CHAPTER 19: Traitor's down

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 19
 
 
•ICE's POV•

Her lips.

Aaaaaargh! What the f*ck did I do?

I'm insane!

Why did I kissed her?

What if she'll be mad at me because of that goddamn kiss?

Ah! It was her fault anyway, she was too loud at that moment that's why I kissed her to shut her up.

Yeah, that's it.

It was a just a kiss. A normal kiss.

Damn! Why do I kept on repeating that word? Am I insane already?!

"A-ah Glaciero ano uhm, t-tayo na?"

(0_0)

What does she mean? Is that 'kami na'?

Wait------ Did I courted her already? No, I didn't right? So why did she said that?

"W-what do you mean?"

She raised her right eyebrow and suddenly her eyes got bigger. It looks like she realized something.

"I mean, b-balik na tayo s-sa clinic hehe"

I can feel the awkwardness between the two of us right now.

Wtf! I thought of something wrong damn it!

My forehead creased when I saw what she's holding.

"What's that?"

She can't look directly at my eyes. Maybe, she felt awkward because of that uhm nothing.

"A-ah para kay Red 'to hehe"

Red.

Nice nickname huh!

"Tsk"

I asked her "what" but she answered me 'Red'. I'm not asking "to whom" tsk.

I hold her elbow and teleported to the clinic. She carried so many snacks while me? I carried n-nothing!

Yah whatever.

I'm going!

Maybe, I should go to my favorite place.

Clinic sucks!

A-and I'm not jealous, tsk.

____________________________________
•AERIN's POV•

Hanggang ngayon napi-feel ko pa rin ang lips niya sa lips ko huhu.

Di ko alam na may lahi palang magnanakaw si Glaciero. Magnanakaw ng halik!

First kiss ko pa naman 'yon. Na-break ko na 'yong promise ko na do'n ko na 'yon ibibigay pag sa araw ng kasal ko kaso ninakaw na ng mokong na 'yon!

Ano kaya 'yong mouthwash niya? A-ang bango kasi saka parang may flavor 'yong labi niya, nagli-lipstick kaya siya?

Waaaaah huhu ano ba 'tong iniisip ko?!

S-saka kanina siguro na misinterpret niya 'yong sinabi kong "tayo na".

Eeeeh? Kakaiba din pala mag-isip itong si Glaciero noh? Di naman siguro double meaning 'yong sinabi ko.

" Aerin? Are you okay?"

Napatingin naman ako kay Red. Dinalhan ko siya ng spaghetti saka cornetto pero di pa niya tiningnan.

Nando'n kasi ang atensyon niya kay mokong, bigla kasing umalis. Bahala siya, mabuti na rin 'yon para di ako mailang.

"Oo, o-okay lang hehe"

Kinuha ko naman ang mga dinala ko at nilagay sa may maliit na table.

"Uy! Ano 'yang nasa parang silver plate Aerin?" tanong ni Rain.

Ang spaghetti ang tinutukoy niya pero bago pa ako makasagot eh nakuha na niya 'yon.

Iba rin.

"Halaaaa! Ano 'to? Bulate ba 'to?"

(0_0)

Wut da hek?

Anong bulate? Taena! Ang bantos nitong si Rain ah, kitang pagkain ey!

"Hoy! Bad ka ha. Pagkain 'yan, spaghetti ang tawag dyan. Abaaaa ke tagal² niyo na rito eh di pa kayo nakakain nyan?"

Napatingin naman siya ulit sa spaghetti. Makikita talaga sa mukha niya na nandidiri siya.

Eh kung sapakin ko kaya 'to? Gaga ey? Fave ko pa naman 'yon.

"Nakikita ko naman 'to sa cafeteria kaso di ko nagustuhan ang form, p-para kasing bulate eh"

Takte! Inulit pa talaga amputek.

Tiningnan ko naman siya ng masama at kinuha sa kanya 'yon. Kung ayaw niya eh di wag, di naman 'to para sa kanya!

"Kung ayaw mo nito eh di manahimik ka. Abaaa pagkain 'to uy! Kung ano-anong sinasabi mo"

Nag pout naman ito at kumuha na lang ng iba. Hays! Lahing pato nga ata talaga sila.

"Ayy Eris! Gusto mo spag?" alok ko sa kanya kaso ang gaga umiling lang.

Ayaw ba nila dito? Ang sarap kaya nito!

Hinarap ko naman si Cold Water at akmang tatanungin no'ng biglang tumingin siya sa'kin at ngumiti.

Yieeeeee! Buti pa 'tong si Cold Water eh gus-----------

"Salamat na lang Aerin pero busog pa ako eh"

(-_-)

Busog daw pero nginangatngat na ang cornetto'ng dala ko! Akala ko pa naman gusto niya, may pa ngiti-ngiti pa.

Sus! Ang sarap bunutan ng ngipin ang taong 'to.

Ang aarte ng mga walangyaaaaaaa huhu.

"Akin na lang 'yan Aerin. I'll try it, siguro naman walang lason 'yan diba?"

Ngingiti na sana ako kay Red kaso naudlot dahil sa huli niyang tanong.

Tingin nito sa'kin? May galit sa kanila? Abaaaa eh kung totohanin ko kayang lasunin sila?

Naku, joke lang 'yon.

"Gusto mong lasunin talaga kita?" nakataas kilay na tanong ko sa kanya kaso tinawanan lang niya ako.

Mga baliw!

Di naman ako nagpapatawa.

"Akin na" nakangiti nitong sabi habang inilahad ang kanyang kamay.

Binigay ko naman 'yon sa kanya at pinanuod siyang buksan ang takip nito.

Pagkatapos niyang mabuksan eh sinimulan na niya itong kainin. Napatingin naman ako sa iba naming kasama, nanunuod din sila?

Ano 'to? Live eating show? May gano'n ba? HAHAHA.

"M-masarap ba pre?" nakalunok na tanong ni Cold Water.

Taena! Haha don't tell me eh natatakam din siya? Nakuuuuu.

"Shobrang sharap!"

Eh? Ang kyuuuuut ni Red owemji! Nagsasalita siya habang puno ang bibig.

Diba masama daw 'yon? Sabi nila ey.

"A-ah ano Aerin, may ganyan ka pa ba?"

"Aerin penge ako!"

"Meron pa ba?"

Nakakunot-noo ko silang tiningnan, akala ko ba ayaw nila? Abaaaa mga taong 'to! Walang isang salita, hmmmp.

"Oh? Diba ayaw niyo?" nanunuya ko ding tanong.

"JOKE LANG 'YON!"

Eh?

Joke pala 'yon?

"Ba't di ako natatawa?!"

Ang corny naman ng joke nila. Kahit bata eh di matatawa do'n ey.

"Penge na lang kasi"

Inirapan ko naman sila at isa-isang binigyan. Buti na lang mabait ako dahil kung hindi, eh syempre di ko sila bibigyan!

Maglaway sila dyan kung gusto nila.

"Kahit mukha kang bulate, kakainin pa rin kita"

Baliw talaga itong si Rain, wag niyong tularan.

Pinapanuod ko lang silang kumain ng spaghetti. Ako naman eh 'yong chichirya ang pinuntirya ko.

Napatingin ako kay Caeli. Ang peaceful ng tulog niya ah. Saka ang ganda niya pag nakapikit.

Hays! Sorry Caeli, kasalanan ko kung bakit ka nandyan.

Hmmm? Nananaginip din kaya siya? Ano naman kaya ang laman ng dreams niya? Hihihi.

"Woaaaah! Ansarap pala nitoooooO" manghang sabi ni Cold Water.

"Aerin! Fave ko na din 'to hihi"

Napangiti naman ako sa mga reaksyon nila. Ayan kasi, ang aarte.

Sabi nga nila, "Don't judge the book by it's cover". So, pag sa spaghetti ko eh " Don't judge the spaghetti with its look"!

Tama ba ako? I mean, tama ba English ko?

"Ms Aerin! Ms Aerin! MS AERIN"

Nagulat naman kami sa biglaang pagdating ni Daldalita. Ano na naman kaya ang kailangan nito?

"Daldalita? Anong nangyari sa'yo?"

Grabe! Ilang beses niya pang tinawag ang pangalan ko.

"Daldalita?" takang tanong ni Eris.

"Oo, 'yon ang tawag ko sa kanya dahil masyado siyang madaldal, pumapangalawa siya sa'kin HAHA"

Kaso napansin kong parang kinakabahan na natatae na ewan itong si Daldalita. T-teka? Tumatae din ba ang mga fairy?

"Ano bang kailangan mo Daldalita? Ay gusto mo nitong spaghetti ko?" alok ko sa kanya kaso umiling lang siya.

Abaaaa! Maarte din.

"Ms Aerin! Si master po kasi may ano eh! M-may ano po"

Hanudaw?

Gusto ata nito pitikin ko siya ey! Ano nang ano, di na lang didiritsuhin! Nakuuuuu.

"Ano 'yon Fairin?"

Hay! Buti naman at nakiramdam itong si Rain.

"Si master Ice po, m-may nakalaban po do'n sa Dark Forest!"

(0_0)

N-nakalaban? As in may kalaban siya?

"ANO?!" gulat na tanong naming lahat.

Sheeeet! Baka ano ng nangyari sa kanya.

"Sinong nakalaban niya? Bakit?" tanong naman ni Red.

Oh sagutin mo 'yan Daldalita, interviewer mo sila!

Ayy takte, napahamak na ang Glaciero ko.

Wait what?!

"M-may nahuli po kasi siyang mga spy dito na galing po sa Tenebris Kingdom. Tinangka pa po nilang tumakas pero naabutan po sila ni master do'n nga po sa Dark Forest"

S-spy? T-tenebris kingdom? Diba 'yon 'yong may mga dark mages?

Owemji!

"Sh*t! Pupuntahan ko siya, dito lang kayo!"

Ay?

Gusto kong sumama ey.

"Kami na lang ni Red ang pupunta do'n. Girls? Bantayan niyo si Aerish ha? Wag niyong iwan 'yan!"

Magsasalita pa sana ako kaso umalis na sila agad.

Gusto kong pumunta do'n para tulungan sila kaso ang alam nila eh mahina pa ako at walang alam.

Glaciero, mag-iingat ka.

Mag-iingat kayong lahat.

____________________________________
•RED's POV•

Umalis na kami agad pagkatapos naming makapagpaalam sa kanila.

Di ko na nga natapos kainin 'yong binigay ni Aerin na spag eh. Siguro mamaya na lang pagkabalik namin.

Masarap din pala 'yon, thanks to Aerin.

"Pareng Red, pwede bang buhatin mo na lang ako para mapadali rin ako?"

Wtf?!

Anong buhatin? Nakakadiri ang kupal na 'to tsk.

"Pre, di tayo talo kaya ayoko. Buhatin ka dyan, baboy ka kaya. Mabigat gano'n!"

Nakita ko naman kung paano lumaki ang mga mata niya sa gulat. Totoo 'yon, wag na siyang magtaka.

Umalis naman ako agad at iniwan siya. Nando'n si Fairin, matutulungan siya no'n.

Fairin.

I know kung bakit pinalitan niya ng Fairin ang pangalan no'ng Fairy.

Siguro nga tuluyan ng nahulog ang loob niya kay Aerin kaso alam niya sa sarili niyang di pwede 'yon.

Naaawa ako sa kanya pero mas naaawa ako sa babaeng n(m)agugustuhan niya.

Kaya sana lang, pigilan niyang mahulog ng husto ang loob niya sa babaeng 'yon.
__________
Nandito na ako sa Dark Forest. Tinawag itong Dark Forest dahil sa sobrang dilim nito mapa-araw man o gabi.

Walang sinuman ang nagpupunta rito dahil maaaring di na sila makabalik.

Ang lugar na ito ay may malawak na espasyo sa gitnang bahagi kaya sa tingin ko eh nando'n sila.

Madilim dito pero ngayon, may mga liwanag na lumalabas dahil sa kapangyarihan mula sa mga naglalaban.

Dali-dali naman akong lumapit at tinulungan si Ice.

"What are you doing here!?"

Tanong niya sa'kin pero di ako sumagot. Masasayang lang ang laway ko dahil sa katigasan ng ulo niya.

Ayaw niya kasing tinutulungan siya, masyadong ma pride.

Masasabi kong sobrang dami niyang kalaban, mga dark mages at ang dalawang traydor ng Academia.

"Bakit niyo nagawa 'to?!" tanong ko sa dalawa habang nilalabanan sila.

"Wala kang pakealam!"

Wala pala ah!

"Fire blades!"

Kanya-kanyang atake ang ginagawa namin. Naglagay na din ako ng shield sa sarili ko at alam kong gano'n din siya.

Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang presenya ni Cold. Himala at seryoso siya ngayon.

"Sorry pre, natagalan kami. Si Fairin kasi ayaw pa akong bigyan ng snowflakes" nakanguso nitong sabi.

Taena! Binabawi ko na ang sinabi ko.

"Ewan ko sa'yo! Do'n ka sa kabila"

Marami na din kaming napatay na mga kalaban pero sa tingin ko'y dummy lang ang mga 'yon.

Dumadami sila at di namin matukoy kung sino ang may gawa nitong mga dummy. Kahit dummy lang 'yon pero katumbas ng lakas nito ang lakas ng nanglikha sa kanila.

Ibig sabihin, mas maraming dummy mas malakas na kapangyarihan. Dumo-doble ang lakas nila!

May mga totoong dark mages din naman at magagaling din sila.

"Aaaargh!"

(0_0)

Napansin kong tumalsik si Ice pero di ko siya matutulungan dahil marami din akong kalaban at isa na dito 'yong babae.

"A-aaaaaaah!" sigaw ng mga kalaban ko. Sinusunog ko ang bawat isa sa kanila.

'Yong iba ay naglalaho na parang bula dahil nga mga dummy lang sila. 'Yong iba nama'y naging abo na.

"Ha! Magaling ka nga Fire prince pero di mo kaya ang kapangyarihan ko!"

Walang galang ang isang 'to ah! Traydor! Pag mahawakan kita, dudurugin ko ang bawat buto mo sa katawan kahit babae ka pa!

Lalapitan ko na sana siya no'ng naramdaman kong di ko maigalaw ang katawan ko.

Sh*t!

"'Yan ang special ability ko! I'm a body manipulator HAHAHA"

Di ako bobo! Alam ko 'yon.

Pero isa lang ang kaya mong i-manipulate, tatlo kami. Pag ako makawala dito sa ginawa mo, pagsisisihan mo!

Tumalikod siya sa'kin at nakipaglaban na din kay Cold. Di na niya magamit ang special ability niya do'n dahil naka-focus na ito sa'kin.

Arrgh! Ano bang gagawin ko dito?!

"Mr Flamour, tutulungan kitang makawala sa manipulation niya"

S-si Fairin!

Tiningnan ko siya ng nag-alinlangan. Kapag ginawa niya 'yon, magagamit ang lahat ng kapangyarihan niya at maaaring maglaho siya!

Gusto ko siyang pigilan pero di ko magawang ibuka ang bibig ko.

Napatingin ako kay Ice, marami na rin siyang sugat na natamo. Mas kailangan niya ng tulong ngayon!

Tiningnan ko rin si Cold, nakikipaglaban pa rin siya sa babaeng 'yon pero nakakapagtakang di niya ginagamit ang isa niyang kamay!

Tiningnan ko iyon ng mabuti at nakita kong nagdudugo ito! F*ck! Natamaan ba 'yon?

"Mr Flamour!" bumaling ako ng tingin kay Fairin.

Ang mga mata ko lang ang malayang nakakagalaw kaya ko sila nagawang tingnan.

Tiningnan ko si Fairin ng mabuti at alam kong nakuha niya ang ibig kong ipahiwatig.

Tumango ito sa'kin at ngumiti.

Sh*t! Naaawa ako sa kanya. Ano na lang ang gagawin ni Ice sa'kin pag nalaman niyang tinulungan ako nito?

Magsisimula na sana siya no'ng biglang may nakakasilaw na liwanag ang lumabas sa pinakagitnang bahagi nitong aming kinaroroonan.

Napapikit ako sa sobrang liwanag nito at no'ng naka-adjust na ang aking mga mata eh tiningnan ko ang pinagmulan no'n.

M-may tao.

M-ay ibang tao ang nandito!

Sino siya?

Tingin ko, ang lakas ng kapangyarihan niya.

Napatigil din ang ibang dark mages dahil sa babaeng 'yon.

Oo, babae siya!

Dahil na rin sa kurba ng kanyang katawan. May suot siyang isang cloak na kulay pula at nakasuot ng boots na kulay puti.

Kakaiba ang kombinasyon niya. Sino siya? Saan siya nagmula?

"Masyadong malakas ang loob niyong kalabanin ang mga prinsipe. Sa tingin niyo ba ay hahayaan kong manalo kayo?"

Sobrang lalim ng kanyang boses. Di ko makita ang kanyang mukha dahil may nakatakip dito.

Pero isa lang ang alam ko, nandito siya para tulungan kami.

"Sino ka ba ha?! At anong pakiealam mo dito?!" malakas na sigaw no'ng lalaki.

Masyadong matapang ang isang 'to ah. Nakita ko namang nasugatan na din siya sa may bandang leeg. Muntikan na pala 'to eh.

"Kahit sabihin ko pa sa'yo ang pangalan ko, di mo pa rin naman ako kilala. So, ano pang silbi no'n?"

Ano bang ginagawa nila? Mag-uusap na lang ba sila?

"Abaaaa ang yabang mo ah!"

Aatake na sana 'yong traydor na lalake no'ng biglang itinaas no'ng babae ang kamay niya.

"Sandali! Di pa nga ako tapos sa speech ko eh, masyado kang excited"

Taena!

Haha kahit di ako makagalaw pero natatawa ako sa mukha no'ng lalake, napikon ata.

"Ang mga traydor ay nararapat lamang na parusahan. Sa inyong dalawa, lalo ka na lalaki eh ako na mismo ang gagawa no'n. Alam kong may ibabalita na naman kayo sa amo niyo pero nakakalungkot lang dahil di niyo na 'yon maipaabot sa kanya!"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon eh biglang nakarating na siya sa harap no'ng lalaki at sinasakal ito.

Sh*t! Marunong siyang mag teleport?

A-at ang lakas niya!

"Alam mo bang unang beses ko itong ginawa? Sobrang saya pala na makitang nahihirapan ka at walang kalaban-laban"

Mahinhin ang pagkakasabi niya na para bang isang maliit na bagay lang ito para sa kanya at kayang-kaya niya itong tapusin agad.

"A-aaaaaah!"

Nakita ko kung paano namimilipit sa sakit ang lalake. Lumalabas ang ugat nito sa leeg at sa kanyang mga braso.

A-anong ginawa niya?

Tulad ko, gulat din ang makikita sa mukha ng mga kasamahan ko. Pinapanuod ang bawat galaw niya.

S-sino kaya siya?

Bigla siyang napalingon sa likod niya at kasabay ng paglingong 'yon ay ang pagtalsik ng mga dummies.

"Siguro ikaw ang dummy creator. Ang dami nila kaya siguro oras na para tapusin na kita. Paalam traydor, magpahinga ka na ng tuluyan"

Kasabay no'n ay ang pagsabog ng katawan no'ng lalake. F*ck! Paano niya ginawa 'yon?

"A-anong ginawa mo sa kanya?!" gulat na tanong naman no'ng isang traydor.

Makikita mo ang takot sa kanyang mga mata. Yan, matakot ka babae!

"Yaaaaah!" isang malakas na kapangyarihan ang binitawan niya dahilan upang tumalsik lahat ng mga dark mages.

(O_O)

Kakaiba ang kapangyarihan niya. Wala pa akong nakitang ganyan kalakas. Nakakamangha dahil parang alam nito ang dapat na tamaan.

Sinubukan pang tumakas no'ng traydor pero nagulat na lang siya no'ng nasa harap na niya 'yong babaeng naka-cloak, umatras naman siya ng umatras.

"At may balak ka pang tumakas babae. Alam mo bang ayaw na ayaw ko ang mga gano'n? Ayoko rin namang mapawisan ako"

Nakakatakot ang babaeng 'to. Parang lahat ay kaya niyang gawin. Kami nga eh ang daming natamo dahil sa dami ng kalaban pero siya? Isang pitik lang!

Nakakamangha ang kanyang galing. Gusto ko siyang makilala.

"Sino ka ba ha?!" takot na tanong ng traydor pero tinawanan lang siya nito.

Kakaiba ang boses niya, ang l-lalim. P-parang hinugot sa libingan.

"Palayain mo siya!" utos nito habang nakaturo sa'kin.

Oo nga pala! Hanggang ngayon eh nakatayo pa rin ako at di makagalaw.

Pero nagulat ako no'ng biglang kusang gumalaw ang mga paa ko at dahan-dahang naglakad palapit sa kanila.

Sh*t! Kino-kontrol niya ako!

"Hindi! Papatayin kita at gagamitin ko siya laban sa'yo!"

Tang*na! Traydor na nga manggagamit pa.

Gusto kong pigilan ang sarili ko pero di ko magawa.

"Ah ayaw mo? Alam mo bang kaya ko din 'yang gawin sa'yo? Mamili ka, ako ang magko-kontrol sa sarili mo o ititigil mo ang pag kontrol sa kanya?"

Akmang hahawakan niya 'yong traydor pero inatake siya nito pero agad din niyang itong naiwasan.

"Aaah! Gusto mo pala talagang maglaban tayo ha. Pagbibigyan sana kita kaso pagod na ako eh kaya pasensya na kung papatayin na kita agad ha? Wag kang mag-alala, kapag nagkita tayo sa kabilang buhay baka do'n pagbibigyan kita"

At tulad no'ng nauna, sumabog din ang katawan nito na parang bomba. Paano niya ba ginawa 'yon?

Nakakagulat siya!

"F*ck!"

Ang sakit ng katawan ko! Bigla akong bumagsak sa lupa at nanghina. Medyo matagal din akong kinontrol ng babaeng 'yon. Sayang lang at iba ang dumurog sa kanya, tsk.

"Who the hell are you?!" malakas na tanong ni Ice.

Tulad ko, alam kong nagulat din siya sa pagsulpot ng taong ito. Di namin siya kilala at nakakapagtataka na tinulungan niya kami.

"Hindi niyo na kailangang malaman pero hindi ako kalaban kung hindi ako kakalabanin. Maswerte ang mages na 'yon dahil ako ang nakapatay sa kanila"

H-huh? Anong swerte do'n? Aalis na sana siya pero tinawag ko siya bigla.

"Sandali! Maraming salamat sa tulong mo. A-ano bang pwede naming i-itawag sa'yo?"

Kahit nickname niya lang, okay na ako do'n.

Tumigil naman siya pero di niya ako sinagot at umalis na. Sayang! Di ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Magkikita pa kaya kami sa susunod?

Saan kaya siya galing? May suot siyang cloak, h-hindi kaya isa siyang goddess? Siya kaya ang goddess of war?

Pero di naman nagpapakita ang mga goddess sa personal, sa panaginip lang naman sila nagpapakita eh.

"P-pre! Umalis na tayo rito! Ang sakit na ng kamay ko pre"

Napalingon naman ako Kay Cold, ang dami ng dugo ang dumaloy mula sa kamay niya.

Anyare ba kasi dyan?

"I'll accompany him to the clinic. You can go by yourself fire mage"

Tumango lang ako kay Ice. Kaya ko pa din namang gamitin ang special ability ko eh saka mas kailangan niyang isama si Cold.

Umalis naman agad sila at sumunod na din ako pero bago 'yon, may nakita akong kumikinang sa lupa dahil sa maliwanag na buwan.

I-isang bato? Kanino 'to?

Nag flash naman sa isip ko ang itsura ng babaeng tumulong sa'min. May nakatakip sa mukha niya at may mga batong nakadisensyo sa takip no'n.

Tama! Sa kanya 'to. Simula ngayon, tatawagin ko siyang 'Luna' at alam niyo na kung bakit.

Makikita ko pa kaya siya? Sana sa susunod, magpakilala na siya.

Itinago ko ang bato sa aking bulsa at umalis na. May mga kunting sugat din ako kaya kailangan ko itong gamutin.

Napagod din ako do'n ah! Akala ko matatalo kami kanina buti na lang talaga at dumating siya.

Thanks to her!

-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro