Ano ba kasing iniisip mo? Pfffft"

K-kumanta lang naman ako ah, di pala pwede 'yon?

Ayy hehe focus nga pala. Nag peace sign na lang ako sa kanya at inulit ang ginawa ko. This time, seryosohan na talaga.

Naramdaman kong humangin bigla pero ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko.

Kakaiba pala sa feeling pag ganito, parang may kung anong lakas ang lumalabas mula sa'yo.

"T-twinny! Tama na 'yang ganyan karami. Tama na baka may matamaan ka!"

*clap! clap! clap!*

Eh?

Napamulat naman ako at napatingin sa taong pumapalakpak.

Si Red pala! Nakangiti itong nakatingin sa'kin, kita na naman ang mga dimples niya.

Uwuuu! Ang cute talaga!

Teka? Ba't nandito siya?

"Gumagaling ka na Aerin ah! Binabati kita" nakangiti pang sabi nito sa'kin.

Napalingon naman ako sa mga air spikes ko. Lahat ay nakatusok na sa ginawang dart board ni Caeli.
 
So bale parang ginawa kong dart 'yong mga air spikes ko! Oo gano'n nga, kayo na bahalang mag imagine total hanggang imagine lang naman talaga kayo ey.
 
ChOur, ako'y mapanakit hihi.

"Salamat Red! Nga pala, ba't ka nandito?"

Diba may klase sila?

"Haha actually, ako kasi ang inatasang magbantay sa kanila ngayon" sagot naman niya habang nakaturo sa iilang estudyante na nag eensayo din.

Siya ang pinagbantay? Abaaaa haha ginawa pa siyang watcher!

Pero bakit parang ako pa ata ang binantayan nito?

Charot, napaka-assuming self. 

"Ba't naman ikaw 'yong pinagbantay Faero?" takang tanong naman ni Caeli.

Oo nga noh?

"May inuutos kasi si HM kay Mrs. Smith kaya ako muna ang inatasan niya dito"

Ba't kaya laging ngumingiti itong si Red? Nagpapa-cute ba 'to?

Nakikita ko ang kanyang mga dimples saka sumisingkit din ang mga mata niya.

Nakuu! Red? Pwedeng pakurot?

Ayy tae! Ba't parang ang harot ko naman ata hihi.

"So? Ano? Punta muna ako do'n ha? Actually, lumapit lang ako dito kasi nakita ko kayo eh. Aerin? Mag-ingat ka ha?"

(0_0)

Ha?

Hakdog.

Yieeee! B-ba't siya gano'n? Uwuu ang init ng pisngi ko.

Nilalagnat ka bang pisngi ka?!

"Wuuuy Twinny! Ba't ka namumula? Masama ba pakiramdam mo?"
 
A-ay? Pag namumula ba, masama na agad ang pakiramdam? Di ba pwedeng nagba-blush lang? Hihi.

"W-wala 'to Caeli. Halika ka na, ano na susunod mong ituturo?"

Alam ko na kung paano patigilin ang mga tira ng kalaban , marunong na akong gumawa ng maliliit na tornado, at marunong na din akong gumawa ng air spikes.

P-pero di ko alam kung malalakas ba ang mga ginawa ko. Alam kong nasa basic stage pa lang kami ng training.

"Last na 'to Twinny ha? Kailangan na din kasi nating magpahinga. Di naman kasi natin dapat ubusin ang lakas natin ngayon dahil nasa unang araw palang tayo ng training."

Oo nga naman. Kung uubusin namin ang lakas namin ngayon, aba'y torture na iyon!

"Okay Caeli, so? Ano na next?"

Hehe sorna, atat lang si ako ey.

"Tuturuan kita kung paano lumutang"

(0_0)

As in? 'Y-yong lulutang? 'Yong as in floating² in the air?

Waaaaah!

"Talaga? Pwede din ba akong lilipad Caeli?"

Yiiie! Sana pwede tapos pag nagawa ko 'yon, sisigaw ako ng

DARNAAAAAA!

A-ay? Kailangan pa ata 'yon ng bato hehe.

"Oo pwede, basta ando'n ang presence ng air. Pwede mo ngang pagalawin ang mga bagay-bagay gamit ang hangin eh"

Wow! Ang galing naman. Gusto ko ding i-try 'yooooooon.

"Sige Caeli!"

Yieeee! Excited na akong lumutang.

Tas kakanta ng

~Tila ako'y nakalutang na sa langiiiiit~
 
At biglang humangin ng malakas dahil sa boses kong pang horror! Haha pumiyok ey.

Pero joke lang, humangin 'yon kasi nagsimula na si Caeli sa pagtuturo sa'kin.

Oo 'yon nga! Kaso 'yong utak ko kung saan-saan na nagpunta.

Baka mamaya nyan eh maligaw pa 'yon hihi.

"Twinny! Nakikinig ka ba?"

Ha?
 
Hakdogen.

Haha ano daw 'yon?

"Ay hehe sorry Caeli, may iniisip lang"

Oo, may iniisip akong kabaliwan. Jusko! Nakakatakot baka mabaliw na talaga ako ng tuluyan huhu.

"Ganito ang gagawin mo ha? Concentrate dapat, focus gano'n tapos irelax mo lang 'yong mind mo, isipin mong lumutang ka"

Sinunod ko naman ang sinabi niya at nag concentrate. Naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko.

Feeling ko talaga nakalutang na ako!

"Twinny, buksan mo ang mga mata mo! Wag ka palaging nakapikit, paano na lang kung may kalaban ka? Eh di hindi mo nakita!"

Nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw ni Caeli sa ibaba------wait?! S-sa ibaba?

"Waaaaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ko dahil talagang mahuhulog na ako!

"Twinny!"

S-sheeeeet! B-babagsak na akooooooO.

Taena!

"Got yah!"
 
(0_0)

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa taong sumalo sa'kin.

Ramdam ko ang mga tingin ng mga mages na nanunuod sa amin at talagang nagulat ako!

M-may sumalo sa'kin.

Sinalo ako.

S-sinalo niya ako!

Sinalo ako ni...

 
ni...

ni Red.

Oo, si Red nga!

"Okay ka lang ba Aerin?"

Paano niya ako nasalo gayong malayo naman ang pwesto nila sa'kin?

"O-oo, o-okay lang ako. S-salamat Red"

Jusko! Akala ko talaga babagsak ako buti na lang may sumalo sa'kin huhu.

Ibinaba niya naman ako agad. Eeeeh? N-nahihiya ako sa kanya.

"Twinny! Okay ka lang?"

Ikaw Caeli ha, ba't ba kasi biglang sumigaw kanina, nagulat pa tuloy ako!

"Oo Caeli"

Pero paglingon ko sa may bandang likuran ni Caeli, may nakita akong pigura ng isang tao.

Mataman itong nakatitig sa'kin, madilim ang kanyang aura, p-parang galit?

Bigla itong tumalikod at nagsimulang maglakad paalis.

S-sino 'yon?
 
Si Glaciero ba 'yon? Ba't siya ando'n?

Siya ba talaga 'yon? Ba't parang kakaiba kung maglakad?

M-may masakit kaya sa kanya?

(0_0)


-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro